VERONICA
MAMAHALING at magarbong Caribbean cruise ang ticket na pina-book ng boss ni Loida sa kanya. Hindi kayang bayaran ni Loida iyon kaya alam kong ang boss din nito ang umayos at gumastos para rito. Dumating ako sa cruise kaninang umaga at sa isang cabin na itinuro sa akin ng staff kanina ang numero ng aking silid na sinabi nito ay 4032.
Nang makapasok ako sa loob niyon ay namangha ako sa ganda niyon. Kaya natuwa ako at masaya akong nag ayos ng mga gamit na dinala ko. Pang isang linggo iyon kaya hindi ako mamomroblema ng susuotin ko. Para na rin makapagbakasyon ako bago ako bumalik ulit sa trabaho.
Ang kama ay may kalakihan din at mayroon pang sliding door kung saan may beranda na pwede mong pahingahan habang nakatanaw ka sa dagat may upuan at mesa doon na bakal na para ka na rin nasa bahay.
Ang mga pulang kurtina na nagtatabing doon sa sliding door ay pwede mong magamit kung sakaling gusto mong maging deem ang loob kapag gusto mong matulog kahit katanghaliang tapat para hindi ka masilaw sa liwanag na sisilay sa labas sa beranda.
Halatang pang mayaman ang silid niyon dahil sa ganda ng texture. May kadiliman man ang silid ngunit nakakaginhawa naman iyon sa pakiramdam.
Kaya sa palagay ko ay masisiyahan ako sa silid niyon at kahit hindi na ako lumabas doon ay okay lang kasi may mga stock naman doon na makakain na nakalagay sa mini ref na nasa silid din na paniguradong kasama rin sa binayaran ng kompanya na pinagtatrabahuan ni Loida.
Nasa kasarapan ako ng pagmumuni-muni sa silid dahil sa sarap ng pakiramdam na para ka lang nasa mamahaling hotel nang may kumatok sa pinto. Kaya dali-dali ko iyong binuksan at nakita ko ang isang staff na naghatid sa akin habang nakangiti iyon.
“Ma’am gusto ko lang po na sabihin. Na kung may kailangan lang kayo or problema dito sa cabin nyo tumawag lang po kayo sa entercom na nasa tabi ng higaan nyo. At agad-agad kaming may papapuntahin dito.” Magalang na saad nito matapos kong tanungin kung ano ang kailangan nito kaya ito bumalik.
“Okay miss. Salamat!” Maikling sagot ko naman sa babae bago ko ito tinanguan.
Umalis na rin naman ito matapos nitong malaman na wala na akong kailangan.
Kaya muli ko iyong sinarhan ang pintuan.
Pumunta ako upang suriin ang banyo na nasa silid din iyon at excited kong binuksan ang pintuan na tumatabing doon kaya mas lalo akong namamangha sa aking nabungaran at talagang may bathtub pa talaga.
“Wow!” bulalas ko at napangiti kahit na hindi iyon kalakihan ngunit napa-klasiko naman iyon.
Sayang kung may extrang pera pasana ako kay sarap sigurong isama ang kapatid ko rito. Bulong ko sa isipan ko na lalong nagpangiti sa akin ng matapos kong suriin ang loob niyon.
Bumalik ako sa kama at naupo doon upang magpahinga ng kaunti at doon ko lang naalala ang binilin sa akin ni Loida na tawagan ko sila ni Victor kapag nakasakay na raw ako kaya kinuha ko sa bulsa ng pants ko ang aking cellphone upang ibidyo call sila.
Ilang saglit lang ay sinagot na nila ang aking tawag habang nakaupo ako sa aking kama. Iginiit ng mga ito na mag video call na lang daw ako dahil nais nilang makita kung ano raw ang itsura ng loob ng barko kaya natawa ako bago ko ginawa ang request ng mga ito una ko pinakita ang loob ng cabin kung saan ako ngayon na roon.
“Whoa ang kama riyan para kang nasa hotel lang ah!” Saad ng mga ito habang ang mga mata nila ay halos lumuwa na sa pagkamangha.
“Oh, ’di ba kung hindi ka lang nagkasakit eh ikaw sana ang nandito.” Pang iingit ko kay Loida kaya natawa ito kahit halata sa mata nito na masama pa rin ang pakiramdam nito.
Tumayo naman ako at inilagay inilibot ko naman ang cellphone sa kabuuan niyon upang lalo pa nilang makita.
Hanggang sa makarating kami sa labas ng sliding door kung saan kita mo ang buong karagatan habang banayad ang mga alon. Kaya lalong namangha ang mga ito sa ganda ng tanawin na nakikita nila.
“Ang ganda, lumabas ka naman diyan sa cabin mo, bhe at ipakita sa amin ang higit pang bahagi ng barko.” Hiling nila kaya ngumiti ako pero umiling.
“Pwede bang bukas na lang kukuha na lang ako ng mga larawan bukas at ipapadala ko na lang sa inyo. Sa ngayon ay gusto ko munang enjoy-in ang moment na ito.” Saad ko naman kaya tumango naman ang mga ito na tila nakuha nila ng ibig kong sabihin sa mga ito.
“Okay, ‘wag mo kakalimutan ah, na kumuha ng mga larawan at ipakita mo sa amin kapag nakauwi ka na. Sige na enjoyin mo na iyang moment na iyan!” Saad naman ni Loida.
“Salamat! Sisiguraduhin kong kukuhanan ko ang bawat parte ng cruise na ito.”
Sumang-ayon naman ang mga ito.
Kaya nagpaalam na kami sa isa’t isa matapos kong bilinan ang kapatid ko na huwag magpapasaway kina Loida, bago ko tinapos ang tawagan namin.
Huminga ako nang malalim at pagkatapos ay ipinikit ko na ang aking mga mata nang makahiga na ako sa kama. Ilang sandali lang ay napasarap na ang higa ko kaya hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
EZEKIEL
ANG isang maikling byahe na ito ay hindi ko maiwasan na maalala si Veronica na para bang nakita ko nga ito roon. Ang lakas talaga ng karisma niya pagdating sa akin. Dumating ako kasama ang dalawang lalaking bodyguard at ang kanang kamay kong si Ethan. Kahit na hindi ko gusto ang pagbantay sa akin ng anumang mga bodyguard, ngunit ang bawat mayayaman na tulad ko ay kailangan ng mga alalay kung minsan, lalo na sa pakikipagtagpo sa mga maimpluwensyang tao.
Ang mga bodyguard ay nakahiwalay ng cabin at si Ethan sa akin. Ngunit kapag kakailanganin ko sila ay anytime naman ay pwede ko silang tawagin. Dahil magkatabi lang naman kami ng cabin.
Nasa room ako habang nakahiga nang makita ko ang necklace locket ko sa aking leeg kaya hinawakan ko iyon at binuksan ko.
Nakapaloob doon ang picture ni mommy na nakangiti kaya napangiti rin ako. At may binulong.
‘Sana mahanap na kita sa lalong madaling panahon. Miss na miss na kita mom.’
Ngunit kailan kaya kita mahahanap?
O Mahahanap pa kaya kita?
Ito ang lagi kong tanong sa aking sarili. Sa tuwing nakikita ko ang larawan ni mommy na nakapaloob sa necklace locket ko.
Bumuntong-hininga ako at muli ko iyong isinara at ibinalik sa loob ng damit ko upang itago ulit iyon. Maya-maya pa ay isinusuot ko na ang aking jacket at lumabas sa cabin para mag hapunan.
Hindi ko na inabala ang aking mga tauhan at mag isa lang akong lumabas para tumungo sa bulwagan nitong barko dahil nandoon ang corridor kung saan doon pwedeng kumain.
Habang naglalakad ay sumagi ulit sa aking isipan si Veronica. Kung ano na ang ginagawa nito sa mga oras na iyon.
Gusto ko siyang tawagan o kumustahin ngunit nag aalangan ako at baka hindi naman nito sagutin ang mga tawag ko kaya napipigilan niyon ang kagustuhan kong tawagan ito.
Ngayon na naisip ko ay hindi ko magawang hindi mapangiti sa tuwing nakikita ko sa aking isipan ang maganda nitong mukha. Kaya natutukso naman ulit akong tumawag sa kanya, ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
Baka isipin na talaga nito na iniistalk ko ito, kaya kailangan kong pigilan ang aking sarili.
Pero naisip ko na si Victor na lang ang tatawagan ko upang kumustahin sa kanya ang ate nito. Kaya gumagawa ako ng isang video call sa kapatid nito habang nakaupo ako mesa kung saan ako pumwesto ng makapasok na ako sa kakainan ko matapos kong makapag-order.
Ilang minuto lang ang paghihintay ko ng sinagot na nito ang tawag ko.
“Kuya Kiel nasan ka bakit ang ganda diyan sa kinaroroonan mo?” Namamanghang tanong nito imbis na kumustahin muna ako nito.
Ang mga mata nito ay halos nanlaki na habang nakangiting naghihintay ng isasagot ko. Kaya napatawa naman ako dahil sa kainosentihan nito. Manang mana ito sa kapatid nitong si Veronica.
“Wala man lang kumusta kuya diyan!” pagbibiro ko kaya natawa ito.
“Oo nga pala kumusta kuya balita ko nasa bakasyon ka raw?” Sagot nito kaya tumango ako.
“Oo, pero uuwi rin ako at hindi naman ako magtatagal sa pupuntahan ko, by the way kumusta ang ate mo okay na ba siya?”
“Sus! Kaya ka pala tumawag sa akin dahil kay ate, ayeh!” Saad nito kaya nahihiya naman akong tumango rito.
Tumayo ako at inilagay nang maayos ang cellphone ko sa mesa upang hindi ako mangalay sa kakahawak niyon.
“Whoa! Ang ganda at ang gara talaga ng kinaroroonan mo, kuya Kiel.” Namamanghang saad pa rin nito.
“Hulaan ko na sa barko ka ano?”
“Yeah!” Maikling sagot ko.
“Victor hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa kaya ako tumawag sayo para sana alamin ang kalagayan ng ate mo? It’s she okay?” Sambit ko kaya napangiti ito.
“Oo naman okay lang po siya sa totoo nga po ay may pinuntahan si ate ngayon!”
Sagot nito kaya napakunot ang noo ko.
“Ah saan?”
“Hindi ko po alam, pero okay na po siya kaya huwag ka pong mag aalala pagdating niya sasabihin ko na kinukumusta mo siya!”
Saad nito kaya napatango tango ako.
Maya-maya pa ay dumating na ang order ko kaya nagpaalam na ako rito. At tinapos ko na ang tawag, huminga ako ng malalim at pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata at napangiti masaya ako na malaman kung nasa mabuting kalagayan na si Veronica kaya itinago ko na ang cellphone ko sa jacket. Ilang sandali lang ay magana na akong kumain dahil sa narinig ko mula kay Victor.
Matapos kong kumain at makapagbayad ay nagtanong ako sa nakita kong service crew kung saan ang lokasyon ng disco hall. Na agad naman nitong itinuro kaya tumungo ako roon.
Papunta na ako roon ng makita kong muli isang babae na parang si Veronica tulad kanina ng makasampa ako sa cruise.
Ngunit baka guni-guni ko lang iyon. At baka dahil sa pag iisip ko tungkol dito kaya ko siya nakikita.
Baka akala ko lang na nakita ko siya dito ngunit sa susunod kong pagkurap ay bigla iyong nawala kahit inilibot ko na ang aking paningin sa karamihan ay hindi ko na ito muling nakita.
Kaya napailing ako at nagpakawala ng mahinang tawa habang nailing ako sa aking sarili. Pagkaraan ng isang saglit ay napagpasyahan kong tumuloy ulit na pumasok doon.
Nang makapasok ako ay medyo matao ang lugar na iyon kaya nagsumiksik ako para tuluyang makapasok doon kailangan ko ng maiinom para magpakalma dahil kung hindi ko iyon magawa ay baka tuluyan na akong masiraan ng bait dahil sa patuloy na nakikita ko ang premonisyon ni Veronica ang lakas naman kasi ng tama ko sa babaeng iyon kaya siguro kung saan-saan ko na ito nakikita kahit imposible naman na mapunta iyon dito.
At nang sa wakas ay makaraan na ako at napunta na ako sa medyo hindi na matao ay may bigla na lamang natumbang isang babae sa mga bisig ko ng malapit na ako sa may bartender.
Mabuti na lamang ay mabilis ko itong naalalayan upang hindi ito tuluyang matumba ng masagi ito ng isang babaeng bigla na lamang dumaan sa tabi nito na halatang lasing na. Kaya naagapan ko itong nahawakan sa likod kaya sa halip na sa sahig ito lumagapak ay sa dibdib ko ito napasubsob ang likod nito.
Handa ko na sana itong itulak dahil ayaw kong may ibang babae ang dumikit sa akin ng bigla na lamang itong humarap sa akin at tumingala dahil mas matangkad ako rito. Ngunit magulat ako sa nakita ko. Ang babaeng muntik ng matumba ay walang iba kundi si Veronica. Mukha din itong nagulat sa pagkabigla ng mamukhaan niya ako.
Kaya sabay kaming nagsalita at sabay naming tinawag ang pangalan ng isa’t isa.
“Sir/Veronica!!”