1 message from Cedrick Ate may sinend ako sayong video panuorin mo na ngayon na! 8:12pm *** Nagtakha siya kung ano ang laman ng video at saan galing ang mga ito pero ng bumungad na sa kanya ang batang si, Baste kinabahan na ito. "Hindi ko pa pala natapos yung mga video. Ano naman kaya ang laman nito?" April 20,2001. Higit isang linggo matapos ang malagim na sinapit ni, Seb sa mga kamay ni Kenneth at mga kaibigan nito. Tahimik siya, tulala, hindi nag sasalita at kumakain kaya naman laking gulat ng magulang niya ng bigla na lang itong nawala sa kwarto niya. Nilibot nila ang buong compound pero hindi nila nakita ang bata. Dahil maliit at payat lang si, Seb noon kaya madali lang sa kanyang mag tago at hindi makita ng mga kamag anak niya kahit pa sa loob ng mismong compound nila. Nang tu

