VERONICA
KAHIT nalulungkot ako sa ginawa ni Zoren sa pagsara ng pintuan ng condo nito ay hindi pa rin ako sumuko. Muli akong kumatok ngunit ayaw na talaga nitong pagbuksan ako. Sobra talaga ang tampo nito sa akin ngunit hindi ko siya masisisi dahil ilang beses ko na itong hindi natutupad ang pangako ko sa kanya nitong mga nakaraang buwan.
Kahit naman ako sa kalagayan nito ay magagalit at magtatampo talaga ako kung sa akin mangyayari iyon. Pero hindi pa rin ako sumuko hanggang sa muli niya akong pagbuksan. Kaya napangiti ako pero bigla ko iyon binawi ng makita ko ang itsura ng mukha nito. Seryoso lamang itong nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko o sasabihin dahil kinabahan ako sa paraang ng pagtitig nito sa akin mababakas kasi sa mukha nito ang pinipigilang galit kaya napalunok ako habang hinihintay na mag umpisa itong umiimik sa akin.
“Pasok ka!” saad lamang nito kaya nag-alangan akong pumasok sa loob ng unit nito.
“Umupo ka at kukuhanan kita ng maiinom.” Sabi pa nito kaya umupo ako sa sopang naroon at tumango rito.
Hindi na ito umimik at pumasok na lang ito sa kusina para kuhanan ako ng maiinom. Kaya hinintay ko na lang itong bumalik at saka doon na lang ako magsasabi kung bakit ako ‘di nakaabot kanina sa restaurant.
Hindi na siya galit sa akin ng muli itong lumabas habang tangan nito ang tray na may lamang juice at pagkain. Siguro kumalma na ito habang nasa kusina pa kaya nagbago bigla ang mood nito.
Bumuntong-hininga ako at ngumiti sa kanya habang kinukuha ang dinala nitong pagkain para sa akin. “Heto na ang pagkain mo alam kong hindi ka pa nag di-dinner dahil lagpas alas nuebe na ng gabi, kaya kain ka na!” Saad nito matapos ibigay sa akin ang pinggan, bigla nitong hinaplos ang aking pisngi bago ito umupo sa tabi ko kaya napatingin ako rito at biglang nagsalubong ang aming mga titig pero bigla akong nailang sa kinikilos nito at sa biglaang pagbabago agad ng mood nito.
“Bakit hindi ka pa kumakain, gusto mo ba na subuan pa kita?” biglang sabi nito kaya natauhan ako at alanganing ngumiti bago ako nag salita.
“H-huwag ka ng mag-abala pa ako na lang ang susubo sa akin. Salamat!” Nasabi ko rito habang sinimulan ko na ang pagkain ng dala nito habang mataman niya akong pinakatitigan.
“Ahm! Zoren, sorry nga pala. . .
Ngunit hindi na niya ako pinatapos ng aking sasabihin ng sumabat ito.
“No! Ako ang dapat humingi sayo ng tawad dahil sa pagsara ko ng pintuan sayo!” wika naman nito at muli niyang hinawakan ang magkabaliaang pisngi ko at hinalikan niya ako doon kaya natahimik ako.
“Hindi ka na ba galit sa akin? Naiintidihan ko naman ang ginawa mo dahil alam kong galit ka at tama lang iyon sa akin dahil pinaasa na naman kita at ang masaklap ay pinaghintay pa kita. Sorry talaga!” saad ko naman habang pinipigilan ang huwag umiyak sa harapan nito. Kaya ngumiti ako para hindi iyon matuloy at ako naman ang humalik sa labi nito.
“Okay na iyon, at pasensya ka na ulit, promise bago ako magalit ay aalamin ko muna ang reason mo kung sakaling maulit ito. At alam ko naman na hindi mo rin ito ginusto. Kaya don’t worry hindi na ako galit sayo!” Ngumiti na ito at umaliwalas na ang mukha nito kaya nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong nawala na ang galit at tampo nito sa akin.
Kaya pinagpatuloy ko na ang pagkain ki pero iniisip ko pa rin kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ako nakarating sa tamang oras. Pero Hindi, at baka magalit ito at bigla na lamang sugurin nito ang antipatikong boss ko kaya mas magandang huwag ko ng ipaalam kay Zoren para wala ng maging problema pa lalo na at alam ko kung anong ugali ng boss ko kapag kinumpronta ito ni Zoren. Baka kung anu-ano ang mga kasinungalingan na sabihin pa nito sa boyfriend ko mahirap na.
At kapag nalaman niya na may gusto sa akin ang boss ko ay baka maaaring hilingin sa akin ni Zoren na iwanan ko na ang trabaho kong iyon kung nalaman iyon. Dahil tanging iyon lang kasi ang may sapat na sahod para mabuhay ko ang kapatid ko mahirap na makahanap ng trabahong matino at mataas ang pasahod. Lalo na at regular na ako at malapit ko ng makatapos sa pag aaral ang kapatid ko kaya hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Kaya hindi ko kayang palayain ang trabaho kong iyon.
Kaya kailangan kong tiisin ang lahat at pagtiyagaan ang ugali ng boss ko kahit na sobrang naiinis na ako kay Sir. Ezekiel. Kaya hindi pwedeng maapektuhan ang trabaho kaya hanggat kaya kong magtiis ay magtitiis ako alang-alang sa kapatid ko.
Natauhan ako sa pag-iisip nang makita ko ang pagpaypay ng kamay ni Zoren sa mukha ko kaya hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa harapan nito.
“May problema ba?” tanong nito kaya umiling ako at ngumiti tsaka hinawakan ko ang kamay nito at dinala ko iyon sa labi ko para halikan. Bumuntong-hininga naman siya at tsaka ngumiti na rin sa akin bago ito nagsalita.
“Ahm! Mahal may sasabihin sana ako kaso nahihiya ako!” kapagkuway saad nito kaya ngumiti ako rito.
“Basta kaya ko alam mo naman na hindi kita kayang tanggihan!” saad ko rin.
“Ahm! manghihiram sana ako sayo ng pera, pero promise ibabalik ko lang sayo sa susunod na buwan.”
“Ah! Bakit saan mo gagamitin may emergency ka ba tell me?” saad ko naman.
“Kulang kasi ang hawak kong pera para sana sa pagpapaayos ng hardware ko matumal kasi ang benta nitong mga nakaraang buwan. Kaso marami ng aayusin sa pwesto ko kaya manghiram sana ako sayo kahit fifty thousand sana. Kung meron ka lang naman o kahit sana magkano.” Tila nahihiya pa ito ng sabihin nito kaya napatingin ako rito.
“Ahm! Zoren, wala akong ganoong kalaking pera ngayon eh! Naibayad ko na sa tuition ni Victor!” Nag aalangang sabi ko sa kanya kaya napatayo ito sa pagkakaupo sa tabi ko at lumayo ito sa akin at biglang nagbago ang mood nito.
“N-nagagalit ka ba?” Medyo nagulat ako sa inasal nito kaya kinakabahan akong napatanga nito.
Bakit siya biglang nagalit sa akin ng sabihin ko sa kanyang wala akong pera. Hindi naman siya dating ganyan sa tuwing humihingi siya ng tulong sa akin, kapag hindi ko siya napapahiram ay mahinahon naman itong sasabihin na okay lang kung wala pero bakit ngayon ay parang nagagalit na siya?
Ngunit ng makita niya akong parang nagulat sa inasal nito ay bigla ulit nagbago ang mood nito at nagsumikap na itago ang katotohanan na nagagalit talaga ito. Huminga muna ito para pakalmahin ang sitwasyon at muli itong nagseryoso.
“Okay fine! nagagalit ako, Oo, pero hindi sa iyo. Ngunit nagagalit ako para aking sarili na baka hindi ko kayang bayaran ang perang mahihiram ko sayo kasi medyo malaki iyon lalo na at kailangan mo rin ng pera. Kaya siguro tinatangihan mo na ako ngayon. Kaso wala na talaga akong malalapitan na mahihiraman na walang tubo. Kaya pasensya na kung nag iba ang inasal ko kanina!” Mahaba niyang sabi kaya napabuntong hininga ako at tsaka tumayo para lapitan ito at hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi at hinarap ko siya sa akin.
“Sshh! Tama na hindi naman iyan ang iniisip ko kaso wala talaga akong hawak ngayon ng ganyang kalaking pera. Pero susubukan kong makahanap ng mahihiraman ng pera para sa iyo. Kaya huwag ka ng magalit!”
Nag aalang sabi ko kaya biglang sumaya ang mukha nito at tsaka lumawak ang pagkakangiti nito.
“Talaga gagawin mo iyon para sa akin alam kong need mo rin ng pera pero para naman ito sa kinabukasan natin at alam mo namang buhay ko na ang hardware na iyon hindi ko kayang pabayaan na lang iyon. Dahil iyon ang makukuhaan natin ng pinansyal kapag ikinasal na tayo.” Natutuwang saad nito at dahil sa saya ay hinalikan niya ako sa labi kaya mapangiti ako.
“Thank you! MahaI, I know I’m not really mistaken na ikaw ang minahal ko because you are always with me every time I need you. Kaya mahal na mahal kita, I love you! Mahal!” Mapagmahal na saad nito at muli niya akong hinalikan at niyakap ng mahigpit.
“Mahal na mahal din kita Mahal kaya gagawin ko ang lahat para sa atin.” Sagot ko naman dito sa gitna ng halikan namin.
“Gusto mo ba ng dessert. Kukuhanan kita. At pagkatapos ay ihahatid na kita pauwi dahil alam kong pagod ka na.” Malambing na sabi nito kaya tumango ako rito at ngumiti.
Pero napapaisip ako sa mga sinabi nito sa akin kanina. Hindi ko alam kung paano siya patuloy na nangangailangan ng pera dahil pagkakaalam ko ay nabigyan ko na ito noon sa parehong dahilan pero baka kinulang talaga siya sa badyet kaya hindi ko na inisip pa iyon.
Ang mahalaga ay makatulong ako sa kanya dahil alam ko naman na hindi naman siya magsisinungaling sa akin lalo na about sa hardware na sobrang mahalaga dito.
Kaya kailangan kong magtiwala sa kanya, dahil alam ko naman na hindi na niya naman ako lolokohin lalo na pagdating sa aming kinabukasan.
ILANG oras lang ang nakalipas ay nakauwi na ako matapos niya akong ihatid gamit ang motor namin na hinuhulog hulugan pa namin. Dahil hindi naman ako marunong mag motor ay ipinagkatiwala ko muna sa kanya iyon. Kapag na fully paid na iyon ay balak ko iyon ipamana sa kapatid ko. Kapag naka graduate na ito ng kolehiyo.
Pumasok na ako sa loob ng bahay namin ng makaalis na ito. Nagkaayos na rin kami nito kaya makakatulog na ako ng maayos. Salamat na lang at hindi ito tuluyang nagtampo sa akin at saglit lang ay nagkaayos na ulit kami.
Nakita ko ang kapatid ko sa sala ng makapasok na ako roon nakita ko itong
naglalaro ML habang naghihintay ito sa akin. Ganito talaga ito hindi agad ito natutulog hangga’t hindi ako nakakauwi kaya napangiti ako dahil mabait at maalalahanin talaga ito bilang kapatid sa akin. Sinu-sure muna ako nito na nakakauwi muna ako ng maayos bago ito matutulog. Kaya mahal na mahal ko ang kapatid kong ito.
Nilapitan ko ito at tinapik sa balikat para ipaalam dito na nakauwi na ako kaya napatingin ito sa akin at agad nitong binitawan ang cellphone na hawak nito. At inis na tumingin ito sa akin kaya kita ko ang pag-aalala nito sa kanyang mga mata. Kaya napangiti ako ng magsimula na itong mag usisa at magsermon sa akin kung bakit ako late ng nakauwi na para bang ama ko ito.
Hindi naman ako na galit at halip ay nakangiti kong ginulo ko ang buhok nito at pinisil ko ang magkabilaan niyang pisngi. Kaya napasimangot ito dahil sa ginagawa ko kaya doon ko na sinabi rito ang dahilan kung bakit ngayon lang ako nakauwi. Para matahimik na ito at nang matapos ako nitong sermonan ay sabay na kaming umakyat para matulog na dahil maaga pa kami sa kanya-kanya naming gawain. Niyakap ko ito upang maglambing sabay halik sa pisngi nito para nawala na ang pag-aalala nito kaya napangiwi ito at nandidiri ito kunwari sa ginawa ko kaya natawa ako kaya lalo ko itong pinag-hahalikan sa pisngi kaya todo iwas naman ito sa ginagawa ko.
Binata na talaga siya, parang kailan lang ay kinakarga karga ko pa ito pero ngayon ay ni ayaw na niyang magpahalik sa akin sa pisngi kaya napangiti ako.
NAGISING ako kinabukasan ng masakit ang ulo ko at medyo masama ang pakiramdam ko. Pero hindi ako maaaring mag paapekto sa nararamdaman ko. Kailangan kong magtrabaho dahil ayaw ko mag absent dahil nanghihinayang ako sa araw na hindi ko papasukan at ang sahod na mawawala kapag umabsent ako dahil lang sa masama ang pakiramdam ko.
Sa palagay ko kasi ay parang lalagnatin ako. Pero kailangan kong pumasok. Ngunit nang tatayo na sana ako ay bigla akong nahilo kaya napabalik ako ng higa sa kama ko.
Mukhang kailangan ko yatang mag absent kaya no choice ako kundi magpaalam sa amo kung antipatiko. Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng lampshade at agad kong denial ang numero ni sir nang tumunog ito at nang marinig ko ang boses ng amo ko ay agad akong bumati.
“Hello Sir! Morning po, may sabihin po sana ako sayo.” Saad ko kaya sumagot agad ito.
“Hello Veronica, honey napatawag ka!”
Tila excited ito ng sagutin niya ang tawag ko. Ngunit pormal lang ang ipinadinig ko ritong boses para hindi ito mag expect ng kung anu-ano kung bakit ako napatawag dito.
“Sir! tumawag lang po ako sa iyo upang ipaalam sa inyo na hindi po ako makakapasok sa trabaho ngayon.
Medyo masama ang pakiramdam ko.
Hindi sana ako maglileave. Kaso hindi ko talaga kayang bumangon. Iyon lang po!”
Sabi ko naman dito sa paos kong boses.
Ilang sandali itong natahimik ngunit maya-maya lang ay sumagot din kaagad ito.
“Okay, make sure you take medicine at the right time. The company always needs a good secretary like you, so take good care of your health and hope you recover quickly.”
Anito at mababakas sa boses nito ang pag aalala sa akin pero pinipigilan nitong huwag kong mahalata pero halata ko pa rin naman dahil hindi naman ako sobrang manhid pagdating sa kanya. Sadyang ayaw ko lang ma involved sa boss ko lalo na kung ang feelings ang pag-uusapan ayoko ng gulo lalong lalo na ang maiuugnay sa katulad niyang antipatiko at masyadong mataas ang tingin sa sarili.
“Salamat po sir! Hayaan nyo kapag kaya ko na bukas ay agad akong papasok!” Mahina kong saad sapat lang para marinig niya.
Ngunit hindi na ito sumagot pa sa sinabi ko kaya ibinaba ko na ang cellphone ko at upang muli akong bumalik sa pagtulog ko lalo na at tumitindi na ang pananakit ng ulo ko. Subalit bago ko pumikit ay sumagi sa isipan ko ang kakaibang bagay kataka-takang hindi ako nakatanggap ng anumang mensahe mula kay Zoren ngayon lalo na at araw-araw ay hindi iyon pumapalya magpadala sa akin ng mga sweet greetings tuwing ako ay alam niyang gising na.
Kaya bumuntong hininga ako at napa hikad dahil sa antok dagdag pa na masakit na masyado ang sintido ko. Kaya nagpasya akong ako na ang babati sa kanya sa halip na ito bago ako muling pumikit.
ITUTULOY