EZEKIEL
NAPANOOD ko ang footage ng CCTV ng nasa desk ni Veronica kung paano ito nagmadali na tapusin ang mga ginagawa nito para makapag-out ito sa tamang oras na tila ba may pupuntahan itong importante.
Kaya napakuyom ang kamao ko dahil alam ko kung saan ito pupunta. Makikipagkita na naman ito sa kasintahan nito ayon sa narinig kong pag uusap ng dalawa ng tawagan ito ng kasintahan nito. Dahil sa lihim na tracker na inilagay ko sa cellphone at laptop nito noong nakaraang buwan.
Kaya naiinis ako dahil bakit pagdating sa ibang tao lalo na sa boyfriend nitong pinaglihi yata sa labanos dahil sa kaputian nito ay sobrang bait at malapit ito sa lahat. Samantalang pagdating naman sa akin ay napaka-mailap naman nito na kinaiinisan ko rito. Dahil halos kalahating taon na akong nagpapansin dito pero parang baliwala lang ako sa kanya na ipinagtataka ko. Dahil kung tutuusin ay lahat na yatang hanap ng isang babae na mayroon ako ay hindi nito makita sa akin dahil kahit anong gawin ko ay para lamang akong hangin dito.
Kung hindi lang ako busy kanina ay talagang gagawa ako ng paraan para maparami pa lalo ang gawain nito para may dahilan akong pag over time-in ko ito. Kaso marami akong kailangan asikasuhin lalo na at may pinaghahandaan akong malaking proyekto kaya tuluyan ko na itong hindi nakausap kanina.
Nang makita kong pasakay na ito sa elevator ay agad akong tumayo mula sa aking upuan at mabilis akong lumabas sa opisina ko at lihim ko itong sinundan at nang makita ko itong nakasakay na at pasara na ang elevator ay mabilis kong hiniharang ang kaliwa kong braso kaya hindi natuloy ang pagsara niyon. Kaya nagulat ito ng mabungaran ako ng muli iyong bumukas at seryoso ko itong tinitigan.
“Sir bakit ka nandito? Akala ko po ba ay mamaya pa kayo uuwi?” gulat na tanong niya sa akin at mabilis itong napaayos ng tayo.
“Saan ka pupunta?” Saad ko at mabilis akong pumasok sa loob ng elevator at pinindot ang ground floor.
“Wala ka na po sigurong pakialam kong saan po ako pupunta dahil tapos po ang oras ko kaya pwede na rin po siguro akong umuwi!” Saad nito at lumayo ito sa akin ng kaunti. Kaya napabuntong-hininga na lang ako.
“Boss mo pa rin ako at hangga’t hindi ka pa tuluyang nakakalabas dito sa kompanya ko. May karapatan pa rin akong magtanong kung gugustuhin ko.” Seryoso ko namang sagot dito kaya napamaang ito sa sinabi ko.
Iniisip ko rin kung ano ang sasabihin ko rito para mapa-overtime ito at upang mapigilan ito makapunta sa dinner date nila ng boyfriend nito.
“Sir! Kung wala ka naman pong kailangan ay pwede po bang paraanin mo na ako, dahil tapos ko na ang kailangan niyong report. At bukas ko pa iyon ibibigay sa inyo!” Sagot naman nito at hindi na pinansin ang sinabi ko.
“Sigurado ka na ba talagang tapos na ang mga pinapagawa ko sayo? As in lahat?” Nagdududang kunwaring tanong ko rito at nilapitan ko pa ito ng subukan kong harangan ito ng bumukas na ang elevator.
“Opo! Natapos ko na ng lahat segurado po ako!” taas noong sagot naman nito at umatras ito ng kaunti ng lapitan ko ito.
Hindi ko na talaga ito mapigilan at wala rin akong maisip na pwedeng ipagawa rito para lamang hindi ito makalabas ng kompanya ko.
“Sir! Baka pwede na po akong dumaan? Kailangan ko na po talagang umuwi!” Nagsusumamo ang mga tingin nito ngunit umiling lamang ako at nakaisip ako ng paraan para mag stay pa ito ng kaunti.
“Sige! Paparaanin kita kung sasabihin mo sa akin na uuwi ka na talag para mahatid na kita!” Sa halip na padaanin ko ito ay iyon ang namutawi sa bibig ko ang saad kong iyon.
“Sir! uuwi na talaga ako at baka hinahanap na ako ng kapatid ko nangako ako roon natutulungan ko ito sa paggawa ng project niya sa school nito!” Seryosong saad nito.
At dadaan na sana ito ng biglang tumunog ang cellphone nito ng may tumawag dito.
“Hello Zoren!” saad nito sa kausap na walang iba kundi ang boyfriend nito kaya napakuyom ang kamao ko sa inis.
“Hello mahal asan ka na kanina pa ako rito naghihintay?” saad naman ng nasa kabilang linya. Napabuntong hininga naman si Veron bago sumagot sa kausap.
“Mahal pasensya na nandito pa rin ako sa office, pero papunta na ako riyan! Hintayin mo lang ako riyan kahit fifteen minutes lang ah!” Pakiusap naman nito sa kasintahan nito.
“Ano’ng sinasabi mo, hindi ko maintindihan!”
Ngunit hindi yata sila magkaintindihan kasi ilang beses kung narinig ang pagtunog ng cellphone sa kanilang linya na indikasyon na nagkakaridensyon ang signal. Kaya napapangiti ako dahil mahina talaga ang signal ng cellphone dito sa elevator kaya hindi talaga sila magkakaunawaan nakita ko sa mga mata ni Veronica ang pagkainis at akma na sana itong lalabas ng hawakan ko ang kanang braso nito kaya napatigil ito sa paglabas kaya muling sumara ang pintuan ng elevator.
Inis namang itong bumaling sa akin at pinatay na nito ang cellphone dahil hindi naman sila magkarinigan. Kaya bumaling na lamang ito sa akin habang mababakas ang galit nito sa mga mata ng tumingin ito sa akin.
“Sir! Pwede ba bitiwan mo na po ako, hinihintay na po ako ng kasintahan ko!” Nagpupumiglas ito ngunit hindi ko siya binitawan.
“Hindi ka aalis hayaan mo siyang mag-hintay kung talagang mahal ka niya mauunawaan ka niya kung malate ka ng kaunti sa dinner date ninyo dahil may trabaho ka pa!” Saad ko naman kaya nagulat ito at nagtatakang nagsalita.
“Paano mo nalaman na may dinner date kami ng boyfriend ko sir? Iniistalk mo ba ako?” galit na tanong nito ngunit hindi ako sumagot.
Ngunit ngumisi lamang ako rito at saka ko ito hinila upang isinandal sa pader ng elevator at walang babalang hinalikan ko ito sa kanyang mga labi na ikinatigil nito sa pagsasalita.
VERONICA
NAIINIS ako nang hindi ako bitiwan ni Sir. Ezekiel sa braso matapos patayin ni Zoren ang tawag nito dahil hindi kami magkarinigan nito dahil mahina ang signal ng cellphone dito sa elevator, kaya masama kong binalingan si Sir. At saka nagsalita.
“Sir! Pwede ba bitiwan mo na po ako, hinihintay na po ako ng kasintahan ko!” Saad ko rito.
“Hindi ka aalis hayaan mo siyang mag-hintay kung talagang mahal ka niya mauunawaan ka niya kung malate ka ng kaunti sa dinner date ninyo!” Saad naman nito kaya nagulat ako at nagtatakang nagsalita kung paano nalaman nito ang dinner date namin ni Zoren.
“Paano mo nalaman na may dinner date kami ng boyfriend ko sir? Iniistalk mo ba ako?” galit na tanong ko ngunit sa halip na sagutin ako ay ngumisi lamang ito.
Ngunit sa pagkagulat ko ay hinila niya ako upang isinandal sa pader ng elevator at walang babalang hinalikan ako sa labi kaya hindi agad ako nagka-react.
Mabuti na lamang at nasa katinuan pa ako kaya hindi ako nag paapekto at ubod lakas ko itong itinulak at sinampal ito habang galit akong tumingin dito.
Subalit parang wala lang dito ang ginawa kong pag sampal at nakipagtitigan pa nga ito sa akin. Pero bigla itong nagsalita at kita sa mukha nito na hindi nito nagustuhan ang pag sampal ko rito.
“Sa susunod na sampalin mo pa ulit ako, ay bibigyan kita ng parusa. Sa tuwing sasampalin mo ako ay babayaran mo ako ng isang halik! Remember one slap you give me one kiss.” Wika nito na nag pakaba sa akin dahil kilala ko na ito sa halos isang taon ko rito’ng paninilbihan ay walang hindi ito sinabi na hindi nito ginagawa kaya mag rarason na sana ako dahil ito naman ang nauna.
Ngunit biglang bumukas ang elevator ng may biglang mga pumasok dito na ibang mga empleyado galing sa seven floor kaya hindi na ako nag katwiran pa sa kanya kahit gusto ko pa sanang salungatin ito sa babala nito. Lumabas na lamang ako sa elevator at hindi na hinintay na bumababa pa ito ng lobby.
NANG makarating ako doon sa restaurant na pagkikitaan namin ni Zoren ay agad akong nagbayad sa taxi na sinakyan ko at bumaba na nasa harap na ako ng pintuan ng restaurant at agad na akong pumasok para hanapin si Zoren. Sinuri ko ang kabuuan ng loob at hinanap ito pero wala akong nakitang Zoren sa loob kaya napabuntong hininga ako at nalungkot ng hindi ko ito nakita doon.
Kaya ipinapalagay ko na nasa bahay siya or umuwi na ito.
Kaya agad ko itong tinawagan para kumpermahin ito kung nasaan na? Ngunit hindi nito sinagot ang mga tawag ko alam kung nagtampo naman ito. Kasalanan ko rin naman dahil halos kalahating oras na akong late.
Wala akong nagawa kundi umalis na lang sa restaurant at sumakay na ng taxi para umuwi ngunit habang nasa byahe ako ay trinay ko ulit itong tawagan ngunit ring lang iyon ng ring at hindi talaga nito iyon sinasagot.
Kaya naisipan kong puntahan na lang ito sa condo unit niya at agad akong bumaba sa taxi na sinasakyan ko at agad na pumasok sa building at tinungo ang condo unit nito.
Hindi talaga kasi ako mapakali kaya kailangan ko itong makausap. Nang nasa unit na niya ako ay agad akong kumatok nang ilang ulit at hindi ako tumigil hangga’t hindi ako nito nilalabas.
Maya-maya pa ay narinig ko ito sa entercom na nasa pintuan ng unit niya at narinig ko itong sumagot.
“Sino ang nandiyan?” Tanong nito at alam kong sumilip ito sa butas na nasa pintuan.
Ngumiti ako ng alanganin at napabuntong hininga dahil sa wakas ay sumagot na ito sa mga pagdo-doorbell ko.
“Mahal! Ako ito si Veronica!” Sagot ko naman at ilang saglit pa ang katahimikan na kanina lang ay napalitan ng mahinang pag-click ng door knob at dahan-dahan nitong pinagbuksan.
“Sorry mahal kung na late ako at hindi ako nakaabot sa restaurant sa sinabi kong oras! Pasensya na talaga. Mapapatawad mo ba ako ulit?” nag aalangan kong tanong dito.
Ngunit seryoso lang niya akong tinitigan at halata sa mukha nito ang inis dahil magkasalubong ang mga kilay nito.
“Mahal. . .
Magsasalita na sana ulit ako para magpaliwanag ngunit sa pagkagulat ko ay sinaraduhan lang niya ako nang pinto at muntik pa nga tumama ito sa mukha ko, kaya natulala ako dahil hindi ko ineexpect na gagawin niya iyon sa akin.
Kaya nalungkot ako dahil alam ko namang deserving ako sa ginawa nito. Dahil ilang beses ko na itong na papaasa at dahil iyon sa boss ko kaya lalong nadagdagan ang inis ko sa lalaking iyon.
ITUTULOY