Abala na si Tin sa pag aayos ng gamit niya dahil ilang araw na lang ay babalik na ito sa U.S para mag report sa trabaho niya. Sa kabilang banda naman tahimik siyang pinag mamasdan ni Seb sa sulok. Mukhang sobrang lalim na ng iniisip niya na halos hindi na siya makawala. Nararamdaman na niya ang presensya ng binata buhat ng mag simula siyang mag ayos ng gamit pero pinipilit niyang hindi lingunin at pansinin ito dahil baka mahirapan na naman ang isip niya kung paano siya mag papaalam pansamantala dito. Lumapit ang binata at na upo sa kama kung saan nakalagay ang mga gamit ni Tin. Matagal niyang tinitigan ang dalaga bago siya nag salita na dahilan naman sa pagtigil ni Tin sa ginawa niya. “Pakasal na tayo.” Malumanay niyang sabi. “A-ano?” “Mag pakasal na tayo.” Sabi niya habang na k

