Bumili ako ng tubig saka inabot sa kanya ang isa at habang naglalakad lakad naman nakakita kami ng bakanteng kubo malapit sa paanan ng hagdan at napagkasunduan naming doon muna magpahinga habang hinihintay sila Mang Teban na makababa.
"Totoo ba na Pari yung kaibigan niyong si AJ?" Panimula ko.
Sumagot naman siya pagtapos lumagok
ng tubig. "Before magiging Pari na sana siya kaya lang nag quit ang loko kasi na in love ulit sa first love niya."
"Totoo din ba na ultimate crush mo daw siya dati?" sunod na tanong ko.
"Oo. Bukod kasi sa gwapo siya sobrang ideal guy pa kasi napaka gentleman niya."
Oo o hindi lang yung sagot pero nag explain pa siya, hindi man lang nag hesitate na sabihin sa akin na crush niya nga talaga yung AJ na 'yun tapos mukhang ang saya pa niya habang nag papaliwanag. Tss!
Teka ex na nga pala ako kaya okay lang.
"Ang layo pala sa akin, pero yung ka gwapuhan mas lamang naman ako."
"Ang hangin naman masyado!"
"Bakit mas gwapo naman talaga ako 'di ba?" Tinaas taasan ko pa siya ng kilay pero tinulak niya ako, eh samantalang hindi nga ako lumapit sa kanya. Napaghahalatang defensive talaga.
"Oo na, matigil ka lang."
"Pero hindi mo yata nakwento yung about sa kanya noon."
"Bakit ko naman ikukwento eh hindi naman naging kami."
Oo nga pala ako yung first boyfriend niya, muntik ko ng makalimutan!
"Eh bakit nga ba hindi naging kayo?" tanong ko.
Napabuntong hininga pa ito at biglang bumagsak ang mga balikat, "Hindi niya ako type." Talagang nakuha pa niyang madismaya sa harap ko!
"Ah so friendzone ka pala." Natatawang sabi ko.
"Hoy grabe 'yun ha. Feeling ko tuloy na busted ako!"
Nangiti na lang ako dahil sa couple na nag seselfie habang nakatayo malapit sa amin. Naalala ko bigla yung mga ginawa ni Tin at yung mga picture na naka save dito sa cellphone ko.
"S-Seb... p-pwede ba akong makitawag kasi—"
Inabot ko sa kanya ang cellphone ko at nilagay ko na mismo sa camera roll para hindi na siya mahirapan pang mag-isip ng idadahilan. Ramdam ko kasi na nabalisa siya ng titigan ko yung couple sa harapan namin kaya alam ko na pumasok rin sa isip niya yung pinaggagawa niya nung lasing siya.
"Oo nga pala kahit i-delete mo 'yan may copy na ako, kaya okay lang." bulong ko sa kanya.
Tinignan ako nito ng masama saka hinila ang buhok ko, "Teka lang naman Tin, binibiro lang kita. Bitawan mo na at masakit na, please." Binitawan niya nga yung buhok ko pero pinag hahampas naman ang braso ko.
"Hindi mo ako binibiro kasi iniinis mo talaga ako! Subukan mong ikalat 'to tatanggalin ko lahat ng buhok mo sa katawan—"
Tumingin ako sa baba saka tumawa, "Huwag doon masakit." Lalo naman siyang nainis sa sinabi ko at muli na namang hinawakan ang buhok ko, binitawan niya lang ako ng takutin ko na siya, "Kapag ako gumanti 'wag kang aarte ha!"
Nanahimik siya at iniwas ang tingin sa
akin pero nanatili siyang hawak ang cellphone ko.
"Bakit bumitaw ka, alam mo na ba kung ano yung igaganti ko sa'yo?"
Humarap siya saka inis na binalik ang cellphone ko, "Ayan na oh, isaksak mo sa baga mo! Oo, kilala ko yang ganyang gesture mo kaya alam ko na—"
"Alam mo ng?"
"Hahalikan mo ako! Manyak ka pa rin talaga hanggang ngayon!"
Talagang kilala mo pa rin ako kaya sigurado na ako ngayon na hindi mo pa rin ako nakakalimutan. Pero hindi ko naman gagawin 'yun at baka masampal mo pa ako dito.
"Oo nga pala may tanong ako—"
"Ano na naman?!"
"About doon sa singsing?"
"Ah, sa mama ni Chari ang mga 'yun. Alahas kasi ang negosyo niya."
Naisip ko bigla na magandang maging subject yung singsing kaya naman humingi ako ng favour sa kanya para kuhanan ang kamay niya at kamay ko na suot ang singsing kaso lang hindi magiging madali 'yun. Pero wala namang mawawala kung susubukan ko, baka kasi nag bago ulit yung ihip ng hangin at maging mabait ulit siya sa akin.
"Pwede ko bang kuhanan ng litrato yung mga singsing?" Napakagat pa ako ng labi habang hinihintay ang sagot niya.
"At bakit naman anong pinaplano mo?"
"Remembrance. Joke lang, may pag gagamitan lang ako at don't worry hindi ko naman ikakalat 'to—"
"Sa bagay wala ka nga pa lang social media account."
Sa tono niya parang sigurado siya sa sinasabi niya. Pakiramdam ko tuloy gusto niyang alamin kung may social media account nga ba ako o wala, or baka naman matagal na niyang alam.
Everytime na lang na kasama ko siya lagi na lang akong napapaisip, bakit ba ganito na lang lagi yung pakiramdam ko na para bang may hindi siya sinasabi sa akin pero hindi ko naman alam kung ano?
Ang gulo!
"Bakit alam mo?" tanong ko na kinabigla naman niya.
"N-nahulaan ko lang. Wa-wala nga ba?"
"Kailan mo pa akong sinubukang hanapin?"
"Huwag kang mag assume, nahulaan ko nga lang sabi."
Halata naman sa kilos niya na hindi naman talaga niya nahulaan pero pinipilit pa rin niya na hindi. Wala namang masama kung ginawa man niya ang bagay na 'yun kasi feeling ko naman natural lang sa tao na gumamit ng social media at subukang iseacrh ang mga taong matagal na nilang hindi nakikita. Ma pa ex boyfriend or girlfriend man, dating kaibigan at lalong lalo na ang mortal mong kaaway.
"Sige sabi mo eh. Hindi ko na itatanong kaya mag relax ka na."
"Ang kulit naman nahulaan ko nga lang!"
Ako pa yung makulit ngayon, eh pinalagpas ko na nga para hindi na kami mag talo.
"Oo na nga, wag ka ng magalit."
"Hindi ako galit. Hindi ka kasi naniniwala sa akin."
Akala ko ba wala siyang pakialam sa akin pero bakit nag mamatter sa kanya kung naniniwala ba ako o hindi sa sinabi niya? Hindi ko na rin talaga siya maintindihan.
"Obvious kasi. Kilala kita Tin, alam ko kapag nag sisinungaling ka at kung may tinatago ka." Pero hindi ko alam kung ano yung tumatakbo sa isip niya ngayon. Maski ako naguguluhan na tuloy!
"Oo na sinubukan kitang isearch sa mga social media site before dahil lang 'yun sa pangungulit ng mga kaibigan ko sa trabaho. Kumbinsido ka na ba?"
"Medyo."
"Nang makita ko yung post ni Dominic na kasama ka na curious ako ng konti kung ano na yung ginagawa mo sa buhay mo ngayon."
Okay gets ko na. Ayaw niyang mag mukhang interesado kaya ayaw niyang sabihin yung kabuohan ng kwento.
"Pwede mo naman akong tanungin ngayon—"
"No need. Too much information will—"
"Will hurt you?"
"No!" Madiing sagot niya, "Too much information will ruin my mood at ayaw kong masira ang araw ko."
Natatakot ba siya na maalala niya ulit yung bitter part ng relationship namin o baka talagang ayaw niya lang masaktan ulit. Pero wala naman sa mukha niya na parang umaasa na magiging kami ulit. Teka bakit ba ang advance ko mag-isip ngayon!
"Bakit?"
"Basta ayaw ko."
"Ako rin ayaw ko ng may ibang taong nagiging curious sa akin... bukod sa'yo."
Anak ng pato ka naman Seb, kung ano-ano naman yung lumalabas sa bibig mo! Kaya mahirap kapag kulang sa tulog kasi minsan hindi ko na naiisip yung sinasabi ko. Dapat smooth conversation lang para makuha ko ulit ang loob niya pero kapag nag patuloy yung mga ganitong sinasabi ko baka mainis na naman siya at iwasan ako.
"At bakit ako lang?" Curious ang tono niya, sa akin kaya o sa sagot ko?
"Ewan ko, hindi ko kayang iexplain."
"Parang tanga lang."
Bahala na kung saan papunta ang usapan na 'to.
"Kaya nga, hindi ko na nga maintindihan yung sarili ko lalo na kapag kasama kita—"
"Tigilan mo nga 'yan!"
"Ayaw mo ba na maging honest ako sa'yo?"
"Wala naman kasing dahilan para maging honest ka pa."
Tingin ko ito na yung right time para malaman niya yung totoo at para na rin matanggal na sa isip ko yung matanggal ng bumabagabag sa akin.
"Meron pa. Remember noong nandoon ka sa kwarto ko, yung time na nawalan ng kuryente. Tinanong mo ako kung bakit kita niloko noon at ito yung dahilan kaya gusto kong maging honest sa'yo ngayon."
"Huwag na lang." wala man lang siyang reaction?
"Bakit? Kailan lang gustong gusto mong malaman tapos ngayon hindi ka na interesado?"
"Mag mumukha kasi akong hindi pa naka move on sa'yo kung pipilitin pa kitang sabihin yung dahilan mo."
Pero hindi naman 'yun ang na sa isip ko. Gusto kong sabihin sa kanya ang bagay na 'to dahil gusto kong mag kaayos kami at okay lang din kahit na hindi kami maging mag kaibigan dahil malabo na rin namang mangyari 'yun. Basta masabi ko sa kanya yung totoo, okay na ako doon.
"Sigurado ka bang ayaw mo ng malaman? Hindi ako mag iisip ng masama o mag aassume na interesado ka pa rin sa akin at hindi ka pa nakaka move on—"
"Huwag na nga. Trabaho at bakasyon ang pinunta ko dito at ayaw ko ng distraction!"
Kahit itago mo kusa pa rin talagang lalabas sa bibig mo, hindi ka talaga marunong mag sinungaling. Ayaw mong marinig ang sasabihin ko kasi naaapektuhan ka pa rin hanggang ngayon.
"Pero naniniwala ka naman sa lahat ng pinakita ko sa'yo noon, 'di ba?"
"Oo, pero minsan kapag naiisip ko yung pangit na past natin nawawala lahat ng pinaniniwalaan ko."
Exactly my point kaya gusto kong aminin sa'yo ang totoo para mawala sa isip mo yung pangit na past natin at mawala rin sa isip mo na baka may nagawa kang mali kaya nangyari sa atin 'yun.
"Kaya nga sasabihin ko na sa'yo para—"
"Wala naman ng sense kahit sabihin mo pa ngayon."
"Bakit, kasi hindi na babalik yung dati, hindi na magiging tayo ulit? Ganoon ba yung na sa isip mo?"
"Oo. Wala naman na kasi tayong babalikan pa kaya hindi na kailangang itama pa yung mga nagawang mali noon!"
Ano ba 'tong nararamdaman ko, bakit parang hindi ako sangayon sa sinabi niya, bakit parang kumirot bigla yung puso ko?
"Paano kung gusto ko pang ibalik yung dati. Anong gagawin mo?"
"Kung sinasabi mo lang ang mga 'to para sa ikapapanatag ng isip mo, please lang Seb, 'wag kang maging selfish. Kalimutan mo na at kakalimutan ko na rin kasi matagal ng tapos 'yun!"
Alam ko naman pero ang sa akin lang kung may pagkakataon naman ako ngayon na itama yung mali ko dati why not give it a try 'di ba. Sabi nga nila time is gold at ayaw ko ng sayangin yung oras na binigay sa akin ng tadhana ngayon, hindi ko alam kung mauulit pa ba ang pagkakataon na 'to kaya kailangan kong gawin yung tama bago man lang tayo maghiwalay ulit.
"Simula ngayon magiging honest na ako sa'yo—"
"Kung hindi mo titigilan 'yan ilalagay mo lang ulit tayo sa awkward situation."
"Kapag ba naging honest ako sa'yo magiging honest ka rin sa akin?"
"Ano ba ang kulit mo naman. Isa pang tanong mo iiwanan kita dito!"
Alam kong hindi mo ako gustong iwan ngayon dahil halata naman sa mga mata mo na gusto mo ring marinig yung mga sasabihin ko pero pinipigilan ka lang ng utak mo dahil ayaw mong mag mukhang umaasa pa rin.
"Ikaw kasi kung ano-ano yung sinabi mo sa akin nung isang gabi kaya ayan tuloy napapa-isip ako."
"Lasing lang ako at wala sa tamang pag iisip kaya 'wag mo ng gawing big deal 'yun at kalimutan mo na lang nang sa ganoon hindi gumulo yung buhay nating dalawa."
Gumulo? Bakit kasi ginigulo rin ba siya ng mga nagawa niya. pumapasok pa rin kaya ako sa isip niya?
"Kahit lasing ka hindi mo pa rin kayang mag sinungaling. Alam kong totoo lahat 'yun pero natatakot ka kasi nga para kang nag confess sa akin. Sa ex boyfriend mo."
"Ano bang gusto mong palabasin?!"
Yung totoong nararamdaman at iniisip mo.
"Yung nandyaan sa isip mo na pilit mong tinatago."
"Hindi na kita mahal, wala na akong gusto o interest sa'yo at naka move on na ako kaya tigilan na natin yung topic na 'to!"
Ang galing, hindi man lang siya nautal pero bakit parang hindi convincing o yung isip ko lang yung nag sasabing hindi dapat maniwala sa sinabi niya. Parang ako na yata yung nag mumukhang hindi pa nakaka move on sa amin.
"Okay. Ikwento mo na lang sa akin kung bakit ka nagpakalasing?"
"Kalalaki mong tao pero chismoso ka talaga 'no?"
Bakit babae lang ba ang pwedeng maki chismis?
"Ikaw kasi ayaw mong maging honest ako kaya mag tiis ka sa mga tanong ko. Ako ba ang mag kukwento o gusto mo ikaw na lang?" Nginitian ko siya pero pilit at naiinis naman siyang ngumiti rin sa akin.
"Ako na lang at baka kung ano-ano na naman yung sabihin mo!"
"So bakit nga?"
"Bago ako matulog nung gabi ng birthday ko may nag text sa akin na unknown number. Ang sabi niya I-check ko raw yung profile nung babae tapos sinabi niya yung name. Inignore ko pero makulit siya gaya mo at nag text ulit na talagang naagaw yung pansin ko. Profile daw 'yun ng bagong pamilya ni Papa, hindi na ako nag dalawang isip at chineck ko na agad tapos ayun na, nakabalandra yung mukha ng tatay ko kasama nga yung bago niyang pamilya."
"Oh bakit natahimik ka. Ineexpect ko pa naman na may mga follow up question ka pa dyan sa isip mo."
Alam ko naman kasi na mas kailangan mo ng makikinig sa'yo kaysa sa makikipag interact sa kwento mo.
Tinaas ko ang dalawa kong paa saka pa indian seat na naupo paharap sa kanya,
"Mag kwento ka pa, makikinig lang ako." Sagot ko sabay ngiti.
"Para akong aatakihin sa puso dahil sa nakita ko, although may mga chisimis na rin noon na babaero si papa pero hindi ko ineexpect na kaya niya kaming balewalain para lang sa babae niya. Wala akong maisip na valid reason kung bakit niya nagawa kay mama ang bagay na 'yun at ang tanging naiisip ko lang that time, eh gusto kong may tao akong pwedeng pag sabihan pero sa totoo lang parang hindi ko naman din kayang mag salita nung gabing 'yun. Na shock yata ako!"
Kasi mahigpit na yakap talaga ang kailangan mo at hindi ang kakwentuhan ng sa ganoon ma feel mo na hindi ka nag iisa at may kasama kang bibitbit sa problema mo.
"Pwede mo naman sabihin sa akin at mag kunwari ka na lang na kaka kikilala mo lang sa akin para hindi awkward."
"Ni hindi mo nga ako binati nung birthday ko tapos gusto mo sa'yo pa ako mag open up ng problema ko?"
Mas okay ba kung binati kita ng personal. Ano naman kaya ang reaction mo kapag ginawa ko nga 'yun?
"Akala ko pa naman Kdrama addict ka pero hindi mo pala na gets."
"Alin?"
"Seaweed soup."
"Anong meron doon?"
Parang ako pa ngayon ang mas may alam pagdating sa mga Korean tradition.
"Nag pahabol ako ng order na seaweed soup bago tayo umalis kasi nga yuon daw ang kinakain ng mga Korean kapag birthday nila kaya akala ko naman na gets mo na."
Natawa siya sabay kamot sa ulo niya,
"Ang tanga ko ba?"
"Konti."
"Grabe ka hindi man lang nag sinungaling!"
"Gusto ko nga kasing maging honest sa'yo."
Tinitigan ako nito sa mga mata pero muli na namang umirap ng ngitian ko siya. Hindi naman ako mukhang aso ngumiti pero bakit parang inis na inis siya sa tuwing ngingitian ko siya?
"Bakit wala ka nung birthday ko?" diretso at seryosong tanong niya.
"Narinig ko kasi na makikipag video call sila Rizza sa Mama mo at kay Cedrick kaya naisip ko na makakasama kapag nakita nila ako sa Villa niyo at baka mapagalitan ka lang din."
"Thank you sa concern pero I think hindi naman magagalit si Mama pero si Cedrick for sure magagalit 'yun."
Halata naman dahil madalas na akong bantaan ni Cedrick dati kaya hindi malabong sanib pwersa kayo sa pag susumpa sa akin. Pero nakapag tatakha naman bakit hindi galit ang Mama niya?
"Bakit hindi magagalit yung Mama mo?"
"Ewan ko ba doon, kahit na alam niyang niloko mo ako gusto ka pa rin niya. I mean gusto ka niya as a person."
"Tingin ko kayang bumasa ng isip ang Mama mo."
"Hindi. May pagka banal lang talaga si Mama kaya kahit ganoon yung nangyari sa atin noon hindi siya nagalit sa'yo." Sana pala namana mo kahit konti yung katangiann ng Mama mo.
"Ang galing naman, napapa isip tuloy ako kung ano yung dahilan niya."
"Huwag kang mag assume!"
"Wala pa nga akong sinasabi assume na agad. Gusto kong bumawi sa'yo bago man lang matapos yung one month ko dito."
"Ayan ka na naman, tumigil ka nga!"
Tinulak niya ako pero hindi naman ako nagpatinag kaya siya na lang ang lumayo ng bahagya.
"Lagi kong iniisip at nilalagay yung sarili ko sa sitwasyon mo noon tapos na realize ko na sobrang sama at tanga ko, hindi dahil niloko kita pero dahil nawalan ako ng importanteng tao sa buhay ko. Ikaw yung pinakamahalagang tao sa akin that time pero ang bilis lang kitang binitawan."
"Kahit ano pa yung sabihin mo hindi mo na mababalik yung dati kaya nag papagod ka lang."
"Alam ko pero pwede ulit akong mag simula—"
"Tigilan mo na nga."
Hindi ko sasayangin yung pagkakataong masolo ka ngayon kaya sa ayaw at sa gusto mo totoo lang ang mga lalabas sa bibig ko.
"Hindi ko nasabi sa'yo dati na nabuhay ulit ako ng hindi nagpapakatotoo. Sa'yo lang ako naging totoo Tin, nagagawa ko lahat ng walang takot kasi alam kong nandyan ka."
"Hindi ko ma imagine na ikaw talaga yung kaharap ko ngayon, ang layo kasi ng Seb na kilala ko noon sa kaharap ko ngayon. Ginugulo mo ba yung isip ko?"
"Pinapakilala ko lang sa'yo yung totoong ako, baka kasi nakalimutan mo na."
"Ang lakas talaga ng trip mo. Baka naman user ka rin gaya nung mga 'yun?"
Nagiging honest na nga ako tapos ako pa yung adik ngayon. Sobra ng pag iwas 'to!
"Kahit ibahin mo pa yung topic magiging honest pa rin ako sa'yo. Subukan mo at mag taong ka?"
"Sinubukan mo rin bang mag drugs before?"
"Hindi."
Ano bang klaseng tanong 'yun? Oo mukha akong hindi gagawa ng maganda dati pero never ko naman sinubukang mag droga.
"Pero babaero ka ba?"
"Kung babaero na in a relationship, hindi
ang sagot ko pero kung babaero na single oo naman yung sagot ko."
Teka nga, parang ang pangit rin pa lang maging honest lalo na kung ganito katinik yung taong magtatanong sa'yo.
"Loyal ka ba?"
"Oo."
"Sinungaling!"
"See, kaya gusto kong sabihin sa'yo yung totoo para mawala sa isip mo yung ganyang bagay."
Ayaw niyang maging honest ako pero hindi naman siya naniniwala sa mga sinasabi ko, ano ba ang kailangan kong gawin para pakinggan niya yung totoong ako?
"O baka para linisin yung sarili mo sa mga mata ko."
Wala naman akong pakialam kung gaano ako kagago sa mga mata mo at dahil ang gusto ko lang malaman mo yung totoo para tuluyan ng mawala sa isipan mo yung sakit na naidulot ko sa'yo.
"Eh kasi naman napilitan lang akong gawin 'yun."
Sa panandaliang pananahimik namin bigla namang sumulpot si Rocco at parehas pa kaming sabay na napatingin sa likuran kung saan nanggagaling yung boses.
"Kuya at Ate, tara na daw po!"
Halatang na awkward na naman siya kasi habang na sa bangka kami hindi siya tulad kanina na madaldal at makulit pero nanatili siyang katabi ko sa buong byahe namin pauwi.
Ano kaya ang na sa isip niya ngayon?