VERONICA
“SIR pinatawag mo raw ako?” sabi ko.
Ang nakakainis na ito biglang nagpadala ng isang tao upang sunduin ako at bilang aking boss ay hindi ko siya matanggihan. Kahit bukas pa naman ako papasok.
“Umupo ka may nais akong sabihin sa iyo tungkol sa isang bagay.” Sagot lamang nito kaya umupo naman ako agad at tsaka tumitig dito habang hinihintay ang sasabihin nito.
“Ano po ang gusto mong sabihin sir?” tanong ko.
“Tungkol sa kasintahan mo. Ginagamit ka lang niya!” diretsahang sabi nito kaya nakaramdam ako ng galit sa sinabi nito kaya galit akong tumayo at tinitigan ko ito ng masama.
“Sir kung isa ito sa plano mo para makuha ako, utang na loob po tumigil ka na sa paninira sa boyfriend ko hindi ako naniniwala sayo. Kaya binalaan kita sir, huwag mo na pong ulitin ito, kung ayaw ninyong mawala ng tuluyan ang respeto ko sa inyo at umalis ako sa kompanya ninyo.” Nagpipigil ako ng galit at magalang ko pa rin itong sinagot.
Nagbigay naman ito ng malakas na pagtawa kaya lalong nadagdagan ang inis ko rito.
“Kung ayaw mo maniwala bahala ka basta binabalaan kita dahil ayaw kong habang buhay kang lokohin ng kasintahan mo. At tandaan mo hindi ka maaaring umalis sa trabahong ito dahil may pinirmahan kang kontrata sa akin, pwede kitang pagbayarin ng malaking halaga.” Ngumiti ito kaya napakuyom ang kamao ko sa galit.
Masama ko itong tinitigan nang maigi at pagkatapos ay lumapit ako sa kanya.
Bago ko pa napagtanto kung ano ang gagawin ko. Ay lumapat na ang isang palad ko mukha nito kaya natigilan ako.
Pagkatapos kong gawin iyon ay huminahon ako tsaka na pinoproseso ng utak ko ang aking nagawa.
Habang ito naman ay tinitigan ako ng may panunuri habang nakakuyom ang mga kamao at napapatiim bagang ito. Nanginig ako dahil sa seryosong mga titig nito, kaya napaatras ako dahil na alala ko ang banta nito sa elevator na kada sasampalin ko siya ay bibigyan naman niya ako ng halik para sa kabayaran sa sampal ko at anuman oras ay gagawin na niya ito.
“Nakalimutan mo na yata ang sinabi ko sayo na kapag sinampal mo ako ay pagbabayaran mo ito ng halik.” Saad nito kaya napalunok ako.
Pagkasabi nito ay sinubukan kong tumakbo ngunit agad niya akong nahawakan sa braso at mahigpit na hinawakan at hinila papalapit sa kanya. Kaya napadikit ako sa kanya habang aming mga mukha ay isang sentimetro na lamang ang layo sa isa’t isa.
Pagkatapos ay ngumisi ito sa akin at bago ko pa nailayo ang mukha ko ay mabilis na niya akong hinalikan. Ngunit nang sinubukan kong lumaya mula sa kanyang halik ay hinawakan niya ang likod ng ulo ko para pigilan niya ang paglayo ng mukha ko sa mukha nito. At mas lalo pa nitong diniinan ang paghalik nito na iginawad sa akin.
Kaya para mapakawalan niya ang labi ko ay kakagatin ko na sana ito, ngunit nakaramdam yata ito kaya pinutol na agad nito ang halik ngunit hindi niya pa rin ako pinakakawalan sa pagkakahawak nito.
“A-ang sarap talaga ng mga labi mo nakakaadik halikan! Tell me, Veronica, masarap ba ang halik ko? Hmmn!” Pilyong tanong nito na ikinainit naman ng bumbunan ko.
“Hindi masarap ang halik mo nakakadiri kamo, nakakasuka!” Sagot ko naman ngunit kabaligtaran sa nararamdaman ko rito sa tuwing sapilitan niya akong hahalikan nakakaramdam ako ng kakaibang damdamin na sa kanya ko lang nadarama.
Pero hinding hindi ko iyon aamin dito at hindi ko siya bibigyan ng satisfaction dahil ayaw kong lalo itong maging kumpiyansa sa sarili.
“Wala kang karapatang pangahasan na sabihin iyan sa akin, I’m still your boss so you still need to control your words out of your mouth.” Sabi lang nito sa halip na magsisi ito sa mga sinabi sa akin ay parang baliwa lang iyon dito.
“Hindi ka karapat-dapat igalang, ako nga hindi mo ginagalang bilang isang babae, na kahit alam mong ayaw ko sayo dahil may mahal na akong iba ay pinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo sa akin. Kaya wala kang karapatang sabihin sa akin ang mga iyan!” Naiinis na nagagalit na saad ko naman dito.
“I will say and do what I want to tell you. Why? Dahil gusto kong ipamulat diyan sa kukuti mo ang katotohanan na niloloko ka lang ng sinasabi mong mahal mo!” Sinigawan niya rin ako kaya lalong nagpanting ang tainga ko.
“Whether Zoren is cheating on me or not, you don’t care about it sir. Problema ko na iyon! At labas ka na roon.” Huminga ako ng malalim matapos kong sabihin iyon sa kanya.
“You don’t know what you’re saying. If you don’t believe what I said, ikaw ang bahala. Pero hindi ka makaalis dito sa company ko. But wan’t to remind you that he just cheated on you!” saad naman nito.
Binigyan ko siya ng isang masamang tingin dahil tama siya, hindi ako makakaalis dahil may kontrata pa ako sa kompanya niya. Alam kong papakulong niya ako kung talagang magpasya akong umalis dito at wala akong kalaban laban dito. Kaya kinalma ko ang aking sarili at tsaka na pabuntong-hininga.
Ngayon ko lang naintindihan na hindi naman talaga niya ako mahal gusto lang niya ako, marahil ay upang gamitin tulad ng mga babaeng nalilink dito at kapag tapos or sawa siya sa akin at itatapon niya rin ako sa basurahan pagkatapos makuha ang anumang nais niya mula sa akin. Hindi ko iyon hahayaan kaya tama lang na hindi ako nagpapadala sa mga pambobola at pagsi-seduce niya sa akin at lalong hindi ko ipagpapalit si Zoren dito. Dahil alam kong ito lang ang tangin lalaking nagmamahal sa akin ng totoo. Kaya hindi ako maniniwala sa lalaking ito dahil alam kong sinisiraan niya lang si Zoren sa akin para magkahiwalay kami at upang magkaroon ito ng pagkakataon na makuha niya ako.
Lumabas na ako sa kanyang tanggapan matapos ko itong itulak ng malakas at tuloy- tuloy ng naglakad papalabas na hindi ko man lang ito nililingon ayaw ko ng makita muna ito dahil baka ano pa ang magawa at masabi ko pa dito. Hindi naman niya ako pinigilan pa kaya nakalabas ako ng matiwasay sa opisina nito kaya pansamantala akong nakahinga ng maluwag.
Sa ngayon ay wala akong pakialam kung lalabag muna ako laban sa mga patakaran ng kompanya na huwag aalis bago ang oras ng uwian nang walang pahintulot ng HR. Wala ako sa mood ngayon magtrabaho kaya uuwi muna ako sa ngayon upang magpalamig muna ng ulo dahil sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari ngayon.
EZEKIEL
UMUPO ako matapos makalabas si Veronica hindi ko na ito pinigilan pa na umalis muna para makapag-isip-isip ito ng mabuti sa mga sinabi ko rito. Napabuntong hininga ako at pinakalma ko ang aking sarili. Ngunit napangiti ako at hinawakan ko ang aking mga labi dahil nahalikan ko naman ito. Nakakabaliw talaga ang sarap ng mga labi nito kaya gustong gusto ko itong ginagalit dahil iyon lang ang tanging paraan para mahalikan ito kahit alam kong mali iyon.
Anong magagawa ko mahal ko ito at kahit ayaw niya ay wala akong pakialam, patuloy ko pa rin itong iibigin kahit na magalit ito sa patuloy kong pangungulit dito ay wala pa rin akong pakialam. Kaya kahit pang himasukan ko pa pati ang sarili nitong buhay ay gagawin ko makuha at maprotektahan ko lang ito laban sa mapangamit at mapang balat kayong kasintahan nito. Ngunit malakas pa rin ang kapit sa pag-iisip nito na walang masamang balak ang kasintahan nito. At patuloy pa rin nitong pinagkakatiwalaan ng labis ang kasintahan nito kahit gumawa na ako ng paraan para ma expose ang kagaguhan ng kasintahan nito sa pamamagitan ng karelasyon ni Zoren ng suhulan ko itong pumunta sa bahay ni Veronica upang balaan ito, ngunit nalulusutan pa rin ito ng gagong iyon.
Matapos kong paupahin ang tensyon kanina sa opisina ko at nang matapos kong ma review ang mga papeles na pinag-aaralan ko kanina ay nagpasya akong pumunta sa pwesto ni Veronica upang makita siya.
Para sulyapan ito ngunit wala ito roon.
Kaya nagtanong ako sa mga katabi nito kung nasaan si Veronica.
“Sir nakita ko siyang umalis matapos niyang lumabas diyan sa office mo!” sagot ng isang empleyado kong lalaki ng tanungin ko ito.
“Umalis siya?” sabi ko kaya tumango ito, tinanguan ko rin ito at sinenyasan magpatuloy na ito sa trabaho nito na agad namang sumunod sa akin kaya umalis na ako roon.
“Saan naman kaya ito pumunta? Ni hindi man lang siya kumuha ng pahintulot mula sa HR Department bago siya umalis.” Bulong ko habang pabalik ako muli sa opisina ko.
VERONICA
NAGISING ako mula sa higaan matapos kong makatulog ng umuwi ako sa amin galing sa kompanya ni Sir Ezekiel. Maghapon na lang akong natulog dahil nawalan ako ganang matrabaho matapos ang sagutan namin ni Sir sa office niya. Kaya bumangon na ako at naligo dahil nagpasya akong puntahan si Zoren upang surpresahin siya sa bahay nito upang yayaing kumain kami sa labas. Kaya excited akong nag ayos at maya-maya pa ay umalis na ako para puntahan na ito roon.
Masaya akong sumakay sa taxi at nagpahatid sa Roxas Avenue. Kung saan nandoon ang tunay na bahay ni Zoren doon kasi ito tunay na namamalagi. Napunta at natulog lang ito sa condo na pinuntahan ko noong nakaraan kapag pagod ito at tinatamad na itong magmaneho ng motor.
Nang makarating ako sa bahay nito ay agad akong lumapit sa may pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok doon, ngunit walang sumasagot sa bawat katok ko o bumubukas man lang. Kakatok na sana ulit ako ng makita kong hindi nakalock ang padlock sa may pinto. Kaya naisipan kong pumasok na lang at baka naliligo lang iyon at nakalimutan lang nitong ilock ang pintuan.
Naglakad ako papasok sa loob habang tinatawag ang kanyang pangalan ngunit hindi ito sumasagot, napadaan ako sa may hagdan ngunit inuna ko munang tingnan ang kusina at baka nandoon ito nagluluto ng hapunan niya. Ngunit wala rin ito roon kaya nagpasya akong bumalik sa hagdanan at pagkatapos ay umakyat na ako roon papunta sa kanyang silid-tulugan.
Nang makarating ako sa tapat ng silid nito ay kakatok na sana ako kaso kita ko rin na hindi rin iyon nakalock ng maayos. Kaya hindi na ako kumatok at basta ko na lang iyon binuksan dahil parang may nag uutos sa akin na buksan ko iyon at sumilip doon ng tahimik.
Napanganga ako nang makita ko ng tuluyan ang loob ng silid ni Zoren. Muntik na akong mapasigaw ng tumambad sa aking paningin ang nakaririmarim na tagpo na hindi ko lubusang makikita sa aking harapan.
Literal na bumagsak ang aking panga at napanganga ako sa pagkabigla.
Doon ay nakita ko ang tagpo na dumurog sa aking puso at pagkatao, kaya napaluha ako sa aking nakita at nakaramdam ng matinding galit. Dahil nakita ko si Zoren na nakahubo’t hubad habang nakahiga sa kama habang may nakapatong sa kanya na isang bulto ng tao na nakahubad din hindi isang babae kundi isang binabae kaya napatakip ako sa aking bibig.
Ang binabaeng pumunta sa bahay na nagsasabi na karelasyon daw niya ang kasintahan ko. Ang binabaeng nagbigyan sa akin ng babala na layuan ko si Zoren.
“Oh my God! A-ang bababoy ninyo mga hayøp kayo!” Sigaw ko sa dalawa dahil hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil sa galit na naging sanhi upang mapalingon sila sa direksyon ko na kapwa nagulat sa sigaw ko.
ITUTULOY