SYBILLA could turn her mind off on personal things when she was in the OR. Nagpapasalamat siya sa kakayahan niyang iyon dahil nagawa niya nang maayos ang kanyang trabaho kahit na mayroon siyang pinagdadaanan sa personal na buhay. Andrew, her assist, had been watching her like a hawk. Nais niyang mainis sa kawalan nito ng tiwala sa kanyang kakayahan ngunit sa isang banda ay naiintindihan niya ang inaakto nito. Ang sabi ng marami, hindi gaanong marunong makipagkapwa-tao si Andrew sa matatanda ngunit hindi mapantayan ang pagmamalasik nito sa mga batang pasyente. Kaagad nakarating kay Andrew ang nangyari sa kanila ni Corrine. Initially, he wanted to postpone the operation or let another heart surgeon perform the operation. He said she was too upset to focus. Dahil walang mapagbalingan ng in

