Ayaw pa sanang umalis ni Tin pero pilit siyang pinapa-uwi ni, Seb para makabawi ng tulog at makapag pahinga ng mabuti. Ginawa ito ni, Seb dahil gusto niya ring ma pag isa at dahil plano niyang halughugin ang dati niyang kwarto noong bata pa siya para hanapin ang ilang bagay na kahapon niya lang naalala. Kabilang na dito ang mga koleksyon niyang camera. Maluwag sa dibdib niyang kinuwento kay, Tin ang about kay, Kenneth at sa nangyari noong araw na kidnapin siya ng mga gurupo nito. Pero may mga bagay pa siyang hindi nasabi at kabilang na doon ang mga alaalang kahapon niya lang din bumalik sa isip niya. Nagbabakasakali siyang may mga bakas pa ng nakaraan ang kwarto niya at may mga naiwan pa siyang gamit noong bata pa siya kaya naman puspusan pa rin ang pag hahanap niya, hanggang sa inabot n

