Sebastian's POV
Mahirap maparatangan o mapagbintangan ng kasalanan na hindi mo naman ginawa o hindi mo pa man din ginagawa, eh ikaw na agad yung suspect.
Ganoon ba talaga kapag nakasakit ka mas doble ang balik nito sa'yo. Ito na ba yung tinatawag na karma?
Minsan hindi ko na rin kayang tanggapin yung mga paratang ni Tin sa akin. Sa lahat ng tao sa kanya ako lubos na nagtitiwala, siya yung nag iisang taong pinagkatiwalaan ko morethan may family and friends, pero sobrang sakit pala kapag siya mismo ang nangbintang sa'yo.
Pero wala naman akong magawa kasi nasaktan ko siya kaya deserve ko lang na paghinalaan niya ng hindi maganda lalo na ang mawalan siya ng tiwala sa akin.
Kaya nga minabuti ko na lang na iwan siya at magpunta na lang kung na saan ang dalawang bata at baka kasi dagdagan niya pa yung sinabi niya at lalo lang akong masaktan.
Madalas man akong ngumiti pero marunong din naman akong masaktan!
Iniwan ko siya pero hindi ko winawala ang paningin ko sa kanya, lalo na at na iwan siyang kasalamuha yung mga turistang fuckboy. Hindi lang naman si Tin ang inaalala ko kundi pati na rin ang mga bata, si Aling Ester at ang iba pa naming kasama na mga babae.
Bata pa lang ako namulat na ako sa mga ganitong klaseng tao at mas lumawak pa yung kaalaaman ko sa kanila noong tumungtong ako ng high school. Amoy pa lang nila halata ng may kalokohang ginagawa.
Nakita kong pababa silang lahat at papunta sa direksyon kung saan naka upo si Tin, kaya naman nagkunwari akong pupunta sa CR para madistract sila at para na rin makumpira kung totoo yung sinasabi ni Rocco at mabigyang linaw yung nakita ko kanina.
"Ate sama ka naman sa picture namin, ilalagay lang namin sa vlog." Pakiusap nung batang may dragon na tattoo sa paa habang papikit pikit pa, nag papacute pa yata ang lokong 'to! Sinegundahan naman ito ng mga kasama niya kaya mas lalo tuloy nainis at nairita si Tin. Sa tagal kong nanligaw sa kanya nakabisado ko na nga ang bawat galaw niya kaya hindi man niya ipahalata pero pansin ko pa rin na unti-unti na siyang naiirita at natatakot.
Maliit lang ang bangka at paniguradong makikita agad ang mga ginagawa ng mga sakay nito pero iba ang grupo na 'to, dahil kung lakas ng loob ang pag uusapan aba't umaapaw sila nito. Hahawakan pa sana nung pinakamatangkad sa kanila si Tin pero nakiraan ako at nagkunwaring may kukunin sa gamit ko mabuti na lang pala doon ko iniwan ang gamit ko sa tabi niya para may dahilan akong puntahan at tabihan siya.
Na distract ko naman sila kaya kusa na silang dumistansya, naghiwahiwalay sila at yung iba nagpunta sa gilid ng bangka at yung iba naman bumalik sa taas. Hindi natuloy yung plano nila kaya yung isang lalaki na dapat ay hahawakan pa si Tin, eh masama ang tingin sa akin ngayon habang naglalakad pa akyat. Nginitian ko naman siya para mas lalong mainis at tagumpay naman ako dahil parang bata 'to kung magdabog.
Habang hinahalughog ko naman ang bagpack ko nakita ko na napahawak si Tin sa dibdib niya. Kakausapin ko sana siya pero hindi na lang kasi masyado na akong magiging mabait kung icocomfort ko pa siya sa kabila ng mga sinabi niya kanina.
Mayamaya pa narating na namin ang Twin Lagoon. Excited ang lahat kaya nagmamadali silang makababa ng bangka. Na sa rules na dapat laging suot ang life jacket sa twing susulong sa tubig kaya naman naiinis yung ibang turista dahil hassle nga naman mag swimming kung may suot kang life jacket lalo na kung bihasa ka namang lumangoy.
Hindi na nakakagulat kung maraming tao ang bubungad sa amin dahil alas tres na rin ng hapon at talagang dagsaan ang mga tao. Kaya mas gusto kong mag rent ng private boat kasi mas ma eenjoy mo ang ganda ng buong lugar lalo na kung wala kang makaksabay at masosolo mo ito.
Pina una kong maglakad sila Tin kasama si Aling Ester at mga bata habang na sa likuran naman nila ako. Yung ibang turista sinundan naman ng tour guide para samahan at masiguro ang kaligtasan nila.
Nang makita kong na sa tubig na sila Tin at malayo naman sa kanila yung grupo ng lalaking turista minabuti ko na munang mag lakad lakad. Babalik rin naman ako dito dahil na sa list ito ng iterinary ko ito kaya for sure mas magaganda pa yung makukuh kong picture kaya lilibutin ko na lang muna ang lugar para maging pamilyar ako kapag balik ko dito.
Makalipas ang isang oras na paglilibot sa Twin Lagoon, umalis na ulit ang bangka namin at papunta na sa huling destination ng tour.
"Kuya Seb, na saan ka po kanina, bakit hindi ka po sumama sa amin?" tanonng ni Rocco habang ngumunguya ng chichirya.
Napansin ko namang bumaling ang mata sa akin ni Tin pero binawi niya agad.
"Nilibot ko lang yung lugar para maging pamilyar ako." Sagot ko.
"Bakit po?" tanong ulit niya.
"Babalik kasi ako doon bago pa dumami ulit ang mga tao."
"Ah, mag isa ka ulit mag to-tour." Tumango ako at doon natapos ang pangungulit niya sa akin. Pagkain lang talaga ang makaka distract kay Rocco at magpapatigil sa kakulitan niya.
Tahimik ang lahat habang nakatingin sa tubig at mga batong dinadaanan namin, ang ilan kasi sa mga ito first timer lang dito sa Coron tulad ng pamilya sa tapat namin at ang dalawang couple na nasa magkabilang dulo naman ng upuan.
Approuchable at mababait sila hindi tulad ng mga loko lokong turista na kasalukuyang nakatambay sa itaas na sa istura pa lang malalaman mo ng puro kagaguhan ang alam.
Nang may makasalubong kaming isang bangka na nagtitinda ng mga soft drinks, beer, bottled water, ice candy at mga chichirya biglang nag si babaan ang mga ito kaya na pa iling pa yung magulang na kausap nila Tin, pati na sila Mang Teban at Aling Ester hindi rin nagustuhan ang biglang pagdaan ng mga 'to sa harapan nila habang nag uusap-usap sila.
Imbis na tubig at soft drinks ang bilin nila, beer at chichirya ang hawak ng mga 'to, hindi lang halata dahil nakalagay na ang beer sa supot ng yello na nilagyan pa nila ng straw para mag mukha nga namang soft drinks ang laman nito.
Natawa tuloy ako kasi kahit luma yung style na 'yun effective pa rin pala sa paningin ng iba. Gawain din kasi namin nila Dominic 'yan nung na sa high school kami.
Maluwang pa naman dito sa ibaba kaya nag si salampakan ang iba at yung iba naman sa kanila na upo sa gilid ng bangka. Umakyat ako sa taas para silipin ang lungga nila at laking gulat ko ng madatnan ko yung dalawang lalaki na nag-uusap habang umiiling iling pa. Sila yung partner nung dalawang babae sa baba na kausap naman ni Tin ngayon.
Tama nga siguro yung kutob ko!
"Mga loko yung batang 'yun." tinaas niya yung hawak niya habang papalapit ako sa kanila. "Gerald, pare." Pakialala nito sabay lahad ng kamay. "Sebastian." Sagot ko saka inabot ang kamay niya.
"Na una kami sa bangka kanina at habang hinihintay yung iba panay ang papansin nila sa girlfiriend ko kahit hindi naman sila tinitignan." Paliwanang ni Ronnie.
"Kaya nga pansin ko rin na iba sila makatingin sa mga babae. Buti nga dumating ka kundi baka patuloy nilang ginugulo yung girlfriend mo." sabat naman ni Gerald.
Girlfriend ko?
"Oo bro, mukhang type nila si Tin—"
Mukha ba kaming couple ni Tin?
"Hindi sila uubra doon." Sagot ko naman.
Mukha lang malambot at lalampa lampa si Tin, pero malakas manampal at sumuntok 'yun. Tignan ko lang kung kayanin nila 'yun. Pero dehado pa rin siya lalo na't marami sila, kaya hindi dapat siya mawala sa paningin ko.
"Pero kilala naman natin ang ganyang klase ng tao, halang ang bituka niyan lalo na kung may pampalakas sila ng loob." Banta ni Gerald.
"Alam ko kaya ingat na lang din kayo. Hindi pa tapos yung tour kaya may chance pa silang gumawa ng kalokohan." sagot ko naman.
Ilang minuto rin ang tinagal ng usapan namin sa taas bago kami mag decide na ipag patuloy na lang yung kwentuhan sa baba.
Pagkatapos namin mag kwentuhan bumalik ako sa pwesto namin kanina pero lumayo ako kung saan naka pwesto si Tin. Medyo nakakainip yung byahe kaya nag laro na lang muna ako sa cellphone ko at yung dalawang bata naman hiniram yung camera ko saka nag practice kumaha ng mga litrato.
Parating na si Tin galing sa CR kaya full atensyon na ulit ako sa nilalaro ko, laking gulat ko lang ng bigla siyang na upo sa tabi ko at naramdaman ko pa yung braso niya na nadikit sa likod ko, tila ba okay lang sa kanya na madikit sa akin na ayaw na ayaw naman niya noon.
Nag decide na ba siyang maging mabait sa akin ngayon?
Yuon pala aalukin lang ako ng tubig. Akala ko pa naman ramdam niya na nilalayuan ko siya.
Hindi na ba talaga siya marunong manuyo ngayon o makaramdam man lang?
"Sure ka ayaw mo? Marami ka rin nakain na chichirya kanina."
So, tinitignan rin pala niya ako?
"Mamaya na lang." sagot ko. Bisibisihan muna ako hanggang sa ikaw na mismo ang lumapit sa akin. Tagumpay naman ako kasi maya't maya ang alok niya ng mga pagkain. Natutuwa ako pero mas nagtatakha kung bakit ganito na naman yung nararamdaman ko.
"Seb, tinapay gusto mo?"
"Tatapusin ko lang 'to."
"Juice baka gusto mo?"
"Itabi mo lang dyan at iinumin ko mamaya."
"Masarap yung buko pie, gawa nila Aling Ester 'to."
"Sige tirahan mo na lang ako."
Kita ko sa gilid ng mata ko na bigla niyang nilapit yung mukha niya sa akin,
"Kakainin mo ba ang mga 'to or itatatapon ko yung cellphone mo dyaan sa tubig!" bulong niya na halatang may bahid ng pagkainis at ng tumingin ako sa kanya parang maamong aso naman 'to kung ngumiti.
Binalik ko sa waterproof pouch na nakasabit sa leeg ko yung cellphone ko saka kinuha ang mga pagkain na inaalok niya. Habang kumakain ako bumulong na naman siya sa akin, "Good boy." Sabay ngiti.
Good boy? Aso ba ako?
Nagsalubong ang kilay ko at halos mabilaukan ako sa inasal niya, "Bakit ganyan ka makatingin... Ah, dapat ba hihimasin ko rin yung ulo mo para kumawag yung buntot mo? Oops, joke lang. Kumain ka na nga!"
Nananaginip ba ako o nag bago lang talaga ang ihip ng hangin kaya nakukuha na niyang magbiro sa harap ko ngayon.
Nanatili siya sa tabi ko hanggang sa marating namin ang Kayangan Lake.
Bago umakyat papunta sa Kayangan Lake, kailangan ulit namin isuot ang life jacket kaya nag uumpisa na namang mag reklamo yung mga grupo ng kabataang kasama namin. Kesyo mainit daw, masikip at sagabal sa outfit nila.
Hinila ako ni Rocco dahil gusto niya raw na mauna kaming makarating doon at habang naglalakad nakuha pa niyang makipag asaran sa ate niya na kasabay naman nila Aling Ester at Tin.
"Kuya, alam mo ba na para mo na ring inakyat yung Mt. Tapyas bago makarating sa Kayangan Lake."
Tumingala ako at sinilip ng mabuti kung gaano katas at kalayo ang kailangan naming lakarin bago makarating doon pero wala naman akong makita dahil sa dami ng tao. Madadaanan din namin yung sikat na spot na madalas makikita sa internet, yung paborito ng mga taong gawing background.
Dahil sa kadaldalan ni Rocco hindi namin namamalayan na ilang hakbang na rin pala yung nagagawa namin at paglingon ko sa likod na sa gilid na ng hagdan sila Tin, at kasalukuyang nagpapahinga.
"Dito ka lang kuya Seb, at tatawagin ko lang sila." Mabilis siyang naglakad pababa habang ako naman nakatambay sa gilid at kumukuha ng picture. Nang makita ko silang tumayo nagpatuloy na ako sa pag lalakad, hinabol naman ako ni Rocco na halos hindi na makapag salita dahil sa hingal.
"Andyan na sila Nanay at ate Rizza, pero si ate Tin nag pa iwan doon. Hihintayin na lang daw niya tayong makabalik ulit."
"Seb, hindi ka man lang yata nag pahinga? Si Tin kasi pagod na raw kaya nag pa iwan na lang." Halatang pagod pa si Aling Ester kahit pa nakapag pahinga na sila kanina. "Oh siya tara na at mahaba pa ang aakyatin natin." Aya niya.
Parang nawala yung excitement at konsintrasyon kong matapos ang paglalakad ng marinig ko na hindi na namin makakasama si Tin. Parang gustong maglakad ng mga paa ko pababa.
"Kuya konting bilis para makarating agad tayo." Hinawak ni Rocco ang dalawang kamay niya sa bewang ko at dahan dahan akong tinutulak.
"May nakalimutan pala ako sa bangka. Kukunin ko lang kaya ma una na kayo!" Hindi ko na hinintay yung sasabihin nila at mabilis akong naglakad pababa.
Sana nandoon pa rin siya.
Napahinto ako at nahuli na na lang ang sariling nakangiti habang pinagmamasdan siya. Nakasandal siya habang minamasahe ang ulo niya. May hangover pa rin kaya siya?
Habang nag lalakad papunta sa kanya nakita ko namang nag kukumpulan yung mga kasama namin sa bangka na tila ba nag uusap-usap habang pasulyap sulyap pa sa kanya.
Kung may binabalak man sila mabuti pang huwag na lang nilang ituloy dahil kung ipipilit nila magkakagulo talaga dito at sisiguraduhin kong matuturuan ko sila ng leksyon na hindi nila makakalimutan hanggang sa pagtanda nila.
Sakto namang umalis na yung mga kasama ni Tin na nagpapahinga rin kaya sinamantala ko na at mabilis akong nag lakad papunta sa kanya.
"Oh, bakit nandito ka?" Hindi ako umimik at na upo na lang sa tabi niya.
Hindi naman niya tinanggal ang tingin niya sa akin, "Umakyat ka na doon, Seb!"
"Tara na, umakyat na tayo doon." Utos ko rin sa kanya.
"Pagod na ako. Hihintayin ko na lang kayo dito."
Humarap ako sa kanya saka hinawakan ang mukha niya, "Okay ka lang ba? May hangover ka pa ba?" pinisil pisil ko pa yung pisngi niya pero hinawi niya yung kamay ko, nakita ko rin na nanlaki yung mga mata niya at mukhang nabigla yata sa ginawa ko. "Umakyat ka na nga doon, ayos lang ako dito." Pag pupumilit niya.
"Tumingin ka sa baba." Utos ko naman.
Sinunod naman niya ito, "Bakit anong meron?"
"Tignan mo yung mga kupal sa baba kanina pa nakatingin dito, paniguradong kakaripas ng akyat 'yan ang mga 'yan pa punta sa 'yo kapag nakita nilang iniwan kita dito." Hindi man lang kumibo at nakuha pa akong tawanan.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
"Wala may naalala lang ako. Hayaan mo na sila—"
"Anong hayaan? Pitong lalaki 'yan Tin, at nag iisa ka lang.
"Ang daming dumadaan kaya marami kami dito. 'Wag ka ngang praning!"
Kung makapag salita parang kaya niya talaga sila, eh samantalang kita ko naman sa mukha niya yung takot kanina.
"Lalaki rin ako kaya alam ko yang mga ganyang galawan!"
"Bakit nagagalit ka sa akin?"
"Hindi ako galit pinapaliwanag ko lang para mas malinaw sa'yo. At saka ano na lang yung sasabihin sa akin nila Mang Teban kapag iniwanan kitang mag-isa dito." Paliwanag ko.
"So dahil lang sa sinabi ni Mang Teban kaya ayaw mo akong iwan?"
"Off course not, hindi lang naman dahil doon. Tingin pa lang ng mga kupal na 'yan paniguradong gagawa ng kalokohan sa mga babae.
"Ang judgemental naman."
Ako pa yung naging judgemental sa lagay na 'to, eh kung makatingin nga siya sa akin para bang hindi ko deserve na husguhan ang mga kupal na 'yun!
"Alam kong hindi ako perpektong lalaki tulad nga ng sabi mo kanina gago at trouble maker ako pero hindi nila ako katulad."
"Talaga ba, saang banda?" Nang iinis ba siya?
Ako na nga yung nag magandang loob ako pa pala yung masama sa mga mata niya. Tignan ko lang kung hindi magbago ang tingin mo sa kanila oras na malaman mo mga pinaggagagawa ng mga 'to!
"Mamaya malalaman mo. O nagdadahilan ka lang kasi ayaw mo akong makasama. Kanina ang bait mo sa akin tapos kung ano anong pagkain yung inalok mo—"
"Bahala ka kung gusto mong mag stay, ang sa akin lang sayang kasi yung tour mo kung hindi ka aakyat sa taas at saka maganda yung Kayangan Lake, kaya sayang kung hindi mo makikita."
"Maganda rin naman yung view dito." Nginitian ko siya pero inirapan naman niya ako.
"Huwag ka ngang mag simula!"
"Pwede ko pa naman kasi makita 'yun sa susunod, malay mo kasama pa pala kitang aakyatin 'yan.
"Ayan tayo sa mga ganyang hirit mo, eh!"
Pero ayan ka na naman din sa pagiging defensive mo, eh. Tinataas mo na naman yung mga wall sa pagitan natin para pigilan na naman akong kumonekta sa'yo.
Naalala ko na naman tuloy yung mga sinabi niya at kung hindi lang siya lasing nung gabing 'yun baka kung ano na yung nagawa ko. Mabuti na lang pala at may impluwensya siya ng alak kundi nadagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya.
"Seryoso ako, malay mo pag balik ko dito nataon ding nandito ka tapos samahan mo na lang akong—"
"Babalik na ako sa trabaho ko after two months kaya malabo ng mangyari 'yun."
"Kaya nga malay mo 'di ba. Ayaw mo na ba akong makita after nito?"
"Saan galing 'yun?"
Defensive talaga. Mas lalo tuloy akong naniniwala na hindi random thoughts ang mga sinabi niya.
"Oo lang naman o hindi ang isasagot mo."
"Talaga bang kailangan kong sagutin
'yan?"
Kung hindi ka na affected at wala na talaga akong epekto sa'yo dapat hindi ka na mag hehesitate na sagutin yung tanong ko.
"Kung bibigyan mo ako ng honest na sagot."
"Kung may dahilan pa para mag kita tayo, why not 'di ba?"
Ah... so gusto mo pala may dahilan pa.
"Ano kayang dahilan ang pwede?"
"Siraulo ka talaga!"
Sus, pakunwari pa eh parang kinilig nga siya. Kabisado pa rin naman kita kaya kahit pigilan mo yung pagtawa mo mahahalata ko pa rin 'yan.
"Na uuhaw ako, tara na sa baba."
Inalalayan ko siyang maglakad at hindi naman niya ako tinanggihan, humawak pa nga ito sa braso ko at nginingitian pa ako. May time na inis na inis siya sa akin pero minsan naman mabait siya. Ang hirap rin talagang intindihin ng mga babae.
Lumipat ako sa right side dahil madadaanan namin ang mga turistang kanina pa siya pinagmamasdan.
"Pansinin mo yung ibubulsa nila pero huwag kang magpapahalata." Bulong ko.
"Namalikmata lang ba ako o sigarilyo talaga yung nakita ko?" nagtatakhang tanong niya.
"Pamilyar ka ba sa mga klase ng drugs?" nannlaki ang mga mata niya at tumitig lang sa akin na para bang nakikipag-usap habang nakatakip naman ang bibig niya.
"You mean... adik sila?"
"Maybe, pero for sure user sila."
Napabuntong hininga siya at muling tumingin sa likuran namin na para bang hindi pa rin makapaniwala sa nakita niya.