Pursigido siyang makuha ulit ang tiwala at loob ng dalaga kaya naman gumising siya ng maaga para ipagluto at ipaghanda si Tin, ng almusal. Halata namang hindi siya nabigo sa pakay niya dahil kitang kita naman sa mukha ng dalaga ang saya dulot ng mga pagkaing na sa harapan niya ngayon. Sa sobrang saya at excitement halos hindi na nga nagalaw ni Seb ang pagkain niya at kahit nga sulyapan ito hindi na niya maisingit dahil sa sobrang titig niya kay Tin, na kasalukuyan namang nag eenjoy ngayon sa mga pagkaing niluto niya. Kung alam ko lang na ganito siya ka ganang kumain sana pala nilagayan ko na ng gayuma yung pagkain niya. "Kailan ka pa natutong magluto?" tanong ni Tin, habang ngumunguya pa. "Matagal na, hindi ko ba nakwento 'yun sa'yo?" Umiling lang si Tin habang patuloy sa pagkain, "E

