CHAPTER 10-TICKET

2347 Words
VERONICA KINABUKASAN, maagang dumalaw si Loida sa bahay at ng makita niya ako ay agad itong tumayo sa sopang kinauupuan nito. Nilapitan ko ito at agad kaming nag beso-beso tapos ay bumalik ito sa pagkaka-upo kaya umupo na rin ako at agad naman ako nitong inusisa. “Anong pakiramdam mo ngayon bhe, okay ka lang ba?” agad na sabi nito. “Okay na ako. Salamat sa iyong pag-aalala.” Sagot ko naman at hinawakan nito ang palad ko. “Ngayon pwede ka na bang mag kwento. Kung ano ba talaga ang dinaramdam mo ngayon, dinig ko kahapon sa kabilang linya na para kang galing sa pag-iyak at halata sa boses mo ang lungkot.” Kaya patango ako sa tanong nito. “S-si Zoren kasi, niloloko niya pala ako at may iba pa siyang karelasyon bukod sa akin.” Malungkot na saad ko. “Ano? Sinong babae niya ng makalbo ko sabihin mo sa akin at reresbakan natin?” Hindi makapaniwalang saad nito. Kaua umiling ako at nagpatuloy sa pagkukwento. “Hindi siya babae bhe! Kundi binabae! Ipinagpalit niya ako sa kapwa niya lalaki!” “What? Ulitin mo nga at parang nabingi yata ako! Nagkamali yata ako ng dinig?” Mas lalong hindi makapaniwala ito sa sunod kong sinabi dito. “Hindi ka Nagkamali ng dinig bhe. Lalaki ang karelasyon niya at matagal na palang sila, niloko lang ako ni Zoren.” Saad ko naman kaya napatuptop ito ng bibig sa pagkagulat. “Ang walang hiyang lalaking iyon, isa pa lang bakla?” Galit na saad nito matapos itong makarecover sa nalaman. “Oh my Ghad! Bhe! Okay ka na ba? Anong nangyari talaga sabihin mo sa akin. Ang lahat makikinig ako.” Sabi nito kaya nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ko rito kweninto ang lahat ng walang labis at kulang. Habang kinukwento ko iyon ay mura at pagkadismaya ang isinasagot nito sa akin. At gigil na gigil nitong pinag mumura ang pangalan ni Zoren. “I’m so sad for you bhe! Pero tama ang boss mo hindi deserving ng mga luha at lungkot mo ang isang taong mas masahol pa kay lucifer. Kaya huwag mo na iyong damdamin, hindi siya kawalan sayo. Mas gugustuhin ko pang nasaktan ka ng sobra ng malaman mo na niloloko ka niya, kaysa naman habang buhay na kayo pero puro kasinungalingan lang pala ang lahat sainyo.” Naaawang sabi nito kaya ngumiti ako dito. “Huwag ka’ng mag-alala sa akin, simula ngayon ay hindi ko na siya pag-aaksayahan na iyakan. Simula ngayon ay hindi na ako magpapaapekto pa sa sugat na naidulot niya sa akin. Kakalimutan ko na siya ng tuluyan.” Matatag na sabi ko at pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo na pala sa mga pisngi ko at ngumiti kay Loida. “Ganyan dapat ipakita mo sa kanya na hindi siya kawalan sayo, at kaya mong mabuhay na wala siya. Maganda ka at matalino bhe! Hindi siya karapat dapat sa pagmamahal mo.” Malumanay na sabi nito bago ulit kami ng yakapan. “Simula ngayon bhe! Hindi na ako ang dating Veronica na mahina at tanga pagdating sa pag-ibig. Mula ngayon ay ilalabas ko na ang bagong Veronica Sebastian.” Determinadong sambit ko at inayos ko ang mukha ko at saka ngumiti na walang halong sakit at pagkabigo. “Go bhe! I'll support you, at ngayon nandito na ako ay tutulungan kita para tuluyan ka ng maka-move on sa past mo!” Segundang saad naman nito kaya napangiti ako. “Thank you bhe! The best ka talaga, ngayon ikaw naman ang magkwento sa naging buhay mo sa aboard!” Pag iiba ko ng topic kaya ang dating galit at asar na mukha nito ay napalitan ng ngiti at nagsimula naman itong nag kwento. Inabot kami ng hapon sa pagkumustahan. At pagkatapos ay sinamahan ako nitong simulan ang pag-uumpisa ko bilang bagong Veronica at sisimulan daw namin ito sa ayos ko kaya masaya akong pumayag dito may tiwala naman ako sa best friend ko at alam kong siya lang ang makakatulong sa akin para baguhin ang sarili ko. EZEKIEL KAKATAPOS ko lang makipag-usap kay Mr. Bryce at nakapag set na ako ng meeting sa kanya, upang mag angkat naman ng mga bagong alak at wine na gawa ng company ko. At gaganapin iyon sa isa sa mga resort at restaurant na pagmamay-ari ni Mr. Bryce ang Catalina Island. Hindi basta-bastang kliyente si Mr. Bryce dahil marami itong resort and restaurant sa kahit saang panig ng mundo kaya malaki-laking proyekto naman itong target ko. Ang pagpunta ko sa Catalina Island ay maaari ko na rin itong ituring na maikling bakasyon. Gusto ko sanang isama si Veronica para naman may makatulong ako at para makapagbakasyon ito upang kahit papaano ay malibang ito doon. Sa tuwing matatapos ang transactions ko with Mr. Bryce sa gabi or kung kailan ito laging available. Ngunit na isip ko na bigyan pa siya ng ilang araw para mapag-isip kaya nagbago ang isip ko. Hindi ko na siya isasama at sa pagbabalik ko galing sa Catalina Island ay uumpisahan ko na siyang suyuin ulit. Pero hindi na sa ganoong paraan babaguhin ko na iyon. At pormal ko na siyang liligawan. Siguro naman sapat na ang mga araw na lumipas para magsimula ulit ito na kasama na ako. Hindi ko na hahayaan pang hindi ko siya makuha this time. Lalo na ngayong wala na akong magiging kaagaw sa attention nito, maliban sa kapatid nito. Pero alam kong hindi iyon magiging hadlang sa amin. Kaya napangiti ako sa mga naisip ko. Kaya dapat ko ng tawagan si Ethan upang ikuha ng ticket papuntang Catalina Island para matapos na ito at makauwi ako ng maaga-aga. Kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng tuxedo ko upang tawagan ito. “Hello! Ethan!” “Hello din po Sir? May kailangan po ba kayo?” Sagot naman nito na madali ring sinagot ang tawag ko. “Gusto kong magpa-book ka ng isang ticket para sa isang VIP Cruisen. Gusto ko ang magiging kwarto ko malapit sa dagat para makalanghap ako ng sariwang hangin. May kikitain akong isang tao sa Catalina Island at kung bakit sa barko? Dahil ayoko sa eroplano dahil alam mo naman ang dahilan!” Sagot ko naman dito. “No problem po boss! Ngunit kailan po ba gusto niyo umalis?” tanong niya. “Bukas na, kaya ngayon ka na mag pabook!” Sagot ko naman at walang babalang ibinaba ko na ang aking cellphone matapos itong sumagot. “Copy Boss!” VERONICA MATAPOS naming pumunta sa mall at salon ni Loida, kaya umuwi na kami. Nauna na itong umuwi dahil may pupuntahan pa ito. Umuwi na rin ako nang makauwi na ako sa bahay ay naabutan ko doon ang kapatid ko na tila nagulat sa pagbabago ng itsura ko pero panandalian lang at pagkatapos ay ngumiti ito sa akin. At tsaka niyakap ako ng mahigpit na tila nakikipag-simpatya sa akin kaya alam ko na alam na nito ang nangyari sa amin ni Zoren. Inalalayan niya ako na pumunta sa kusina at inahinan ng makakain, ngumiti ako dito at nagpasalamat tsaka kami kumain ng tahimik pero maya-maya lang ay nagsalita ito. “Ate nandito lang ako hindi kita iiwan, kahit iwanan ka man ng iba ngunit hindi ako. Mahal na mahal kita ate!” Naiiyak na sabi nito kaya ginulo ko ang buhok nito at tsaka ngitian. “Salamat bunso, hayaan mo simula ngayon ay ikaw na lang iisipin ko. Lalo akong magsusumikap para sa atin. Mahal na mahal din kita bunso!” Masaya kong saad kaya niyakap niya ako at nag iyakan kami. Ngayon wala na akong problema at ngayong nagbago na ako ay sisiguraduhin kong wala ng mananakit sa amin lalo na sa kapatid ko. Hindi na rin ako magpapadala simula ngayon sa damdamin ko, gagamitin ko na ang isip ko sa tama at hindi na ako. KINABUKASAN ay nagising ako sa isang tawag na nagmumula kay boss Ezekiel. Sinabi nito na mawawala ito ng isang linggo dahil may pupuntahan daw itong importante. Binigyan din niya ako muli ng extend sa ibinigay nitong leave vocation sa akin. Kaya napabuntong-hininga na lamang ako at walang nagawa kundi sumang-ayon dito. Babangon na sana ako para magluto ng agahan ng isa namang tawag ang natanggap ko mula kay Loida pinapapunta niya ako sa bahay nito at may sasabihin daw ito sa akin na importanteng bagay. Kaya matapos ko magluto at magpaalam sa kapatid ko ay agad akong nag asikaso para puntahan at madalaw na rin sina Loida sa bahay nila. Mahigit bente minutos bago ako tuluyang nakarating sa bahay ni Loida agad naman nila akong pinapasok at doon ko naabutan ang ina nito na si nanay Lisa ang ina ni Loida. Nagkumustahan kami nito bago niya ako sinabihan na nasa silid nito si Loida na masama raw ang pakiramdam nito. “Si Loida ay may sakit, bakit kaya napano kaya ito?” Sa isip ko kaya nag-alala ako rito. Nagpaalam na ako sa mama ni Loida at tumungo na sa silid nito. Nang makarating ako roon sa tapat ng silid nito ay agad akong kumatok ng tatlong beses bago ko narinig ang boses nito. “Pasok!” Bago ako pumasok ay inayos ko muna ang sarili ko at agad kong binuksan iyon at pumasok. Nakita ko itong nakahiga sa kama na balot na balot ng kumot kaya marahan akong pumasok at lumapit dito. “Morning bhe! May sakit ka raw sabi ni tita? Kumusta ang pakiramdam mo na paano ka ba at nagkasakit ka?” Nag-aalalang tanong ko rito at agad na umupo sa kama nito kaya napabaling ang tingin nito sa akin at tsaka ito ngumiti. “Oo bhe eh! Medyo trinangkaso ako kahapon matapos natin sa mall baka nabaguhan lang ako dito sa pinas ilang taon ba naman akong wala hindi na siguro sanay katawan ko dito. Jusko ko ang init-init na kasi dito sa atin.” Napapangiting saad nito kaya nakahinga ako ng maluwag at kahit papaano ay maayos naman pala ito. “So bakit mo nga pala ako pinapunta dito? Sabi mo may sasabihin ka sa akin importante. Ano ba iyon?” tanong ko at inalalayan ko itong makaupo muna para makapag-usap kami ng maayos. “Mamaya inuman mo na iyan ng gamot at huwag kang magpapalipas ng gutom. So bakit mo ako pinatawag ulit?” Sabi ko rito kaya tumango. Napabuntong hininga naman ito at tsaka hinawakan niya ang kamay ko na tila nag aalangan na sabihin kong anong sasabihin nito sa akin. “Ahm! Bhe! Alam kong wrong timing itong ipapasuyo ko sayo kasi alam kong nasa stage ka pa ng pagmomove-on sa ex boyfriend mo kaso importante talaga itong ipapasuyo ko sayo!” Simula nito kaya nakinig ako ng mabuti sa sasabihin nito. “Gusto ko sanang humiling ng isang kahilingan sayo. Hindi ko alam kung magagawa mo ito pero alam kong kaya mo ito!” Malungkot niyang sabi. “Kung kaya ko naman ay bakit hindi, ano ba iyon kinakabahan naman ako sa sasabihin mo?” “Hmm! hiniling sa akin ng boss ko na maihatid ang isang papeles sa isang kliyente sa Catalina Island. Ngunit sobrang sana talaga ng pakiramdam ko wala naman akong mapakiusap. Kaya ikaw lang ang naalala ko, nag leave ka naman ‘di ba? Baka kako pwede ikaw na lang ang pumunta doon para ibigay ito sa kanila?” Nag aalangang sabi nito. “Ano iyon lang naman pala! Akala ko kung ano na, Oo naman ikaw pa mahihindian ba kita.” Nakangiti kong sabi. Kaya lumiwanag ang mukha nito sa tuwa. “Talaga?” “Oo, naman ikaw talaga. Ngunit nag-aalala ako kay Victor. Ayaw ko siyang maiwan mag-isa sa bahay na wala ako. “Huwag kang mag-alala pwede naman dumito muna ang kapatid mong iyon habang wala ka kaming bahala sa kanya.” Nakangiting sabi nito. Kaya nakahinga ako ng maluwag ngumiti rin ito sa akin at tsaka nagpasalamat ito sa akin ng marami. “Kailan ba ang alis ko para diyan sa ipapabigay mo sa boss mo?” Tanong ko rito. “Baka pwede bukas na importante talaga itong papeles na ibibigay mo? Okay lang ba?” sagot nito kaya tumango ako. “Naku thank you talaga bhe, hulog ka talaga ng langit sa akin, ang ganda-ganda talaga ng best friend ko. Wait kukunin ko ang papeles.” “Ako na baka mapano ka pa! Saan ba?” pigil ko sa pagtayo nito kaya itinuro nito ang bedside table na malapit sa tukador nito at kinuha ko roon ang sinabi niyang envelope na kulay puti. Bumalik ako sa kama nito at binigay ko rito ang papeles. Tiningnan naman iyon ni Loida at nang masiguradong iyon ang hinahanap nito ay ngumiti ito at inabot ulit sa akin ang envelope matapos may kunin doon sa loob niyon. Ibinigay din niya ang kinuha nitong ticket na nasa loob ng puting envelope at naglabas ito ng lilibuhin at ibinigay niya rin ito sa akin. “Mabuti na lang at na extend ang bakasyon ko kaya saktong magagawa ko iyong maibigay sa boss mo ang papeles. Pero itong pera para saan?” Tanong ko rito. Tiningnan ko ang ibinigay nito sa akin isa iyong ticket sa barko na papuntang Palawan. “Iyan ang ibinigay sa akin ng boss ko na badyet para sa pagpunta ko roon so, sayo na iyan total ikaw naman ang maghahatid nito sa kanya.” Nakangiting saad nito kaya napatango-tango ako. Sa palagay ko ito rin ang kailangan ko para makapag muni-muni ako at malibang na rin kahit papaano. Gagamitin ko na lang ito para makalanghap ako ng sariwang atmosphere para gumaan ang pakiramdam ko at makalaya sa bigat na nararamdaman ko hanggang ngayon. “Sasabihin ko sa iyo ang mga detalye at ang taong kailangan mo’ng makita upang maihatid ang mga papeles na iyan. Gamitin mo na rin iyang pagkakataon na kahit paano ay makalimot ka sa mga nangyari sayo, mag iingat ka roon sis ah, etext or ichat mo ako kapag nandoon ka na salamat ulit.” Nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako sa kanya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD