Celestine's POV
Hindi ko alam kung bumabawi ba siya sa akin dahil sa nangyari kagabi o dahil sa hinihingi kong oras sa kanya? Sana lang talaga kahit hindi ko sabihin sa kanya ng direkta sana gets na niya na hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon na sana huwag naman siyang maging insensitive kahit ngayon lang.
Pero mukha namang effective yung plano niya kasi nakuha pa niyang konstabahin si Rocco para lang gumaan yung mood sa pagitan naming dalawa. Habang tutok kami sa panunuod ng Kdrama ni Rizza kanina hindi ko naman mapigilan yung sarili ko na mapansin ang presensya niya at nang dahil doon kahit pa binabasa ko yung subtitle ng drama, eh hindi naman naiintindihan ng utak ko kaya parang useless yung episode kanina.
Habang tumatagal parang nakikita ko ulit yung Sebastian na kilala ko noon. Kahit hindi ko sabihin parang natatandaan pa rin niya yung mga paborito ko lalo na yung Mango shake. Simula bata pa lang paborito ko na 'to pero hindi ko mapaliwanag kung bakit hindi ko siya gusto ngayon kaya naman pinapalitan ko na lang ng iba. Ewan ko ba king bakit ko nagustuhan 'to may gayuma yata yung Ube Shake ni Chari kaya hanggang ngayon humaling na humaling ako sa flavour na 'to.
"Hindi mo na ba gusto yung Mango flavour ngayon?"
Bigla akong napahinto sa pag inom. Bakit kailangan niya pang itanong ang bagay na 'yun, hindi ba siya aware na may iba kaming kasama at mga bata pa 'to kaya mas mag tatakha sila sa tanong niya.
"Alam niyo po yung paborito ni Ate Tin?" tanong ni Rizza, na ngayon ay panigurado akong marami ng nag lalarong mga tanong sa isipan niya.
Pero mukhang sanay naman si Seb sa mga ganitong bagay, yung caught in act na pero kaya pa ring lumusot at mukhang na paniwala naman niya ang dalawang bata sa dahilan niya. "Ah, nakwento kasi ng kuya niya noong isang araw... kausap kasi namin siya sa phone, 'di ba Tin?" Tinaasan pa ako nito ng kilay para siguro sumang ayon ako sa sinabi niya at mag mukhang totoo yung palusot niya. Idadamay pa talaga ako nito sa pag gawa ng kwento. Hindi pa rin talaga nag babago magaling pa rin mag sinungaling hanggang ngayon!
"Sayang akala pa naman namin close na kayo ni Ate Tin!" Nakangising sagot ni Rocco, ngumiti at tumango naman si Seb. Napapailing na lang ako sa isip ko, akala siguro niya wala akong kaalam-alam sa plano nilang dalawa.
"Next time sa restaurant naman tayo mag food trip."
"Sige ba kuya basta libre mo ulit ha? Punta tayo sa Aldrove, sikat kasi dito 'yun—"
"Ano ka ba Rocco, mahal ang mga pag kain doon nakakahiya kay Kuya Seb."
Kung ibang tao ang makakakita sa kanila baka akalain pa nila na mag kakapatid ang tatlong ito, kung mag usap kasi sila para bang matagal na silang close kahit pa wala pang isang buwan nilang kilala si Seb. Sa pag kakaalam ko hindi naman mabilis makuha ang loob ng dalawang ito pero bakit kaya pag kasama nila si Seb, eh para bang ang tagal na nilang mag kakakilala. Malapit na yata niyang daigin yung closeness namin.
1 message from messenger
Cedrick L Cortez
Ate na sa Villa ka ba? Okay ka na ba?
Nag-iisip na ako ng idadahilan kay Cedrick, nang bigla namang mawala ako sa konsentrasyon dahil sa ingay na nanggagaling sa plato ni Seb, bahagya ko siyang tinignan pero dahil sa ginagawa niya kaya ako nag tagal. Hindi sa natutuwa akong panuorin siyang nahihirapang mag hiwa pero hindi ko itatanggi na natatawa ako sa ginagawa niya, kung titignan kasi siya seryoso at determinado siyang mahiwa yung Chicken sa plato niya pero kulang pa rin ang effort niya.
Yuon bang binigay mo na ang lahat pero hindi pa rin sapat. Bago pa kung saan-saan mapunta yung imahinasyon ko tinigilan ko na munang mag-isip at baka ma pa emote pa ako dito ng wala sa oras!
Ang weird pero hindi ko naman mapigilang panuorin siya.
Celestine L Cortez
Opo Kuya Ced.
Cedrick L Cortez
Sure ka? Tatawagan ko si Rizza papadala ako ng mga sweets para sure na okay ka.
Celestine L Cortez
Naku, 'wag na. Okay na okay na ako. Idadahilan mo pa ako para lang maka-usap si Rizza, para-paraan...
Cedrick L Cortez
Haha, patawa ka ate! Gusto mo ba punta kami ni Mama dyan?
Jusko, 'wag niyo nang tangkain at madadagdagan lang ang sakit ng ulo ko.
Celestine L Cortez
Huwag na okay nga lang ako. if I know si Rizza ang gusto mong makita at hindi ako! Hmp!
Cedrick L Cortez
Patawa ka talaga ate, baka naman kaya ayaw mo kasi kasama mo na si future bayaw? Ayiee si ate lumalove life na ulit.
Hindi future kundi Ex!
Celestine L Cortez
Baliw! Walang ganon, gusto lang mag unwind ng ate mo kasi alam ko naman pag-uwi ko ng Manila puro kakulitan mo ang sasalubong sa akin kaya kailangan kong mag recharge dito.
Cedrick L Cortez
Okay sabi mo eh. Basta mag enjoy ka dyan ate, minsan puso rin 'wag puro isip. For the mean time just go with the flow. Love you ate!
Hindi kaya na kwento ni Rizza sa kanya na si Seb, yung kasama ko sa Villa ngayon kaya ganito na lang mag salita 'tong kapatid ko. Mababaliw na yata ako kakaisip, imbis na ma relax ako dito parang mas malala pa ito noong una akong nag work abroad.
"Kuya Seb, nanlalaban ba yung manok?" tatawa tawang tanong ni Rocco habang may nakasubo ring hita ng manok sa bibig niya, halatado namang nahihirapan si Seb kahit na nakangiti rin ito kay Rocco.
"Kuya gusto mo himayin ko na para hindi ka mahirapan—"
"Ikaw nga hindi maayos ang pag kain tapos tutulungan mo pa si Kuya Seb—"
"Ikaw naman parang stick ng bbq!"
Bago pa man din mag karoon ng malalang away ang dalawang 'to ako na ang kumuha ng plato ni Seb para hiwain ang pag kain niya at pag katapos mabilis ko rin itong binalik sa kanya na hindi man lang siya tinitignan.
Parang wala naman akong naramdaman na kahit konting hiya o kung ano man nung kunin ko mula sa harapan niya ang plato niya pero nang ibalik ko na ito hindi ko maintindihan yung sarili ko na para bang pakiramdam ko gusto ko na lang kainin ng lupa. Mas nakakailang pala kapag tumititig lang siya kesa sa patingin tingin siya habang nag sasalita ako.
Pakiramdam ko nag mumukha akong ewan sa twing tititigan niya ako. Kainis!
Gusto pa sana ng mga bata na mag lakad lakad pero tumanggi naman si Seb, dahil pasado alas siete na rin ng gabi at kung mag lalakad pa kami baka abutin kami ng alas dies ng gabi sa kalsada dahil sa sobrang kalikutan ni Rocco. Humirit pa nga ito sa kanya na next time kailangang bumawi ni Seb sa kanila at agad naman siyang pumayag sa request ng bata.
Nag tricycle na lang kami pa uwi dahil hassle pa kung mag papasundo kami sa driver ng transient. Mabuti na lang at hindi katulad ng ibang trycycle ang gamit sa transportation dito sa amin na maliit at halos maging sardinas na ang tao sa loob. Sumakay kami ni Rizza sa likod ng driver dahil may upuan doon na pang dalawang tao at sa likuran naman namin sila Seb at Rocco.
Nauna na akong pumasok sa loob dahil na lowbat ang cellphone ko at kailangan ko ng baterya dahil may video conference kami nila Wax at Vicki, hindi na pumasok pa ang dalawang bata at nag hintay na lang sa pintuan. Pag labas ko ng kwarto sakto namang nakasalubong ko si Seb, at nag paalam siya sa akin na ihahatid niya raw ang mga bata sa bahay nila kaya i-lock ko raw ang mga pintuan dahil may dala naman siyang susi.
"Thank you, pala," Pahabol ko bago siya tuluyang tumalikod. Naningkit naman ang mata nito na tila ba nag-iisip kung bakit, "Dahil sa food?" nag tatakhang tanong niya, "Nope, dahil nakinig ka sa sinabi ko kagabi," ngumiti siya saka tumango tango, "Ah, don't worry iiwasan ko ng pasakitin ang ulo mo and I hope maging okay tayo kahit sa susunod na tatlong linggo lang," ngumiti rin ako sa kanya pero hindi pilit o konti kundi ngiting nag papasalamat, "Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang makisama sa nangyayari ngayon para sa ikakatahimik ng buhay ko, I mean nating dalawa." Kumindat ito saka nag paalam ng aalis.
Habang kausap ko si Seb kagabi marami akong narealize at isa na roon ang huwag masyadong pahirapan at i-pressure ang sarili ko sa mga nangyayari ngayon dahil sa huli ako rin ang mag susuffer nito. Baka nga may dahilan kung bakit kami nag kita ulit o baka sinusubukan lang ng Dyos kung gaano na ba ako kakatatag ngayon, hindi ko man alam yung sagot ngayon pero mag titiwala na lang ako sa nangyayari sa amin and I hope maging okay yung kalabasan nito.
Mabilis lang ang naging kwentuhan namin nila Wax at Vicki dahil na rin sa hina ng internet connection ko at dahil ang dami na rin nilang tanong sa akin. Na kwento ko kasi sa kanila na mag kasama kami ni Seb, ngayon dito sa bahay pero hanggang doon na lang muna dahil tinatadtad na nila ako ng mga tanong kaya mabuti na lang rin na mahina ang signal dito at yuon ang naging dahilan ko para maka escape sa pag-uusap namin.
Aware din naman kasi ako na any time dadating na si Seb at baka mamaya ma dala ako sa pag kukwento at hindi ko na pala namamalayan na malakas na ang boses ko at mahirap na baka kung ano pa ang isipin niya.
Sebastian's POV
Habang nag lalakad pa uwi sa bahay ng dalawang batang kasama ko nag lalaro naman sa isipan ko kung bakit parang nag bago yata yung awra ni Tin at para bang sa dating ng mga sinabi niya sa akin, eh para bang pakiramdam ko tinatanggal na niya yung malaking wall sa pagitan naming dalawa. Pero baka feeling ko lang 'yun dahil nga sa maayos naman ang kilos ko kanina habang kasama siya.
Yung mala tigreng awra niya noong una kaming nag kita dito tila ba napalitan ng maamong pusa.
"Kuya Seb, sabihin mo oo," napahinto ako ng biglang mag salita si Rocco, kaya huminto rin silang dalawa at nag tinginan na para bang may pinaplanong kakaiba dahil medyo pilyo pa ang mga ngiti nilang dalawa.
"Bakit, muna?" tanong ko habang naka harap sa kanila at naka halukipkip ang mga kamay.
Tumawa muna silang dalawa bago mag salita kaya medyo napa kunot ang noo ko, "Basta, Kuya Seb hindi mo naman po ikakapahamak ang hihingin namin sa'yo kaya pumayag ka na po. Please..." Naniniwala naman ako dahil si Rizza na ang nakiki-usap kaya alam kong seryoso at hindi kalokohan ang bagay na hinihingi nila.
"Sige, basta hindi kalokohan 'yan 'ha?"
"Promise hindi po," tinaas nilang dalawa ang kanang kamay nila na para bang nanunumpa kaya pinag bigyan ko na sila sa hinihingi nila, "Oo!" mariing sagot ko.
"Yes!" nag apir pa sila habang ako naguguluhan sa kung ano ba ang gusto nilang mangyari. Marunong na rin yatang mag trip ang mga batang ito?
"Kasali ka na sa Team Surprise kaya bawal na mag back-out at lahat ng gagawin namin ay gagawin mo rin—" Nanlaki ang mata ko at para bang natigilan ako sa mga sinabi nila, "Teka nga nire-recruit niyo ba ako sa organization niyo?" takhang tanong ko. Tapos tanging pag tawa lang ang sinagot nila sa akin at patakbo ng nag lakad papasok sa bahay nila. Nakita naman ako ni Mang Teban kaya inaya na niya ako sa loob ng bahay nila at doon ko nalaman kung tungkol saan yung mga pinag sasasabi ng mga batang 'to.
"Malapit na kasi ang kaarawan ni Tin, at bukod sa request ng kapatid at Mama niya na samahan namin siyang mag celebrate sa ka dahilangang hindi nila masasamahan si Tin ngayon, kaya gagawa sana kami ng simple at maliit lang na salo-salo sa Biyernes at dahil kami lang namang apat ang nag paplano nito kaya medyo alangan kami dahil hindi naman namin alam kung ano at paano namin gagawin ang bagay na 'yun na magugustuhan ni Tin." Nanatili lamang akong nakatitig kay Mang Teban at nag aabang ng sunod niya pang sasabihin pero mukhang hesitant siya na abalahin ako dahil nga sa lagay ng kamay ko ngayon.
"Yung mga magagaang bagay lang naman ang baka pwede mong itulong dahil alam ko naman na masakit pa yang kamay mo at mahihirapan ka kung pupwersahin mo ang sarili mo kaya baka sa pag aayos ng lamesa at iba pang mga kailngan para mag mukhang party ang gagawin namin, sa tingin ko kaya mo naman ang bagay na 'yun."
Nag salita rin si Aling Ester na may bitbit ng mga tasa at kape, "Mukha kasing mag ka edad lang kayo ni Tin kaya baka parehas ang mga gusto niyong bagay at palagay ko makakatulong yuon ng malaki sa planong gagawin namin,"
"Ayos lang naman po sa akin na gawin ang mga bagay na 'yun at tumulong sa gagawing party para kay Tin, at kung may iba pa po akong maitutulong sabihan niyo lang po ako."
Ipag titimpla na sana ako ni Aling Ester ng kape pero tumanggi muna ako sa ngayon dahil pagod na rin ako at baka lalo lang makasama sa akin ang pag inom ng caffeine lalo na at gabi.
Mabuti na lang din at tinanggihan ko ang kape na ino-offer ni Aling Ester kagabi dahil hindi ako makakagising ng maaga kung ininom ko yuon.
Lahat sila na sa hapag kainan na pwera na lang sa amin ni Tin. Lumapit ako sa lamesa at tinulungan si Aling Ester na mag hain pero pina-upo naman ako nito agad dahil kaya na raw nila ang bagay na 'yun. Lumingon lingon ako sa paligid pero hindi ko mahanap si Tin. Umalis na kaya siya o baka tulog pa?
Mayamaya pa bumukas ang pintuan ni Tin at lumabas na ito at mukhang may lakad siya dahil obvious naman na hindi pambahay ang suot niya. Isa-isa niyang binati ang lahat ng madaanan niyang tao at laking gulat ko ng huminto siya sa harapan ko pero bitbit pa rin ang ngiti sa mga labi niya.
Is this real?
Ramdam ko na walang halong ka plastikan ng batiin niya ako at ngitian kaya naman para bang gumaan rin yung pakiramdam ko.
May sanib ba siya?
Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kanya habang kumakain kami dahil hindi rin nito inaalis ang ngiti at magandang awra niya ngayon. Nakapagtatakha talaga kung bakit ganito ang trato sa akin ni Tin ngayon?
Nanatili silang lahat sa hapag kainan hanggang sa maka-alis na si Tin. Sa kilos pa lang nila mukhang may pinalano na sila kasi sinilip pa nila kung nakalabas na talaga si Tin ng bahay bago sila mag-umpisang mag salita isa-isa.
Mabilis na nilinis nila Aling Ester at ang dalawang bata ang lamesa kung saan sa tingin ko, eh magaganap ang meeting regarding sa birthday party na pinaplano nila para kay Tin. Si Mang Teban naman muling tinignan ang kamay ko para siguraduhing bumubuti ang lagay nito.
Nag lista na sila ng mga bibilhin at mga ilulutong mga pag kain pero ang problema lang hindi sila pamilyar sa mga gusto ni Tin at mukhang wala rin silang idea kung ano ang magiging theme ng party.
"Akala ko po ba simpleng celebration lang pero bakit kailangan pa ng theme?" tanong ko.
"Tumawag kasi ang Mama niya kagabi ng sakto namang pag-alis mo, at mag papadala raw siya ng pera para sa gagawin naming surprise birthday party kay Tin, kaya naisip namin na mas pagandahin at garbohan pa ang gagawing celebration dahil minsan lang naman mag birthday ang tao at may kakayanan namang gawing mas espesyal ang kaarawan niya kaya lulubos-lubusin na namin ito." Paliwanang ni Aling Ester. Tumango tango naman ako bilang sagot.
"Ang problema lang kasi hindi natin alam kung ano na ba ang mga gustong pag kain ni Ate Tin ngayon at yung mga ayaw niyang pag kain." Sabi ni Rizza.
"Tawagan kaya natin si Kuya Cedrick kasi di ba mas close sila ni Ate Tin kaya malamang alam niya yung mga gusto nito." Suhestyon naman ni Rocco.
Sinubukang tawagan ni Rizza si Cedrick pero hindi ito sumasagot malamang raw ay na sa klase ito o di kaya nakatulog pa kaya muli na naman silang nag palitan ng mga suggestion at opinion sa gagawing party, habang ako naman tahimik lang na nakikinig sa kanila. Nag mistulang audience ako ng pamilyang 'to.
"Kuya Seb, galaw galaw rin pag may time." Binangga pa ni Rocco ang braso niya sa braso ko saka pa tawa-tawa. Kabata bata pa lang marunong ng mangantyaw ang loko na 'to.
Actually kanina pa ako may naisip na idea para mas mukhang special ang party pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila dahil mahahalata nilang mag ka kilala pala kaming dalawa, at ayaw kong pag isipan nila ng kung ano ang gagawin ko para hindi lang mag mukhang special ang kaarawan niya kasi pag nag kataon mahaba habang usapan ang bagay na 'yun, kaya tipikal na mga theme ng birthday party ang mga sinuggest ko.
"Mag lagay na lang tayo ng mga decoration na katulad lang sa mga simple birthday party and—"
"Kuya Seb, dapat mas special pa doon bukod kasi sa paki-usap ng magulang niya, eh gusto rin naming mabigyan ng hindi niya makakalimutang party si Ate Tin. Extra special kunbaga. Kung alam mo lang kung gaano siya kabait at ka down to earth na tao, almost perfect na nga si Ate Tin at pwede na rin siyang ibilang sa mga santo dahil sa kabaitan niya." Paliwanag ni Rizza na agad namang sinang-ayunan ng pamilya niya.
Alam ko naman kung gaano kabait si Tin, at walang duda ang bagay na 'yun kaya nga mas na fall ako sa kanya dati dahil sa ugali niya. At habang bumabalik sa isipan ko 'yun parang lalo lang akong nagiging gago at masama dahil sa nagawa ko sa kanya noon.
Hindi niya deserve ang panlolokong ginawa ko pero mas hindi niya deserve na malagay sa alanganing sitwasyon.
Pagkatapos ng mahaba habang meeting nag paalam naman ako sa kanila na may pupuntahan lang na importante pero hindi agad ako naka-alis dahil na ngungulit si Rocco na sumama at doon kunin ang pinangako kong bayad sa kanya dahil doon sa naganap na kontsabahan naming dalawa.
Daig pa ang bumbay kung maningil ang batang ito.
Nangako kasi ako sa kanya na ipapagamit ang drone ko sa kanya once na successful ang plano namin kaya ito siya ngayon walang tigil sa kakakulit at hanggang dito sa loob ng kwarto ko nakuha pang sumunod. Sayang nga at umalis na ang magulang niya kung hindi malamang kanina pa siya binawal sa kakulitan niya.
Wala akong nagawa kundi palitan na lang muna ng iba ang na promise ko sa kanya at buti na lang pumayag siya at baka malaman pa ni Rizza ang sikreto namin dahil sa kadaldalan niya at malamang isusumbong ako nun sa Ate Tin niya.
Inaya ko silang bumalik sa Pedro's Gelato at kumain ng paborito ni Rocco, nag tatakha si Rizza sa kilos ni Rocco kaya nag tanong na ito at buti na lang naniwala siya sa palusot ko na natalo kasi ako sa pustahan naming dalawa at pag ka tapos hindi na siya nag tanong pa.
Isang oras at kalahati rin ang tinagal namin sa Ice cream shop at pag tapos nun pina-una ko na silang umuwi, nag aalangan pa nga sila dahil mas mabuti raw kung mag papahinga na lang muna ako sa bahay para mas mabilis gumaling ang kamay ko. Ang sweet nila doon pero mukhang dahil lang din sa pag pe-prepare namin sa birthday ni Tin, kaya inaalala nila ako.
"Huwag kayong mag-alala hindi ko naman tatakasan ang promise ko kaya chill lang kayo dyaan at importante talaga ang lalakarin ko ngayon. Siguradong makakatulong sa pag paplano natin." Kinindatan ko pa sila sabay hawak sa mga ulo nila. Hindi naman sila umimik pa at nginitian na lang rin ako. Mukhang nag tiwala naman sila sa sinabi ko.
Sana?