EZEKIEL
“SIR! Bakit ka nandito? Nandito ka ba para sabihin sa akin na deserve kong masaktan dahil hindi ako naniwala sayo na niloloko nga talaga ako ni Zoren? At ngayon alam ko na ang totoo masaya ka na ba?” Saad nito matapos nitong makababa at lumapit sa akin.
Ngunit seryoso ko lang itong tinitigan, maya-maya pa ay nagulat ito ng bigla ko itong yakapin kaya hindi agad ito nakahuma.
Hindi ko kasi napigilan na huwag itong yakapin lalo ng makita ko ang sakit sa mga mata nito.
Narito ako upang pagaanin ang sakit na nararamdaman nito. Ngunit palagi siyang nakakaisip ng maling impresyon patungkol akin, inis naman ito at halata sa mukha nito na hindi ito natutuwa ng makita ako lalo na sa ganitong sitwasyon ngunit hindi ko naman ito masisisi.
Pero bakit palagi itong nagagalit sa akin alam kong gago ako dahil lagi ko pinapasama ang tingin nito sa akin. Ngunit bakit hindi nito makita na ginagawa ko lang naman ang mga iyon dahil mahal ko siya. Kahit na matapos nitong malaman na tama ako tungkol sa kanyang kasintahan ay kinamumuhian pa rin niya ako.
Hindi ba niya nakikita na interesado talaga ako sa kanya at concern ako sa kanya dahil mahalaga siya sa akin.
Oo nga at inaamin ko na nahuhumaling ako sa kanya, ngunit ito ay hindi dahil gusto ko siyang paglaruan kundi dahil gusto ko talaga siya at mahal ko siya, kaya ayaw ko siyang palaging masama, pero bakit hindi man lang ba niya iyon makita at maramdaman?
“Hindi ako naparito upang ipamukha sayo ang mga nangyari sainyo ng kasintahan mo, narito ako upang pagaanin ang loob mo at upang damayan ka ngayon sa lungkot at sakit na nararamdaman mo ngayon.” Sagot ko na may ngiti sa labi bago ko ito pakawalan at igiya ito sa upuan na nasa sala.
Wala naman itong imik at nagpatianod na lang sa akin ng inalalayan ko itong makaupo pero kita pa rin sa mukha nito na hindi ito kumbinsido sa mga sinasabi ko kaya napabuntong hininga ako. Pero maya-maya ay bigla na lamang itong nagsalita sa mahinahon nitong boses.
“S-sorry Sir. Kung hindi ako naniniwala sa iyo kaagad sadyang mahirap lang talaga maniwala lalo na galing sayo. Pero tama ka niloko at pinaglaruan lang talaga ako ni Zoren sa halos ilang taon. Pero masisi mo ba ako na hindi agad ako naniwala, gayong nakasama ko siya ay wala akong nakita or naramdaman na niloloko niya lang ako?” sabi nito at napasandal ito sa upuan habang ipinikit nito ang mga mata na tila pagod na pagod ito.
Pinagkatitigan ko lamang ito ng mataman habang nakapikit lang ito hinayaan ko siyang magpahinga. Ngunit hindi ako umalis sa tabi nito sinamahan ko lamang ito at hangga’t hindi niya ako tinataboy sa buhay nito ay hindi ko ito iiwanan kahit anong mangyari.
“Huwag mo muna isipin ang tungkol sa manloloko mong ex boyfriend. Hindi siya karapat-dapat sa mga luha mo.” Kapagkuwan ay sabi ko. Kaya nagmulat ito nang kanyang mga mata at nag kibit balikat ito.
“Yeah! Sa palagay ko ay tama ka sir!” Mahinang sabi niya, ngunit hindi na ito nakatingin sa akin at nakatingin lang ito sa kawalan.
Ngunit maya-maya lang ay bumaling ulit ito sa akin ng tingin na tila ba may iniisip.
“Matanong ko lang ikaw ba ang nag uwi sa akin mula sa bahay ng taksil na iyon? At paano mo nalaman na nandoon ako sinusundan mo ba ako roon?”
Mapanuring tanong nito kaya tumango ako iyon na lang gusto kung isipin nito upang hindi na nito malaman na tinawagan ako ng gagong iyon dahil sa pera at baka madagdagan lang ang sama ng loob nito kapag nalaman nito na humingi ito ng pera para makuha ko siya sa walang kwentang lalaking iyon.
Tumango-tango naman ito at saka na napailing ngunit wala naman itong sinabi kaya nanahimik na lamang din ako.
VERONICA
NAKAALIS na si Sir Ezekiel matapos niya akong bantayan sa halos na apat na oras ginabi na ito kaya pinauwi ko na ito pagkatapos ko ritong magpasalamat. Nakaramdam ako ng kapanatagan dahil sa presensya nito kahit hindi ko man aminin ay nakatulong ito sa akin napagaanin ang loob ko kahit hindi naman kami nag usap ng matagal.
Pero hindi ito nangangahulugan na tinatanggap ko na ito bilang isang lalaki. Kahit na wala na kami ni Zoren dahil nagtapos na ang lahat sa amin kahit hindi kami nakapag usap ng maayos ay nakahinga na ako ng maluwag.
Nagpapasalamat ako na natuklasan ko na ang lahat habang hindi pa kami mag asawa kaya hindi na ako magiging tanga pa at hindi na rin ako makukulong sa isang relasyon na punong puno kasinungalingan. Huwag na nalang sanang mag-krus pa ang landas namin ng lalaking iyon dahil pag nagkataon ay baka kung ano pang ang magawa ko sa kanila.
Kanina bago umalis si sir Ezekiel ay sinabihan ako nitong huwag munang papasok ng mga ilang araw upang makapagpahinga ako at makapag-isip-isip bago ako tuluyang magpatuloy sa aking buhay nawala na sa buhay ko si Zoren.
Kahit kahit ayaw ko ay napilitan akong sumang-ayon dahil tama naman ito kailangan ko talagang magmunimuni at ayusin ang sarili ko para sa mga susunod na bukas ay ay isang bagong Veronica na magpapatuloy.
Ipinapangako ko na rin sa aking sarili na hindi na ako magpapaloko sa mga lalaki at magpo-focus na lang ako sa aming magkapatid. Kaya simula bukas ay kakalimutan ko na ang mapait kong nakaraan sa piling ni Zoren. Kaya ngayon ay kailangan ko ng baguhin ang sarili ko para kahit sinong lalaki ang lumapit sa akin ay hindi ko na hahayaan pang makapasok pa ulit sila sa buhay ko ng ganun kadali. Kaya simula ngayon ay magpapakatatag na ako at magiging matalino at higit sa lahat hindi na ulit ako magpapaloko.
KINAGABIHAN habang abala ang aking isipan sa mga gagawin kong pagbabago sa aking sarili habang ako ay naliligo sa ilalim ng shower. Dapat akong maging matibay at kalimutan ang tungkol kay Zoren.
Ipinikit ko ang aking mga mata at sinikap na alisin ang mga memorya namin ni Zoren, mula sa una naming pagkikita hanggang mahuli ko siya sa kama na kasama ang isang taong hindi ko lubos maisip na papatulan nito. Kasabay ng paghinto ng shower ay kasabay nito ang pagtapon at paglimot sa nakaraan.
Lumabas na ako sa banyo na nakatapis lang ng towel sa aking hubad na katawan at tumuloy ako sa salamin na nakadikit sa aking cabinet. Sa salamin ay nakita ko ang aking sarili na mugto ang aking mata at ang aking katawan ay nangayayat dahil sa patuloy na pagtatrabaho na walang pahinga. Kaya hindi ko nakita na napabayaan ko na ang aking sarili.
Kaya sa araw na ito ay dapat ko ng mas alagaan ang aking sarili at kalimutan ang lahat na dapat kong kalimutan. Huminga muna ako ng malalim bago tinanggal ang towel ko sa katawan at sinimulan ko ng patuyuin ang aking sarili. Pinatuyo ko na rin ang aking buhok gamit ang aking hair dryer at pagkatapos mag-apply ng body lotion inabot ko na ang aking pajama na inihanda ko na kanina at agad na nagbihis.
Bukas ay sisimulan ko na ang aking pagbabago hindi lang sa aking pisikal na sarili kundi pati na sa buo kong pagkatao. Mula ngayon ay hindi na ang dating Veronica ang magpapatuloy sa buhay ko kundi ang isang bagong Veronica na matatag at hindi na muli pang magpapaloko.
Nakahiga na ako sa aking kama, sinubukan kong isara ang aking mga mata upang matulog na ngunit biglang tumunog ang cellphone ko. Nang makita kong si Mr. Ezekiel ang tumatawag ay nagpakawala ako ng isang mahinang buntong-hininga.
Kahit kailan talaga ang kulit ng isang ito hindi ko na nga pinapansin ang mga text at chat niya sa akin. Ngunit patuloy pa rin niya akong kinukulit. Kung hindi lang niya ako binantayan kanina at tinulungan na maiuwi sa bahay ng mawalan ako ng malay ay hindi ko na muna talaga ito kakausapin pa.
“Hey good evening, kumusta ka?” Saad nito ng sagutin ko ang tawag nito.
“Maayos na po ako kung wala ka ng sasabihin, ibababa ko na po ito!” Inaantok kong sagot dito.
“D-don’t ’wag mo ibaba. I just want to say if kung pwede kitang maimbitahan mag dinner tonight!”
Tila na ti-tense na sabi nito kaya napataas ang aking kilay pero hindi ko na iyon pinansin at sumagot na lang ng diretso rito.
“Paumanhin sir, ngunit wala po ako sa mood ngayong lumabas! Sana maintindihan mo!”
Tumanggi ako at bago pa man siya makapagsabi ng isa pang salita at tinapos ko ang tawag.
Pumikit akong muli ng tumunog ulit aking cellphone kaya napaungol ako sa inis kaya pabarang ko iyong pinindot at sinagot ulit ang tawag handa ko na sana itong sigawan ng mag hello ang tumatawag.
“Hello, best? Veron, babe! Musta ka na miss na miss na kita, bruha!”
Saad niyon kaya nakahinga ako ng maluwag at napangiti ng nabosesan ko ang nasa kabilang linya.
“Loida, kailan ka pa umuwi, salamat naman at tumawag ka agad sa akin. Maaari ka bang pumunta dito sa bahay bukas! Miss na kita!” Masaya ako nang sabihin ko iyon sa matagal ko ng kaibigan na kakauwi lang galing abroad, ngunit nahalata nito na may mali sa aking boses.
“Kahit hindi mo sabihin talagang pupuntahan kita bukas diyan sainyo. Pero teka, may problema ka ’no, alam na alam ko na iyang ganyan boses mo, eh!?” Saad nito kaya hindi agad ako nasagot dito.
“Okay pupunta ako riyan bukas, tsaka mo na lang iyan ikwento kung ano man iyang dinadala mo!”
ITUTULOY