ZOREN
“OH MY GOD! A-ang bababoy ninyo mga hayøp kayo!” Sigaw ng isang babae na walang iba kundi si Veronica. At dahil sa pagsigaw nito ay nagulat kami ni Dilan at napatingin kami sa direksyon nito na abot-abot ang kaba ng makita ko ang galit na galit na mukha nito habang umiyak.
Bigla kong naitulak si Dilan kaya nahulog ito sa sahig kaya mabilis akong napabangon at agad na tinakpan ang kahubdan ko ng roba na nakasabit sa hamba ng kama. At ganun din ang ginawa ko kay Dilan upang takpan din ang hubad nitong katawan.
Bakit nandito si Veronica? Hindi siya karaniwang dumating dito sa bahay na hindi ito nagpapaalam kaya malakas ang kumpiyansa ko’ng walang papasok sa bahay kaya hindi ko na inabala ang sarili ko na mag lock ng kahit anong pintuan matapos pumasok si Dilan kanina.
“P-paano mo nagawa sa’kin ito, Zoren, t-totoo pala talaga ang sinabi ni sir. Ezekiel sa akin kanina na niloloko mo lang ako at may karelasyon kang. . .
Hindi nito na ituloy ang sasabihin kay Dilan dahil napapailing ito at halata sa mukha nito ang pagka-shock sa nalaman kaya lalo itong napahagulgol.
“Bakit ka nandito, ‘diba sabi ko sayo ‘wag ka basta-basta pupunta dito ng walang pahintulot ko!” Ngunit sa halip na mahiya at magpaliwanag dito ay walang pakialam kong pagalit na tinanong ito kung bakit ito pumunta ng walang pahintulot ko.
“I-iyan lang ang sasabihin mo, pagkatapos kong makita ang kababuyan ninyo. Mas concern ka at galit ka dahil sa pagpunta ko dito ng walang pahintulot mo? Tao ka pa ba?
Hindi ka man lang ba mahihiya sa ginagawa mo?”
Hindi makapaniwalang saad nito kaya lalo itong nang gigil sa mga sinabi ko.
Habang si Dilan ay tahimik lang nakatingin sa amin ngunit kita sa mukha nito na nakahinga na ito ng maluwag dahil hindi na nito kailangan pang magtago. At tsaka hindi naman ito ginagalaw ni Veronica ngunit hinila ko pa rin ito at itinago sa likod ko para maproktektahan ito kung sakaling puntiryahin ito ni Veronica.
Habang ako naman ay kampante lang at wala pakialam sa nangyayari. At ngayon na alam na ni Veronica ang totoo, dahil alam kong nakita na kami nito ni Dilan ay hindi ko na kailangan pang maging mabait dito at magpakaplastik dito kaya tiningnan ko ito ng masama at nginisahan ito bago ako sumagot.
“Siguro naman ay nakita mo na kung ang totoo at Oo, wala akong pakialam kong nakita mo na ang matagal ko ng tinatagong sekreto. Subalit may magagawa ka pa ba? At bakit ako mahihiya, mabuti na nga ito na nalaman mo na ang totoo para hindi ko na ito itago pa. Siguro panahon na para malaman mo ang totoo.” Walang halong pagkukunwaring sabi ko.
“Walang hiya ka! Ang sama mo, minahal kita Zoren ng totoo, tapos ito lang ang igaganti mo sa akin ang l-lokohin ako at ipagpalit sa. . sa. . .
Hindi ulit nito naituloy ang sasabihin dahil nahimatay na ito dahil siguro sa matinding galit at pagkadismaya.
Kahit nandidiri na ako ngayon dito ay hindi ko pa rin ito hinayaang nandoon lang sa sahig kaya nilapitan ko ito at binuhat upang ihiga ito sa aking kama bago ko binalingan si Dilan at saka niyakap.
“Salamat naman at nalaman na ng babaeng iyan ang totoo, honey akala ko pang habang buhay na akong magtatago sa babaeng iyan sa tuwing pupunta iyan dito or sa condo mo, para hindi ka niya mahuli!” Sabi nito kaya napangiti ako.
“Balak ko na rin naman iyang hinawalayan sana bukas, kaso dahil siya na ang nakatuklas ay mas mabuti na ito. Marami na rin naman tayong pera dahil naipon ko lahat ng nahuthot ko sa babaeng iyan. At sa boss nitong si Ezekiel. Kaya wala na rin naman kwenta, kung malaman na niya ang panloloko ko rito.” Nakangisi kong sagot naman kay Dilan at saka ko hinalikan ang mga labi nito.
“So ano ng gagawin natin sa bruhang iyan, Jusko kung hindi lang natin iyan napakinabangan siguro matagal ko na iyang nakalbo at pinagsasampal tuwing nakikita kong nilalandi ka niya!” Sabi nito kaya natawa ko.
“Don’t worry, ako ng bahala diyan, tsaka ’di ko naman na iyan mapapakinabangan kaya kailangan ko na iyang dispatsyahin.”
“What papatayin mo ba iyan? Manloloko lang tayo pero hindi tayo kriminal hon, kaya ’wag naman!”
“Sira, kung hindi lang kita mahal baka nakutusan na kita. Hindi ko siya papatayin, pero may iba akong gagawin diyan, para madagdagan pa natin ang ating pera.” Ngisi ko bago ko kinuha ang cellphone ko at may tinawagan.
VERONICA
NAGISING akong sobrang sakit ng ulo ko.
Napabangon ako at nagtaka kung nasaan ako. Inilibot ko ang aking mga mata sa kinaroroonan ko at napagtano kong nasa sarili ko ng silid ako. Pero paanong nangyari iyon ang pagkakaalala ko ay nasa bahay ako ni Zoren at. . .
Napatuptop ako ng bibig nang maalala ang mga nangyari sa bahay ni Zoren, kaya nakaramdam ako ng pang hihina sa aking pakiramdam. Sinubukan ko ang aking makakaya upang makontrol ang aking luha ngunit para itong sirang gripo na hirap maampat.
Napakahirap paniwalaan na ang taong minahal ko ng buong puso sa dalawang taong mahigit sa buong buhay ko ay ginawa lang pala niya akong laruan at tanga. May ganitong uri pala ng tao na kayang kang saktan at paglaruan at ang mas masakit ay niloko ka ng patago. Minahal ko siya ngunit tulad ng gamit na wala ng silbi ay itatapon ka na lang na parang basura matapos ka niyang gamitin at yurakan. Dalawang taong mahigit akong naging bulag sa pag-ibig na inaakala kong totoo at walang halong pagkukunwari.
Tama si boss tungkol kay Zoren kahit na siya ay mayabang at masama sa paningin ko, at pinakawalang kwentang taong nakilala ko. Ay may posibilidad na hindi lang pakitang tao ang ipinapakita niya sa akin. Akala ko siya na ang pinakamasamang taong nakilala ko, pero nagkamali ako, may mas sasama pa pala rito. Si Zoren na akala ko mabuting tao iyon pala ay nagbabalat kayong demonyo at mas masahol pa kay Satanas.
“Paano niya ito nagawa sa akin. Zoren, paano?” Sigaw ko dahil sa lungkot, galit paghihinagpis.
Nagpakatanga ako ng halos ilang taon. Paano ako naging bulag upang hindi makita ang tunay na katauhan ni Zoren. Sana noong una pa lang ay inalam ko na kung anong klase siyang tao sana hindi ito umabot sa ganito. Kung noon na nagpakita sa akin ang taong iyon na nagpakilala sa akin na kasintahan nito. Sana nagduda na ako at hinuli na si Zoren para hindi na ako nagmukhang tanga.
Ang sakit-sakit, hindi ko matanggap!
Nanghihina akong napabangon sa kama para bumaba at hanapin ang kapatid ko matapos kong mapagod sa kakaiyak para itanong kung sino ang nag uwi sa akin dito sa bahay.
Kailangan ko pa ring magpatuloy sa buhay kahit na nasasaktan ako dahil may kapatid akong umaasa sa akin, hindi ko pwedeng ikulong ang sarili ko sa sakit na idinulot sa akin ni Zoren.
Bumaba na ako sa sala para hanapin si Victor inayos ko muna ang sarili ko bago ako tuluyang bumaba sa hagdan. Ngunit ng makababa ako sa sala imbis na si Victor ang nakita ko ay si Sir Ezekiel ang naabutan kong naroon na nakaupo sa sopa.
Lumingon ito sa akin ng mapansin nitong pababa ako ng hagdan na para bang hinintay talaga ako nito kaya natigilan ako.
Ito ba ang nag uwi sa akin sa bahay? Kung siya paano niya nalaman na pinuntahan ko si Zoren sa bahay nito?
At paano niya ako na dala rito kung wala akong malay dahil pagkakaalala ko ay nawalan ako ng malay kanina dahil sa tindi ng galit at sakit sa mga nalaman ko at nakita ko sa kanila ng kalaguyo ni Zoren?
Sinundan ba niya ako roon upang ipamukha sa akin na tama siya at ako mali dahil nabulag ako sa pagmamahal ko sa lalaking niloko ako?
Dahil sa na isip ko ay bumalik ang pagkainis ko sa lalaking nasa harapan ko.
EZEKIEL
ABALA ako sa opisina ng may tumawag sa akin unknown number iyon kaya napakunot ang noo ko sa nakita ko pero hindi ko iyon pinansin. Ngunit maya’t maya naman nagriring ang cellphone ko kaya napilitan ko na iyong sagutin.
“Hello, sino ito bakit ka ba tawag ng tawag kung wala kang magawa sa buhay mo pwede ba magbilang ka na lang ng isang kilong asin para may maga. . .
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita na ang nasa kabilang linya.
“Sir, Ezekiel ‘wag na mainit ang ulo mo. Nasa akin si Veronica, kunin mo na dito. Pero need mo magdala ng cash para naman bago ko siya ipaubaya sayo ay mapakinabangan ko naman ulit ito kahit sa huling pagkakataon. Nandito kami sa bahay hihintayin kita.”
Sagot ng nasa kabilang linya na walang iba kundi ang kasintahan ni Veronica si Zoren.
“What! Hayøp ka anong ginawa mo sa kanya?”
“Wala naman nahimatay lang naman siya kanina, dahil nahuli niya kami ni Dilan.”
Sagot nito na sinabayan pa ng tawa nito kaya nagpupuyos ako sa galit dahil sa narinig.
“Huwag mo ako ginagagong hayøp ka!” Buwisit na saad ko.
“So ayaw mo maniwala saglit lang at bibigyan kita ng ebidensya!”
Sambit nito at pinatay na ang tawag.
Kaya napatayo ako at pinagmumura ang nasa kabilang linya kahit na nakapatay na iyon.
Maya-maya lang ay muling tumunog ang cellphone ko, pero hindi iyon tawag kundi isang message iyon na naglalaman ng larawan ni Veronica na nakahiga sa isang kama habang wala itong malay. Nakaregister iyon sa number na tumawag sa akin kani-kanina lang. Kaya napakuyom ako ng kamao dahil sa nakita.
Kaya dali-dali akong tumayo sa aking kinauupuan at binitbit ang susi ng aking kotse na nakapatong lang sa aking mesa at nagmadali akong lumabas sa opisina ko at agad akong lumabas sa building ng kompanya ko at agad akong tumungo sa bangko at nag withdraw agad ng isang milyon upang sunduin si Veronica sa walang kwentang lalaking iyon humanda siya sa akin sa oras na may mangyaring masama sa mahal ko.
Ilang oras lang pagkagaling ko sa bangko ng makarating ako sa bahay ng lalaking iyon. Wala na akong inaksayang oras at agad na akong bumaba sa sasakyan ko bitbit muli ang isang briefcase na may lamang pera sa pangalawang pagkakataon.
Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako nang pintuan ng mga ito, kaya sa halip na kumatok ay agad ko na lamang iyon sinipa para mabuksan iyon at agad na pumasok roon kahit na walang paalam sa kanila ay wala akong pakialam ang importante lang sa akin ngayon ay makuha si Veronica at ilayo sa mga taong walang konsensya. Nakita kong nakaupo ang dalawang taksil sa sala ngunit wala doon si Veronica kaya lalong nadagdagan ang galit ko.
“Asan siya, anong ginagawa mo sa kanya hayøp ka?”
“Nasa maayos naman siyang kalagayan nandoon pa rin siya taas, natutulog. So ano sir Ezekiel dala mo na ba ulit ang pera na hinihingi ko?”
Tusong sagot nito kaya pinakita ko ang hawak kong briefcase kaya napangisi ang mga walang hiya.
“Ayon, ang dali mo talagang kausap sir, ‘di talaga ako napapahiya sa sayo. Kunin mo na ang pera Dilan.” Sagot nito at inutusan nito ang kalaguyo na kunin ang pera sa akin ngunit inilayo ko iyon sa kanila.
“Kailangan ko munang makuha si Veronica, dapat wala siyang galos at pasa kahit ang hibla ng buhok niya kung hindi ay hindi mo ito makukuha sa akin at malalagot pa kayo sa akin.” Seryosong saad ko kaya nawala ang saya sa mga mata nito ng sabihin ko iyon sa kanya.
“Matalino ka talaga sir, wait ka lang dito at kukunin ko siya sa itaas. Honey bantayan mo ang lalaking iyan dito at kukunin ko lang si Veronica.” Baling nito sa kasama at naglakad na paakyat sa taas ng bahay nito.
Ilang saglit lang naman ang pinaghintay ko at maya-maya lamang ay bumababa na ito karga si Veronica na wala pa ring malay.
Kaya agad kong binitiwan ang hawak ko kahit na nalaglag iyon ay wala akong pakialam. Agad-agad kong kinuha si Veronica sa kanya at mahigpit kong sinuri at ng makita kong wala itong galos ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Bumaling naman ako sa dalawa na busy sa pagpulot ng pera na nagkalat sa sahig kaya napailing ako. Mga mukhang pera talaga. Pero hinayaan ko na ang mga ito pera lang iyon at marami ako noon, hindi iyon kawalan sa akin pero bago ako lumabas sa impyernong bahay na iyon ay nag iwan ako ng babala sa mga ito.
Isang pagbabanta at babala kapag sinalungat nila ay hindi na ako magdadalawang isip na gawin iyon kahit makapatay ako ay wala akong pakialam ’wag lang maagrabyado ulit si Veronica.
ITUTULOY