Chapter 32 Part 2

4228 Words
Pag dating namin sa restaurant nag bago agad yung mood niya at para siyang bata na sobrang sabik ng kainin yung paborito niyang pag kain. Abot na yata hanggang tenga yung ngiti niya at para bang kumikislap pa ang mga mata nito ng makita niya sa tarpauline ang best seller ng restaurant. "Table for two po Ma'am?" tanong ng waiter na sumalubong sa amin. Umiling naman si Tin, at inunahan ko na siyang sumagot sa waiter, "Oo," sagot ko. Pinandilatan naman ako ng mata nito at nang ibabaling na niya ang tingin sa waiter umalis na ito para ihanda ang lamesa namin. "Take-out kasi yung sa akin." Reklamo niya. "Pag-uwi natin sa Villa for sure malamig na 'yan at hindi naman masarap kung irere-heat mo lang. Dito na lang tayo kumain—" "Oo nga Ma'am dito na lang po kayo kumain sayang naman po yung pagkaka-ayos ko ng lamesa niyo." Ang bilis mag ayos ni kuyang waiter at nakuha pang sumali sa usapan namin. Sa tagal kong kumakain sa iba't ibang reataurant at café dito wala pa naman akong na eencounter na mga masusungit na staff at laging palabiro at mababait ang natatapat sa akin, isa na si Kuya doon. "Kuya ako yung tumawag kanina—" "Kayo po ba yung Tin Cortez?" "Oo—" "Mag Dine-in na lang po kayo Ma'am para po may kasamang kumain si Sir." Kumindat pa si kuyang waiter sa akin na para bang pinapalapad ang papel ko kay Tin. Ngumiti naman ako at saktong natingin sa akin si Tin kaya sinipa nito ang paa ko. "Kuya kung ano po yung inorder niya ganoon na lang rin po yung sa akin." Sagot ko naman. "Sigurado ka ba?" tanong ni Tin na ngayon naman ay nakangiti na. Iba talaga ang impact ng pagkain sa babae lalo na pag gutom. Tumango naman ako bilang sagot. Habang nag hihintay ng pagkain abala siya sa pag ta-type sa phone niya at ako naman nakatingin lang sa view sa gilid namin, sayang at gabi kami napunta dito kasi mukhang maganda yung tanawin kapag may araw, makikita kasi mula dito yung mga Bangka galing ng Island Hopping. Kahit hindi mag salita si Tin, alam kong nag didiwang at napapatalon pa siya sa saya dahil mabilis na dumating ang order namin. Jjamppong, kimchi at pickled r****h. Ah, so Korean pala kami ngayon. Ngayon alam ko na kung bakit niya ako tinanong kanina kung sigurado akong parehas na lang kami ng order. Alam niya kasing hindi ako pwede sa ma anghang dahil sa sobrang selan ng sikmura ko. Aalis na sana ang waiter ng bigla naman siyang mag pa habol ng isa pang order. "Kuya padagdag ako ng isang plain rice." Isang bowl na may kasama pang mga side dish tapos mag ra-rice pa siya? Hindi ko alam na parang kargador na pa lang kumain si Tin ngayon, hindi kasi halata sa katawan niya dahil balingkinitan pa rin naman ito. "Bakit may sasabihin ka ba?" napansin niyang kanina ko pa siya pinag mamasdan habang kinukuhanan ng picture yung Jjamppong sa harapan niya. "Kaya mo bang ubusin 'yan? Tapos nag padagdag ka pa ng rice. Sobra ba gutom mo?" tanong ko. "Sira, para sa'yo yung rice. Ma anghang masyado 'yan kaya paniguradong aarte yang sikmura mo. Kumain ka ng rice para hindi sumumpong yung ulcer mo." Tama ba yung narinig ko, nag-aalala siya sa akin? Teka na nanaginip ba ako, bakit biglang bumait si Tin? Ah... dahil sa pag kain. So kailangan ko lang pala siyang bigyan ng pagkain kung gusto ko siyang maka-usap ng maayos na hindi ako sinusungitan. "Mahilig kang kumuha ng picture?" tanong ko habang nag sisimula na ring kumain. "Minsan lang kapag maganda yung subject. Hindi mo ba muna pipicturan?" Tama nga si Chari, nakahiligan na niyang kumaha ng mga litrato na alam kong ako ang nakapag impluwensya sa kanya nun. "Hindi ko hilig yung—" "No wonder kaya wala kang social media account?" Alam niya? Paano? Hindi kaya chinachat siya ng gagong Dominic na 'yun! "Bakit, Sinubukan mo ba akong hanapin?" tanong ko sabay higop ng sabaw. "Hindi 'no! May nakapag sabi lang sa akin before." Tuloy lang siya sa pag kain at hindi man lang ako nakuhang tapunan ng tingin. Gutom nga talaga. Si Dominic nga siguro. Loko-loko 'yun nakikipag communicate kaya siya kay Tin, na hindi man lang sinasabi sa akin? Pero pwede rin namang hindi siya at nag sisinungaling lang si Tin. Pero hindi naman niya gawaing mag sinungaling, pero sa akin pwede kasi nga wala naman kaming relasyon. Ang gulo! "Sigurado kang hindi mo man lang ako sinubukang hanapin kahit i-type lang yung first name ko sa phone mo?" "Hindi." Straight and on point. Baka nga may nag sabi lang sa kanya. Sa totoo lang medyo busog pa naman ako, gusto ko lang sanang kumain ng chips o kahit anong mangunguya kanina habang nag eedit sana ng mga picture, pero nang malaman ko na lalabas si Tin ng bahay ng dis oras ng gabi kaya pinilit ko na lang na sumama sa kanya. Babae siya at lapitin ng mga masasamang loob kaya ipinilit ko sa kanya na sumama kahit halatado namang ayaw niya. Masarap yung Jjamppong lalo na't mainit ang sabaw at tamang tama lang ang pag kaka luto ng mga rekado at pasta nito, pero parang mas masarap panuorin si Tin kung paano kumain. Napapangiti na lang ako habang tinitignan siya, para kasi siyang batang gutom na gutom tapos nakangiti rin siya habang kumakain, kulang na nga lang kausapin niya yung mga noodles dahil sa sobrang galak at halata rin kasi sa ekspresyon ng mukha niya na sobra siyang satisfied sa kinakain niya. Nahinto ako sandali sa pagkain ng may ma recieved akong message galing kay Dominic. Nag send na naman siya ng post ni Tin sa i********: account niya. Pinost niya yung Jjamppong na kasalukuyang kinakain namin ngayon na may caption na Midnight snack! @DomValdez Lakas naman yata kumain ni Tin? @SDM_Gallery Sinabi mo pa. Parang nagutuman nga. @DomValdez Sabi na at kasama mo siya. @SDM_Gallery Sabi na at chismoso ka talaga eh! @DomValdez Curious ang tamang term bro. Behave ka dyan ma anghang pa naman yung jjamppong masakit sa mata. Haha! Kanina ko pa na raramdaman yung pag vibrate ng phone ni Tin, pero na ka flip naman ito kaya kahit palihim kong tignan ang cellphone niya hindi ko rin makita kung sino ang tumatawag sa kanya. "Hindi mo ba sasagutin?" tanong ko. Kinuha niya ang phone niya at tinitigan lang ito. Bakit kaya ayaw niyang sagutin, hindi kaya lalaki ang tumatawag o kaya manliligaw o boyfriend niya at nahihiya lang siyang sagutin sa harapan ko. Tumingin siya sa akin na parang nag aalangan saka niya sinagot ang tawag sa phone niya. Ako naman kunwari patay malisya at nakatuon sa kinakain ko. "Thank you." Sabi nito habang naka ngiti. Siguro isa na 'yun sa bumabati sa kanya kasi ilang minuto na lang birthday na niya. "Bakit hindi ka pa natutulog?" muling tanong niya. "Late na kaya, mag pahinga ka na at masama sa health yung nag pupuyat ka." Hanep ang sweet naman niya ay hindi ang caring pala. Sino kaya yung kausap niya? "Na sa labas kasi ako." "Nag crave ako, oo nga pala hindi mo alam kasi hindi mo ako pina-follow." Instagram? At kung boyfriend o manliligaw man niya 'to, nakapag tatakha lang na hindi siya pina-follow sa social media account niya. Bakit kaya? Private na rin kaya siyang tao tulad ko? "Hindi, ako lang mag-isa." Mag-isa? Eh anong tawag niya sa akin? Mag salita kaya ako dito para malaman ng kausap niya na dalawa kaming kumakain sa iisang mesa ngayon. "Oo malapit na tayong mag kita ulit. After ng renovation uuwi na rin ako dyan. 'Di ba promise ko sa'yo na mag de-date tayo lagi sa loob ng dalawang buwan." Habang tumatagal medyo nakakainis ng makinig sa pag-uusap nila ha! Date ng dalawang buwan? Teenager ba kayo at saka bakit kailangan pa niyang banggitin sa harapan ko ang mga bagay na ganyan? Anong gusto niyang palabasin? "Ang kulit mag-isa nga lang ako. Basta mag cha-chat na lang ako pag sa Villa na ako." "Love you too, matulog na ha!" Love you too talaga sa harapan ko! Nilalapastangan yata ako nitong si Celestine! "Oh bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya ng ibaba na ulit ang phone niya sa mesa. Hindi pa nga sagad yung panlilisik ko ng mata kung maka sita naman siya para bang krimen na ang titigan siya. "Hindi naman ako sa'yo nakatingin, kundi doon sa mga tao sa likuran mo," akmang lilingon na sana ito, "Pero naka alis na sila." Hindi na niya tinuloy at bumalik na lang siya sa pagkain, mabuti na lang dahil wala naman talagang mga tao sa likuran niya. Muli na namang nag vibrate ang phone niya habang kumakain at na pa iling na lang ito ng tignan na niya ang tumatawag. "Sinabi ng matulog na ang kulit talaga ni Cedrick." Mahinang sabi niya. Cedrick? So yung kapatid pala niya yung kausap niya at hindi niya boyfriend o manliligaw? Teka, tama ba ako ng dinig o nabibingi na ako? Mahirap din kasing pag sabayin ang pag kain at pakikinig sa usapan nila. "Hindi pa kasi ako nag o-online, titignan ko na lang pag-uwi ko." "Opo, matulog ka na at ikiss mo ako kay Mama." Pag baba niya ng tawag na pa buntong hininga ito saka umiling ulit, "Kulit talaga." Mahinang sabi niya "Binata na si Cedrick ngayon 'no?" tanong ko. "Sinabi mo pa—" "May girlfriend na ba?" "Parang wala pa naman. Kasi kung mayroon man paniguradong hindi naman niya ililihim sa akin 'yun." Nakaka inggit din yung relasyon nilang mag kapatid kasi kahit sa love life o anu mang bagay hindi sila takot mag open-up sa isa't isa. Sana ganyan din kami ng mga kapatid ko. "Partners in crime nga pala kayo." Ngumiti lang siya at muli na namang sumubo ng Kimchi. "Galit din ba siya sa akin?" tanong ko Tumingin si Tin sa bintana bago sumagot at tignan ako, "Noong una, siguro ngayon inis na lang." "Eh, ikaw galit ka pa ba sa akin?" Mukhang nag kamali yata ako ng tanong kasi parang nawalan siya ng gana at nabitawan niya ang hawak niyang chopsticks tapos nakatitig na lang siya sa Kimchi na kanina ay enjoy na enjoy siyang kainin. "Huwag mo na lang sagutin. Oo nga pala saan ka nag wo-work ngayon?" Ayaw kong sirain yung pag salubong sa birthday niya kaya iiwasan ko na lang na mag tanong ng mga bagay na alam kong ma aawkward siya. Sana lang talaga wala akong masabing makakapag pabago ng mood niya ngayon. "Clothing company sa New York." "As?" "Designer." Ang layo sa kurosng tinapos niya. Parang ako lang din pala. "Sigurado mataas yung pressure doon?" "Oo, sinabi mo pa. Hindi ko nga rin alam kung paano ko na survive yung ilang taong pag tatrabaho doon." Mukhang gumaganda na yung mood at parang nagiging komportable na siya ulit. Magandang topic ang about sa trabaho dahil hindi naman talaga laging pay day ang pag kakaroon ng maganda at disenteng trabaho, madalas pressure ang kalaban mo. "Mahirap kasi yung may boss lalo na kung foreigner." Pahabol nito. "Pero advantage din naman minsan kasi kahit pa mag salita ako ng hindi maganda sa kanya hindi naman niya naiintindihan kaya nakakatawa lang din." Nakakatuwa dahil nag oopen-up siya sa akin na hindi ko talaga ineexpect na gagawin niya, ang akala ko isang tanong isang sagot ang magigig set-up namin ngayon. "Naku may kalokohan ka rin pala ha." "Hindi ko naman sinasabi directly. Minsan kasi talagang may time na punong puno ka na at parang sasabog na yung utak mo kasi nag kakasabay sabay yung problema at mga iniisip mo tapos ginawa mo naman yung best mo at alam mong tama tapos parang kulang pa rin. Nakakapiga rin talaga ng utak mag trabaho." "Mas madali pa rin talagang maging estudyante kahit na may mga terror na professor at puro reporting." Sagot ko naman. Sumangayon naman siya agad at tumango tango pa. Sinandal niya ang kaliwang siko niya sa mesa saka hinawakan ang batok, "Hamak na mas madali kumpara ngayon. Hirap ng adulting." "Pero mas nakakagalaw ka naman ng mabuti kasi hawak mo yung oras mo at hindi mo na kailangan mag paalam sa parents mo at may sweldo ka na rin at hindi na kailangang mang hingi ng pera sa magulang." Para sa akin ito talaga yung pinaka masaya sa pagiging adult, yung freedom sa lahat ng bagay! "Oo din. Pera at freedom, masaya pero mahirap din minsan." Dismayadong sabi nito. Siguro dahil sa responsibilities kaya humihirap para sa kanya. The last time I checked noong before kami grumaduate nag ii-struggle pa rin sila pagdating sa financial needs. Hindi ko na lang alam ngayon dahil nawalan na ako ng balita about sa kanya. "Hindi ka pa ba nakakapag adjust?" "Nakapag adjust na pero may time talaga na sobrang taas ng pressure. Minsan nga iniisip namin na baka bored lang yung boss namin kaya naiisip niyang i-pressure kami at kung ano-anong pahirap yung dinadagdag sa trabaho namin." She sighed heavily na para bang nakapag release siya ng mabigat na problemang matagal na niyang gustong ilabas. And if ever tama ako, I'm lucky dahil sa akin siya nag open-up na sobrang namiss ko talaga. Namiss ko yung makinig sa mga worries and problems niya. "Gusto niya lang ilabas yung best niyo. Take it as a challenge. Expect mo na lagi na may kasamang pressure yung pag tatrabaho pero dapat ma enjoy mo pa rin para hindi ka ma stress. Mas mahirap kapag na burnt out ka." "Ganyan din ba yung strategy mo kapag na pe-pressure ka sa trabaho?" "Actually hindi. Nag resign nga ako dahil sa pressure." "Loko ka, tapos nag aadvice ka sa akin ng hindi mo naman pala na apply sa sarili mo." Ganoon naman yata talaga kasi karamihan ng kilala ko magaling mag advice tapos hindi naman nila na aapply sa sarili nilang mga problema. Siguro para sa akin parang advice ko na lang 'yun sa dating ako at magiging lesson naman sa bagong ako ngayon. "Eh, kasi late ko ng na realize yung ganyang bagay." "Na sa huli nga naman ang pag sisisi." She looks natural now, parang yung Celestine Cortez lang noong College kami na habang tumatagal na kausap mo lalong nagiging interesado sa topic niyo kasi mapapansin mo sa facial expression niya na nag eenjoy siya sa company mo. "Hindi naman ako nag sisisi noong nag resign ako." "Bakit? Kasi nakahanap ka agad ng bagong trabaho?" "Hindi, kasi mas nalaman ko kung ano talaga yung gusto ko." "Sana lahat may courage katulad mo." Courage? Sa pansariling kagustuhan oo pero kapag may ibang taong involve na lalo na kung safety niya yung pinag-uusapan, dyaan napapalitan ng fear yung courage ko. "Hindi naman sapat yung courage para gawin talaga kung ano yung nakapag papasaya sa'yo. Marami rin kasing kailangan i-consider at swerte lang din ako kasi wala naman akong ibang responsibility kundi yung sarili ko." "Nakaka inggit yung ganon pero at some point mas nakaka inspire kasi mag work kung alam mong may responsibilidad kang dapat punan." As expected, sanay kasi siya na may responsibilidad at sanay rin siya na siya ang nag aalaga kaysa siya ang inaalagaan. Noon pa man mas matured na talagang mag-isip at kumilos kaysa sa akin si Tin, no wonder hanggang ngayon hindi pa rin na aalis ang ganoong mentality niya. "Pero dapat iniisip mo rin yung happiness mo kahit na may mga responsibilidad ka." Tinaas ko ang dalawang kilay ko na para bang inuutusan siyang gawin ang sinabi ko, ngumiti naman ito na may kahalong pag tawa pa. "Marami ka na sigurong pinag daanang trials kaya ganyan yung mindset mo." "Matured na ba?" Tanong ko habang hinihimas ang baba ko at umasta na para bang nagyayabang. "Yes? Medyo." "Iba-iba naman kasi tayo ng pinag dadaanan. Ako kasi natutunan ko ng tanggapin na lang yung mga nangyayari then after that move on na." "Hindi ka ba nahirapan mag move on? I mean sa mga p-problems na na-e-encounter mo?" Medyo nag buckle siya doon kaya na pa tingin na lang siya kung saan. Na realize niya yata na iba yung word na nagamit niya. "Pinaka mahirap yung stage ng moving on lalo na kung napamahal ka na tapos umasa ka na siya na yung destiny mo pero magugulat ka na lang , one day may iba ka na pa lang gusto at yung bagay na 'yun na kinalimutan mo 'yun din pala ang mag papasaya sa'yo." "Teka masyado ng deep, parang kailangan kong huminga." Nakukuha na niyang mag biro at sign na 'yun na okay talaga sa kanya yung topic namin ngayon. "Lahat naman tayo may pangarap noong bata tayo, minsan sa ibang tao natutupad nila 'yun pero karamihan kinakalimutan na lang kasi nga parang imposible na." Dagdag ko pa. "Pero hindi ba nagalit yung parents mo nung nag resign ka?" "Nagalit tapos pinunit pa sa harap ko yung resignation letter ko. "Hoy Sebastian anong plano mo sa buhay, tumatanda ka na kaya dapat alagaan mo yung trabahong bubuhay sa'yo. Tigilan mo ng mag laro at mag seryoso ka sa buhay" hindi ko na tanda yung iba pero konti lang 'yan sa mga sermon ni Daddy sa akin." "Sinabi ng Dad mo 'yun?" Mag ka halong gulat at awa yung ekspresyon ng mukha niya. "Oo. Na kweto ko sa'yo dati na strict si Dad 'di ba. Kaya nga mas pinili kong umalis sa kumpanya niya. Alam mo ba yung feeling na lahat ng tao nakatingin sa'yo at inaabangan kung kailan ka magkaka mali." "Hirap ng situation mo. Pero bakit hindi mo ba sinubukang mag apply sa ibang company, malay mo nandoon yung happiness mo." Jumping to another things, situation or relationship is not always the answer for your happiness. Natutunan ko ang bagay na 'yan kaka attend ng mga motivational talk kasama yung mga ka trabaho ko sa Italy na natututunan kong i-apply sa buhay ko ngayon. "Sinubukan ko lahat ng pwedeng pasukan na kumpanya pero failed lahat, ayaw akong tanggapin." "Bakit? Hindi ka ba pumapasa sa mga interview or exam nila?" kunot noong tanong niya. Sana nga yuon na lang yung dahilan para kahit papaano mas katanggap tanggap pa. "Dahil sa lakas ng connection ni Dad. After kasi ng graduation nag apply ako sa iba at pilit kong iniiwasan yung kumpanya niya tapos nalaman niya yung ginagawa ko kaya ang resulta doon pa rin ang bagsak ko sa kanya." "Dapat dyaan mo ina-apply yung mga sinasabi mo sa akin kanina." Sabi niya habang nag lalagay ng tubig sa baso na inabot naman niya sa akin. Kinuha ko naman yung baso saka ako uminom, ramdam ko na parang nanuyo yung lalamunan ko dahil yata sa kakasalita. "Sinubukan ko pero hindi talaga nag work. Iniisip ko noon kung mag i-stay pa ako ng matagal either masisira ko yung pangalan ng kumpanya o yung sarili kong pangalan." "Ang weird, eh mag tatrabaho lang naman ang gagawin mo at saka for sure may special treatment ka kaya madali mo lang gawin yung trabaho mo." "Wasak ako that time. Broken, wala sa sarili, wala sa focus at gusto ko lang mag kulong sa bahay. Petiks lang ang peg ko sa buhay noon kaya bawal ang ganoong mentality sa Company ni Dad." "Peg talaga?" natawa siya ng bahagya at bumalik rin sa pagiging seryoso "Bakit?" "Hindi mo man pansin noon pero malaki yung naging impact sa akin nung break-up natin, I mean yung ginawa ko." "Affected ka pala akala ko parang wala lang sa'yo." Ang akala ko naman iiwas ulit siya sa sinabi ko, parang okay na yata sa kanyang pag-usapan dahil hindi na niya ako sinasamaan ng tingin at iniiwasan. Wala naman kasi siyang choice dahil wala kami sa Villa kaya hindi siya pwedeng mag kulong sa kwarto niya. "Syempre hindi. Kapag mahal mo mahirap iwan." "Eh, bakit mo kasi iniwan." "Dahil nga mahal ko." "Ang weird mo!" Weird sa ngayon dahil hindi mo alam yung totoong rason ko at kung malaman mo man sana hindi ka magalit sa akin at maintindihan na lang yung naging desisyon ko. "Alam mo yung meaning ng love is sacrifice?" tanong ko. "Oh anong meron doon." "Yuon yung reason kung bakit ko piniling iwan yung mahal ko noon." "Hindi ba unfair sa mahal mo noon na basta ka na lang nakipag hiwalay sa kanya noon?" Nag uumpisa na siyang maging curious ulit sa dahilan ko. Itigil ko na kaya bago pa tuluyang balikan ng utak ko ang mga pangyayaring 'yun. "Alam kong unfair dahil hindi ko man lang kinonsulta sa kanya yung mga desisyon ko na dapat naman talaga ginawa ko." "Eh, bakit kasi hindi mo ginawa? May pumipigil ba sa'yong gawin ang bagay na 'yun." Nag iwas siya sa akin ng tingin the moment na hindi ko na inalis ang mga mata ko sa kanya. "Meron, kasi alam kong hindi siya papayag sa gusto kong mangyari kung nalaman niya yung dahilan ko noon." Sabi ko habang na nanatiling nakatingin sa kanya, siya naman naka yuko at nakatingin sa chopsticks na nilalaro ng kamay niya. "Ganoon ba kababaw yung tingin mo sa kanya at pinangunahan mo na agad yung magiging sagot niya." "Hindi mababaw. Alam kong hindi niya maiintindihan that time kaya naging selfish na lang ako." Nag angat siya ng tingin at tumitig sa mga mata ko, "Sakto yung word na selfish sa'yo." "Tingin mo ba napatawad na kaya niya ako?" Alam kong stupid question pero nag baka sakali na lang din ako. "Bakit nanghingi ka ba ng tawad sa kanya?" pilit siyang ngumiti kasabay ng pag iinat niya ng kamay sabay sandal sa upuan. "Kung manghihingi kaya ako ng tawad tingin mo mapapatwad na kaya niya ako?" "Ewan, depende." "Depende sa way ko ng pag hingi ng sorry sa kanya?" "Depende kung aaminin mo sa kanya yung totoong dahilan kung bakit mo siya piniling lokohin." Ngumuso pa ito habang tumingin ulit sa bintana sa gilid niya. "I guess hindi pa niya ako mapapatawad ngayon." Mabilis naman niyang binalik ang tingin sa akin. "Bakit ba kasi ayaw mong aminin sa kanya yung totoo?" "Dahil natatakot ako." "Natatakot saan?" "Ayaw ko siyang masaktan pero dahil sa lintik na sitwasyong kinaharap ko noon na saktan ko pa rin pala siya." Dahil sa sinabi ko nanatili ang mga mata niyang naka tingin sa akin, hindi na katulad kanina na kung saan saan siya tumitingin habang nag uusap kami. Ako naman ang medyo na conscious sa mga tingin niya kaya napapayuko na lang ako sa twing mag tatanong siya. "Sitwasyon?" "Oo." Mahinang sagot ko. "At hanggang ngayon hindi mo pa rin pwedeng sabihin sa kanya yung sitwasyon na 'yun kahit na matagal na kayong tapos?" "Yuon kasi yung sitwasyon na pilit kong kinakalimutan at ayaw ko na sanang pag-usapan." "Hindi kita ma gets, Seb. Wala naman sigurong mangyayaring masama kung aaminin mo!" "Don't worry kapag okay na lahat at kaya ko na ulit pag-usapan aaminin ko sa kanya ang lahat pero sa ngayon kain na lang ulit tayo nakakagutom yung conversation natin." Dismayado siyang napasandal sa kina-uupuan niya sabay iwas ng tingin sa akin. Tinawag ko ang waiter at muling nag order ng bigla namang sumabad si Tin, "Hoy, ang dami na nating kinain hindi ka pa ba busog?" Nag pa balik balik ang tingin ng waiter sa aming dalawa, "Soup lang naman yung inorder ni Sir, Ma'am kaya magaan lang po sa tiyan," ngumiti si kuyang waiter habang sinusulat ang inorder ko at pa bulong pa itong nag salita bago umalis, "Hindi po nakakataba ito Ma'am." Sabay ngiti kay Tin. Akala ko pa naman busog na siya dahil sa dami ng nakain namin o kaya nawalan na ng gana dahil sa sinagot ko sa kanya kanina, pero mukhang na eenjoy naman niyang kainin yung seaweed soup. Basta yata Korean food ang usapan hindi aatrasan ni Tin 'yan. "Bakit?" tanong ni Tin, ng mahuli niya akong naka titig sa kanya. Natulala na lang ako at sa hindi ko malamang dahilan bigla na lang mabilis na kumakabog yung dibdib ko. Na high blood yata ako sa dami ng nakain ko. Hindi naman ako nag kape pero bakit parang nag papalpitate ako? Nag paalam muna ako kay Tin, na pupunta ng restroom bago kami umalis. Nag hilamos ako na halos ibabad ko na yung mukha ko sa tubig dahil sa weird ng pakiramdam ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at para akong nilalagnat dahil sa init ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? "Sir, ayos lang ho kayo?" tanong ng lalaki. Nag angat ako ng tingin saka pinunasan ng tissiue ang mukha ko. Si kuyang waiter pala, "Ayos lang po." Sagot ko naman saka humarap sa salamin habang inaayos naman ang buhok ko. "Sigurado ka ba Sir na ayos ka lang?" "Parang nag palpitate lang ako, pero mawawala rin siguro ito pa mayamaya." Humarap sa akin si kuyang waiter na tatawa tawa pa. Nang ti-trip ba siya, hindi ko na lang ito inimik at tumingin na lang ako sa salamin "Hindi ka nag pa-palpitate Sir baka natataranta ka lang dahil sa kaharap mo." Sumaludo pa ito sa akin bago lumabas ng restroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD