Celestine's POV
Dapat talaga sa kwarto na ako dumiretso kanina para hindi ko na narinig yung kabuohan ng kwentuhan nila. Bakit ba kasi napunta sa love life ang topic nila tapos kung mag kwento si Seb, para bang komportable lang siya at para bang nakalimutan na niya lahat ng ginawa niya sa akin noon at pati na rin yung nakaraang buwan lang.
"Tin," inabot niya ang kamay niya sa akin para mag patulong na tanggalin ang nakabalot na benda dito, umalis kasi agad sila Mang Teban dahil nakawala raw ang mga alagang kambing nila kaya kaming dalawa na lang ang nandito at wala akong choice kundi ang tulungan siya.
"May masakit ba sa'yo?" tanong niya na nag patigil sa ginagawa ko. Nilingon ko siya saka umiling, "Alam ko na dahil sa kanina 'no? Ayaw kasi akong tantanan ni Rocco sa kakatanong kaya para tumigil siya napilitan na akong mag kwento. Don't worry hindi ko naman sinabi yung nakaraan natin."
Kahit na nakatutok ang mga mata ko sa kamay niya nakikita ko pa rin na nakatitig siya sa akin habang nag kukwento pero patay malisya lang ako dahil ayaw ko na sanang makipag-usap sa kanya at baka mamaya kung saan na naman mapunta yung usapan namin.
"Saan ka pala nanggaling kanina, bakit late ka ng umuwi?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Kung makapag tanong 'to akala mo naman close na kami ulit! Feeling niya ba mag kaibigan kami? Tss!!!
"Teka galit ka ba sa akin? Bakit parang nakikipag usap ako sa hangin?"
"After thirty minutes pwede na ulit lagyan ng benda yung kamay mo—"
"Teka lang Tin, saan ka pupunta?" hinila pa nito ang kamay ko ng akmang tatayo na ako, "Sa kwarto, mag papahinga muna ako. Don't worry lalabas din ako kapag ibabalot na ulit yang kamay mo!"
Bumuntong hininga siya saka marahan akong hinila pabalik sa kina-uupuan ko. "Dito ka na lang, promise hindi na ako mag-iingay." Hindi man seryoso ang reaksyon ng mukha niya ramdam ko naman sa boses niya ang sinseridad. Hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko kung bakit ko sinunod ang utos niya, para bang bigla na lang nanlambot ang mga tuhod ko at kusa na lang bumagsak ang katawan ko sa upuan.
Bahagyang nabalot ng katahimikan ang buong bahay hanggang sa nag salita na naman siya. "Oo nga pala mag to-tour sana ako bukas kaso lang..." tinaas nito ang kamay niya saka ngumuso na para bang nangongonsensya, "Oh anong gusto mong gawin ko?" walang ganang sagot ko naman.
"Samahan mo ako mag tour—"
"No!" Mabilis na sagot ko.
Kita ko naman sa mga mata niya ang pakiki-usap pero agad ding nawala iyon ng tignan niya ako na seryosong nakatingin naman sa harapan ko.
"Sayang naman yung pag babakasyon ko kung matagal akong naka tengga dito sa Villa, lumalakad ang oras kaya baka hindi ko mamalayan na babalik na pala ako ng Manila at saka hindi ka ba naaawa sa akin—"
"Hindi!" Bulalas ko!
Tumagilid ito paharap sa akin pero hindi ako nag pa apekto at nantili lang sa pwesto ko. "May tanong ako, bakit lagi kang umiiwas sa tingin ko? Alam mo ba ang sabi nila kapag daw hindi makatingin ang isang tao sa mata ng kaharap niya ibig sabihin guilty ito. Pero iba yung sitwasyon natin kaya nag tatakha talaga ako kung bakit lagi kang umiiwas sa mga mata ko."
Grabe, parang gusto ko na lang siyang hampasin ng unan dahil sa tanong niya, baka kasi sakaling maalaala niya yung mga bagay at dahilan kung bakit hindi ko siya kayang tignan ng matagalan ngayon.
"After we broke up ngayon na lang ulit kita nakita kaya siguro naman allowed ako na mag react ng ganito sa harap mo!" paliwanag ko habang diresto pa rin ang tingin sa harapan ko.
"Sa bagay may point ka naman, pero may isang linggo na rin naman tayong mag kasama dito kaya dapat medyo nakapag adjust ka na sa akin... sa sitwasyon natin ngayon."
Minsan talaga hindi ko makuha yung point ng mga sinasabi niya, o baka naman may gusto na naman siyang pag-usapan at ungkatin o di kaya palabasin kaya kung saan-saan na naman kami napupunta!
"So dahil wala akong choice kundi makita at makasama ka dito kaya dapat mabilis akong makapag adjust? Sorry ha kasi hindi mo ako katulad na madaling makalimot sa mga ginawa mong bagay!"
"Hindi ako madaling makalimot, madali lang akong mag adjust sa mga sitwasyon. Hindi mo ba kayang gawin 'yun kahit sa loob lang ng tatlong linggo?"
Paano naman kaya ako mag aadjust at anong kalaseng adjustment ba ang gagawin ko kung nakakasama ko ngayon ang lalaking na ka one night stand ko ex-boyfriend ko pa and unfortunately hindi ko alam kung nag ka amnesia ba siya o talagang parang balewala sa kanya ang ganoong bagay? Palibhasa kasi hindi na bago sa kanya ang makipag talik kaya hindi big deal sa kanya 'yun!
"Hindi! Ni ayaw nga kitang makita o makasama, tignan ka nga lang na iilang na ako. At tulad nga ng sabi mo mag kakaiba ang mga tao kaya mag kaiba tayo!"
Palagay ko mas lalong kukulo ang dugo ko kung mananatili pa akong kasama siya dito at kung ipag papatuloy pa namin yung walang kwentang usapan na 'to, kaya tumayo na ako para bumalik sa kwarto pero natigilan naman ako ng dahil sa sinabi niya na lalong nag pa init ng ulo ko!
"Remember when you kissed Mike."
Kung kanina hindi ko siya kayang tignan sa mga mata ngayon naman parang lumakas yung loob ko bigla nang dahil sa walang kwenta niyang sinabi!
"I didn't kissed him. He kissed me, kaya mag kaibang bagay 'yun!"
"Talaga ba—"
"Kung mag salita ka para bang nandoon ka nung mangyari 'yun. Para lang malinaw sa'yo and this is the last time na ipapaliwanag ko ang nangyari that time kaya makinig kang mabuti!
"Okay, I'm listening!" Mapang inis na tono ng boses niya.
"Hinila niya ako palapit sa kanya then he suddenly kissed me at agad ko siyang tinulak na kahit masyadong mahigpit yung pag kakahawak niya sa akin pinilit ko pa ring makawala sa kanya. Sinampal ko pa nga siya kasi nag pumilit na naman siyang yakapin at halikan ako!" Paliwanang ko.
Sa twing napag-uusapan ang about sa bagay na 'to lagi na lang bumabalik yung pakiramdam ko noon, para bang kahapon lang ito nangyari at hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa takot kapag naaalala ko ang pangyayaring 'yun!
"B-bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Kahit gusto ko siyang isumbong sa'yo hindi ko na nagawa kasi 'yun din yung araw na tinanong mo ako kung gusto ko nang makipag hiwalay sa'yo. Hindi mo alam kung ano yung naramdaman ko nung mga oras na 'yun kaya wala kang karapatan mag salita na para bang ako pa yung may kasalanan sa'yo!"
Hindi ko na siya nilingon pa at mabilis na akong lumakad papunta sa kwarto ko dahil any time babagsak na ang mga luha ko at ayaw kong makita niya na umiiyak ako, ayaw kong makita niya na apektado pa rin ako na sobra pa ring masakit para sa akin ang nangyari sa relasyon namin noon.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla naman niyang hawakan ang door knob, napalingon ako sa kanya at bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko kaya tumalikod din ako ka agad.
Hinawakan naman niya ang kanang kamay ko, "I'm sorry... Sorry kasi wala ako sa tabi mo nung kailangan mo ng tulong ko, sorry kasi hindi kita napagtanggol at na comfort nung kailangan mo, and I'm sorry kung binabalik ko na naman yung bagay na ayaw mo ng isipin—"
Marahas kong tinanggal ang kamay niya na mahigpit ang pag kakahawak sa akin at pilit naman na tinatanggal ang kanang kamay niya na kasalukuyang nakaharang sa door knob. Natigilan naman ako dahil hindi ko alam kung paano ko siya papaalisin sa pinto at kung paano ko tatanggalin ang kamay niya na hindi siya masasaktan.
Naiinis ako pero yung lagay pa rin ng kamay niya yung inaalala ko! Nakakabwisit ang sitwasyon na 'to!
"Believe me or not ang gusto ko lang ngayon ay maka bawi sa'yo, pero dahil hindi ko alam kung paano mas lalo ka tuloy hindi nagiging komportble sa akin at mas lalo ko lang yatang napapalala ang mga bagay na gusto ko sanang maayos—"
"Give me time Seb, hindi ko rin kasi alam kung paano ulit kita pakikisamahan, kung paano ako kikilos sa harap mo, kung paano kita kakausapin at kung paano tayo gagalaw na hindi iisipin yung nakaraan. Lahat ng mga bagay na pinag-aalala mo yaan din yung iniisip ko, kaya mas maganda siguro kung huwag nating pilitin ang mga bagay bagay kasi mas magiging komplikado lang at baka ma uwi pa sa mas malalang sitwasyon... and sana naiintindihan mo yung punto ko."
"Ayaw ko lang kasi na lumayo ka ulit sa akin, perfect time na sana ito para maayos ko yung mga bagay na nasira ko noon pero—"
"Pero wala naman akong ibang pupuntahan kaya hindi ka dapat mag-alala na lalayo ulit ako sa'yo."
"Pero limited lang din yung oras ko dito at sa loob ng isang buwan aalis na rin ako at babalik sa dati kong buhay at ayaw kong umalis dito na may pinag sisisihan."
Hindi ko na siya sinagot pa at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko. Ano bang ibig sabihin niya sa sinabi niyang pinag sisisihan? Pinag sisisihan niya bang lokohin ako noon o nag sisisi siya dahil hindi niya inayos yung bagay na nasira niya noon?
Gulong-gulo na yung isip ko sa mga nangyayari ngayon at para bang gusto ko na lang matulog para makalimutan ang mga bagay bagay pero paano naman ako dadalawin ng antok kung panay ang tulo ng luha mula sa mga mata ko.
Bumabalik kasi yung takot na naramdaman ko noon nung pinag tangkaan ako ni Mike, gustong gusto kong ikwento kay Seb, ang tungkol sa bagay na 'yun pero that time kasalukuyan ng hindi maganda yung lagay ng relasyon namin dahil sa mga nababalitaan ko na nakikipag date siya sa kung sino-sinong babae sa campus, pero kahit ganoon siya pa rin yung unang taong pumasok sa isip ko na pwede ko sanang takbuhan noong panahon na 'yun.
Sebastian's POV
Kahit na alam kong masama ang loob niya dahil sa mga sinabi ko kanina nakuha pa rin niyang lumabas ng kwarto para balutan ulit ng benda ang kamay ko. Sobra yung kaba ko habang kaharap siya, ni hindi ko nga alam kung saan ako titingin dahil hindi ko kayang makita na nasasaktan siya, na nasasaktan ko pa rin pala siya hanggang ngayon.
Lalong nag ti-trigger ang insomnia ko kapag marami akong iniisip kaya naman tanghali na naman akong nagising at hindi na naman nakasabay sa kanila na mag umagahan.
Ang gago mo kasi Seb, ang pangit mong dumiskarte!
@CedCor
SDM...
Ano kaya kung humingi ako ng tulong sa batang ito? Hindi naman siguro masamang manghingi ng tips or advice at baka may mas alam siyang mas mabisang strategy para mapalapit sa isang babae. Tama, mag titiwala na lang ako sa mga kabataan ngayon at gagamitin kung ano man ang ma su-suggest niya.
@SDM_Gallery
Bakit?
@CedCor
Ang ate kasi kausap ko sa video call kagabi tapos pansin ko na para bang namumula yung mga mata niya, malakas ang pakiramdam ko na umiyak siya at hindi siya okay. Gusto ko siyang i-comfort kaso lang malayo naman siya.
@SDM_Gallery
Paano bang comfort ang gusto mong gawin sa kanya? Kasi may gusto rin akong i-comfort na friend at hindi ko rin alam kung paano.
@CedCor
Madali lang naman mapasaya si ate, kasi ang gusto niya lang laging may nakikinig sa mga kwento niya at mas matutuwa pa 'yun kapag binibilan siya ng mga matatamis na pag kain, mahilig kasi sa chocolate at sweets si ate. Oo nga pala sino naman yung gusto mong i-comfort?
Parang si Tin lang rin pala ang ate niya na mahilig rin sa mga sweets, pero hindi ko na alam kung gusto pa rin kaya niya hanggang ngayon.
@SDM_Gallery
Malapit na kaibigan, down kasi siya ngayon. Tingin mo anong pwede kong gawin?
@CedCor
Kung babae yung friend mo tiyak ako na matatamis din na pagkain ang mag papasaya sa mood niya kasi ganyan ang ate ko plus lagi ka dapat na sa tabi niya. Laging sinasabi ng ate na ayaw niya sa makukulit na tao pero kabaligtaran ang bagay na 'yun lalo na kung malapit siya sa'yo. Pero kung lalaki naman ayain mo lang mag basketball o kaya mag laro ng mga online games ganyan lang din kasi ang mga kaibigan kong lalaki.
@SDM_Gallery
You mean... kailangan ko siyang ilabas?
@CedCor
Date?
@SDM_Gallery
Kind of? Pero yung hindi sana niya mahahalata. What do you think?
@CedCor
Pwede.
@SDM_Gallery
Kung kasama mo ang ate mo ngayon ano ang gagawin mo para sumaya siya?
@CedCor
Lalabas kami at puputa sa café na may masasarap na mga cake at iba't ibang pastries tapos tatambay kami sa may magandang view at makikinig ng mga song ni IU, favourite Korean singer kasi niya 'yun tapos habang nag mumunimuni bibilan ko siya ng favourite niyang mango shake.
Mango shake?
@CedCor
Nililigawan mo ba yung babaeng i-co-comfort mo?
@SDM_Gallery
Mahabang kwento. Next time na lang natin pag-usapan.
@CedCor
Sige, goodluck sa panunuyo mo, haha. Kahit kasi hindi mo sabihin halatang kini-comfort mo siya dahil may nagawa ka sa kanya. At halatang babae Yung friend mo kasi hindi ka naman mag eeffort na mag tanong pa sa ibang tao kung hindi siya babae at kung hindi siya mahalaga sa'yo!
@SDM_Gallery
Ang daming Alam! Mag-aral ka na ulit. Salamat sa idea!
Lakas talaga ng radar ng batang 'to, pero thankful ako at sa twing kailangan ko ng makakausap lagi na lang natataon na nag me-message siya sa akin.
Mabilis akong naligo at pagkatapos hinanap ko naman ang Korean singer na sinabi niya at sinubukan kong makinig sa mga kanta niya. Wala akong maintindihan sa mga salita niya pero yung tono ng kanta nakakarelax nga at maganda din yung boses ng singer.
Habang nag do-download ng kanta nag hanap naman ako ng mga café na malapit dito sa Villa.
Hindi ako sigurado kung kaparehas lang ng ate niya ang ibang babae pero wala namang mawawala kung susubukan ko yung mga bagay na nakakapag pasaya sa ate niya, baka sakaling tumalab din 'to kay Tin, total parehas naman silang babae.
Sana lang talaga umepekto sa kanya.
Lumabas ako ng kwrato at laking gulat ko ng nadatnan ko si Tin, kasama ang dalawang bata na nunuod ng Korean drama sa sala. Alam kong naramdaman nila ang presensya ko pero tanging ang dalawang bata lang ang nakuha akong lingunin at ngitian, si Tin tahimik lang at halatang naka concentrate sa pinanunuod niya.
Mag sasalita sana ako pero biglang sumenyas sa akin si Rizza na may kahalong pag iling pa, kaya hindi ko na tinuloy ang balak ko.
Pumunta ako sa kusina at as usual may naka tabi ng pananghalian para sa akin. Habang kumakain sinabayan ko na ng pag hahanap pa ng mga kanta ni IU na sana magustuhan ni Tin. Natigil lang ako sa ginagawa ko ng biglang pag angat ko ng tingin na sa tabi ko na pala si Rocco at kanina pa pala niya ako pinag mamasdan pati na ang ginagawa kong pag hahanap sa cellphone ko.
Alam kong napalapit na ako sa mga batang ito kaya hindi naman siguro nila ako tatanggihan kung may hihilingin man ako o ipag uutos sa kanila. Silang dalawa na lang ang nakikita kong daan para makuha ko ulit ang loob ni Tin.
Bumalik na kami sa sala ng matapos akong kumain at napaliwanag kay Rocco ang mga dapat niyang gawin at sabihin at sana lang talaga na gets niya lahat ng mga sinabi ko, ang lahat ng plano namin.
Umupo ako sa right side kung na saan ang isang couch habang si Rocco naman na upo sa tabi ni Tin, hinaplos pa ni Tin ang ulo nito ng maka upo si Rocco sa tabi niya, pero hindi man lang niya ako nagawang tapunan ng tingin kahit na sabay lang naman kami ni Rocco na dumating. Nag kunwari na lang ako na nakikinuod din ng Korean drama na kanina pa raw nila pinapanuod.
Sumang ayon agad sa akin si Rocco ng sabihin ko sa kanya ang plano ko, kanina pa raw kasi siya nababagot dito sa bahay at wala naman siyang magawa dahil busy raw ang dalawa niyang ate sa panunuod ng Korean drama.
Bakit nga ba halos lahat ng babaeng kilala ko adik sa panunuod ng mga Korean drama, bukod sa magagandang mukha ano pa kaya ang nagustuhan nila, eh samantalang nakakapagod ang mag basa ng subtitle kesa sa makikinig lang sa mga lengguwahe na alam mo.
"Ate pwede ba tayong lumabas mamaya pagka tapos ng pinapanuod niyo?"
Sinisimulan na ni Rocco ang mga plano namin and I hope makuha ng charm niya ang atensyon ni Tin.
Sandaling nilingon siya ni Tin pero nag balik rin ng tingin sa TV, "Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya habang nakatuon ang atensyon sa pinanunuod.
Nilingon ako ni Rocco na may mapanuksong ngiti kaya naman sinamaan ko ito ng tingin at sinenyas na mag patuloy na lang muna siya sa ginagawa niya. Mahirap na madaling ka konstaba ang mga bata dahil isang maling galaw lang nila mahuhuli na agad ang mga plano namin, madali naman dahil konting pang aakit mo lang ng pag kain at kung ano-anong bagay mabilis na silang susunod sa inuutos mo!
"Ikaw kuya Seb, saan mo gustong pumunta?"
"H-ha? Wala kasi akong alam na pwedeng puntahan kasi Island Hoping ang mga na sa list ko. Kayo na ang bahala." Sana lang smooth ang pag arte ko!
Muli na namang ngumiti at may halo pang pag kindat si Rocco, buti na lang talaga abala yung dalawa sa pag babasa ng subtitle kundi kanina pa kami nabuking.
"Ikaw Rizza may gusto ka bang puntahan?" tanong ni Tin, habang nakatuon ang atensyon sa TV, sumagot naman si Rizza na hindi nililingon si Tin, kami naman ni Rocco silang dalawa ang pinapanuod.
"Baka po gustong akyatin ni Kuya Seb ang Mt. Tapyas, sakto rin po kasi dahil mag aalas tres na rin."
"Sige, tapusin lang natin ang episode na 'to."
"Yes!" Sigaw ni Rocco na napatayo pa sa kina-uupuan niya. Parang gusto ko rin siyang samahang mag diwang pero mamaya na lang kapag natapos yung plano namin.
Bago namin akyatin ang Mt. Tapyas, dumaan muna kami sa Pedro's Gelato at tulad ng na sa plano si Rocco ang mag susugest ng mga gusto kong gawin at ako naman yung lagi lang naka ayon sa mga sasabihin niya.
Maraming iba't ibang flavour ang available ngayon at lahat sila talaga namang masasarap. Feeling ko tuloy ako ang makakarami ng pag kain imbis na para kay Tin ang lakad namin ngayon. Sa pag kakatanda ko favourite niya ang Mango, pero susundin ko ang suggestion ni CedCor kaya Mint Chocolate ang inorder ko para sa kanya at Strawberry cheese naman ang sa akin, Nutella at Blueberry cheese naman para sa dalawang bata.
Hindi na nag dalawang isip si Tin, ng sabihin kong ako na ang mag babayad at agad na nag punta sa uupuan namin. Alam ko naman na ayaw niyang nililibre siya pero dahil medyo iwas pa siya sa akin kaya naman hindi na niya pinilit pa para hindi na humaba ang usapan. Mabuti na lang din dahil nag karoon ako ng oras para kausapin yung mga tao dito para i-play ang mga kanta ni IU.
Tahimik at mabagal ang pagkain niya pero ng mag simula ng tumugtog ang isa sa mga kanta ni IU na Through the Night unti-unti ng nag liliwanag ang mukha niya at ngumingiti na rin siya kahit pakonti lang.
"Uy, ate si IU!" Nag ngitian silang dalawa ni Rizza na mukhang paborito rin si IU.
"First time yata silang mag pa tugtog ng kpop song dito?" napa hinto pa si Rizza at saka tumingin sa mga tao sa counter,
"Ang lakas talaga ng impluwensya ng mga kpop idol." Muling sabi niya ng mag balik siya ng tingin sa kinakaing ice cream.
"'Di ba actress din siya." Nang dahil sa sinabi ko nakuha akong lingunin ni Tin, pero sandali lang dahil napatingin din agad ako sa kanya.
Hindi pa rin talaga siya komportable.
After mag ice cream nag sabi ang mga bata na mag lakad na lang papunta sa Mt. Tapyas, nilamig daw kasi sila dahil sa dami ng nakain nila.
Habang nag lalakad kinukwentuhan nila ako at aaminin kong medyo naaliw ako sa way ng pag kukwento nila kaya bahagyang nawala sa isip ko ang plano ko para kay Tin, at ng lumingon ako sa kaliwa't kanan ko wala si Tin, 'yun pala hindi na namin siya kasabay at na sa likuran namin.
Mukhang wala siya sa mood dahil yata kasama ako?
Binagalan ko ang pag lalakad para maabutan niya ako at ng pantay na kami casual ko lang siyang kinausap at hindi tulad ng dati na para bang mag kaibigan kami kung itrato at mag salita sa kanya. Palpak kasi ang ganoong way ko kaya naman baka mas umepekto ang ganito.
Ito na yung panahon para alalahanin ko yung sakit na naparamdam ko sa kanya noon. Dapat mag ingat ako sa bawat galaw at salitang bibitwan ko. Hindi ko alam kung paano pakitunguhan ang nakarelasyon ko dati dahil siya lang naman ang sineryoso ko talaga kaya wala akong kahit anong idea kung paano ko ihahandle yung sitwasyon namin ngayon, mabuti na lang talaga at kasama namin sila Rizza at Rocco at kahit papaano alam kong hindi siya gaanong ma iilang sa akin.
"Ilang beses ka ng naka akyat sa Mt. Tapyas?" tanong ko.
"Hindi ko na matandaan pero parang wala pa namang sampung beses."
"Sa bagay mas nakaka excite nga naman ang mag Island Hoping kesa ang mahabang lakaran."
Tumango tango lang siya at tumahimik ulit.
Ilang minuto lang narating na namin ang paanan ng Mt. Tapyas. Masayang hinila ako ni Rocco pa akyat at nag simula na rin siyang mag kwento tungkol dito. Naka ilang hakbang na kami ng mapansing hindi na pala namin kasama sila Tin at Rizza.
Agad kaming bumaba at pinuntahan kung saan sila na ka upo. Pag lapit namin sa kanila inaalalayan na ni Rizza si Tin, at hawak naman ni Tin ang ulo niya, "Anong nangyari?" tanong ko habang nakatitig lang kay Tin.
"Bigla po kasing nahilo si Ate Tin—"
"Okay lang ako, hihintayin ko na lang kayo dito." mahinang sagot niya.
Ayaw ko naman na iwan siyang ganyan ang lagay kaya napag desisyunan na lang namin na ipag paliban na lang muna ang pag akyat at manatili na lang muna dito kung saan kasalukuyang nag papahinga si Tin hanggang sa bumuti ang pakiramdam niya.
Kahit hindi ko na bilinin ang dalawang bata mukhang hindi naman nila iiwan ang ate Tin nila kaya Iniwan ko muna sila sandali para bumili ng ma iinom.
Binuksan ko ang isang bottle ng mineral water at iniabot kay Tin, kita ko sa mukha niya na kahit hindi siya okay, eh hesitant pa rin siyang tanggapin ang bagay na galing sa akin kaya naman kinuha ko ang kamay niya para ipahawak ito para hindi na siya gumawa ng paraan para tanggihan ako.
Inaya kami ng dalawang bata kung na saan ang waiting place ng mga turista na mag I-island Hoping. Naupo si Tin, sa bench na nakaharap sa mga Bangka na nag sisidatingan habang ang dalawang bata naman abala sa pag kuha ng iba't ibang litrato gamit ang camera ko. Dahan dahan naman akong umupo sa kabilang dulo ng bench, nalingon ng konti si Tin ng maramdaman ang presensya ko pero binalik din agad ang tingin sa magandang tanawin sa harapan namin.
"Baka masira ng mga bata yung camera mo, mukhang may kamahalan pa naman 'yun."
"Don't worry napaliwanag ko naman sa kanila kung paano 'yun gamitin at saka iba na ang mga kabataan ngayon lalo na pagdating sa technology, mabilis silang matuto kaya 'wag kang mag-alala alam naman nilang ingatan yung camera ko." Sagot ko habang nakatitig din kung saan nakatingin si Tin.
Mukhang mag-uusap yata kami ng hindi man lang nililingon ang isa't isa pero kung ito yung way para maging komportable siya at humaba ang usapan namin, eh ayos lang kahit pa mahirap para sa akin. Mas sanay kasi akong tinitignan ang reaction at ang galaw ng mata ng kausap ko dahil 'yun ang nakasanayan ko simula bata.
"Mukhang napapadalas yung pag kahilo mo? Ayos ka lang ba talaga?" tanong ko.
Tumango siya, "Ewan, pagod lang siguro?" sagot niya habang nilalaro ang plastic na nakalagay sa bottled water na hawak niya, "Because I caused you too much stress?" tumingin siya sa akin saka bahagyang natawa. Ngayon ko lang yata nakita yung ganitong tawa ni Tin, yung hindi pilit at parang na sorpresa din siya sa naging reaction niya kaya bumalik din siya sa pagiging seryoso.
Nag babago man ang mga tao dahil sa pag lipas ng panahon pero may mga ugali at kilos pa rin sila na nananatiling taglay nila at doon ako kokonekta para mapalapit ulit sa kanya.