CHAPTER 12-PAANYAYA

1820 Words
EZEKIEL “SIR/VERONICA!!” Sabay pa naming sambit ng pangalan ng bawat isa. Sabi na nga ba at nakita ko nga ito ng dalawang beses at hindi ko lang iyon, guni-guni dahil sa pagkamiss ko sa kanya. Totoo ngang nandito siya. “Sinusundan mo ba ako rito, Ezekiel este Boss?” Tanong niya at sumimangot habang lumalayo sa akin. “Sinusundan ka. Hindi kita sinundan okay. May pupuntahan ako, kaya ako nandito. Baka ikaw ang sumusunod sa akin!” kaya natawa ito at tumayo ng maayos. “Feeling mo naman boss, ano ako stalker mo!” Saad nito at inirapan pa ako. Hindi na rin niya hinintay ang aking tugon at lumakad na ito papalayo sa akin. Ngunit hinawakan ko ang kanyang braso kaya napahinto ito at inis na muling humarap sa akin. “Bitiwan mo nga ako Sir!” Sumimangot ito sa akin at tsaka pilit nitong inalis ang palad kong nakahawak pa rin ang kamay sa kanyang braso. Pinakawalan ko naman ito ngunit sa halip na alisin ko ang kamay ko ay hinila ko ito papalapit sa akin at hinawakan ko ang magkabilaan nitong balikat upang iharap lalo ito sa akin. “Saan ka sa palagay mo pupunta? Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Don’t tell me. . . Ngunit naputol na ang mga sasabihin ko ng sumabat ito. “Siguro sir, lagi mo talaga akong iniistalk ano? Baka nakakalimutan mo na nasa bakasyon ako at ikaw ang nagsabi sa akin niyan. Kaya wala ka naman na sigurong pakialam kung saan ako pupunta.” Naiiritang sagot nito kaya napatiim-bagang ako sa sinabi nito. Napakunot ang noo ko dahil sa inasal nito at amoy kong amoy alak ito kaya paniguradong uminom ito. Ayon na rin sa mga mata nitong namumungay na dahil pagiging tipsy nito. “Sagutin mo muna ang tanong ko? Anong ginagawa mo rito?” Pangungulit ko kaya lalo itong nag mukhang naiinis dahil sa paulit-ulit kong tanong. Pero maya-maya lang ay biglang itong nanahimik at hindi nito sinagot ang tanong ko sa halip ay inihilig nito ang mukha niya sa kamay kong nakahawak sa balikat niya. Akala ko ay nawalan na ito ng malay dahil sa pag inom ng alak, kaya napangiti ako at balak ko na sana itong alalayan ng bigla na lamang niya akong kinagat sa isang kamay na naging sanhi nang pagbitaw ko sa balikat at ininda ang kinagat nito dahil masakit iyon. Bigla itong kumaripas ng takbo dahil sa hindi ko inaasahan na pangyayari ay hindi agad ako nakahuma at namalayan ko na lamang na muli itong nawala sa paningin ko. Kaya inis akong napamura at wala ng nagawa kundi ipagpatuloy ko na lang ang pagpunta sa bartender at nag order na lang ako ng alak. Mahahanap ko naman iyon bukas ang mahalaga ay nakumpirma kong si Veronica nga iyong mga nakikita ko kanina. Kaya napangiti ako na para temang habang umiinom ako ng alak at habang nakatingin sa bakat ng kagat ni Veronica sa kamay ko. KINABUKASAN. Nasa harap ako ng cabin na iuukupa ni Veronica na malapit lang din pala sa tinutuluyan ko. Sa tulong kasi ni Ethan ay nagawa nitong mahanap kung saang cabin ito nanunuluyan. Maasahan ko talaga ang taong iyon lalo na sa mga impormasyon na katulad nito kapag kailangan ko. Hindi ito mahirap dahil sanay na ito sa mga ganitong trabaho. Kaya matapos nitong makuha ang numero ng cabin ni Veronica ay mabilis akong naligo para maging kaaya-aya sa paningin nito na alam kong hindi nito maiiwasan ang kagwapuhan ko. Pagyayabang ko sa aking sarili kaya napailing ako. Ngayon ang dapat kong alalahanin ay kung paano ko siya mayayaya na kumain kami ng sabay ng breakfast. Kaya hindi muna ako kumain bago pumunta kay Veronica. Huminga muna ako ng malalim para mawala ang bikig sa lalamunan ko dahil nakakaramdam ako ng kaba na ngayon ko lang din naramdaman. Para tuloy akong mahiyain manliligaw na kinakabahan na baka mabasted ng nililigawan. Kumatok ako sa pintuan at naghintay na pagbuksan ako ni Veronica. Maya-maya lang ay narinig ko na ang pag click ng doorknob kasabay ng malamyos na boses nitong nagsalita. “Sino iyan?” Sabi nito nang mabuksan na nito ang pintuan. Ang maganda at maamong mukha nito ang nakita ko, ngunit natulala ako ng tuluyan ko nang masipat ang ayos nito. Ganoon din ito natigilan din ito nang makita niya akong nasa harapan niya. May nagbago dito na hindi ko nakita kagabi, pero ngayon ay malinaw ko ng nakikita. Nawala ang itim at mahaba nitong buhok. Napalitan ng maiksi at wavy na buhok na kulay brown na lalong nag bagay sa may kaliitan nitong mukha at maamong mga mata. Lalong lumutang ang malaporselanang kutis nito at lalong nakadagdag sa kagandahan nito. Ilang sandali akong natulala at hindi nakaimik lalo na nang makita ko ang suot nitong spaghetti black dress na hanggang kalahati ng mahahaba at magandang hubog na mga bente at legs nito na pinatungan ng manipis na blazer. Kaya napalunok ako sa nakikitang ayos nito ngayon. Maging ito ay hindi rin nakakilos at tila ba natulos ito sa kinatatayuan nito. Pero maya-maya lang ang kaninang pagkagulat sa mukha nito ay napalitan ng pagsimangot na para bang ayaw nitong nakita ako. “Ano’ng ginagawa mo dito sir?” saad nito at sinulyapan nito ang likuran ko na para bang may hinahanap ito. “Ahm! Good morning! P-pasensya ka na kung hinanap ko ang tinutuluyan mong cabin. Gusto ko sanang tingnan kung nasa maayos kang kalagayan!” Sagot ko. ‘Bakit ba ako kinakabahan? Umayos ka nga para ka namang ngayon mo lang nakita si Veronica.’ Kastigo ko sa aking sarili. VERONICA NATARANTA ako ng makita kong nasa barko rin si Boss Ezekiel. Nandito ako sa disco hall dahil gusto kong enjoy-in ang gabi na nasa cruise ship pa ako. Minsan lang ako mag enjoy kaya lulubuslubisin ko na ito. Ngunit nakailang shot pa lang ako ng alak na red wine lang naman ay nakakaramdam na ako ng pagkahilo kaya, minabuti ko ng bumalik sa cabin para makapagpahinga. Paatras na sana ako galing sa bartender upang umikot paharap ay bigla na lamang ako natabig ng isang lasing na babae kaya hindi ako nakapaghanda. Muntik na sana akong lumagapak sa sahig ng biglang may sumalo sa akin na matigas na bulto ng tao. Kaya nagpasalamat akong hindi natuloy na bumagsak ako sa sahig. Matapos kong makabawi ay pumihit ako para sana pasalamatan ang taong iyon ng mapatingala ko ay si Sir Ezekiel ang bumungad sa akin kaya nagkagulatan kami. “Sinusundan mo ba ako rito, Ezekiel este Boss?” Tanong ko at sumimangot ako habang lumalayo ako rito. “Sinusundan ka. Hindi kita sinundan okay. May pupuntahan ako, kaya ako nandito. Baka ikaw ang sumusunod sa akin!” Sagot naman nito ng makabawi sa pagkabigla. Kaya natawa ako at maayos ng tayo. “Feeling mo naman boss, ano ako stalker mo!” Saad ko at inirapan ko pa ito matapos kung matawa. Pero hindi ko na hinintay na makasagot ito dahil baka ano pa ang gawin nito kaya tumalikod na ako para sana iwan ito. Ngunit mabilis naman na hinawakan niya ang kaliwa kong braso kaya napahinto ako. Inis naman akong muling humarap dito at tinaasan ko ito ng kilay. “Bitiwan mo nga ako Sir!” Sumimangot ako at pilit kong inalis ang palad nitong nakahawak pa rin sa braso ko. Pinakawalan naman niya ako kaya akala ko ay hindi na niya ako kukulitin pa ngunit sa halip na alisin nito ng tuluyan ang kamay nito ay hinila niya ako para mapalapit ako sa kanya at hinawakan niya ang magkabilaan kong balikat upang iharap ako. “Saan ka sa palagay mo pupunta? Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Don’t tell me. . . Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito ng sumabat ako. “Siguro sir, lagi mo talaga akong iniistalk ano? Baka nakakalimutan mo na nasa bakasyon ako at ikaw ang nagsabi sa akin niyan. Kaya wala ka naman na sigurong pakialam kung saan ako pupunta.” Naiiritang sagot ko kaya napatiim-bagang ito sa sinabi ko. “Sagutin mo muna ang tanong ko? Anong ginagawa mo rito?” Pangungulit nito kaya lalo akong nainis dahil sa paulit-ulit nitong tanong. Pero maya-maya lang nakaisip ako ng kalokohan dala na rin siguro ng alak na nainom ko kaya nagkalakas ako ng loob para gawin iyon. Bigla kong inihilig ang mukha ko sa kamay nitong nakahawak sa balikat ko na para akong nahihilo dahil nga nakainom ako pero ang totoo ay hindi naman talaga ako nalasing siguro naging tipsy lang dahil Hindi naman talaga ako sanay uminom. Kaya akala nito ay nawalan ako ng malay kaya ginamit ko ang pagkakataon na ito para gawin ang binabalak ko mabilis ko itong kinagat sa kamay nito at sinigurado kung masasaktan ito kaya napabitaw ito at napamura dahil sa ginawa ko. Iyon ang ginagawa kong pagkakataon para kumaripas ng takbo. Natatawa ako na naiinis dahil panira ito ng gabi ko pero okay lang nakabawi naman ako dito. At dahil iniinda nito ang pagkagat ko ay nalingat ito at hindi na nakasunod pa sa akin. Akala ko ay hindi na kami magkikita dahil wala na akong balak pa na lumabas sa cabin ko hanggang sa makarating ako sa pupuntahan ko. Pero heto ngayon ay nasa harapan ko naman ang lalaking ito dahil kinabukasan ay bigla na lamang itong sumulpot sa harapan mismo ng inuokupa kong cabin. “Ano’ng ginagawa mo dito sir?” saad ko at sinulyapan ko ang likuran nito kung may iba pa ba itong kasama ngunit mag isa lang ito. Himala hindi yata nito kasama ang alalay nito? “Ahm! Good morning! P-pasensya ka na kung hinanap ko ang tinutuluyan mong cabin. Gusto ko sanang tingnan kung nasa maayos kang kalagayan!” Sagot nito na tila ba kinakabahan ito ngunit bakit? “Pwede ba sir kung wala ka naman importanteng sasabihin ay huwag mo akong kulitin. Nagbabakasyon ako remember kaya labas na ako sayo. Kaya umalis ka na may gagawin pa ako.” Sabi ko ngunit nagulat ako sa sunod nitong sinabi. “Hindi naman kita kukulitin dahil alam ko naman na naka vacation leave ka. Gusto lang naman kita sanang yayaing mag breakfast! Bago man lang ako bumaba sa barko dahil malapit na rin naman ang pagbaba ko.” Sabi nito at seryoso niya akong tiningnan sa mata ko. Kaya napalunok ako para akong napatubalani sa mga titig nitong parang nakikiusap sa halip na nang uutos. Kaya napabuntong hininga ako tsaka ko niluwagan ang pintuan ng cabin ko. Para papasukin ito. Hindi naman siguro masama na pagbigyan ang kahilingan nito. Para na rin makabayad sa ginawa nito sa akin ng mga panahon na nasasaktan ako. “Okay! Sasamahan kita mag breakfast but ngayon lang ito. Bayad ko sa ginawa mo noong nakaraang mga linggo, pasok ka muna!” Sabi ko kaya nanlaki ang kanyang mga mata at literal na napanganga ng pumayag ako sa alok nito. itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD