Celestine's POV "Hi mommy Tin, kumusta ang check-up?" bungad na tanong ni Wax. "Nakakapanibago naman yung tawag mo sa akin—" "Oh sige Daddy Tin na lang." Hanggang sa desk ko sinundan ako ni Wax at ramdam ko pa rin hanggang doon yung positobo niyang awra. Siguro may bago na naman 'tong kinikitang lalaki kaya ganito na lang siya kasaya kahit pa may ni ru-rush kaming trabaho ngayon. "Mukhang good mood ka yata ngayon, anong nakain mo?" "Mahaba at medyo may katigasan pero sakto lang naman ang lasa. Hulaan mo kung ano?" "Ang bastos mo talaga, ang aga-aga Wax, ha!" "Hoy ang green minded mo. French bread 'yun, 'di ka pa ba nakakatikim nun?" Napaka pilyo talaga nito ako pa tuloy yung nag mukhang bastos ang isip dahil sa bwisit na french bread na 'yan! "Mag trabaho ka na nga... ay wait, na

