Weekend kaya break muna sila sa kanya kanya nilang trabaho at time naman ito para sa ibang bagay tulad na lang ng pag dalaw ni Seb, sa Sweet Lips na kung saan bihira na lang niyang puntahan dahil hindi naman nag kukulang ang bagong manager sa pag report sa kanya ng status ng Café. Si Tin naman abala pa rin kahit na walang pasok dahil sa kaarawan ni Cedrick, na siya mismo ang nag plano at nag organize ng lahat. Bukod sa bunsong kapatid niya si Cedric at close sa kanya pinangako kasi niya sa sarili niya na laging priority ang pamilya niya lalo na't may sakit ang kapatid nito. Gusto niya mang ibyahe si Cedric papuntang Coron, dahil ito rin naman ang hiling niya pero hindi naman umubra ang schedule nila ng Mama niya, kaya imbis na pumunta sa Coron, ang mga tao na lang doon ang inimbita niya.

