CHAPTER FOUR-HOSPITAL

1998 Words
VERONICA NAGISING akong ang sama pa rin ang pakiramdam ko ngunit pinilit kong bumangon para magluto ng aalmusalin namin ng kapatid ko. Kaya bumaba ako upang maghanda ng agahan. Nakita ko ang kapatid ko sa sala kaya nilapitan ko ito para tanungin kung anong gustong almusalin. Alas sais’y medya na iyon ng umaga. Magtatanong na sana ako ng maunahan niya ako magsalita. “Mukha kang maputla ate, may sakit ka ba?” nag aalalang tanong niya at sinalat nito ang aking noo gamit ang likuran ng palad nito. “Oo, ngunit sinat lang ito kaya magiging maayos din ako mamaya!” Sagot ko naman at dumiretso na ako sa kusina para magluto. “Ate, hindi porke kailangan natin ng pera sa pag-aral ko ay aabusuhin mo na ang sarili mo. Okay! kailangan mo ring alagaan ang iyong kalusugan. Hindi na muna ako papasok aalagaan muna kita. Ako na muna ang mag aasikaso dito, kaya bumalik ka na sa higaan mo at ako na lang ang magluluto ng almusal natin.” Sabi nito ngunit sinamaan ko lang ito ng tingin bago ako nagsalita. “Iyan ang huwag na ’wag mong gagawin ang lumiban dahil graduating ka na kailangan mong mag aral at bawasan ang umabsent, kaya ko pa naman kaya papasok ka!” Babala ko rito. Magpoprotesta sana ito pero binalaan ko itong babawasan ang allowance kaya nanahimik na ito at hindi na nangulit pa. Ngunit nag-aalok ito na tutulungan niya akong mag prepair ng lulutuin ngunit tinaasaan ko ito ng kilay at sinimangutan kaya nahinto ang gagawin sana nito. “Sige na nga maliligo na nga ako at papasok, basta magpahinga ka buong araw ate ah! Baka mabinat ka at lumala pa iyang sinat mo, absent talaga ako bukas sige ka.” Sabi nito kaya nginitian ko na ito at ginulo ang buhok nito at pagkatapos ay nagsimula ng magluto matapos ko itong tanungin ng gustong kainin at maya-maya pa ay umalis na ito sa kusina. Masaya akong magkaroon ng kapatid na ganitong maalalahanin at mapagmahal, bunos na lang na masipag itong mag aral at matataas ang mga grado kaya lalo akong nagsisipag sa pagtatrabaho para rito. Alam kong masaya ang mga magulang namin kung saan man sila naroroon ngayon. Sampung minuto lang ang nakakalipas ng matapos ako magluto ng agahan. Naglilinis na ako ng pinaglutuan ko matapos kong maihain ang pagkain ng nakaramdam ako ng pagsusuka kaya dali-dali akong pumunta sa banyo na nasa malapit lang sa sala. Kaya mabilis akong napalabas sa kusina ngunit napatigil ako sa pagmamadali ng bumukas ang pintuan sa may sala at pumasok doon ang isang pigura ng lalaki at nang makapasok na ito ng tuluyan ay natigilan ako ng makita kong naroon sa loob ng pamamahay namin ang boss kong si Sir. Ezekiel kaya nagulat talaga ako sa nakita ko. Bakit siya nandito? Napatanong ako sa aking isipan ngunit isinatinig ko iyon pa rin iyon dito. “Sir bakit ka narito?” nagtatakang tanong ko. Ngunit hindi ito umimik at lumapit lamang ito sa akin. Kaya’t napaatras akong bahagya pero nasusuka na talaga ako kaya hindi ko na muna ito pinansin at nagmadali na tumungo sa loob ng banyo at agad kong tumungo sa lababo na naroon at inilabas ko na ang kanina ko pang pinipigilang suka. Busy ako sa pagsusuka ng bigla na lamang may humagod ng likod ko para pagaanin ang nararamdaman kong masamang lasa. “Kung may sakit ka, dapat ay nasa kama ka lang nagpapahinga pero bakit nakatayo ka pa rin, imbis na humiga na lamang para makapagpahinga ka ng ayos?!” Sambit nito habang patuloy pa rin niya akong hinahagod ang likod ko kaya hindi ko ito masaway sa ginagawa nito sa akin dahil nagsusuka pa rin ako. At nang pakiramdam ko ay wala na akong maisuka ay mabilis akong tumayo ng tuwid at tinulak ito nang bahagya para palabasin ito. Ngunit hindi ito natinag sa halip ay iniharap niya ulit ako sa lababo at sa gulat ko ay ito na ang naghugas ng bibig ko at hinilamusan niya pa ako at pinamagmumog, kaya wala na akong nagawa kundi hayaan na lamang ito sa ginagawa nito sa akin. Nang matapos ay pinunasan niya ako ng malinis na towel na kinuha niya sa kabinet sa likod ng salamin na nasa harapan ng lababo. “Kuya Ezekiel! Nandito po pala kayo? ang tigas nga po ng ulo ng ate kong iyan. Sinabi ko ng magpahinga na lamang sa silid nito. Pero nagpumilit pa rin itong maghanda ng almusal namin.” Bungad naman ng kapatid ko sa labas ng banyo at tila hindi na ito nagulat ng nandito ang amo ko. Si Victor ay hindi kailanman naging ganitong kay Zoren at ilag ito sa kasintahan ko. Pero bakit pagdating sa boss ko ay parang matagal na silang close dahil tinawag itong kuya nito. Samantalang isang beses pa lang itong nakapunta sa bahay namin. Ngunit sa tuwing magpapakita si Zoren dito sa bahay kapag nandito ang kapatid ko ay hindi man ito nakikipag-usap sa kuya Zoren nito? Nakapagtataka pero hindi ko na iyon inusisa pa at lumabas na ako ng tuluyan sa banyo at hindi ko na hinintay na lumabas doon ang boss ko. “Oo, dadalawin ko sana ang ate mo para kumustahin kaso nakita ko siyang nagmamadaling pumasok sa banyo nang dumating ako at kita kong nagsusuka siya kaya inasikaso ko na siya.” Sagot naman ni boss Ezekiel sa tanong ng kapatid ko. Inalalayan naman ako ng kapatid ko pagkalabas ko patungo sa sopa at maingat niya akong pinaupo roon. Umupo naman ako ng maayos at pinakalma ang aking sarili bago ako tumingin sa kapatid ko. “Kung nakabihis ka na, kumain ka na roon at mag almusal dahil baka ma late ka na sa klase mo. Kaya ko na ang sarili ko!” Saad ko rito para makaalis na ito. “Ngunit ate sinabi ko na sayo na hindi na muna ako papasok para alagaan ka, lalo na ngayon ay nagsusuka sino na lang aalaylay sayo kapag naiwan ka mag isa sa bahay?” pagtututol nito kahit nakabihis na ito pero umiling lang ako at pinandilatan ko ito ng mga mata. “Kaya ko na ang sarili ko. Kaya umalis ka na para hindi ka malate. Tiniyak ko sa iyo na magiging maayos lang ako, kunting tulog at pahinga lang ito mawawala din itong lagnat ko. Kaya ’wag ng matigas ang ulo mo!” Naiinis na sabi ko. “Sige na nga nandito naman si Kuya Ezekiel, kuya ikaw na muna bahala kay ate, ayaw talaga niya akong payagan na umabsent. Iiwan ko na muna siya sayo.” Baling naman nito kay boss na ngumiti at tumango naman sa kapatid ko, kaya lalo ako nagduda sa dalawa. Pagkatapos ay napipilitan itong pumasok na sa kusina para kumain. Kaya binalingan ko naman ay si Boss Ezekiel para usisain ito kung bakit ito napadalaw sa amin kaso naunahan niya akong magsalita. “Mukhang kailangan mo ng medikal na atensyon bago pa lumala iyang kalagayan mo, nagsusuka ka na, kaya payagan mo akong dalhin ka sa hospital.” Sabi nito at umupo malapit sa akin pero umusog ako para hindi kami magdikit at nagtitigan na lang kami, pero maya-maya pa ay lumabas na ang kapatid ko sa kusina bitbit ang bag nito at nag paalam na ito sa amin ni boss na papasok na sa eskwela. Nang kami na lang dalawa ni boss ay saka lang ako nakaramdam ng kaba na hindi ko maintindihan dahil sa paraan nang pagkakatitig nito sa akin. Ngunit walang akong lakas na tumayo para lumayo dito kaya umusog na lang ulit ako. “Salamat na lang boss sa pag-aalala mo, ngunit tiniyak ko sa iyo na magiging okay rin ako mamaya kapag uminom ako ng gamot. Kaya no need mo na akong dalhin sa hospital. Kailangan ko lang ng kaunting pahinga.” Sagot ko naman sa sinabi nito kanina at tsaka pilit na tumatayo para pumunta sa kusina para kumain para makainom na ako ng gamot. Ngunit bigla na lamang akong nahilo at muntik ng matumba ng sinubukan kong tumayo, mabuti na lamang ay may matigas na braso ang sumalo sa likod ko para hindi ako tuluyang matumba, kaya imbis na matumba sa sopa ay sa bisig ako ni boss dumeritso. Hinawakan niya pa ang ulo ko para alalayan upang makatayo ako ng ayos pero nakaalalay pa rin ito sa akin. Napatingin ako rito kaya nakita ko sa mukha nito ang bakas ng pag-aalala sa akin. Aalis na sana ako sa pagkakaalalay nito nang mabilis ako nitong pinangko at kinarga papalabas ng bahay namin kaya nagprotesta ako. Ngunit wala na akong lakas para makababa sa mahigpit na pagbuhat nito, kaya hindi na ako nagprotesta nang magawa na nya akong maipasok sa sasakyan sa tabi ng driver’s seat sa loob ng kotse upang dalhin niya ako sa ospital. “Don’t worry magiging maayos ka rin, mamaya kapag nalapatan ka ng tamang lunas.” Saad nito matapos niya akong maipasok sa sasakyan niya ngunit hindi ko na narinig pa ng malinaw ang mga iyon dahil nawalan na ako ng malay. NAGISING akong medyo okay na ang pakiramdam ko. Inilibot ko ang paningin ko at una kong nakita ng aking mga mata ay si boss na nakatunghay sa akin at pagkatapos ay nakita kong nasa ospital na ako. “Paano ako nakarating dito?” nagtatakang tanong ko sa paos kong boses. “Ako ang nagdala sayo rito, hindi mo na ba natatandaan!?” Sagot naman niya sa akin. Pagkatapos ay naalala ko sapilitan pala niya akong dinala sa ospital. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito kaya napabuntong hininga ako at nagpasalamat dito. “Salamat po, pero gusto ko ng umuwi at baka nag aalala na sa akin ang kapatid ko!” “Don't worry, nasabihan ko na siya na nasa ospital ka. Nabayaran ko na rin ang hospital bill mo rito.” Banayad na sabi nya kaya napatango na lamang ako. Kahit na kinamumuhian ko siya ay may respeto pa rin naman ako rito kaya na appreciate ko ang ginawa nito sa akin. Pero hindi ko rin makuhang magpakampante rito dahil alam ko naman na may motibo ito kaya ganoon na lang ito sa akin nagmamalasakit pero isinantabi ko muna ang lahat ng pag aalinlangan ko sa kanya kaya kinausap ko pa rin ito ng maayos. “Hayaan niyo sir. At babayaran ko na lang ang ginastos mo sa ospital. Para wala akong maging utang na loob sayo.” Saad ko naman ngunit umiling ito. “Hindi mo kailangang bayaran ako, dahil employee naman kita, kaya karapatan ko rin ang asikasuhin ka kaya wala kang utang na loob sa akin.” Seryosong sabi naman nito kaya hindi ako nakaimik at tumango na lamang ako. “Sige sir salamat ulit. Maaari ka na pong umalis ngayon, tatawagan ko na lamang ang kasintahan ko para siya na ang humalili sayo rito at alam ko pong may mga gagawin pa kayo!” Saad ko kaya sandali itong hindi umimik. “Sige kung iyan ang gusto mo. Pero kailangan ko muna ng isang bagay para naman may mapapala ako sa pagbabantay ko sayo rito.” Ngumisi siya ng muli itong magsalita kaya napaisip ako bago ko napagtanto kung ano ang balak niyang gawin dahil sa paraan ng pagtitig nito kaya mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Kaya bago ako makahuma ay mabilis ako nitong niyakap ng mahigpit na ipinagtaka ko kasi akala ko ay nanakawan naman niya ako ng halik. “Alagaan mo naman lagi ang sarili mo sweetie. Alam mo bang nag-alala ako sa iyo.” Pabulong niya’ng sabi sa aking tainga kaya hindi ako nakakilos dahil sa tensyon. Magpoprotesta sana ako kasi halos hindi ako makakilos dahil sa higpit ng yakap nito ngunit mabilis niya akong hinalikan sa labi ng mabilis na hindi ko napaghandaan. Itutulak ko na sana ito ng mapatingin ako sa may pintuan ng ward at nakita kong nakatayo doon si Zoren na nagulat sa naabutan nitong eksina sa pagitan namin ni Boss Ezekiel. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD