CHAPTER FIVE-CHEWING GUM

1701 Words
VERONICA MABILIS kong naitulak si boss ng makita ko si Zoren, habang nakatitig ito sa amin. Ang expression nito ay hindi ko mabasa ng tumingin ito sa akin. Nakita kaya niya ang ginawa ng boss ko ngayon-ngayon lang? Napaisip tuloy ako na baka alam ni boss na nasa pintuan si Zoren nakatingin sa amin kaya plinano niya ang yakapin at halikan ako sa harapan ng kasintahan ko? Hindi ko tuloy alam ang sasabihin at gagawin ngayon lalo na ng lumapit na ito sa amin habang may seryosong mga tingin. Ngunit biglaan ang pagbabago sa mukha nito ng makilala si Boss Ezekiel. Ang kaninang seryosong mukha nito ay napalitan ng maaliwalas na tingin na para bang wala itong nakitang kahina-hinalang tagpo. “Hey! Sir, William ikaw pala iyan, mabuti po at hindi mo iniwan ang girlfriend ko matapos mo siyang madala dito sa hospital.” Saad nito at nilapitan at niyakap ako ni Zoren at hinalikan sa mga labi sa harapan ni boss Ezekiel habang ito naman ay biglang nagtagis ang mga bagang ng makita ang ginawa ng kasintahan ko sa akin. Samantalang ako naman ay nagtataka sa pagbabago sa mukha ni Zoren ng makita ang boss ko, dahil sa halip na magalit ito sa naabutan nitong tagpo sa halip ay ngumiti pa ito kay boss na parang walang nangyari, ngunit hindi naman sinagot ni Boss ang tanong ni Zoren kanina sa halip ay iba ang sinabi nito. “Sige Miss. Sebastian, aalis na ako, tutal naman ay may makakasama ka na rin dito, dahil nandito na ang loyal mong kasintahan!” Sabi nito na parang feeling ko ay may ibang ibig sabihin ito sa sinabi nito. “Oo nga sir, baka masyado kang busy pero nagawa mo pang mag bantay dito kay Veronica, samantalang empleyado mo lang siya, pero may time kang alalahanin pa siya. But anyway salamat na rin at nadala mo si mahal sa ospital at hindi mo siya pinabayaan.” Segunda naman ni Zoren kaya bago pa mag kainitan ang dalawa ay pumagitna na ang boses ko sa mga ito. “Sige na boss pwede ka ng umalis at huwag ka na pong mag-alala, nasa maayos na po akong kalagayan, papasok na rin po ako bukas, kaya pwede ka na pong umuwi salamat po ulit!” Sabi ko naman at sinenyasan ko na itong umalis kaya ngumiti muna ito sa akin bago pinasadahan ng seryosong tingin si Zoren bago ito lumabas ng tuluyan. Nang makaalis na si boss ay hinarap ko naman si Zoren para magpaliwanag sa nakita nito ngunit naunahan niya ako sa pagsasalita. “Huwag ka ng magpaliwanag dahil nagtitiwala ako sayo, ngunit hindi ako nagtitiwala sa boss mo. Alam kong may gusto iyon sayo, kaya siguradong kailangan mo ng mag resign sa trabaho mo, at baka hindi lang yakap ang gawin niyon sayo, tulad ng naabutan ko kanina kapag nagtagal pa sa kompanya niya.” Sabi nito kaya nagulat ako dahil alam pala nito na may gusto sa akin si sir at sa isang banda ay nakahinga ako dahil sa sinabi nito na yakap lang nakita nito hindi ang halik na iginawad akin ni boss. Lumunok muna ako ng laway bago ako sumagot sa sinabi nito. “Hindi ako maaaring mag resign doon. Wala ng mataas na sahod na makukuha ko tulad sa trabaho ko. Nag iingat naman ako sa kanya kaya huwag ka ng mag alala. Tsaka never naman ako bumigay sa mga pang siseduce niya. Alam mo naman na mahal kita at kahit sino pa siya ay wala ako pakialam, dahil ikaw lang ang nasa puso.” Mahabang saad ko at nilambing ko ito para mawala sa isipan nito ang suhestiyon nito na umalis na ako sa trabaho ko. Nagkibit-balikat naman ito habang nakasimangot kaya hinilot ko ang nagsasalubong na kilay nito at saka nginitian ito ng pagkatamis-tamis at pinapungay ko pa ang aking mga mata kaya natawa ito at tsaka niyakap ako. Napahinga ako ng malalim at nagpasalamat dahil hindi na nito pinalaki pa ang nakita dahil nauunawaan iyon ni Zoren. Kay sarap magkaroon ng ganitong ka-understanding na kasintahan. “Ano nga palang sabi ng doktor bakit ka raw nagkalagnat?” Tanong si Zoren. “Sabi raw ng doktor. Na over fatigue daw ako at wala namang seryosong nangyari kailangan ko lang daw ng sapat na pahinga at iwasan ko raw na magpuyat. Binigyan lang ako ng doktor ng vitamins. Ubusin ko lang daw itong swero at pwede na akong madischarge mamaya or bukas!” Sagot ko naman. “Mabuti naman kung ganoon, salamat naman grabe ang pag aalala ko sayo ng malaman kong na ospital ka,kaya agad akong pumunta rito.” Saad naman nito kaya nginitian ko ito. Maya-maya lang ay dumating naman ang kapatid ko kaya naputol ang ngitian namin ni Zoren. Mukhang galing ito sa paglalaro ng football varsity kasi ito sa school nila. “Hello sis!” sabi nito sa akin at hinalikan ang noo ko, hindi man lang ito tumingin kay Zoren sa halip ay hinanap nito si Sir, Ezekiel. Hindi ko alam kung bakit ni minsan ay hindi ito napalapit sa kasintahan ko. Nilinaw niya rin sa akin na hindi niya talaga gusto si Zoren at napipilitan lang itong pakisamahan ang kasintahan ko. Ngunit hindi ko naman siya mapipilit siguro panahon na lang siyang magustuhan ang aking kasintahan balang araw. NAKALABAS na ako sa hospital kahapon at hindi ko na kailangang magtrabaho ngayon dahil si boss na ang nagsabi sa akin na huwag muna akong pumasok kaya napilitan na lang akong pumayag. Ngayon ay nakahiga na lamang ako sa silid ko na nababagot dahil wala akong magawa. Kaya bumaba na lamang ako sa kusina para magluto ng pananghalian. Tapos na akong magluto ng tanghalian at tatawagin ko na sana ang kapatid ko silid nito. Nang biglang tumunog ang bell ng pintuan namin kaya nagmadali akong pumunta roon at baka si Zoren ang kumakatok. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng makarating ako doon. At nakita ko ang isang babaeng ang iksi ng damit habang ngumunguya ng chewing gum. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang sa paa, at tumaas ang kilay nito habang nakangisi ang mapupulang mga labi nito. Kaya napataas din ang kilay ko at nakipag-tagisan ng titig sa babaeng mukhang clown sa kapal ng make up nito. “Sino ka at anong ginagawa mo sa bahay ko?” Inis na tanong ko. “Pumunta ako rito upang bigyan ka ng babala na lumayo sa boyfriend ko. Siya ay akin!” Sagot naman nito at saka hinipan ang chewing gum na malapit sa aking mukha kaya muntik na akong maputukan niyon kaya napaatras ako sa inis. “Baka nagkakamali ka lang ng napuntahan miss. Hindi ko kilala ang kasintahan mo, kung sino man iyon.” Mataray ko ring saad dito kaya inirapan niya ako. “‘Diba ikaw si Veronica Sebastian ang malanding babaeng inaakit ang boyfriend kong si Zoren?” Pagtataray nito sa akin kaya napatanga ako sa sinabi nitong pangalan ng kasintahan ko. “Tama ba narinig ko? Si Zoren ba sinabi mo na boyfriend mo? Zoren Lorenzo? Baka nagkakamali ka lang miss, ako ang tunay na kasintahan ni Zoren? Hindi ikaw.” Tanong ko ng makabawi ako sa pagkabigla. Habang ang babae ay nakapamaywang habang patuloy pa rin sa pagnguya. Binigyan niya ako ng isang titig na parang nang iinis at pagkatapos ay bigla itong napabunghalit ng tawa kaya sumabog na ako at nawalan ng pasensya. “Kung wala kang magawa at kung napapraning ka na? Doon ka sa mental doon ka sa kapwa mo baliw at huwag ako ang pestehin mo miss!” Galit na turan ko ngunit patuloy lang ito sa pagtawa. “Anong nakakatawa?” Napipikon ko pang tanong. “Tinawag mo kasi akong miss, pero pwede na mas mukha naman kasi akong babae kaysa sayo?” Nagtataka ako sa sinasabi nito hanggang sa marealize ko ang ibig nitong hipahiwatig. “You mean hindi ka b-babae?” Nagulantang ako sa rebelasyon nito. No! hindi maaari ito hindi papatol si Zoren sa kagaya nito kaya hindi ako naniniwala dito baliw lang ito at alam kong pinaglalaruan lang nito ang isipan ko. Ngunit pinasadahan ko ito ng tingin at napanganga ako sa natuklasan ko. “Ano miss natulala ka na riyan, narealize mo na ba na mas maganda ako sayo!?” Nang iinis na saad nito kaya napakuyom ako ng aking mga kamao sa galit. “U-umalis ka na lang pwede ba. Wala akong oras para sa ganyang mga bagay dahil hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo, mahal ako ni Zoren at hindi siya papatol sa katulad mo. Lalaki si Zoren at hindi baklang kagaya mo.” Galit na sabi ko sa kanya habang nagtitimpi akong huwag itong saktan. “Hoy malanding babaeng mukhang lalaki. Totoo talaga ang sinasabi ko si Zoren ay para sa akin at kasintahan ko siya kung ayaw mo maniwala problema mo na iyon. Kaya lang naman siya pumatol sayo dahil napapakinabangan ka niya, kaya binabalaan kita layuan mo ang boyfriend ko kung ayaw mong may mangyaring masama sayo.” Babala nito habang nakangising nakatingin sa akin. Bago ito pakendeng na lumakad papaalis sa bahay namin habang natutulala pa rin ako sa mga nangyari. Para akong nauupos na kandilang napabalik sa kusina matapos kong masarhan ang pintuan sa sala halos limang minuto rin akong napatanga doon bago ako nahimasmasan. Hindi ako pwedeng maniwala na lang basta-basta sa taong iyon hangga’t hindi ko na kukumperma kay Zoren ang lahat kung totoo ang sinasabi ng isang iyon. Baka baliw lang ang baklang iyon or stalker ni Zoren at naghahanap lang ng gulo para paghiwalayin kami. Sana hindi totoo ang sinabi nito tungkol kay Zoren at sana hindi ito isang lalaking nagbabalatkayo lang. Kahit na nag-aalinlangan ako matapos ng nangyari ay kailangan kong malaman kung ano talaga ang totoo. Inaasahan ko pa rin na nagsisinungaling ang weirdong iyon. Sana ganun lang talaga kasi hindi ko kakayanin kapag nalaman kong totoo ang mga sinabi nito. Pumunta ako sa counter ng kusina at kinuha ang aking cellphone kong nakapatong doon at walang pag aalinlangan na mabilis kong tinawagan si Zoren. Matapos ang pangalawang ring, sa wakas ay sinagot na nito ang aking tawag at kinakabahan ako habang hinihintay itong sumagot at magsalita. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD