Chapter 31

2337 Words
Sebastian's POV "Kuya Seb, bilisan mo mag lakad at baka hindi natin maabutan yung suki nila Nanay sa palengke. Mabait pa naman 'yun at malaki mag bigay ng discount." Sigaw ni Rizza. Ang layo na pala ng pagitan namin kaya halos takbuhin ko na yung daan para lang maabutan sila, "Lumilipad yata yung isip mo kuya?" tanong ulit nito. "Siguro iniisip ni kuya yung crush niya." pilyong sabad naman ni Rocco. "Bakit Coconut ganyan ka rin ba kapag iniisip si Myka?" "Ikaw talaga ang bata mo pa pero puro crush na nasa isip mo." sabad ko naman. "Hulaan ko kung sino yung crush mo?" nang dahil sa sinabi ni Rocco napahinto pa kaming tatlo ng tignan nila akong dalawa, kinunutan ko lang sila ng noo saka binaling ang tingin sa iba, "Si Ate Tin ba?" sabay na sabi nila. "Uy si Kuya Seb hindi makapag salita, tama ba kami crush mo nga si Ate Tin, huwag kang matakot na aminin sa amin kasi secret lang naman nating tatlo 'to." Ang mga lokong bata nakuha pa akong pag ka isahan. Crush? Si Tin? Natatawa na lang ako sa dalawang 'to. "Parang gusto ko na lang umuwi at mag pahinga," mag lalakad na ako pabalik ng bigla nila akong hawakan sa mag kabilang braso ko, "Joke lang naman kuya, pero aminin mo maganda si Ate Tin." Pilyong tanong ni Rocco. Iba rin talaga yung taktika ng mga bata ngayon para mang-inis. "Wala naman akong sinabing panget siya." Sagot ko. Nag patuloy kami sa pag lalakad at habang na sa daan tuloy lang rin ang pangungulit nila sa akin at pag kukwento ng kung ano-ano. "Kuya Seb, mabait ba sa'yo si ate Tin kapag kayo na lang dalawa sa Villa?" tanong ni Rizza. "Actually masungit si Tin at madalas kasi na sa kwarto lang rin ako at ganoon lang din siya—" "Hala, na sa loob kayo ng kwarto?" napahinto ulit kami dahil sa tanong ni Rocco. "Oo, sa sarili naming kwarto. 'Di ba tig-isa kami?" "Bakit hindi po kayo nag-uusap?" tanong naman ni Rizza, habang nag patuloy na kaming nag lakad. "Eh, kasi wala naman kaming pag-uusapan." Sagot ko naman. "Dapat ikaw yung nag kukwento sa kanya kasi ikaw yung lalaki kuya kaya dapat ikaw yung first move!" "Hoy Rocco hindi nanliligaw si Kuya Seb, may first move ka pang nalalaman dyan!" Napapa iling at natatawa na lang ako sa dalawang batang 'to. Iba talaga ang curiosity nila pag dating sa mga bagay bagay lalo na sa usaping crush at love. "Bakit hindi ba pwedeng friends lang. Ate talaga ligaw agad na sa isip!" Dahilan ni Rocco. Habang nag lalakad tuloy nalilibang na rin ako kahit na alam ko naman sa huli ako na naman ang pag kakaisahan nila. "May point naman si Rocco. Ma iba ako, may nakilala na ba kayong boyfriend ng Ate Tin ninyo?" "Wala pero na kwento ni Cedrick noon na may boyfriend si Ate Tin." Sagot ni Rizza. "Talaga, ano daw yung pangalan?" "Uy, si Kuya Seb, interesadong makilala yung karibal niya." tatawa-tawang sabi ni Rocco, ginulo-gulo ko na lang ang buhok nito dahil sa sobrang kakulitan. Mayroon nga ba akong naging karibal kay Tin, o may naging boyfriend nga kaya siya, pero sigurado namang mayroon dahil bihira na lang ang lalaking hindi mag kakagusto sa kanya. Matalino, mabait, mapagmahal, maganda, ano pa ba ang mahihiling ng isang lalaki kung mayroon na ang lahat ng 'yan sa kanya. Mali lang talaga siguro yung timing kaya ko siya napakawalan noon. "Gusto mo kuya tawagan ko si Cedrick at itanong natin kung ano pangalan nung ex boyfriend ni Ate Tin—" Inakbayan ko silang dalawa at saka mabilis na naglakad papasok sa palengke, "Huwag na kasi baka magalit pa sa atin si Tin kapag nalaman niyang pinag uusapan natin yung love life niya before." Mukha namang nakunbinsi ko ang dalawa dahil hindi na sila nag salita pa tungkol sa past ni Tin, bagkus nag focus na lang kami sa pag order ng mga ingredients na kailangan namin sa biyernes. Kung kumilos ang dalawang batang 'to halatang madalas sila dito at pati ang pag tawad sa mga tindero't tinder alam na alam na rin nila kaya naman malaki talaga ang na discount namin sa mga gulay, manok at karne. Sana pala nag pasama ako sa kanila noong namalengke ako dito ng babaunin ko nang mag Island Hopping ako, malaki rin sana ang na discount ko. "Aling Francia, baka naman po pwede pa naming tawaran ng bente pesos ang mga seafoods niyo." Bungad ni Rocco sa matanda. "Oo nga po, at saka lagi naman kami dito bumibili nila Nanay at saka yung bisita naman po namin ngayon ang bibili kaya baka mas malaking discount naman ang pwede niyong ibigay." Dagdag naman ni Rizza. Siguro sa iba natural na lang ang ganitong mga scene kung saan nakikipag tawaran ang buyer sa seller pero para sa akin natutuwa akong panuorin sila lalo na't sa murang edad pa lang nila kaya na nilang sumabak sa pamimili sa palengke na hindi ko nagawa noong ganyan ang edad ko sa kanila. "Kuya Seb, 'wag mo sa amin ibigay yung ngiti mo kundi kay Aling Francia." Bulong ni Rocco. Honestly ayaw kong nag pupunta sa wet market dahil sa mainit at siksikan pa rito at idagdag pa ang medyo masangsang na amoy kaya hindi ko alam kung paano ako makikipag usap sa tindera tulad ng gustong palabasin ni Rocco. "Iho, ikaw ba yung sinasabi nilang bisita na galing ng Maynila?" Tinuro ako ni Aling Francia at pakiramdam ko para akong tinawag sa recitation, medyo nakaka intimidate kasi yung aura niya. "O-opo." "Bibigyan ko kayo ng gusto niyong discount kung sasabihin mo sa akin kung anong luto at para saan niyo gagamitin ang mga seafoods na 'to!" Bakit sa Supermarket hindi naman kailangan ng explanation kapag bibili bakit dito may ganoon pang nalalaman ang matandang na 'to. "Para po sa birthday ng... kaibigan po?" "Kaibigan, eh bakit parang hindi ka sigurado? Baka naman para sa nililigawan mo?" Umiling iling ako at pati na ang kamay sumesenyas ng hindi sa matanda. Lumingon ang dalawang bata sa akin na tila ba kinikilig sa sinabi ng matanda, "Naku hindi po, kakilala po... namin at gusto lang po naming gawing special yung birthday niya dahil hindi niya po kasama ang pamilya niya." Tinignan ako ng matanda na para bang sinusuri ang buong pag ka tao ko. Talaga bang ganito kahirap ang bumili sa palengke na 'to, bakit noong mag isa lang ako wala namang ganitong interview? "Oh, siya sige ibibigay ko na yung discount basta galingan mo sa pag luluto at dapat masarapan yung may birthday. Mahalaga sa amin ang bawat lamang dagat na nahuhuli namin dahil hirap at pagod ang sakripisyo namin sa mga ito kaya naman ayaw ko naman na ibenta lang sa mamimili na pag lalaruan at pag paparaktisan lang ang mga ito. Mahirap kumita ng pera kaya dapat hindi sinasayang ang mga pag kain!" Sandali akong natulala at may biglang naalala dahil sa mga sinabi ni Aling Francia. "Iho nakikinig ka ba?" tanong niya habang inaabot ang sukli namin. Niyugyog naman ni Rizza ang kaliwang braso ko, "Kuya Seb!" "Ah, opo. Huwag po kayong mag-alala hindi ko po sasayangin yung paninda niyo." Bago tuluyang umalis, nakuha pa akong haplusin sa ulo ni Aling Francia at bigyan ng matatamis na ngiti niya. "Galingan mo pogi, sana mapasagot mo siya." Tss, hindi ko nga sabi nililigawan. Akala ko bata lang ang makulit pero ganoon rin pala ang matatandang gaya niya. Pag katapos naming mag order sa palengke pumunta naman kami sa bakeshop, dito raw ang may pinaka masarap na cake kaya kahit medyo may kalayuan, eh talaga namang dinadayo ng marami. Matagal kong tinititigan ang mga cake na naka display at ang mga design naman nila na nakalagay sa isang flyers. Hanggang ngayon kasi hindi ko alam kung yung favourite flavour ba niya or ibang flavour para ma iba naman. Baka kapag iniba ko baka hindi niya magustuhan at kapag yung dati naman baka mag sawa siya at hindi niya rin ma appreciate. Ang hirap naman! "Kuya Seb, mahilig po si Ate Tin sa chocolate kaya yaan na lang po ang orderin natin." Tinuro ni Rizza ang round cake na chocolate truffles ang flavour. Umiling naman ako habang masusing pinag mamasadan pa rin ang mga naka display na cake sa harapan ko, "Pero favourite niya kasi ang Mango kaya isa rin yuon sa pinag pipilian ko at yung Ube and Strawberry rin pala mukhang presentable at masarap." "Alam mo kuya ma swerte si Ate Tin kapag naging boyfriend ka niya, kasi inaalala mo talaga kung ano yung gusto niya." "Oo nga, kaya ikaw ate kapag nag boyfriend ka dapat parang si Kuya Seb, para paniguradong hindi ka sasaktan." Mas maswerte ako noong naging girlfriend ko siya. Pero yung salitang hindi ka sasaktan kapag katulad ko ang naging boyfriend ni Rizza, eh malaking kasinungalingan 'yun at kahit hindi pa katulad ko ang maging boyfriend niya may pag kakataon talagang masasaktan siya nito. Dahil ganoon naman talaga sa isang relasyon. "Hindi naman ako perpekto at nakakasakit rin ako ng tao, actually nakasakit na ako ng babae kaya kung may manliligaw man sa'yo at balak mong bigyan ng chance sa future dapat siguraduhin mong malinis ang intension sa'yo at hindi lang basta gusto ka kundi mahal ka talaga." Napakamot na lang ako ulo ng biglang nag papalakpak ang dalawang 'to, kaya bago pa kami pag tawanan ng ibang tao pinatigil ko na sila at namili na kami ng cake para makapunta na kami sa next and last destination na grocery store kung saan bibili ng mga ingredients na hindi nabibili sa palengke. "Kuya Seb kasi ang tagal mamili ng cake kaya ayan tuloy inabot na tayo ng hapon." Reklamo ni Rocco. "Hoy Coconut hindi naman talaga yung katagalan ni Kuya Seb ang inirereklamo mo kundi yung pag kain mo na naman ng ice cream." Paborito nga pala ni Rocco ang Ice Cream pero dahil hapon na at nababad kami sa init dahil sa mga pinuntahan namin, hindi maganda kung kakain pa siya ng ice cream at baka mag ka ubo at mag ka sakit lang siya. "Don't worry after ng pa surprise birthday party sa Ate Tin ninyo, eh madalas na tayong tatambay sa Pedro's Gelato para kumain ng Ice Cream." "Talaga Kuya Seb," napatalon pa si Rocco sa saya, "Sabi mo 'yan ha, wala ng bawian." Dagdag pa nito at hindi pa siya nakuntento at pinataas pa ang kanang kamay ko para siguraduhing hindi ko babaliin ang promise ko sa kanila, sa huli nag tawanan na lang kami dahil sa itsura ng kamay ko na hanggang ngayon naka balot pa rin ng bandage. "Pare-parehas lang naman na masasarap ang lasa ng mga cake, bakit ang tagal mo mamili Kuya?" tanong ni Rocco. "Kasi po ang cake ang pinaka main highlight ng isang birthday, bakit? Kasi doon nilalagay yung candle kung saan mag wiwish yung celebrant kaya importanteng presentable 'yun. Gets?" tumango lang sila at balik na sa pag lalakad. Pare-parehas kaming tahimik at tulala ng makasakay kami ng trycycle kung saan papunta sa last stop namin. Sa wakas napagaod rin ang dalawang 'to sa kakatanong kaya makakapahinga ng sandali ang isip ko sa pag sagot sa mga samo't sari nilang mga katanungan. Pagkatapos mamili tumambay muna kami sa labas ng isang convenience store habang umiinom ng tubig. "Kuya Seb, sana laging birthday ni Ate Tin, para madalas tayong makagala—" "At madalas ka ring manginain!" Nag sisimula na naman silang mag-asaran kaya para hindi na lumalala pa at humantong na naman sa pikunan nilabas ko na ang yung cellphone ko at inaya silang mag picture kasama ako. Naisip ko lang din kasi na ilang linggo na rin ako dito pero wala pa kaming picture na mag kakasama, sa totoo lang isa sila sa nag papasaya sa akin dito bukod sa mga Island at ang makasama si Tin. "Kuya Seb, patingin naman." Sabi ni Rizza. Tumayo ako at tumabi sa kanila at pinakita ang bawat picture na nakuhanan ko simula noong nag tour ako at yung ngayon na kasama ko sila. "Kuya tag mo kami dyan ha!" tinaasan pa ako ng kilay ni Rocco, "Oo nga Kuya add mo kami para friends na tayo." Sabad naman ni Rizza. Napakamot ako ng ulo dahil sa request nila, "Sorry wala akong social media account." Nginitian ko sila sabay balik ang tingin sa cellphone ko. Expected ko na yung gulat at pagtatakhang reaction nila kaya hinanda ko na yung isip ko sa marami na naman nilang katanungan. Mga bata talaga hindi na uubusan ng mga tanong. "Bakit po?" "Bawal po ba?" "O di kaya bawal sa religion niyo? Pero wala namang ganoong rules sa kahit anong religion. Kaya bakit wala kang social media account Kuya Seb?" Sasagutin ko pa lang sana ang mga na unang tanong ni Rizza ng bigla namang sumabad na si Rocco at dinagdagan pa ang mga katanungan ng ate niya. "Kahit sss Kuya wala ka?" "Hindi ka po ba na iinip kasi 'di ba nga sabi ng matatanda ginagawa na nilang libangan ang f*******:, eh bakit ikaw po walang ganon?" "Siguro sobrang busy mo sa trabaho kaya hindi mo na kayang mag f*******: pa. Tama ba kuya?" Muling sumabad si Rizza, at dahil sa dami ng tanong nila sa akin parang sila na rin yung sumasagot nito on behalf of me. Nakakatawa talaga ang mga batang 'to. "Sabi ni Kuya Seb noon photographer siya kaya malamang alam niya yung mga social media sites at saka hindi po ba kailangan sa trabaho niyo na may account din kayo sa mga sites na ganoon." Tanong ni Rizza. "Hindi naman lahat ng may ganyang trabaho kailangan ng social media sa buhay, bakit yung ibang Doctor dito sa atin wala rin namang mga f*******: at kung ano-ano pa—" "Matatanda na sila Rocco, kaya malamang hindi nila alam gamitin ang mga bagay na 'yun!" Para matapos na ang mahaba nilang diskusyunan ako na mismo ang sumagot sa mga tanong nila at para na rin ma ka uwi na kami dahil dumidilim na rin. "Kapag kasi masyado kang gwapo marami ang mag memessage sa'yo. Gets niyo na ba kaya wala akong mga social media account." Kinindatan ko sila sabay tayo sa upuan at inaya na silang umuwi. "Rocco, pakapit naman parang humangin yata." Sabi ni Rizza na nakahawak na sa braso ng kapatid niya, nilingon ko silang dalawa saka kinunutan ng noo tumawa naman sila sabay takbo papunta sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD