Habang lumilipas ang mga oras mas gumagaan naman ang loob ni Tin sa lahat ng taong kaharap niya ngayon. Hindi naman kasi maikakaila na mababait at approachable ang mga pinsan ni Seb, kaya madali silang nagkapalagayan ng loob. Okay na sana ang lahat at naaayon na kay Seb ang oras nang biglang dumating ang hindi nila inaasahang bisita at dahil dito kapansin pansin naman ang pag babago sa reaction at mood ni Seb. Sinalubong ni Pia ang Lola nila, kasabay naman nito ang pagbati ng lahat ng pinsan niya. Napansin ni Tin, na namumukod tanging si Seb lang ang walang reaction sa kanilang lahat. Pinakilala ni Pia si Tin, na agad naman tumayo at nag mano sa matanda habang si Seb, wala pa ring reaction o kahit konting interest sa nangyayari sa harapan niya ngayon. Lalo pa siyang nainis ng biglang

