Celestine's POV Tinulugan na naman po ako ng batang ito. Tulog siya tapos open yung phone mukhang pagkakataon ko na 'to para makaganti sa kalokohan niya sa akin nung high school ako. I-chat ko rin kaya mga friends niya at sabihan ng "I love you" isa-isa. Sigurado mayayanig ang mundo ni Cedrick bukas. Habang hinahanap ko yung crush niya tawag pansin talaga yung SDM_Gallery na 'to, bukod kasi sa bukang bibig niya former bayaw pa yung name sa phone niya. Tapos kung makapag tanong parang close na close talaga sila. Anong meron sa taong ito bakit ganoon na lang yung gaan ng loob ng kapatid ko sa kanya. At ako pa talaga yung tinanong ni Cedrick regarding sa proposal na tinanggihan. Sandali nga iba talaga ang kutob ko sa taong ito. Nilingon ko si Cedrick at hinaplos ko pa ang mukha at buho

