Chapter 32 Part 1

3216 Words
Celestine's POV Bakit ba kasi nag prisinta ka pang tulungan siya, yaan tuloy gulong gulo na naman yung isip mo. Celestine, umayos ka nga 'wag ka ng mag pa apekto sa nangyari kahapon at huwag mo na ring isipin yung bagay na pilit mong hinahanapan ng sagot. Tanggapin mo na lang na ibang Sebastian na yung kaharap mo, yung matino at hindi yung Sebastian na nakasama mo sa bar that night. Kahit anong gawin kong pag lilibang sa sarili ko at pag babasa sa mga papeles na nasa harapan ko ngayon ayaw namang makisama ng utak ko at pa ulit-ulit lang niyang binabalikan ang mga nangyari kahapon. Oo, sinubukan kong mas lumapit sa kanya para makita yung magiging reaction niya, kung mas magiging agresive ba siya at mag te-take advantage sa akin pero ni bahid ng kapilyuhan o ka manyakan sa mukha niya wala akong nakita. Feeling ko pa nga kinabahan siya habang mag kalapit kami at habang kinakabit ko yung butones ng short niya. Mas nakaka drain talaga ng energy kapag isip ang gumagana kumpara sa katawan lang at dahil pagod na ako nawalan na rin ako ng ganang mag trabaho kaya imbis na tumambay at tumunganga dito sa office minabuti ko na lang na umuwi ng maaga. Baka ligo at pahinga lang ang katapat nito at baka sakaling tumigil yung utak ko sa kakabalik sa nangyari kahapon! Nag take-out ako ng food sa café na malapit sa restaurant pero laking gulat ko ng nakita ko si Seb na nandoon din, mukha naman siyang busy dahil mukhang may kausap siya sa phone habang nakaharap sa laptop niya. Hindi na lang ako nag pahalatang nakita siya at na upo na lang sa corner habang hinihintay yung inorder ko. Pag ka kuha ko ng order ko nagmadali akong lumabas dahil parang na so-suffocate ako sa loob ng dahil sa presensya niya. Para akong nakahinga ng maluwag ng tuluyan akong makalayo sa café. Chari: Besh, Villa ka na? 7:12pm Tin: Yep, why? 7:12pm Chari: Ireremind ko lang yung lakad natin bukas, sunduin kita before lunch. 7:14pm Tin: Opo hindi ko nakakalimutan! Gift ko ha! 7:15pm Chari: Kailangan pa ba? Eh mukhang advance mo ng nakuha. 7:15pm Tin: Ha? 7:17pm Tin: Hoy huwag mong sabihin na yung libre mo last time 'yun na yung gift mo sa akin? Ang cheap ha! 7:18pm Chari: Haha, hindi 'yun. Kasama mo na sa bahay yung gift mo. 7:19pm Tin: Gagi, sa kanya na naman ba papunta yung usapan na 'to?! 7:20pm Chari: Haha, bukas na lang busy na me! 7:20pm *** Masarap talaga sa pakiramdam yung nakatulog ka ng maayos pero dahil sa kumakala kong sikmura kaya napilitan na akong idilat ng hutso ang mga mata ko. Habang na ka higa nag browse na lang ako sa phone ko ng pwedeng kainin at bigla ko namang naalala yung Jjamppong sa mga Korean Drama na napapanuod ko kaya nag hanap ako ng restaurant na nag titinda ng Korean Jjamppong malapit dito sa Villa. "Naku Ma'am pasensya na po kayo kasi wala po kaming deliver ng Thursday, kung okay lang po sa inyo pa pick-up na lang po dito sa resto!" "Sige, order ako ng isang Jjamppong. Pipick-up-in ko na lang dyan." "Name po?" "Tin Cortez... Ay kuya padagdag na rin pala ako ng Kimchi at Pickled r****h, Thank you." Yung habang nakikipag-usap ako Jjamppong pa rin yung na iimagine ko. Ang weird lang kasi para bang hindi ako nakakain ng isang araw dahil sa pag ka takam ko sa noodles na 'yun. Gabi pa naman at mabigat sa tiyan ang noodles at mahirap tunawin kaya goodluck na lang talaga sa diet mo Tin! Pag ka baba ko ng linya nakita ko sa phone ko na alas onse na pala ng gabi! Napahampas tuloy ako sa unan dahil sa inis, kung bakit ba kasi hindi sila nag dedeliver ng Thursday at kung bakit ba kasi bigla na lang akong natakam sa Jjamppong. Ang dami namang pwedeng kainin sa ref pero hindi ko gusto ang amoy at itsura ng mga 'yun at tanging Jjamppong lang ang na sa isip ko ngayon tapos samahan mo pa ng Kimchi at Pickled r****h grabe heaven talaga 'yun. Excited na ako! Mabilis na akong tumayo mula sa kama at nag bihis, nag suot lang ako ng leggings white t-shirt at jacket. Palabas na ako ng kwarto ng bigla namang tumawag si Mama, sinagot ko ito habang nag susuot ng jacket palabas ng kwarto. "Tin anak, happy birthday! Na sa Villa ka na ba, kamusta ka dyan?" "Thank you Ma, Okay ako dito. Kayo kamusta ni Cedrick dyan?" tanong ko kay Mama, habang papunta naman ng kusina para uminom ng tubig. "Okay kami, ikaw anong plano mo bukas?" "Lunch date lang siguro with Chari." "Si Chari lang kasama mo?" Yung tono ng boses ni Mama parang yung kaibigan mong nanunukso. Si Mama talaga. "Sila Mang Teban, Aling Ester at saka yung dalawang bata. Mag papa deliver na lang siguro ako ng dinner tomorrow—" "Wala ka man lang bang na meet na iba dyan, yung pwede mong maka date—" "Ma, hindi kaya mag mukha akong desperada niyan kapag nag hanap ako ng jojowain ko dito?" Na pa iling na lang ako dahil sa mga sinabi ni Mama, alam ko naman na sila ni Cedrick ang no. 1 cheerer ko pag dating sa pag kakaroon ng boyfriend at masarap lang din sa pakiramdam ang ganoong set-up na hindi mo na kailangang itago yung relationship mo sa kanila kumbaga free ka na mag commit sa taong mahal mo habang naka suporta sila sa likod mo. Pero wala naman akong itatago dahil wala naman akong karelasyon ngayon. "Anak babae rin ako at pinapaalala ko lang na Nanay mo ako kaya kahit naman hindi ka mag sabi sa akin alam ko naman na mayroong umaaligid sa'yong mga lalaki dyan pero hindi ko naman sinasabi sa'yo na kailangan mo silang i-date lahat, ang sa akin lang basta kapag kaya mo na at ready ka na ulit hayaan mong maramdaman ulit yung mag mahal at mahalin, gusto kong maging masaya ka ulit tulad ng dati—" Ang strange lang ng mga sinasabi ni Mama, yung tipong parang ang lalim na at hindi ko na rin alam kung saan siya humuhugot, pero tama naman siya na kailangan kong hayaan ang sarili ko na mag mahal ulit, pero sa ngayon wala naman akong plano na pumasok sa isang relationship na alam ko naman na hindi ko pa rin kaya. Hindi ko pa rin yata kaya yung pakiramdam ng ma iwan! "Ma, ang drama yata natin ngayon may problema ba?" "Wala, ikaw lang ang inaalala ko kasi parang sa amin na lang ni Cedrick umiikot yung mundo mo. Hindi sa nag sasawa na kami sa'yo kundi gusto naman namin na mag focus ka sa happiness mo." "Basta lagi kayong okay ni Cedrick, yuon yung happiness ko kaya saan pa ako mag fo-focus?" Si Mama talaga gabing gabi na nag da-drama pa. "Mag focus ka sa sarili mong kaligayahan, huwag puro kami ang iniisip mo anak at baka tumanda ka agad niyan." "Okay sige para matapos na yung pangungulit niyo sa akin ni Cedrick. Hindi ko naman sinasara yung sarili ko na ma in love ang sa akin lang ayaw kong madaliin yung sarili ko kung dadating siya ngayon, eh di okay pero kung hindi pa okay lang din kasi ibig sabihin lang may time pa ako para sa sarili ko, baka may kailangan pa akong ma experience bago ulit ako mag mahal. Kaya 'wag kayong mag alala dahil hindi naman ako mag papakatandang dalaga. Okay?" "Tin, saan ka pupunta?" Nanlaki ang mata ko ng dahil sa boses na 'yun. Humarap ako sa pinanggalingan ng boses at nakita kong nakatayo si Seb habang nag kakamot pa ng ulo. Mukhang kakagising lang nito, at dahil sa taranta hindi ko na alam kung papatayin ko na ba yung phone kahit na naririnig ko pang nag sasalita si Mama, o sasagutin ko yung tanong ni Seb. "Ka uuwi mo lang ba—" Tinakpan ko na ang bibig ni Seb gamit ang kanang kamay ko bago pa niya ako tadtarin ng mga tanong, "Ma, bukas na lang ha inaantok na kasi ako—" "Inaantok? Eh bakit parang may narinig akong ibang boses dyan... parang lalaki Tin, may kasama ka ba dyan? Nandyan pa ba sila Teban?" Pinanlalakihan na ako ng mata ni Seb habang pinapabalik balik niya ang tingin sa mata at kamay ko na nakatakip pa rin sa bibig niya, "Wala Ma nag pa deliver kasi ako ng... tubig? Oo nag pa deliver ako ng tubig!" Habang nag sasalita ako pilit namang tinatanggal ni Seb ang kamay ko sa bibig niya, "Marami pa tayong tubig dito—" "Bye, Ma I love you!" Dahil sa taranta kaya hindi ko na hinintay na makapag salita pa si Mama at pinutol ko na agad ang linya. Nag send na lang ako ng message sa kanya para hindi na siya mag hinala at mag alala pa. Hindi ko naman napansin na hindi ko pa pala na aalis yung kamay ko na nakatakip sa bibig ni Seb kaya ng umubo ito mabilis ko itong inalis saka lumakad na papunta sa sala na para bang walang nangyari. Sumunod naman siya at walang imik na tinignan lang ako na para bang nag hihintay ng paliwanag ko. "Kakagising mo lang ba?" tanong ko habang nakatitig pa rin siya sa akin. Ako naman nag kunwari na lang na may inaatupag sa cellphone ko. "Oo, ikaw kaka-uwi mo lang?" "Hindi, kanina pa. Kukunin ko lang yung inorder ko. "Order?" Naputol nga yung usapan namin ni Mama pero kung mag tanong naman ang lalaking 'to parang si Mama lang din. "Oo, bigla kasi akong nagutom." Naglakad na ako papunta sa pinto at hanggang doon naka sunod pa rin siya. Imbestigador lang ang peg? "At this hour?" "Nag early dinner kasi ako kanina. Sige na aalis na ako." Bago pa humaba at kung saan saan na naman mapunta yung usapan namin minabuti ko na ng lumabas ng pinto, pero bigla naman ako nitong hinila pabalik at saka sinarado ang pintuan. Binigyan ko siya ng matatalim na tingin dahil sa inis ko. "Wait, give me 10 minutes—" "Bakit?" iritadong tanong ko. "Nagugutom rin kasi ako! Oh 'wag kang mag isip ng kung ano. Hindi lang naman ikaw ang nakakaramdam ng gutom. Hintayin mo ako 10 minutes lang 'to. O kung naiinip ka samahan mo akong mag bihis para five minutes lang yung ma co-consume ko." "Bahala ka dyan!" Wala akong panahon sa kalokohan niya kaya tinalikuran ko na lang siya. "Teka lang Tin, nag bibiro lang naman ako pero dyaan ka lang huwag mo akong iiwanan, sandali lang 'to." Wow, sa kanya pa talaga nanggaling yung salitang "huwag mo akong iiwanan" mukhang tulog pa yata yung diwa ng lalaking 'to. Iwan ko kaya talaga siya ng tuluyan na siyang magising! Sebastian's POV Mahirap mag-isip ng mga concept, design and decoration para sa birthday party, idagdag pa yung mga kailangan kong lutuin sa mismong araw na 'yun at sa loob lang ng halos limang oras. Mas mahirap pa yata ito kaysa noong opening ng Sweet Lips. Lalabas sana ako para kumuha ng makakain pero bigla ko namang narinig yung boses ni Tin. Sino kaya yung kausap niya? Lumapit ako sa pinto at tinapat ang tainga ko doon pero habang tumatagal lalong hindi ko na marinig o maintindihan yung sinasabi niya para kasing papalayo ng papalayo yung boses niya at ang huli kong naintindihan, eh yung pangalan ng bunso niyang kapatid na si Cedrick. Dahan dahan lang akong lumabas ng pinto at pinag mamasdan lang siya habang nakatayo sa kusina at may hawak na isang baso ng tubig habang nakikipag usap sa cellphone niya. Na huli ko na lang yung sarili kong naka ngiti habang naka titig sa kanya, siguro dahil ngayon ko lang siya ulit natignan ng ganito katagal na walang pangamba na baka makita niya ako at samaan na naman ng tingin. Last time ko kasi siyang napag masdan ng ganito noong na sa labas siya ng church sa campus at umiiyak. Hanggang ngayon kapag ipipikit ko yung mata ko tandang tanda ko pa rin ang itsura niya kung paano ko siya nasaktan noon at kung paano ko siya na pa iyak, gusto ko siyang lapitan at yakapin tapos sasabihin ko sa kanya na sige lang Tin, iyak ka lang dito lang ako sasaluhin kita, pero hindi ko magawa 'yun dahil ako yung dahilan ng pag iyak niya. Kaya naman lahat gagawin ko para maka bawi sa kanya at kahit papaano matanggal yung guilt sa isip ko, sana lang makisama yung tadhana at bago ako umalis dito maayos ko yung nasira ko noon. Hindi naman ako umaasa na magiging friends kami o kahit maging close pa, gusto ko lang ma feel niya yung pag hingi ko ng sorry, gusto kong makabawi sa kanya at gagawin ko 'yun sa kahit ano pang bagay o paraan, katulad na lang nag pag-aayos para sa birthday party niya. Yung Mama pala niya yung ka usap niya kaya pala ganoon na lang siya kung kabahan ng marinig ang boses ko. Hindi ko sinadyang iparinig pero napabuti yata dahil nagawa niya akong hawakan, yuon nga lang tinakpan naman niya yung bibig ko para tuloy nahalikan ko yung palad niya. Maraming pag kain sa ref pero mas gusto niya pang lumabas at doon kumain samantalang dis oras na ng gabi at malamang mga lasing sa daan o resto bar ang makikita at makakasalamuha niya. Hindi man lang ba siya natatakot? Pero maganda na rin yata na naisipan niyang lumabas kasi kahit pa napipilitan lang siyang isama ako at least ma sosolo ko siya ngayon at siguradong wala siyang kawala. Ang probema lang paano ko siya kakausapin o pakikitunguhan, siguradong awkward na naman 'to para sa kanya. Bahala na! Bahala na kung saan makakarating yung unang word na lalabas sa bibig ko. Bahala na kung ma iirita o maiinis siya sa akin, basta mawala lang yung wall o kahit hindi tuluyang mawala basta mabasag ko lang yung kalahati ng pader na nakapagitna sa amin para mag karoon ako ng daan para makita siya ng husto. Ang weird siguro para sa ibang lalaki na nanloko ng girlfriend nila ang ginagawa ko ngayon, baka nga isipin pa nila na may feelings pa ako kaya sobra yung effort ko pero para sa akin gusto ko lang rin siyang makasama bukod sa makabawi sa kanya. Ewan ko ba para kasing gumagaan yung pakiramdam ko kapag nakakasama ko siya lalo na ang maka-usap siya. Mukhang guilt nga yata yung nararamdaman ko! O baka nag eenjoy lang ako kasi never ko inimagine na mag kakasama kami ulit at saka baka bored lang rin ako kaya parang libangan na sa akin ang kausapin o kaya inisin siya. "Saan pala tayo kakain?" tanong ko habang nakaharap sa kanya at sinusuot ang sombrero ko. "Sasama-sama ka tapos hindi mo naman pala alam yung pupuntahan. Paano pala kung ibebenta na pala kita tapos wala ka man lang ka alam-alam!" Hindi na ako nagugulat sa mga ganitong sagot niya kasi nasanay na akong laging mainit yung dugo sa akin ni Tin. "May tiwala naman ako sa'yo at saka kaya mo ba akong ipamigay o ibenta na lang?" Ngiti naman ang ginanti ko sa kanya na alam ko naman na lalo niyang ika-iinis. Palihim na lang akong natawa ng muli na naman niya akong samaan ng tingin. Signitaure sign na yata ni Tin ang umirap. "Oo pero wala namang bibili sa'yo!" "Oy grabe siya, iwan mo lang ako sa isang tabi for sure marami ng babae ang lalapit sa akin." "Oo mga babaeng aso!" sabay tawa ng nakaka-inis. Nakikipag biruan na siya sa akin? Good sign ba 'yun para sa mas maayos na usapan. "Grabe siya oh, selos ka ba?" Shit ka Seb, anong banat na naman yun! Hindi ka nanliligaw at wala kayong relasyon kaya umayos ka. Tsk, tsk. Wrong move! Iritado naman siyang tumigin sa akin, "Kilabutan ka nga!" sabay irap ulit. Parang bumabalik tuloy yung time noong nanliligaw pa lang ako sa kanya. Kung iisipin ang hirap rin ng pinagdaanan ko bago ko siya na pa sagot kaya malamang mas mahirap yung pag dadaanan ko ngayong gusto ko namang hingiin yung kapatawaran niya. Hindi naman kasi pwedeng sabihin ko na lang na "Sorry, Tin for every pain that I caused you, tao lang nagkaka mali rin. Bati na tayo" kung sana ganoon lang kadali ang humingi ng tawad at mabilis lang din makuha ang kapatawaran na hinihingi mo malamang wala na sigurong magkaka-away sa mundo. "Saan ka pala nag dinner kanina?" tanong ko "Sa bahay." Hindi man lang binalik sa akin yung tanong halatang walang paki sa mga ginagawa ko. "Ang dilim naman pala ng mga dadaanan natin, buti na lang talaga sumama ako sa'yo—" "Wala naman akong balak mag lakad ng mag-isa—" "Kasi mas masarap kapag may kasama." Natigilan siya sa pag lalakad at humarap sa akin, ngumiti ito na tila ba napipilitang sumangayon na lang sa sinabi ko. "Manahimik ka na nga lang at bilisan mo na mag lakad dyan!" "Sobra ba gutom o ayaw mo lang akong kasama." "Both!" sagot niya habang nakatuon ang tingin sa daanan. Hindi kaya nag sisinungaling siya kasi hindi naman niya ako tinignan this time. Alam ko naman na gutom siya kaya malamang hindi totoong ayaw niya akong kasama. "Real talk ka talaga mag salita 'no." sabi ko. "Hindi ko naman kasi kailangan mag sinungaling." Alam ko naman na hindi siya sinungaling at hindi siya sanay sa gawaing ganoon. Baka nga gawa na lang ng isip ko yung kahit papaano gusto niya pa rin akong ma kasama, sino ba naman kasi ang gustong kasama o makasamang kumain ang ex nila. Ako lang yata? "Sabi ko nga hindi ka sinungaling." Natigilan ako ng muntik na akong mabangga sa likuran niya, bigla naman kasi siyang huminto sa pag lalakad. May mali na naman ba akong na sabi? "Oo nga pala 'wag mo na sanang ikwento sa iba na mag kasama tayo sa bahay." "Naku, paano 'yan na sabi ko na sa group chat namin na may kasama ako sa Villa na—" "Nang iinis ka ba?" Umamba pa ito ng pananbunot sa buhok ko kaya na pa atras ako ka agad. Mahirap na at baka saniban si Tin, ng war freak na espirito at maubos niya yung buhok ko kakasabunot. "Chill. Sinabi ko lang naman na may kasama ako pero hindi ko naman sinabi kung sino. Bakit bawal ka bang may kasama sa bahay?" "Sira ka ba, kapag nalaman ng ibang tao na tayong dalawa lang ang nakatira sa Villa sa tingin mo anong iisipin nila?" Hindi naman ako inosente sa mga ganyang bagay kaya malamang iniisip na ng mga nakakkita sa amin na may ginagawa kaming milagro kapag dalawa na lang kami sa bahay, pero hindi ko naman pwedeng idikta sa mga tao kung ano ang hindi at pwede nilang isipin. Bakit ba kasi kailangan pang intindihin ang sasabihn ng iba, mas bumibigat ang buhay kapag pati ang mga ganoong bagay iisipin mo pa. Pero dahil babae siya kaya na gegets ko naman yung ibig sabihin niya. "Na kinakawawa at sinusungitan mo ako." Dinaan ko na lang sa biro para hindi na siya mag alala pa. "Ewan ko sa'yo, mag hanap ka ng kausap mo!" Binilisan pa nito ang lakad niya at iniwan ako. Sobrang gutom na siguro kaya ang bilis ma inis. "Wala naman tayong ginagawa kaya bakit ka mag-aalala?" tanong ko habang hinahabol pa ang hininga, bilis kasi niyang mag lakad talagang gusto akong iwan. "Ayaw ko lang na pag-usapan yung buhay ko ng ibang tao." Sino ba naman ang may gusto 'di ba? "Hayaan mo silang malibang at mahibang kaka isip sa mga bagay na hindi naman nila dapat pinapaki-alamanan." Hindi naman kasi dapat kami ang mag adjust kundi sila na nakiki-isyoso sa buhay ng ibang tao. Mind your own business, ika nga nila. "Hindi kasi ako komportable sa ganoong bagay." Natabunan ng pangamba yung kaninang matapang at palaban na tono ng boses niya. "Pero hindi mo mapipigilan ang mga ganoong bagay, kaya you better prepare yourself sa—" "Pero pwedeng iwasan!" Sabi ko nga hindi ako mananalo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD