Saktong may dumaan na taxi ng paglabas ni, Tin ng gate nila kaya naman dali-dali siyang sumakay at sinabi sa driver ang address ng destinasyon niya. Pagkatapos hindi na naalis ang paningin nito sa cellphone niya. Kaliwa't kanang mensahe at tawag na ang ginawa niya para ma ka usap agad si, Seb pero wala pa rin itong reply. "Seb, please pick up the phone!" Napatigil pa nga siya sa ginagawa niya ng biglang pumasok sa isip niya ang mga video na napanuod niya kanina. Mga video na mismong si, Seb ang kumuha at siya rin mismo ang mga laman. Hindi na maintindihan ni, Tin ang nararamdaman niya dahil sa halo-halong emosyon dahilan ng mga kaganapang nangyayari ngayon na hindi niya inaasahan at never niyang na imagine na mangyayari sa kanya. *** March 5, 2001 "Hello, ako nga pala si, Sebastian p

