Maaga akong nag punta sa kanila at dumaan na rin ako ng mga freshly baked bread at fresh milk para sa breakfast niya pero mukhang maaga rin akong mapapalaban sa kasungitan niya. Siya kasi yung nag bukas sa akin ng gate at ng makita na niya ako nag kusa ng sumimangot yung mukha niya at tumaas na yung dalawa kilay. Parang may sensor na yatang nakakabit sa kanya na makita pa lang kahit isang parte ng katwan ko, eh agad ng mag rereact ang isip niya at magagalit na. "Anong ginagawa mo dito?!" bungad na tanong pa lang mainit-init na. "Sasamahan kita. Na sa Coron pala sila Tita at Cedrick at buti na nga lang din ako yung tinawagan ng Mama mo—" Hindi man lang ako pinatapos at nag tangka pang saraduhan ako ng gate pero malas niya kasi pinag handaan ko na yung ganitong style niya kaya imbis na ma

