CHAPTER 6-BRIEFCASES

2741 Words
MATAPOS ang pangalawang ring, sa wakas ay sinagot na nito ang aking tawag at kinakabahan ako habang hinihintay itong sumagot at magsalita. “Hello! Zoren?” “Hello Babe! Kumusta ka. Sorry kung hindi kita natawagan abala kasi ako ngayon.” “Okay lang! Huwag ka ng mag isip tungkol doon. Mabuti naman ako. Nasaan ka ba ngayon makakapunta ka ba dito sa bahay? Kailangan nating mag usap or magkita na lang tayo riyan sa hardware mo.” Kinakabahan kong saad. “Okay! Magkita na lang tayo mamaya. See you! I’ll wait for you're here!” sabi naman nito at pinutol na ang tawag. May sasabihin pa sana ako kaso hindi na umabot. Huminga ako na lang ako ng malalim, habang ibinababa ang cellphone ko. Sana hindi totoo ang sinabi ng binabae na iyon tungkol kay Zoren, kasi dapat naramdaman ko iyon sa kanya kung totoong binabae ito ngunit wala naman mali sa pagkatao nito. May kaba man sa malalaman ko mamaya ay dapat handa ako sa anumang matutuklasan ko. Kailangan ko kasi ng malinaw na kasagutan mamaya bago ako gumawa ng hakbang. Nag-text muna ako kay Victor dahil babalik siya anumang oras galing sa praktis. “Naghanda ako ng hapunan natin mamaya. Kumain ka na lang pagdating mo aalis ako kasama ko ang kuya Zorem mo ‘wag mo na ako hintayin mamaya, ingat sa pag-uwi ’wag kung saan-saan gumala okay.” Matapos kong maka chat ang kapatid ko ay tumungo na ako sa itaas sa aking silid. At naligo pagkatapos ay nag-ayos para umalis, isang simpleng dress lang ang sinuot ko at hindi na ako naglagay ng make up. Sapat na sa akin ang lipstick dahil maputi naman ako kaya hindi na ako naglagay ng kung anu-ano sa mukha ko. Pinusod ko na lamang ang aking buhok na wavy at pagkatapos ay umalis na ako para tumungo sa hardware namin ni Zoren baon ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Nakasakay na ako mula sa taxi at pagkatapos ng ilang sandali ay agad na akong nakarating doon. Nakita ko agad ito ng makababa ako mula sa taxi na nakabantay sa loob ng cashier kasa ng dalawa pa nitong empleyado. Nakikipag-usap ito sa mga gagawa ng hardware habang may tinitingnan ito sa laptop nito. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nang makapasok ako ay narinig ko ang sinasabi nito sa mga kausap niti. “Okay guys tapos na.“ Sinabi ni Zoren ng marinig ko bago ako nakalapit sa kanila. “Oh! babe nandito ka na pala. Kayo mag lunch na muna kayo at mamaya na natin ituloy ang pagpaplano!” Baling nito sa mga kausap matapos ako nitong pansinin. Lumabas naman ang mga ito sa loob ng cashier at iginiya niya ako sa tabi niyon na may nakahandang dalawang upuan at doon kami umupong dalawa. “Oh! babe ano nga pala sasabihin mo sa akin at pinuntahan mo pa ako rito?” Napabuntong hininga ako, at hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa. Nakaramdam ako ng kaba sa itatanong ko rito ngunit kailangan kong malaman ang totoo. “Ahm! Ano kasi may pumunta kasing tao sa bahay at may sinabi ito tungkol sayo!” “Ahm! sino naman daw!” Nagtatakang tanong naman ni Zoren sa akin kaya napalunok ako. Bakit ba ako kinakabahan hindi ba dapat ay ito ang makaramdam ng ganito at hindi ako? Kaya “Girlfriend mo raw siya?” Sabi ko na nakasimangot. “At naniniwala ka naman, tinanong mo ba kung anong pangalan niya?” Tanong nito na tila ba wala lang dito ang sinabi ko. “Hindi siya nagpakilala at hindi siya babae Zoren, kaya sabihin mo sa akin ang totoo. Totoo ba ang s-sinabi niya.” Saad ko. “Hindi totoo iyon. Akala ko ba ay may tiwala ka sa akin. Kaya dapat sa akin ka lang magtiwala.” Mabilis na sabi nito na walang pag aalinlangan. Ipinikit ko ang mga mata mata at huminga ng malalim bago ako nagmulat ulit at pinagkatitigan ko ito. “Look Veronica ilan taon na tayong mag kasintahan ni minsan ay hindi ako nagsinungaling sayo! Kung sino man ang taong iyon ay nagsisinungaling lang iyon sayo at gusto lang nitong sirain ang relasyon natin. At tsaka wala akong ibang kasintahan kahit itanong mo pa sa mga nandito ni minsan ay wala akong dinala dito at alam nilang ikaw ang kasintahan ko. Kaya malinis ang konsensya ko babe, ikaw lang talaga ang mahal ko, at saka kung papalitan kita bakit sa isang kagaya niya pa, lalaki ako Babe! at alam kong alam mo iyon. At tsaka wala akong ibang gugustuhin na mamahalin kundi ikaw lang dahil nasayo na lahat ng katangian ng isang babae na pinapangarap ko kaya sana maniwala ka sa akin. Promise wala akong ibang babae. At kung makita man kami ay ipapamukha ko sa kanya na ikaw ang mahal ko.” Mahabang paliwanag nito sa akin at kita ko naman sa mga mata nito na totoo naman ang mga sinasabi nito sa akin. Totoo naman ang mga sinabi nito sa halos dalawang taon naming magkasintahan nito walang naging involve sa amin na ibang babae at ramdam ko naman na nagsasabi ito ng totoo pero hindi pa rin maalis sa akin ang ‘wag magduda pero sa mga pinagsamahan ay nag aalangan ako kung paniniwalaan ko pa ba siya sa oras na iyon pero sinunod ko ang sinasabi ng puso ko na hindi magagawa ni Zoren ang pagtaksilan ako dahil pinanghahawakan ko ang pinagsamahan namin na hindi ito kayang sirain ni Zoren lalong lalo na ang tiwalang ibinibigay ko sa kanya. Kaya bumuntong hininga ako at pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay nito bago ako nagsalita. “Humihingi ako ng paumanhin para sa pagdududa sa iyo.” Ngumiti ako dito kaya ngumiti rin siya sa akin at saka pinisil nito ang kamay ko na nakahawak sa kamay nito. “Salamat babe, masaya ako na pinagkakatiwalaan mo ako wag ka sanang maniwala sa taong lumapit sayo baka stalker ko lang iyon na gustong sirain ang maganda nating pagsasama.” Saad nito at hinahaplos ang aking buhok. “Mahal na mahal kita Veronica! Babe!” “Mahal din kita!” sabi ko naman pagkatapos ay hinalikan niya ako sa aking noo. Isang halik na may respeto kaya lalo kong napapatunayan na mahal talaga niya ako at tuluyan ko ng nawaglit sa isipan ko ang taong pumunta ng bahay ko kanina at pinanghahawakan ko ang mga sinabi sakin ni Zoren. Ngunit na wala ang magandang moment namin ni Zoren na nagpabalik sa akin sa realidad ng muling magsalita ito. “Ahm! A-alam kong wrong timing itong pag usapan natin babe, kaso need ko na talaga ito para umpisahan na namin ng mga kausap ko kanina noong dumating ka na. Para ma-iparenovate natin ang hardware. Maaari ko na bang mahingi iyong hinihhiram kong pera sayo!” Nahihiyang saad nito sa akin kaya naalala kong nangako pala ako rito na susubukan kong maghanap ng pera na ipapagawa ng hardware na ito. “Oo nga pala nakalimutan ko mabuti at pinaalala mo iyon sa akin.” Ngumiti ako ng pilit dito. Mabuti na lang at nakapagloan na ako kahapon. EZEKIEL NAKATITIG ako sa bahay ng kasintahan ni Veronica kaya napangisi ako sa aking sarili. Bumaba ako sa aking kotse ay isinuot ko ang aking sunglasses at bitbit ko ang isang briefcase at pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa pintuan ng bahay ni Zoren. Nag doorbell muna ako at inihanda ang aking sarili sa pagbukas nito ng pinto. “Sino iyan?” Narinig kong sumigaw ang isang lalaki mula sa loob ng bahay nito. Hindi ako sumagot at hinintay ko na lamang itong pagbuksan ako. “Ikaw ba ay bingi hindi ka ba marunong sumagot?” Sumigaw ito mula sa loob at rinig kong galit ito ngunit hindi pa rin ako tumugon. Ngunit mayamaya lang ay tumahimik na ito mula sa loob at ilang sandali lang ay binuksan na nito ang pintuan kaya nginisihan ko ito. “Ikaw anong ginagawa mo rito?” nagulat ito ng mabungaran ako nito sa labas ng bahay nito. “Yes! It’s me, ano kung narito ako may problema ka ba?” simpleng sagot ko kaya napalunok ito. “Bakit ka nandito?” tanong nito. “Ganyan ka ba tumanggap ng bisita mo? Hindi mo ba ako papapasukin muna?” Kaya wala itong nagawa kundi lakihan pa ang pagbukas ng pintuan. Kaya taas noo akong naglakad papasok sa loob. “Pumunta ako rito dahil may ioffer ako sayo. Alam kong magniningning ng mga mata mo sa sasabihin ko.” Sabi ko rito ng makaupo ako sa sofa. Parang nakuha naman nito ang ibig kong sabihin kaya umupo rin ito sa harap ko at tsaka seryosong tumingin ito sa akin. “Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko ang sasabihin mo dahil kung hindi ay makakarating ito kay Veronica!” Inilagay ko ang isang briefcase sa mesa at tinulak ko ito papalapit sa kanya. Kaya napangisi ito sa nakita nito at nakita ko ang kasakiman sa buong mukha nito. Habang inaabot ang bagay na ibinigay ko. Alam na nito kaya naparito ako upang bigyan siya ng malaking halaga kapalit ng paghinto ng paggagamit nito kay Veronica. Ang kanyang kasakiman ay likas na talaga rito. Alam ko sa simula pa lang ay hindi na niya talaga mahal si Veronica. Inaasahan ko na’ng maaaring ginagamit niya lang si Veronica dahil sa pera o ginagamit lamang niya ito para sa itago ang tunay nitong katauhan. Mula ng malaman ko na kasintahan ito ni Veronica ay nagpa-imbestiga ako at nalaman ko ang tinatago nitong baho hindi ko lang masabi kay Veronica, dahil alam ko naman na hindi ako nito papaniwalaan dahil alam kong mahal na mahal nito ang kasintahan. Pero balang araw ay isisiwalat ko lahat iyon pagdating nang panahon. “Zoren, alam kong hindi mo ito matatangihan kaya sinadya kita rito para balaan, na itigil mo na ang paggamit at panloloko kay Veronica kung gusto mo ng pera ay ibibigay ko ito sa iyo kahit magkano basta ititigil mo lang ang masamang balak mo sa kanya.” Saad ko ngunit ngumisi lamang ito. Kaya pumunta ako ngayon dito para mapigilan ito sa patuloy na paggamit nito kay Veronica. Hindi niya sinagot ang sinabi ko sa halip ay binuksan nito ang briefcase na ibinigay ko dito at kita ko sa mga mata nito kung paano iyon nagningning matapos makita ang perang nilalaman niyon. Habang ako ay inaalala ang mga panahon kung kailan ko ito kinompronta matapos kong mag paimbistiga sa tunay na katauhan nito. Pinuntahan ko ito sa hardware na pagmamay ari nito mga limang buwan na ang nakakaraan kaya hindi na bago na magkakilala kami nito. Five months_ago HABANG ang aking sasakyan nasiraan ng papunta ako ng company ko. Hindi ko maayos ang kotse kaya naisipan kong idaan ito sa isang talyer sakto na may talyer na malapit kung saan ako nasiraan katabi ng isang hardware. Kaya bumaba ako upang puntahan iyon. Lumapit ako sa talyer upang makiusap doon na puntahan ang nasiraan kong sasakyan kaya napadaan ako sa hardware na katabi ng talyer na iyon. Nang marealize ko na ang hardware na madadaan ko ay ang negosyo ng kasintahan noon ni Veronica. Kaya lumingon ako roon upang tingnan kong nandoon ang kasintahan nito at sa hindi sinasadyang pangyayari ay nakita ko nga ang kasintahan ni Veronica mabuti na lamang ay naka shade ako kaya hindi ako nito makikilala. Kaya malaya ko itong inobserbahan muna para sana kilatisin ang lalaking magiging karibal ko sa babaeng iniibig ko. Ngunit sa pagkagulat ko ay bigla na lamang may lumapit dito na isang babae. Kaya napakuyom ang kamao ko na nagpapatunay lamang na niloloko nito si Veronica kaya nag init agad ang bunbunan ko sa nakita kong eksena inilabas ko ang cellphone ko at agad ko silang kinuhanan matapos kong magtago sa isang sasakyan na nakapark sa unahan ng hardware ng lalaki. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang magsalita ang kasintahan ni Veronica ng tawagin nito ang pangalan ng kalampungan nito. Kaya nalaman ko ang hindi ko dapat nalaman. Isang kapwa lalaki na katulad nito ang isa pang karelasyon nito kaya lalo akong nagalit sa kataksilan nito kay Veronica. Hindi man lang tumingin sa akin ang mga ito kaya alam kong hindi nila ako nakita dahil busy ang mga ito maglampungan. Kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para pakinggan ang usapan ng dalawang iyon habang nag bi-video dahil nasa labas lang ang mga ito nag uusap mabuti na lang at medyo tago naman ang kinaroroonan ko kaya safe ako. “Miss na miss kita, honey, kailan mo ba kasi iiwanan ang babaeng iyon?” saad ng binabaeng iyon kay Zoren. “Miss na miss din kita, Dilan!” Tugon naman ni Zoren sa karelasyon at pagkatapos ay naghalikan ang dalawang iyon kahit pa may mga empleyado na nakatingin sa mga ito. Para akong masusuka sa tagpong aking nakikita napakawalang hiya ng mga ito para lokohin nila si Veronica kaya lalo akong nangigil sa mga ito. Pero pinagpatuloy ko ang pakikinig sa mga ito dahil alam kong may matutuklasan pa akong ilang bagay para magamit ko sa pagsisiwalat sa mga baho nito. Hanggang sa nalaman ko na kaya pinaibig nito si Veronica ay para gatasan ng pera dahil palugi na pala ang hardware nito at si Veronica raw ang isang taong madaling paikutin at lokohin. Kaya lalo akong nag gagalaiti sa galit ngunit kinontrol ko ang aking sarili na huwag silang sugurin dahil hindi iyon solusyon lalo na’t alam kong hindi naman ako pinaniwalaan ni Veronica. “Alam mo naman kung bakit hindi ko magawang hiwalayan si Veronica. Dahil siya lang ang makakatulong sa atin para makabawi tayo sa hardware na palugi na kaya hangga’t kaya ko pang tiiisin ang nakakadiring babaeng iyon ay gagawin ko. At tsaka para naman sa atin ito para sa kinabukasan natin, kaya konting tiis na lang mahal. Okay!!” Paglalambing nito kaya lalo akong nabuwisit sa nakikita ko. “Sige na nga! Basta ah! Hindi Ka dapat mahulog sa babaeng iyon kundi kakalbuhin ko talaga ang malanding babaeng iyon.” “Oo naman mahal! Kung alam mo lang kung gaano ako nasusuka sa pagmumukha ng babaeng iyon.” Saad naman ng Zoren na iyon. Hindi ko na natagalan ang mga sinasabi ng mga ito kaya tinapos ko na ang pakikinig sa mga ito at itinago ko na ang cellphone na ginamit ko para kuhanan ng mga larawan at video ang mga ito pero simula noon ay hinaharass ko na ito at tinatakot kong hindi nito iiwan ang babae ay isisiwalat ko lahat ang itinatago nitong lihim kay Veronica. NATAUHAN lang ako sa pag-babalik tanaw ng marinig ko ang pagkamangha nitong tuluyan nang mabuksan nito ang briefcase. “Whoa! Ang dami! Totoong pera ba ito?” bulalas nito habang namimilog ang mga mata nito. “Sa tingin mo ba sa akin, niloloko lang kita kaya ko pa iyang dagdagan kong lalayuan mo na si Veronica!” Madiin kong sambit. “Pwede naman malaking perang na nga ito, pero parang hindi ko matutupad ang gusto mong mangyari ng ganun lang kadali, baka magtaka ang bruhang iyon na basta ko na lamang siya hihiwalayan ng walang dahilan!” Saad nito at ibinalik ang pera sa loob ulit ng lalagyan niyon. “Ang briefcase na iyan ay naglalaman ng limang milyon. Hindi pa ba sapat na dahilan iyan para hiwalayan mo na siya sa kahit na anong paraan?” “Hmmn! Sige bigyan mo ako ng isang linggo para mag isip ng idadahilan ko sa kanya.” “Siguraduhin mong tutupad ka sa usapan at kung hindi ay hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin sayo! I have the power to destroy your life in hell!” Nagtatagis ang bagang kong saad ko at pagkasabi ko noon ay tumayo na ako para umalis na ngunit lumapit muna ako dito. “At mayroon pa pala akong isa pang bagay na ibibigay sa iyo!”. “Ano yan sir?” tanong niya na nakangiti pa kaya ngumisi rin ako rito. “Ito!” Sabi ko sabay sinuntok siya ng malakas sa kanyang panga kaya natumba ito at napaupo sa sahig hindi nito inaasahan na gagawin ko iyon kaya hindi ito nakahuma. “Ouch! Para saan iyong ginawa mo?” Umungol ito dahil sa sakit kaya napa-smirk ako. “Wala naman para lang iyan sa paggamit mo kay Veronica para sa pera at sa pagkakaroon mo ng kasintahan sa iyong kapwa lalaki. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD