CHAPTER ONE-DINNER DATE
VERONICA
NAGISING ako sa silaw ng liwanag sa labas na pumapasok sa nakaawang na bintana kaya napapikit akong muli at kinusot ko ang mga mata ko at muli kong iminulat iyon. Hanggang sa nasanay na ako at luminaw na ang paningin ko, kaya hinanap ko ang aking cellphone upang tingnan ang oras at napabalikwas ako sa higaan dahil alas sais na ng umaga.
Napabuntong-hininga ako at nanalangin muna para magpasalamat sa kabutihan ng Panginoon dahil nagising na naman ako sa panibagong araw na may kapayapaan sa aking puso’t isipan.
Matapos kong manalangin ay bumangon na ako sa aking higaan. Upang maghanda para sa aking trabaho.
Ngunit tutungo na sana ako sa banyo upang maligo ngunit biglang tumunog ang aking cellphone na nangangahulugang may nag chat sa akin. Kaya kinuha ko ang aking cellphone at tinignan iyon.
Napangiti ako ng makita ko kung sino ang nag chat. Sino pa ang kundi ang boyfriend ko. Ginagawa niya itong ugali ang pag chat sa akin sa tuwing umaga bago ako magtrabaho. Para batiin ako ng ‘Good morning’ at paalalahanang kumain bago pumasok sa aking trabaho.
Dinala ko ang cellphone ko sa aking at ngumiti nang mabasa ko ang chat nito.
Good morning ng aking reyna. Sana nagising ka ng maayos. Kumain ka muna bago pumasok mahal na mahal kita!
Saad nito sa chat kaya nag reply naman ako sa chat nito.
Ibinaba ko na ang aking cellphone sa bedside table at naglakad na palabas ng aking silid at pumasok sa silid ng aking nakababatang kapatid para gisingin ito dahil papasok na ito sa school.
Binuksan ko ang bintana ng silid nito upang pumasok ang liwanag ng araw sa kabuuang silid nito. Nilapitan ko ito at ginising ko ito.
Kami na lang ang mag kasama ng kapatid ko mula ng mamatay sila nanay. Namatay ang aming mga magulang sa isang aksidente sa motor. Kaya ako na ang naging magulang nito mula noon. Ngunit hindi naman kami nahirapan noon dahil may iniwan naman ng sapat na halaga ng pera ang mga magulang namin sa bangko.
Ngunit hindi naman kami pwedeng dumepende sa perang iyon dahil mauubos din iyon balang araw, kaya ginawa ko ang lahat upang mabuhay kami ng maayos. Sa kabutihang palad dahil sa pagpupursige ko dahil sa pagwoworking student ko ay nakapagtapos naman ako sa kolehiyo sa kursong business administration.
At kalaunan ay nakapagtrabaho sa nakalipas na isang taon sa kompanya ni sir Ezekiel William ang pinakamalaking pagawaan ng alak dito sa Pilipinas bilang sekretarya nito na may sapat na pasahod. Kaya ako na ang nagpa-aral sa kapatid ko mula noon sa sarili kong pagsisikap at ang pera na naiwan ng mga magulang ko ay inilaan ko na lang sa aking kapatid para balang araw ay may maaasahang pera ito para sa kinabukasan nito.
Inumpishan ko na itong gisingin ngunit hindi agad ito magising kaya kiniliti ko ito kaya napalikwas ito ng bangon pero hindi pa rin ito magising kaya kinurot ko ka ito.
At doon ito nagising at nakasimangot na napatingin sa akin. Pero nginisihan ko lang ito at ginulo ang buhok nito.
“Ouch! Ate naman ang sakit ah!” Napasigaw ito bagamat nainis ay bumangon na rin ito kaagad.
“Ang hirap mo kasing gisingin. At tsaka paano ka nakatulog dito sa silid mo? Ang kalat. Hindi ka man lang naglilinis. Jusko napaka burara mo naman!” Sermon ko rito.
Nakasimangot naman ito habang kinukusot ang mga mata. Bago patamad na bumangon pero ng makita niya akong pinanlakihan ito ng mga mata ay nagbago ang napipikon nitong mga tingin sa akin.
“M-morning! he, he, he! Sorry big sis ah! Busy kasi ako nitong mga nakaraang araw sa school kaya hindi ako nakapagligpit ng maayos dito sa kwarto ko.” Sagot naman nito at ngumiti sa akin habang nag puppy eyes pa ito.
“Siguraduhin mo lang na sa pag-aaral mo ka talaga busy ah! Kapag nalaman ko na nagbubulakbol ka lang. Tatanggalan talaga kita ng allowance! At tsaka maglinis ka nga dito sa kwarto mo alam mo naman na ayaw ko na makalat!” Sabi ko naman dito at sinenyasan itong mag asikaso na kaya mabilis naman itong kumilos habang sinasagot ang sinabi ko.
“Promise teh! Wala talaga akong ginawang masama! Nag aaral po talaga akong mabuti. At lilinisin ko na talaga dito.” Sabi pa nito.
“Good dalian mo na riyan. At baka ma late ka na sa klase mo. Sumunod ka kaagad sa kusina.” Saad ko at saka iniwan na itong nagliligpit ng mga kalat nito. Napapailing ko na lamang ito sinulyapan ng saglit bago tuluyang sinarhan ang pinto ng silid nito.
Pumunta ako sa kusina at naghanda ng breakfast at pagkatapos ay inipon ko ang mga basurang nasa kusina at inilagay sa garbage bag at inilabas ito sa likod namin at ibuhos ang basura sa counter ng basurahan sa labas dahil umaga ang kuhaan ng track ng basura dito sa amin at nakagawian ko na ito araw-araw.
Mabilis akong bumalik sa aking silid at pagkatapos ay naligo na rin at pagkatapos ay nagbihis na ako ng pang office suit dahil malapit na akong malate. Bumaba na agad ako at muli akong pumasok sa kusina at doon ko ka rin naabutan ang aking kapatid na nag hahain na.
Kaya umupo na ako sa upuan at sinabayan ko na rin si Victor upang kumain. Handa na rin ito upang pumasok sa paaralan at ako naman ay sa aking trabaho.
Nandito na ako ngayon sa labas ng kompanya matapos kong makababa sa taxi na aking sinakyan at huminga muna ako ng malalim para pampalakas loob ko dahil umpisa naman ng kalbaryo ko sa aking trabaho kaya inihanda ko na ang aking sarili. Dahil malapit na naman akong magkaroon ng nakakainis na araw. Sana hindi niya ako masermunan ngayon dahil gusto ko lang ng tahimik na paligid.
Nag umpisa na akong maglakad papasok sa building ng kompanya na pag aari ng isang Ezekiel William at hindi nagtagal ay nakarating na ako sa aking pwesto at umupo na upang umpisahan ang araw ko sa pag tatrabaho.
Nang makarating ako sa loob ng ceo's floor ay umupo na ako sa pwesto ko at pagkatapos ay pinadaanan ko na ang ilang mga files ng mga nasa desk ko at sinumulan ko na itong iencode sa computer ko dahil maya-maya lang ay hihingiin na ito ni Sir Ezekiel or mas kilala sa pangalang boss sungit ng lahat ng nandito.
Habang busy ako ay nakita ko si Ethan ang isa sa mga tauhan dito na kanang kamay ni boss na napapalapit sa akin kaya napataas ang kilay ko, dahil paniguradong may kailangan naman ito sa akin at hindi nga ako nagkamali.
“Miss. Sebastian. Pinapasabi pala ni Sir. William na puntahan mo raw siya sa kanyang opisina ngayon.” Saad nito sa seryosong boses kaya napatingin ako rito.
Ngunit hindi pa nga ako nakakasagot ay umalis na agad ito kaya napabuntong-hininga ako manang mana talaga ito sa amo nito parehong masungit at hindi yata marunong ngumiti kaya napailing na lang ako.
Tumayo na ako at naglakad habang bitbit ko ang isang file na kulay itim at tumungo na lang sa opisina ni Sir. Ezekiel patungo sa office nito.
Nang makarating ako sa office nito na nasa katapatan lang ng desk ko ay nakita ko siyang nakaupo sa kanyang upuan. Kita ko kasi ito dahil glass wall lang ang tumatabing doon kaya kita mo talaga ang ginagawa ng taong nasa loob niyon.
Nagkatitigan kami nito dahil nakatingin din pala ito sa akin kaya napalunok ako dahil nakangisi ito sa akin, habang seryoso naman ang mga tingin nito. Ito lang yata ang tanging lalaking may kakayahang mag ganoong ekspresyon, kaya nakicreepy-han talaga ako kapag ginagawa nito ang ganoong gesture.
“Sh*t! Ang creepy talaga ng lalaking ito.” Pinaglihi sigurado ito kay Lucifer! Mabuti lang at gwapo ito kung hindi ay iisipin ko talagang galing ito sa impyerno bilang demonyo na nagkatawang tao dahil sa mga ngiti nitong nakakaloko.
Huminga muna ko nang malalim bago ako pumasok at inihanda ko ang sarili ko bago ko binuksan ang glass door at agad na pumasok doon.
“Good morning Sir!” Sabi ko bago ako yumuko tanda ng paggalang dito at tsaka ako lumapit dito.
“Maupo ka muna!” utos nito na ginawa ko naman at hinintay ang sasabihin nito.
“Pinapatawag mo raw po ako?” saad ko naman. Kaya binigyan niya ako nang isang ngiti.
“Ang pormal mo naman sa akin Veronica honey! Agang aga ay napaka seryoso mo!” Sabi naman nito kaya medyo nainis ako sa sinabi nito.
“Pinapunta mo lang po ba ako dahil diyan?” sabi ko at tinasaan ko ito ng kilay at hindi sinagot ang tinatanong ko.
“Nope, pinatawag kita dahil sa sinabi ko sayo kahapon, ay kung handa kang makipag-date sa akin? may sagot ka na ba sa tanong kong iyon?” Saad nito at tumayo ito upang lumapit sa akin.
“At ano rin ho ang hindi niyo maintindihan na may kasintahan na po ako, para makipag mabutihan pa ako sa inyo! Kaya No pa rin ang sagot ko tulad kahapon!” Nayayamot ko ring saad dito.
“So what hindi pa naman kayo mag asawa kaya pwede mo pa siyang palitan!”
“Sir! Hindi ka rin makulit eh noh!”
“Kailan mo ititigil ang pagtanggi sa akin, dahil sa walang silbi mong kasintahan na mayroon ka. Ano’ng mayroon siya na wala ako? Mayaman at gwapo naman ako kaysa sa kasintahan mo?” sabi nito at yumuko upang pantayan ang mukha ko. Kaya napalunok naman ako dahil ang lapit ng mukha nito sa mukha ko nalalanghap ko na rin ang mabangong hininga nito nagpatindig ng balahibo ko sa batok ngunit binaliwala ko lang iyon.
“Ano po ba ang hindi mo maintindahan boss. Na nandito lang ako para magtrabaho, hindi para makipaglandian sa inyo?” naiinis kong turan dito.
Kung hindi ko lang siya boss ay baka nasuntok ko na ito dahil sa kakulitan nito. Nagpipigil lang talaga ako. Sabi ko sa loob-loob ko pero pinilit kong ’wag makagawa ng anumang bagay na pagsisihan ko sa huli. Kaya huminga ako nang malalim at nakipagtitigan dito.
Ngunit hindi ko talaga matagalan ang mga tingin nito kaya agad akong napatayo sa kinauupuan ko at sinampal ito sa hindi ko alam na dahilan kaya umatras ako ng kaunti para makalayo rito sa pag aakalang magagalit ito sa ginawa ko ngunit ngumisi lang ito nang nakakaloko ngunit kapag kuwan ay sumeryoso ito.
“Mapanakit ka namang maglambing Veronica. Gusto ko iyan. Pero ito ang tandaan mo ako pa rin ang boss mo kaya wala kang karapatang hindi ako galangin!” Babala nito kaya napangahinga ako ng malalim.
“Pasensya na boss, k-kung wala ka ng kailangan sa akin aalis na po ako!” hininging paumahin ko rito at saka napayuko ako.
“Maaari ka ng umalis iwan mo na iyang files na hawak mo!” Napabuntong hininga naman ito at muli itong bumalik sa swivel chair nito at tumingin ito sa akin na parang may sasabihin pa ngunit hindi na nito itinuloy.
Muli akong napabuntong-hininga at mabilis na na akong lumakad palayo rito. Kailangan ko pa rin siyang igalang kahit minsan ay nakakainis na ito sa patuloy nitong panunudyo sa akin. Ngunit anong magagawa ko wala talaga akong gusto rito dahil loyal ako sa boyfriend ko at alam kong mahal ko ’yon at kailanman ay hindi ko kayang pumatol sa boss ko kahit gaano pa ito kayaman at kagwapo.
Kaya hangga’t maari ay patuloy akong tatangi sa mga pagsi-seduce nito dahil matino pa naman ako para pumatol dito kahit anong gawin nito.
MABILIS akong nagtatrabaho matapos kong makalabas kanina sa office ni Sir. Hanggang sa hindi ko namalayan na malapit na pa lang mag mag uwian, dahil may tinatapos pa akong report na ipapasa ko kay boss Ezekiel bukas. Kaya hindi ko na malayan ang oras.
Nagmamadali na ako sa aking ginagawa para maka out ng maaga kasi nagyaya si Zoren na kasintahan ko na mag dinner date raw kami mamaya sa paborito naming kinakainang restawran. Ayoko pa nama’ng magkaroon siya ng maling impression tungkol sa akin na hindi ako tutupad sa aking pangako kaya sinikap kong matapos ang aking ginagawa para makapunta sa dinner date namin mamaya.
Ilang oras pa ang lumipas ng sa wakas ay matapos ako sa aking ginagawa. Napatingin ako sa orasan ng nasa dingding ng kinaroroonan ng desk ko matapos kong matapos ang ginagawa kong report.
Kinse minuto na lang ang natitira ay mag a-out na ako kaya mabilis akong nag ayos ng mesa pati na ang dala-dala kong sling bag kanina. Ayaw ni Zoren na nahuhuli ako kaya mabilis akong naggayak. Matapos kong mailigpit ang mga gamit ko ay agad ko ng kinuha ang sling bag ko at agad na tumayo para tumungo sa elevator pero bago ako naglakad ay sinilip ko muna si boss sa loob ng opisina nito at nakita kong busy pa ito sa mesa nito habang seryosong nakaharap sa computer nito. Wala na rin naman itong inutos maliban sa meeting kanina ng samahan ko ito kaya pwede na siguro akong umuna sa kanya. Kaya hinayaan ko na ito sa ginagawa nito at nagpatuloy na sa aking paglalakad.
Ngunit hindi pa ako nakakarating sa elevator ng tumunog ang aking cellphone at sinuri ko ang tumatawag si Zoren kaya napangiti ako at sinagot ko ang tawag nito.
“Hello mahal!” bungad nito sa akin sa kabilang linya.
“Hello rin mahal, bakit ka tumawag papunta na ako riyan nandiyan ka na ba sa restaurant?” tanong ko.
“Wala naman mahal! Gusto ko lang makumperma na hindi mo naman ako iindyanin tulad noong mga nakaraang diner date natin!” Sagot naman nito sa tunong hindi naman nagagalit ngunit guilty pa rin ako kaya napabumuntong hininga ako.
Noong mga nakaraan ay marami kasing pinagawa si Sir. Ezekiel kaya ilang date din ang napaglagpas ko kaya naawa na ako rito wala rin naman akong magagawa kaya babawi talaga ako ngayonn dito.
“Don’t worry mahal, sure na ito dahil maaga kung natapos ang trabaho ko kaya papunta na ako riyan!” tinitiyak ko rito kaya alam kong napangiti ko ito pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng guilt talaga rito.
“Okay! Aasahan ko iyan ingat ka sa byahe! Mahal kita.” Masayang saad nito kaya napangiti ako.
“Mahal din kita mahal! Wait for me in twenty minutes okay! Bye!”
Tinapos ko na ang tawag at sumakay na sa elevator ng bumukas iyon ngunit hindi pa nga nasasara ang pinto niyon ng bigla iyong huminto dahil may humarang doon ng isang buong braso ng lalaki kaya muli iyong bumukas at nabungaran doon ay si sir. Ezekiel na seryosong nakatingin sa akin.
ITUTULOY