Celestine's POV
Hindi ako maka tulog kaya na isipan ko na lang na pumunta sa sala at buksan ang TV at mukha namang na sa kwarto na si Seb at natutulog na kasi wala naman akong naririnig na kahit anong ingay ng dumaan ako sa kwarto niya kaya parang solo ko na rin ang buong bahay.
Ilang beses kong pinalipat lipat ang channel dahil wala naman akong makitang magandang mapapanuod at hindi ko naman gusto ang ibang palabas kaya naisipan ko na lang na kunin ang flash drive sa kwarto ko at ipag patuloy ang Korean Drama na pinanunuod namin ni Rizza noong nakaraang araw.
Excited akong panuorin dahil si IU yung bida rito at halo-halong emotion kasi ang mararamdaman mo habang pinapanuod mo ang Scarlet Heart Ryeo na base sa Hystorical Drama. Hindi ko hilig ang ganitong genre at dahil lang sa bida kaya ko ito pinapanuod pero habang tumatanggal nagugustuhan ko na rin ang takbo ng kwento.
Naiiyak na ako dahil sa scene na kung saan bibitayin na yung Court Lady na tinuring ni Hae Soo na hindi iba sa kanya at para na siyang anak kung protektahan nito pero biglang nag bago ang emotion ko at na wala ang nag babadyang mga luha mula sa mga mata ko ng biglang lumabas si Seb sa kwarto niya.
Hindi ko siya nilingon pero nakikita ng peripheral vision ko ang presensya niya. Nanatili siyang nakatayo at nakatingin rin sa TV hanggang sa pinakita na yung next episode at doon na lang siya gumalaw at nag punta sa kusina.
Nanunuod din kaya siya ng mga Kdrama?
Pa ulit-ulit akong nag ko-concentrate dahil kasalukuyan nang nag pe-play ang next episode. Pero si Seb, hindi ko alam kung ano ang ginagawa sa kusina dahil parang wala naman akong naririnig na kahit anong ingay.
Na saan siya?
Mayamaya pa biglang may nag vibrate at umilaw ang screen ng phone ko kaya napilitan akong i-pause muna ang pinanunuod ko at tignan kung sino ang nag message sa akin.
Chari:
Beshywaps, 'wag mo kalimutan yung lunch date natin sa Friday ?
10:32 pm
Chari:
Kasi ililibre mo ako. Haha!
10:33 pm
Tin:
Haha, kulit mo!
10:33 pm
Chari:
Hoy matulog ka na at need mo ng beauty rest sa nalalapit mong kaarawan. Hihihi!
10:34 pm
Nakukutuban na ako sa mga pa ganitong banat ni Chari, siguro may binabalak na naman 'tong kung ano-ano, siya kasi ang madalas mag plano sa amin noon at madalas rin gumawa ng prank at mga biglaang lakad.
Tin:
'wag kang magulo at nanunud ako ng Kdrama!
10:37 pm
Chari:
Ay taray! Eh, si Ex este si Guess kasama mo ba?
10:38 pm
Tin:
Hindi, natutulog na 'yun!
10:40 pm
Chari:
Uy alam niya pinatulog mo ba? Haha.
10:41 pm
Tin:
Oo hinele ko pa nga eh... Happy?!
10:41 pm
Chari:
Haha, super happy... Good night beshywaps!
10:41 pm
Wala na naman sigurong magawa ito kaya ako na naman yung pinagtitripan niya. Nang matapos guluhin ni Chari ang concentration ko si Seb, naman ang biglang dumating.
"Pa upo ha." Na lingon lang ako saglit sa kanya at agad kong binalik ang tingin sa TV, mahirap na at baka hindi ko mabasa ng buo yung subtitle. Hindi ko na rin masyadong nakita kung ano ang reaction niya pero mukha naman siyang tahimik at mukha namang walang balak mang-inis ngayon.
Bumalik na ang concentration ko kaya hindi ko na napansin ang oras at hindi ko rin napansin na kaya pala nananahimik si Seb ay dahil nakatulog na ito. Nakatagilid ang katawan niya at naka sandal ang ulo sa sandalan ng couch. Halatadong nahihirapan siya sa pwesto niya dahil nakabaluktot na ang mga paa niya dahil na rin sa may kahabaan ang legs nito at for sure kung mananatiling ganyan ang pwesto niya hanggang bukas paniguradong sasakit ang katawan niya o 'di kaya mag kakaroon siya ng stiff neck.
Medyo matagal rin akong nakatitig sa kanya. Hindi ko kasi alam kung gigisingin ko ba siya para palipatin sa kwarto niya o hahayan ko na lang siyang matulog dito sa sala tulad ng ginawa niya sa akin noon. Dahan dahan akong lumapit sa kanya para siguruhin kung totoo bang tulog siya o nag tutulog tulugan lang pero ilang beses ko nang nilalapit ang kamay ko sa mukha niya pero wala naman akong nakitang ibang reaction ng mukha niya kaya sa tingin ko totoong nakatulog siya at hindi naman siguro niya ife-fake ang pag tulog niya para lang bwisitin ako.
Pangalawang beses na 'tong nangyayari noong una sa Cafeteria ng transient ngayon naman dito sa sala. Talaga bang sinasadya niyang matulog ng kasama ako? Para ano? Para bantayan siya? Pero hindi naman siguro at baka nag kataon lang. Pero bakit kasi lumabas pa siya ng kwarto niya kung natutulog na siya tapos umupo pa siya dito para matulog ulit? Hindi ko gets.
Hindi ba nakakatulog ang taong 'to?
O di kaya hindi siya talaga makatulog dahil hanggang ngayon nag aadjust pa rin siya at namamahay dito. Sa bagay ako rin naman hindi masayadong nakakatulog kapag wala sa sariling bahay or na sa bagong higaan. Baka ganoon rin siya.
Alas dose na at kung gigisingin ko pa siya baka naman mahirapan na siyang makatulog ulit pero kung hindi ko naman siya gigisingin mahihirapan siya at baka mamaya sa sobrang sarap ng tulog niya, eh hindi niya namamamlayan na nadadaganan na pala niya yung kamay niyang may injury.
Ano Tin, gigisingin mo ba o 'wag na lang?
Mukha namang mahimbing ang pag tulog niya kaya nag decide na lang akong iwan na lang siya dito para matulog, pero hindi naman ako ganoon ka sama kaya kinuhanan ko muna siya ng kumot at unan para naman hindi siya masyadong mahirapan at bago ako umalis sinigurado ko munang maayos ang pwesto niya. Sa tangkad ni Seb at sa build ng katawan niya paniguradong mabigat ito kaya medyo nahirapan akong lagyan siya ng unan at i-ayos ang kamay niya.
***
Kinabukasan maaga rin akong nagising at pag labas ko ng kwarto una kong tinignan ang sala kung saan ko siya iniwan kagabi pero wala na siya doon at mukhang na sa loob pa siya ng kwarto niya dahil siya na lang ang wala sa kusina ng mag punta ako doon.
"Goodmorning Ate Tin." Bungad ng dalawang bata. Niyakap ko naman sila bilang pag bati.
Nang matapos ng makapag handa sila Aling Ester ng agahan sakto namang lumabas na ng kwarto si Seb. Sa itsura niya mukha namang hindi sumakit yung katawan niya dahil sa pag kakatulog niya sa couch kagabi at nakuha pa nga akong pasalamatan nito ng pabulong nang dumaan naman siya sa likuran ko.
Habang kumakain hindi ko naman maiwasang tignan siya at yung kanang kamay niya. Medyo hirap pa rin kasi ito sa pag hawak ng kubyertos kaya malamang masakit pa rin ang kamay niya, hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong makonsensya o hayaan na lang dahil alam ko naman na hindi ko sinadya ang mapatid siya at wala rin naman akong intension na masaktan siya.
"Kuya Seb, maliligo lang po kami ni Rocco tapos puntahan na natin yung mga na sa listahan mo."
Napatingin ako kay Rizza na sa boses pa lang halata ng excited sa pupuntahan nila at ganoon rin si Rocco na nakuha pang makipag apir sa ate niya. Ngayon ko lang yata nakitang ganito kasaya at sobrang mag kasundo ang dalawang ito, parang iba nga yung epekto ng Sebastian Del Mundo sa kanila.
"H-ha? Listahan?" tanong ni Seb.
Nabaling naman ang tingin ko sa kanya na kasalukuyang nakatitig naman kay Rizza. Nag pa balik balik ako ng tingin sa kanila hanggang sa napansin na ako ni Seb, kaya ako naman ang umiwas ng tingin at binaling na lang sa iba.
"Kuya talaga may amnesia agad?" Umiling iling si Rizza saka muling timitig kay Seb.
Kung hindi ako nag kakamali parang nag-uusap sila sa pamamagitan ng mata? So it means may sikreto sila o may gagawin sila na ayaw nilang ipa-alam. Jusko sana lang hindi kalokohan ang gagawin nila at sana rin hindi tinuturuan ni Seb ang dalawang 'to ng mga kalokohan niya noon.
Na pa iling na lang rin ako sabay balik sa pag kain. Hinayaan ko na lang sila kasi kahit pa titigan ko pa sila ng mag hapon dito, eh alam ko naman na hindi nila ikukwento o ishe-share ang bagay na gagawin nila. Pero hindi rin naman ako makapag concentrate dahil kahit sa pag kain na nakatuon ang atensyon ko naririnig ko pa rin ang pag-uusap nila.
"Kuya, panigurado mag-eenjoy ka doon at paniguradong mapapagod rin." Sabi ni Rocco.
"Teka, malayo ba yung pupuntahan natin at saka okay lang ba na kayo lang ang kasama ko?" tanong ni Seb.
Hindi na ako makatiis kaya sumabad na ako, "Ako ba hindi niyo isasama sa plano niyo?" nakangiting tanong ko sa kanila at mukhang gulat na gulat naman ang mga 'to na napatingin sa akin. Speechless?
"A-ate kasi—"
"Kasi ano?"
Mukhang tama yung kutob ko dahil hindi makasagot si Rizza sa akin at hindi rin makatingin ng diretso at kahit si Seb hindi rin ako tinitignan. Nakakapanibago kasi habit na niya ang tignan ako at ngitian pero ngayon hindi man lang niya ako makuhang lingunin at tanging sa dalawang bata lang naka tuon ang atensyon niya.
Ano bang iniisip nila?
"Naku Tin, 'wag mo nang alalahanin ang mga 'yan kasi sasamahan nila si Seb na mag town tour at—"
"Nang silang tatlo lang po?" tanong ko kay Mang Teban. Na pa tingin naman siya sa dalawang bata at saka ngumiti at bumaling ulit ng tingin sa akin. "Hindi, sasamahan sila ni Efren kaya 'wag ka nang mag-alala." Sa tono ng pananalita ni Mang Teban parang sinisigurado niya sa akin na walang mangyayaring masama at safe sila. Hindi na ako nag pumilit pa at bumalik na lang sa pag kain.
Sebastian's POV
Ang aga-aga binigla ako ng mga batang 'to. Bigla ba namang isingit yung usapan about sa preparation ng birthday ni Tin, sa harap pa ng hapag kainan at sa harap rin mismo ni Tin. Hindi ko tuloy alam kung saan ako titingin ng biglang bumaling sa akin yung mata niya, umiwas na lang ako at baka mahalata pa niya na may pinaplano kami. Buti na lang rin at sumabad na si Mang Teban kung hindi malamang natadtad na kami ng tanong ni Tin, kung mag interrogate pa naman 'to akala mong may Pulis kang kaharap.
Mahirap rin mag tago ng sikreto sa kanya kasi sobrang bilis niya makaramdam lalo na kung may tinatago sa kanya at malaki rin kasi ang tiwala niya sa gut feeling niya kaya palagay ko nag hihinala na siya sa amin ngayon. Sana lang hindi niya mabisto yung surprise birthday party para sa kanya kasi kung mag ka ganoon useless na ang salitang surprise. Sayang naman yung effort namin.
Umuwi na ang dalawang bata at pumasok naman ako sa kwarto para maligo na rin at igayak ang sarili. Iniwan ko na sila Mang Teban, Aling Ester at Tin na kasalukuyan pa lang na naka upo sa harap ng hapag kainan.
Medyo natagalan ako sa pag bibihis dahil nag hanap pa ako ng mas komportableng damit na mabilis lang masuot at mahubad, mahirap kasi yung isang kamay mo lang ang nagagamit mo.
Ilang araw na rin pala na puro komportableng damit at short ang gamit ko kaya wala akong choice kundi mag suot ng may zipper at butones na short. Mabilis ko lang naman na isuot ang short ko ang problema lang hindi ko kayang isara yung butones kasi kahit medyo okay na yung kanang kamay ko hirap pa rin itong pumuwersa kaya ito ako ngayon kahit kaliligo lang, eh pawis na pawis na dahil sa pa ulit-ulit na pag pasok ng butones sa butas ng short ko para ma isara na.
Lintek na butones 'to!
Nakaka-ubos na rin minsan ng pasensya yung kalagayan ng kamay ko. Hindi ako makahawak ng camera dahil dito, hindi rin ako makakain ng mabuti tapos idagdag pa 'to ngayon na kahit ang sarili ko hindi ko na rin mabihisan ng husto. Bwisit talaga!
Teka, lumabas kaya ako para makapag patulong kaay Mang Teban, total lalaki naman siya at saka parang tatay ko na siya kaya hindi naman siguro nakakhiya kung ipapasara ko yung butones ko sa kanya.
Mabilis akong lumabas at sakto namang nakita ko si Tin, na nasa sala at parang may inaayos sa bag niya. Nag ka tinginan kami at lumapit ako sa kanya, bigla naman siyang napatayo ng humito ako sa harapan niya.
"Si Mang Teban?" tanong ko habang tumatagaktak ang pawis. Siya naman halatang natulala at nang ulitin ko ang tanong ko doon pa lang siya nag iwas ng tingin at saka ako sinagot. "Wa-wala umalis na sila."
Kainis talaga!!!
"Bakit anong problema mo?" tanong niya.
Narinig yata ni Tin yung lakas ng buntong hininga ko at mukhang na bother siya doon kaya napilitan na rin itong mag tanong kahit pa hindi presentable ang itsura kong makipag usap ngayon.
"Ano kasi... hindi 'wag na lang." sagot ko saka madaling pumasok sa kwarto, humarap ako sa pinto at isasara na sana ito ng bigla namang itulak 'to ni Tin, at tuluyang pumasok sa kwarto ko.
Nakuha ng atensyon niya yung gulo-gulo kong mga damit na naka ibabaw sa kama. Nakakahiya tuloy!
"Ba-bakit?" tanong ko.
Seryoso niya akong tinignan at lumakad ng dahan dahan papalapit sa akin, bigla akong kinabahan kaya unti-unti rin akong napapa atras.
Ano bang ginagawa niya, may balak ba siyang masama sa akin? Hindi kaya gusto niya akong gahasain? s**t ka Seb, kung ano-ano yung iniisip mo, bakit naman gagawin sa akin ni Tin ang bagay na 'yun at kung gawin man niya baka hindi na lang ako manlaban at hayaan na lang siya.
"Oh bakit naka ngiti ka, may nakakatawa ba?" tanong niya.
Pucha talagang imahinasyon 'to ang lawak, tama yata yung sinabi niya na mag sulat na lang ako!
"Wa-wala. Mag papatulong sana ako kay Mang Teban kaso lang naka alis na pala siya—"
"Ako na lang."
Tama ba yung narinig ko, siya na lang raw. Sigurado kaya siya na kaya niya yung ipapagawa ko.
"Hindi na at baka hindi mo naman kaya."
Tinignan ako nito saka umirap, "Nakaka offend yung tono mo ha! Hindi porke babae ako hindi ko na kayang gawin yung ginagawa ng mga lalaki!"
Hala nagalit yata? Imbis na matawa ako dahil sa sinabi niya parang mas kinabahan tuloy ako. Iniimagine ko pa lang nakikita ko na yung magiging reaction niya. Pero siya naman ang may gusto kaya sige pag bibigyan ko siya.
"Sige na nga mukhang desidido ka naman na tulungan ako kaya help at your own risk ha. Wala ng bawian."
Lumapit ako sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya at talagang nakipag eye to eye contact pa siya sa akin at sa tansya ko mukhang papanindigan niya nga yung sinabi niyang tutulungan niya ako.
"Tigilan mo na yung tingin at ituro mo na sa akin yung gagawin ko."
Yumuko ako at tinuon ang tingin sa butones ng short ko, "Paki sara naman 'to." Pagkatapos tumingin ako sa kanya at ngumiti. Yung mukha niya halatang gulat na gulat, "Hindi ako nakikipag biruan Seb, marami rin akong gagawin ngayon kaya sabihin mo na kung ano—"
Hinawakan ko yung kamay niya dahilan para mapatigil siya sa pag sasalita, "I warn you pero hindi ka nakinig. Kaya nga si Mang Teban yung hinahanap ko 'di ba kasi nga medyo—"
Nagulat ako ng bigla niyang ilagay ang dalawa niyang kamay sa mag kabilang bewang ko at hawakan ang dulo ng butones at ang pag papasukan nito. Susubukan na sana niyang ipasok yung butones sa butas ng bigla naman akong na pa buntong hininga na dahilan ng pag tawa niya.
"Oh, bakit kinakabahan ka?" mapang inis na tanong nito.
"Nag-aalala lang ako sa'yo kasi baka may mahawakan kang iba na ikagulat mo." dinaan ko na lang sa biro para hindi naman nakakhiya yung pag buntong hininga ko.
"Huwag mo nga akong dinadaan sa mga kalaswaan mo Seb, kilala na kita!"
Mas pinatapang na Tin na nga yung kaharap ko ngayon at kaya na niyang sabayan yung mga ganitong usapan na hindi man lang na aawkward. Nakakapag takha lang kasi sanay ako sa mga ganitong eksena pero bakit kinakabahan at na ba-blanko ako kapag siya yung kaharap ko?
Nang matapos niyang ikabit yung butones ng short ko nakuha pa niyang mag stay sa harapan ko at titigan ako. May sumanib bang bakla kay Tin at parang iba yata siya kumilos ngayon. Imbis kasi na ma asiwa siya sa itsura ko ngayon at sa ginawa niya kanina nakuha pa niya akong titigan.
Ano bang nangyayari sa kanya at parang hindi ko na rin maintindihan.
Hindi ko alam kung ano yung inisip niya at ganoon na lang siya kung makatitig sa akin at kung hindi lang siguro tumunog ang cellphone ko malamang hanggang ngayon nakatayo pa rin siya sa harapan ko.
Hindi naman niya siguro sinusuri yung katawan ko o yung ano ko... ay hindi malabo 'yun dahil hindi ganoong babae si Tin.
Tumalikod ako para tignan ang cellphone ko at yuon naman ang ginawa niyang way para lumabas nang kwarto ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at binitawan ko agad yung cellphone ko at mabilis ko siyang sinundan. Na abutan ko siya sa sala at doon ko siya kinompronta.
"Bakit?" tanong ko habang hawak ang isang braso niya pero tinanggal naman niya agad ang kamay ko.
"Anong bakit?"
Ang kampante ng sagot niya at para bang wala talaga siyang idea sa tinatanong ko. Nag kukunwari lang ba siya?
"Bakit ganoon ka makatitig?" tanong ko ulit.
"Bakit masama ba? Tinititigan mo rin ako siguro naman walang masama kung gagawin ko rin sa'yo."
"Yuon lang yung dahilan mo?" tumawa ito sabay na pa halukipkip na parang relax na relax lang.
"Bakit may iba pa bang dahilan? Wait, 'wag kang mag assume na—"
Hinawakan ko siya sa mag kabilang braso saka nilapit ang katawan ko sa kanya. Pinag masdan ko siyang mabuti kung mag-iiba ba ang reaction niya o mananatiling kampante lang.
Mukhang nag tatapang tapangan lang siya dahil sa tagal kong nakatingin sa mga mata niya unti-unti ko namang nakita ang pag babago nito, mag kahalong pangamba, kaba at takot ang nakita ko at dahil doon binitawan ko na siya.
"Ano tapos ka na ba sa pag kokompronta sa akin?"
"May gusto ka bang sabihin sa akin, Tin?"
Alam ko at sigurado naman na may unfinished business sa pagitan naming dalawa at alam ko rin na hindi tama yung timing ko dahil nga kakasabi niya lang na kailangan niya ng oras para maging komportable kasama ako pero gustong gusto ko nang malaman yung dahilan kung bakit parang pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sa akin at alam kong hindi ito tungkol sa panloloko ko sa kanya noon.
Naguguluhan na ako sa mga pinapakita niya!
Bumalik ulit yung pagiging kampante sa mukha niya kasabay ng pag balik niya sa akin ng tanong, "Ikaw Seb, wala ka bang gustong sabihin sa akin?"
"Wala."
Tumango siya sabay kuha sa bag niya na nakalapag sa couch, "I-lock mo yung mga pinto bago ka umalis."
Aalis na sana siya ng muli kong hawakan yung kamay niya, "Okay naman tayo 'di ba?" nag aalangang tanong ko.
"Oo, basta titigilan mo yung mga kalaswaan ng utak mo at wala tayong magiging problema. At saka mag damit ka na at baka dumating na yung dalawang bata at baka mapintasan pa yung mga baby fats mo." Ngumiti at tumawa pa ito bago umalis.
Alam kong siya pa rin yung palaban na Celestine na kilala ko, kung may nag bago man siguro natural na lang rin o kaya dala ng naging relasyon namin noon. Hindi niya pinilit na tanggalin yung kamay ko sa kamay niya at hinayaang kusa na lang akong bumitaw hindi katulad dati na para siyang napapaso sa tuwing mahahawakan ko siya.
Hindi ko alam kung ako ba yung weird o dahil parang may kakaiba lang sa kanya.