Sebastian’s POV
Alam kong malaki ang matutulong niya para sa gagawing surprise party kaya naman kahit once ko pa lang siya na meet at naka-usap susubukan kong humingi ng tips or kumuha ng ibang information about kay Tin, kahit pa hindi ako sigurado kung tutulungan niya ba talaga ako. May point kasi ang sinabi ni Rizza, na baka nga nag bago na ang mga gusto at ayaw niyang pag kain. But knowing Tin, hindi siya maarte o mapili sa pag kain may mga ayaw siya pero mangilan-ngilan lang ang mga ito.
Papalapit pa lang ako sa counter nakita ko nang nakangiti ang best friend niya na si Chari, ang may-ari ng resto bar na pinuntahan ko noong nakararang araw. Kita ko sa mukha niya ang pilyong ngiti na tila ba nag papahiwatig na alam niyang may kailangan ako sa kanya at hindi ko ito basta basta lang makukuha ng ganoong kadali.
Siguro dahil alam niyang ako yung ex ni Tin na nakatira ngayon kasama niya o baka dahil pinoprotektahan niya lang rin ang best friend niya dahil hindi pa naman niya ako talagang kilala. Kung ano man ang dahilan basta pabor sa safety ni Tin, eh ayos lang kahit mahirapan pa ako at least alam kong nag mamalasakit siya sa best friend niya.
“Oh, you’re back! Kakain or mag te-take-out ulit?” Masiglang tanong niya. Tahimik lang akong umupo sa stool chair na nakalagay sa harapan ng counter, “I need your help as a best friend of Tin,” Natulala ito at papikit pikit pa ang mga mata na tila ba hindi siya makapaniwala sa narinig niya, “And why? Why do I need to help you, eh kilala lang nama kita as Ex Boyfriend of Tin!” Diretso lang siyang nakatitig sa akin. Mukhang na misinterpret niya ang ibig kong sabihin.
“I’m not here to win her heart again, okay? Nandito ako kasi kailangan ko ng tulong mo dahil may plano ang pamilya ni Mang Teban na bigyan ng surprise birthday party si Tin at sinama nila ako sa pag paplano—“
“So? Never ka pa bang naka experience ng surprise at wala kang idea about party, pero sa itsura mo pa lang alam ko namang iba’t ibang party na ang na experience mo na—“
“Hey! ‘di mo pa ako kilala kaya stop being judgemental. Hindi ko na kasi alam kung ano-ano na yung gusto at ayaw ni Tin. Nandito ako para malaman ang mga bagay about sa kanya na alam ko namang ikaw ang mas nakakaalam. I want to know the new version of her.”
Napahinto siya at may tinignan sandali sa cellphone niya, nakita ko naman na dina-dial na naman nito ang name ni Tin sa screen ng phone niya kaya inagaw ko ito at mabilis na pinindot ang end call. “Ang hilig mo rin talaga sa surprise ‘no?!” medyo naiinis na yung tono ng boses ko pero siya naman natawa lang sa naging reaction ko, “Chill ka lang Mr. Ex kung gusto mong tulungan kita hayaan mo akong kausapin si Tin.”
Wala akong magagawa kahit pa hindi ako tiwala sa gagawin niya dahil siya lang talaga ang nag-iisang taong alam kong makakatulong sa akin kaya hinayaan ko na lang siya at binalik na ang cellphone niya.
Chari:
Hey, Tin where are you?
Tin:
As usual nandito sa transient.
Chari:
May gagawin ka ba sa Friday?
Tin:
Wala baka dito lang ulit sa transient, why ba?
Chari:
Why ka dyan, baka nakakalimutan mong +1 ka na sa Friday at we need to celebrate—
Tin:
Oo nga pala ‘no. Saan ba pwede?
Chari:
Ako na ang bahala basta you need to be here at lunch time. Okay?
Tin:
Yes po.
Chari:
Good. Advance Happy Birthday, I love you.
Tin:
I love you too.
Nakuha pa nitong dumila at pag taasan ako ng kilay after niya sabihan si Tin ng I love you. Iniinggit niya ba ako?
“Sa akin si Tin ng Lunch Time and sa inyo siya ng dinner, siguro naman enough na ‘yun para makapag prepare kayo for her surprise birthday party?”
Tumango ako bilang sagot, “Going back sa pinunta ko dito, so tell me kung ano yung bago kay Tin.”
“Nag mamadali ang peg? So tell me rin muna kung bakit kita kailangang tulungan bukod sa sinabi mong sinama ka sa pag paplano ng surprise na ‘to for Tin?”
Hindi nga ako nagka mali sa kutob ko, pahihirapan yata talaga muna ako nito bago ko makuha yung kailangan ko.
“Dahil ang alam nila close kami ng kapatid niyang si Carlo at kaibigan ko rin siya. Siguro naman bilang kaibigan pwede kong gawin ang bagay na ‘to?”
“Masyadong play safe ang sagot. May gusto ka pa ba sa best friend ko?”
Hindi ako aware na masyado pa lang pranka ang babaeng ‘to. Parang na blanko ako sa tanong niya, never ko inexpect na tataningin niya sa akin ang bagay na ‘yun lalo na’t pangalawang beses pa lang naman kaming nagkikita.
“Gusto kong bumawi sa kanya dahil sa nagawa ko noon, yuon lang!”
“Ag showbiz ng sagot mo besh! Pero sige sabi mo eh. Gusto ko lang naman klaro ang lahat at para alam ko kung ano lang ang bagay na pwede kong ishare sa’yo na about sa kanya!” Tumango tango lang ulit ako at hindi na lang nag salita pa at baka may masabi pa akong mali at pag hinalaan na naman niya ako.
“Aware ka naman siguro kung ano ang mga gustong food ni Tin?” Panimula niya.
“Yes, she loved sweets. Cakes, pastries, ice cream and everything na matatamis. Pero gusto niya pa rin ba ang mga yuon hanggang ngayon o may nadagdag pa sa mga list?”
“Meron, napansin ko na yung ayaw niyang ube shake before, eh gustong gusto na niya ngayon.” Oo nga pala ayaw niya sa color violet kasama na ang ube at favourite naman niya ang mango flavour.
“Wala namang nag bago kay Tin, bukod nga doon kaya kung natatandaan mo pa yung mga gusto niya noon, eh hindi ka mahihirapan. Pero suggestion lang kung mag hahanda kayo ng mga putaheng gusto niya much better rin siguro kung hahaluan niyo ng ibang taste, I mean iba pang mga food na alam niyo namang hindi niya masyadong kinakain o bihira nyang makain.” Dagdag pa nito.
Habang nag sasalita si Chari bigla naman akong na pa isip sa mga bagay na bihira niyang makain. Nag ka idea ako nang dahil doon, naalala ko yung time na nanunuod sila ng Korean Drama at ang tanging tumatak sa isip ko ay yung mga pagkain na nakita ko.
“What about a Korean food?” Suhestyon ko. Para namang nag liwanag ang mata nito dahil sa narinig niya, “Tin, will super duper love it. Well actually all the Kdrama addict or Fans will definetly love that idea, a Korean Food—“
Mukhang masyado na yata siyang nadadala ng imahinansyon niya about sa Korean food kaya naman muli akong nag tanong, “What about seafood, madalas ba siyang kumakain nun?”
“Hindi madalas pero kumakain din naman siya nun, lalo na yung mga King Crab, Prawn, Lobster, Shrimp—“
“Teka nga bakit parang ikaw na yata ang may gusto ng mga ‘yun? About kay Tin pa ba yung topic natin?”
Aba’t nakuha pa akong batukan ng babaeng ‘to dahil sa sinabi ko. Wait, close na ba kami?
“Patapusin mo kasi ako. Masarap ang mga ‘yun kung iluluto mo lang sa butter at garlic and isa pa pala na baka nakalimutan o hindi mo talaga alam ayaw ni Tin na masyadong inaartehan ang mga luto sa mga seafoods na nabanggit ko at butter and garlic lang ang gusto niyang halo ng mga ‘yun. But you can add cheese naman pero yuon lang!”
“Gusto niya ba ng mga grilled food?”
“Hoy Mr. Ex ni Tin, ililibre mo talaga ako after nito at dinedrain mo yung utak ko sa pag-iisip. Anyway mabalik tayo sa topic. She likes grilled fish at isa pang kinahihiligan niya na to the point na kailangan niya ng i-rehab dahil doon…” Nahinto siya at tinignan ang reaction ko pero bumalik na ulit siya sa pag kukwento ng bigyan ko siya ng nakaka asiwang reaksyon, “Sabi ko nga waley. Simula ng mag work siya sa New York nahiligan na nyang kumain ng grilled steak.”
Nang matapos na siyang mag salita sa akin naman niya tinuon ang tingin niya at sa pag kaka aninag ko sa kanya para bang magkahalong tawa at panunukso yung ekspresyon ng mukha niya, “Bakit?” tanong ko ng matapos akong mag type ng mga list ng food na sinabi niya sa cellphone ko.
“Determinadong maka bawi ang peg?” tumawa ito bago tumayo sa kina-uupuan niya at lumakad papunta sa loob ng kitchen. Umiling iling na lang ako at hindi na siya pinansin. Nag simula naman akong mag search ng mga pag kaing nabanggit niya at sa picture pa lang talaga namang matatakam ka na.
Parang nagutom tuloy ako.
“Try this para malaman mo kung bakit na aadik si Tin dyaan at kung meron nga ba talagang kakaiba sa Ube Shake namin kasi kung ako ang tatanungin parang wala naman.”
Tama naman si Chari sa sinabi niya, parang wala namang pinag kaiba sa mga ube shake na natitikman ko sa ibang restaurants and café, “Baka dahil ngayon niya lang natikman at bago sa panlasa niya kaya sobra siyang na aadik?” Nag taas lang siya ng dalawang kilay sabay balik sa pag-upo.
“If that the case mas maganda siguro kung Ube Cake ang bibilhin niyo—“
“Wait, baka naman hindi niya magustuhan kapag cake na ang pinag uusapan. What if strawberry or mango cake?”
“Pwede naman pero baka mas ma appreciate niya kung ube yung pipiliing cake kasi sobrang fan siya ngayon ng ube flavour. Pero suggestion lang naman ‘yun at kayo pa rin ang bahalang mag decide.”
Suggestion pero parang sa tono ng boses niya para bang sinasabi niya na yuon dapat ang bilhing cake at wala ng iba.
“How about the dessert?” muling tanong ko.
“Creepes with ice cream inside or fruits basta bahala ka ng diskartehan kasi isa rin ‘yan sa mga madalas niyang ipost recently sa IG account niya.” Agad akong nag hanap ng picture ng creepe sa internet at habang abala ako bumuntong hininga naman ito kaya napatingin ako sa kanya at na pa iling naman ito, “Are you sure na dahil lang sa gusto mong maka bawi kay Tin kaya mo ginagawa ang mga ‘to?” Sumagot naman ako agad, “Oo naman. Nothing more nothing less!” muli na naman itong umiling, “Sana lang mapanindigan mo hanggang dulo. At please lang huwag ka masyadong mag effort kasi nag e-exceed ka na sa pag hingi ng sorry at nag mumukhang… Alam mo na.”
Nag mumukhang alin?
Nag mumukha na ba akong desperado? O di kaya over acting o mukhang tanga?
“Sa tingin mo okay na ba ang lahat ng ‘to?” tanong ko.
“Yung totoo birthday party ba talaga o mukbang ang gagawin niyo? Balak mo yatang gawing patabaing baboy yung best friend ko dahil sa dami ng gusto mong ihanda! Kakaloka ka!”
“Para mas maraming choices ‘di ba?” sagot ko.
Natawa na lang ako bigla ng makita kung gaano karami na pala yung list sa notes ko. May point naman siya sa dami ba naman ng mga binaggit kong mga choices, eh mukhang hindi nga simple birthday party kundi mukbang nga yata ng mga iba’t ibang pag kain ang kalalabasan nito.
“Samgyupsal kaya—“
Hinarang nito ang palad niya malapit sa mukha ko kaya na hinto ako sa pag sasalita, “Utang na loob tigilan mo na ang pag su-susuggest at maski ako nag ke-crave na.” Umiling na lang ako sabay delete sa notes ko.
“One last thing, wala siyang paki kung paano at kung ano-ano yung ingredients sa mga pag kain dahil ang mas malaking concern niya talaga bukod sa lasa, eh yung photogenic na food. Sobrang hilig niya rin pa lang kumuha ng mga picture. Minsan talaga nag fe-feeling photographer si Tin, pero wala naman siyang interest doon dati. Ano sa tingin mo bakit kaya?” Muli na naman niyang hinarang ang palad niya sa mukha ko. “Huwag mo nang sagutin at baka humaba pa ang usapan natin. Marami pa akong gagawin at nag dadagsaan na yung mga tourist na galing ng Island Hopping kaya ikaw umuwi ka na rin at pag planuhan niyong mabuti yang surprise birthday party para sa best friend ko at kapag ‘yan pumalpak lagot ka sa akin!”
Alam ko na kung bakit naging best friend sila ni Tin, kasi parehas sila ng level ng kadaldalan para bang hindi na uubusan ng sasabihin.
“You owe me!” seryosong sabi niya habang nakatuon pa rin ako sa cellphone ko. Nag angat naman ako ng tingin at bigla kong naalala yung una naming conversation, “Remember noong una mo akong tinulungan ang sabi mo sasabihin mo sa akin yung reason kung bakit the next time na mag kita tayo. Pwede ko bang malaman yung rason mo?” Na pa kalumbaba siya at para bang nag-iisip, “Not now, ayokong mahaluan ng something yung pure intention mo kung bakit mo ‘to ginagawa kay Tin, let’s just say na live the moment first and ikaw na yung bahalang mag judge sa reason ko.”
Hindi ko alam kung ano yung pinupunto niya pero palagay ko may kinalaman sa relasyon namin ngayon ni Tin o naging relasyon noon. Pero kung ano man ‘yun hindi ko na lang ipipilit na alamin at baka nga ma ka affect ng malaki sa akin or kay Tin.
Bago ako umalis nag palitan kami ng cellphone number ni Chari para sa mas madaling communication kung may iba pa akong tanong or may kailangan akong i-consult sa kanya regarding Tin, and kung may maganda or new idea na mag po-pop-up sa isip ko. At para na rin sa mismong araw kung kailan gaganapin ang pinaplano naming lahat.
Well, I hope mag work at maging masaya si Tin sa special day niya.
Habang nag lalakad pa uwi abala naman akong nag se-search ng mga restaurant na sakaling pwede naming pag orderan ng mga na sa listahan ko at luckily meron naman at hindi rin ganoon kalayo sa Villa kaya hindi mahihirapan sa pag pick up or pag deliver. Ang kailangan ko na lang i-confirm ngayon kung availabale ang menu na oorderin namin sa araw ng birthday niya.
Pakiramdam ko na kompleto konna yung first mission which is yung about nga sa food. Preparation na lang ang kulang at decoration.
Pag balik ko ng Villa nadatnan ko nang nandoon sila Aling Ester at ang dalawang bata mukhang maaga silang nag hahanda para sa hapunan namin. Dumiretso naman ako sa kwarto after ko silang mabati.
Naligo ako saka mabilis na nag bihis at nahiga ng bahagya. Para kasing pagod na pagod yung buong katawan ko lalo na yung isip ko dahil sa pag-uusap namin ni Chari. Pero may napansin naman akong kakaiba na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o ikalulungkot, nagagalaw ko na yung kanang kamay ko at hindi na ganoon kalala yung pamamaga niya kaya sinubukan kong hawakan ang camera ko at umaktong kukuha sana ng litrato pero medyo nakaramdam ako ng sakit ng ma-i bend ko ito ng husto.
Akala ko talaga ayos na pero okay lang kasi baka magamit ko pang dahilan ang sprained ko para mas madalas na maka-usap si Tin at makasama.
Pag labas ko ng kwarto nakita ko namang kakadating lang ni Mang Teban at agad niya akong tinawag sa kusina. Nadatnan naman namin sila Aling Ester na may hawak na ng notebook at ballpen, mukhang nag lilista na sila ng mga ihahanda para sa biyernes.
“Pansit, Spaghetti, Lumpia, Bistek, Listong Manok at Listong Belly. Yaan ang mga iluluto namin sa biyernes, may gusto ka bang idagdag Seb?” tanong ni Aling Ester. Malaking ngiti naman ang binigay ko sa kanila dahil excited ako sa mga na sulat ko sa notes ko na pwedeng pwedeng idagdag sa mga putahe nila.
“Korean Food, Grilled fish and steak, Baked Mussels, Seafood platter and for the dessert naman we can have creepe and I think mas maganda kung strawberry yung flavour ng cake na bibilhin natin.”
Nawala ang malaki kong ngiti ng makita ang reaction nila pag ka tapos kong mag salita. Para bang naguguluhan at hindi yata sila makapaniwala sa mga pinag sasasabi ko. “Ma-may problema po ba?” tanong ko. Sabay sabay silang parang nabalik sa ulirat at pilit na ngumiti, “Wala naman Seb, ang kaso lang hindi kami pamilyar sa pag luluto ng mga nabanggit mo—“
“Don’t worry po Mang Teban we can—“
“You can cook po kuya?” putol ni Rizza sa sasabihin ko. Umiling ako saka nag patuloy, “We can order naman sa mga restaurant para hindi na tayo mapagod at mag aayos na lang ng table ang po-problemahin natin.” Paliwanag ko habang nakangiti pa rin.
“Pero Kuya balak kasi naming lutuin yung mga ihahanda kasi mas espesyal kung bibigyan ng malaking effort.” Sagot ni Rizza.
“Pero effort na yung pag pe-prepare at saka malaki yung matitipid nating oras kapag puro order yung food.” Paliwanag ko ulit.
“Naiinindihan ko yung punto mo Seb, pero dahil puro order at sa labas naman laging kumakain si Tin kaya lutong bahay sana ang gusto naming ipatikim sa kanya. Ayos lang ba sa’yo kung ikaw ang mag luluto ng mga sinabi mo… pero huwag kang mag alala dahil naka-alalay naman kami lalo na’t hindi pa magaling yung kanang kamay mo.” Paliwanag rin ni Mang Teban.
Para bang na blanko na naman yung isip ko dahil sa sinabi niya. Seryoso ba sila na sa dami ng gagawin namin talagang isisingit pa nilang mag luto ng pag kain. At kung gagawin namin ‘yun baka naman abutan kami ni Tin na nag hahanda dahil sa dami ng oras na ma co-consume namin dahil sa gusto nilang mangyari.
“Kuya Seb marunong ka po bang mag luto?” tanong ni Rocco.
Actually madali lang naman iluto ang mga nabanggit ko kung doon ko sa Sweet Lips gagawin ang lahat ng ‘yan, bukod kasi sa kompleto ang gamit meron pang may alam rin na mag aasisst sa akin kaya hindi ako mahihirapan. Pero ang gawin ang lahat ng ‘yun dito? Ewan ko kung kaya ko.
“O-oo?”
Binigyan ko sila ng alanganing sagot pero mukhang nag tiwala naman sila agad at nakuha pa nilang ngumiti at pumalakpak na para bang nag didiwang.
Seryoso ba sila?
“Kuya Seb, huwag mong alalahanin ang assistant dahil ako ang bahala sa’yo.” Tinanguan pa ako ni Rizza na para bang sinasabing mag tiwala ako sa kanya.
Hindi nag tagal dumating na si Tin at kanya kanya naman kami ng ayos ng pwesto. Hindi ko na masyadong pinag tuunan ng pansin ang kakaiba nilang kinilos ng makitang parating na si Tin, bagkus tinuon ko na lang ang atensyon ko sa sinulat kong list kanina sa cellphone ko.
Nag kamali yata ako ng suggestion?
“Oh bakit may pa buntong ng hininga?” nakangiting tanong ni Tin. Hindi ko na rin napansin na naka upo na pala siya sa tapat ko. Umiling lang ako saka ngumiti rin sabay baling ng tingin kina Aling Ester na kasalukuyang nag hahanda na ng mga pag kain.
Tulad ng dati may konting kwentuhan at tawanan habang nag hahapunan pero parang hindi ko ramdam ang mga ‘yun dahil hindi na maalis sa isip ko yung idea na para akong gumawa ng problema ko dahil lang sa naging suhestyon ko.
Mag aalas nuwebe na ng gabi ng mag paalam sila Mang Teban na uuwi na sa bahay nila.
Habang nakadapa sa kama patuloy pa rin ang pag se-search ko sa internet ng mga mas madaling lutuin na mga ihahanda sa birthday ni Tin. Sumasakit na ang ulo ko kaya binaba ko muna ang phone ko sa kama at umayos nang higa.
Ano bang trip nila at kailangan pang iluto? Hindi ko talaga maintindihan yung effort na sinasabi nila, hindi naman siguro mahahalata ni Tin na galing sa mga restaurant yung mga handa at mas pabor pa nga ‘yun kasi paniguradong masarap ang luto.
Hindi ko alam kung kaya ko pa ang mag luto, para kasing wala na akong tiwala sa panlasa ko lalo na’t ngayon na hindi pa talaga gumagaling ng husto yung kamay ko. Camera na lang yata ang alam kong hawakan ngayon.
@CedCor
Bayaw!
@SDM_Gallery
Bakit?
@CedCor
Nag aalala ako kay ate, kasi last time na kausap ko siya kahit hindi niya sabihin ng direkta alam kong may pinoproblema siya.
@SDM_Gallery
About daw saan?
@CedCor
Hindi ako sure pero pakiramdam ko may kinalaman sa love life.
@SDM_Gallery
Suitor or Ex?
@CedCor
Wala rin akong idea pero nag tanong kasi siya sa akin kung paano raw ang gagawin kapag naiipit sa isang sitwasyon na wala ka namang ibang choice kundi ang manatili.
@SDM_Gallery
Eh di go with the flow na lang.
@CedCor
Yuon nga rin yung sinabi ko.
@SDM_Gallery
Pero hindi sa lahat ng bagay, kung alam niyang hindi na niya kaya o kaya masyadong delikado yung sitwasyon pwede naman siyang umalis kung gugustuhin niya.
@CedCor
May nabanggit pa siya na minsan raw parang yung bagay na ayaw niya parang nasasanay na siyang magustuhan ulit at natatakot daw siya. Hindi ko alam kung ano talaga yung nangyayari sa ate ko.
@SDM_Gallery
Bagay?
@CedCor
Kunwari lang ni ate na bagay ‘yun pero tao yung tinutukoy niya. Feeling mo anong ibig sabihin nun?
@SDM_Gallery
Pagod yung utak ko ngayon kaya mahirap mag analyse. Tanungin mo na lang kaya ng direkta yung ate mo kung about saan talaga yung nararamdaman niya.
@CedCor
Feeling ko yung kupal niyang ex yung tinutukoy niya.
@SDM_Gallery
Bad news ba ‘yun? wala naman sigurong masama kung makikita niya ulit yung ex niya. Kung mag kikita ulit sila ng ex niya.
@SDM_Gallery
Teka hindi kaya na fa-fall na ulit yung ate mo sa ex niya o kaya pinipigil niya lang yung sarili niya na mapalapit ulit sa ex niya kasi baka hindi niya mamalayan na may gusto pa pala siya ulit dito. Na saan nga ba yung ate mo?
@CedCor
Ganoon ba talaga kahirap kalimutan yung ex mo?
Secret nga di ba!
@SDM_Gallery
Depende sa lalim ng pinag samahan niyo at saka baka meant to be sila kaya kahit matagal na silang hindi nag kikita, eh may nararamdaman pa rin sila sa isa’t isa.
@CedCor
Teka si ate pa ba yung pinag uusapan o base na sa experience mo ‘yan?
@SDM_Gallery
Loko! Syempre ate mo pa rin ang topic.
@CedCor
Ayaw kong mag assume na may gusto pa ang ate kay kupal pero hindi ko itatanggi na iba rin kasi yung pinag samahan nila at alam kong mahal na mahal ni ate si kupal kasi wala yatang araw na hindi niya binanggit yung pangalan ng kupal na yun dati!
@SDM_Gallery
Eh, ano bang pangalan?
@CedCor
Secret, baka mamaya makita mo pa o kaya kilala mo pala tapos syempre next na doon yung pag hahanap mo sa ate ko!
@SDM_Gallery
Sira, hindi naman ako chismoso at saka hindi naman ako interesado.
@CedCor
Sa ate ko?
@SDM_Gallery
Sa buhay ng iba.
@CedCor
Sana kasi hindi na lang siya naisipang lokohin ng kupal na yun, para hindi nalulungkot si ate.
@SDM_Gallery
Malay mo naman may valid reason siya kaya niya nagawa ang bagay na ‘yun.
@CedCor
Walang valid reason pag dating sa usapang panloloko!
@SDM_Gallery
Depende!
@CedCor
Ay oo nga pala niloko mo yung ex mo!
@SDM_Gallery
Mag kaiba naman siguro kami ng dahilan ng kupal na ex ng ate mo.
@CedCor
Oo naman malabong mag kaparehas kayo ng manlolokong yun!
@SDM_Gallery
May tanong ako, bakit ang protective mo pag dating sa ate mo? Sobrang mahal mo talaga siya ‘no?
@CedCor
Utang ko kasi ang buhay ko sa kanya. Ikaw ba wala kang kapatid?
@SDM_Gallery
Meron, pero di sila kasing caring mo.
@CedCor
Feeling mo lang ‘yun, wala namang taong walang pakialam sa kapatid nila.
@SDM_Gallery
Baka nga.
@CedCor
Sana makakilala ng ibang tao ang ate para ma divert yung attention niya doon.
@SDM_Gallery
Mahirap ipilit ang mga bagay bagay sabi nga ng kakilala ko at baka maging komplikado pa at mauwi sa malalang sitwasyon. Hayaan mo na lang munang harapin ng ate mo kung ano man yung problema niya ngayon and for sure naman kayang kaya niya yun.
@CedCor
Kung makapag advice parang kilala mo yung ate ko ah.
@SDM_Gallery
Hindi naman pero ang mamuhay at mag trabaho sa ibang bansa na malayo sa pamilya isa na ‘yun sa pinaka mahirap na sitwasyong haharapin ng isang tao kaya sure akong kayang kaya ng ate mo yan.