NAKAABANG si Mathias sa parking lot. Hindi siya mapakali kaya imbes na umakyat at bumaba siya sa basement parking. Nanatili siya sa tabi ng sasakyan ni Corrine hanggang sa bumaba ang dalaga. Kaagad na natigilan ang dating nobya nang makita siyang naghihintay. Nahirapan si Corrine na makita siya. Kaagad bumadya ang labis na lungkot pagkakita sa kanya. Nahirapan din si Mathias. He loved Corrine, he truly did. Hindi naman sila magtatagal ng dalawang taon bilang magnobyo kung wala siyang pagmamalasakit at pagmamahal na nadama. He had always known Corrine was perfect for him. She was a dream come true. Maibibigay nito ang isang perpektong buhay na binuo niya sa kanyang isipan. Ngunit nang makilala ni Mathias si Sybilla, kanyang napagtanto na hindi lang sarili niya ang kanyang niloloko, maging

