“HINDI MO ba gustong bumuntot sa akin sa araw na ito, AJ? Am I boring you already?” Hindi mapigilan ni Sybilla ang pag-alpas ng iritasyon sa kanyang tinig nang makita ang ekspresyon ng mukha ng intern niya nang araw na iyon. AJ had been dragging her feet. Bakas sa ekpresyon ng mukha nito na ayaw nitong sumama sa kanya, na napipilitan lamang ito. Ilang araw nang maiksi ang pisi ni Sybilla dahil sa sorpresang pagbisita sa kanya ni Corrine. Ilang araw na rin niyang hindi nakikita at nakakausap si Mathias. Aminado siyang umiiwas siyang talaga ngunit kanya ring nabatid na ganoon din ang ginagawa ni Mathias. She missed him. She felt guilty for missing and wanting him. She wanted to freak out because she was in love with her sister’s ex-boyfriend. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang la

