37

1995 Words

MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Sybilla habang hinihintay ang pagdating ng kanyang abuelo sa library. Ang sabi ng kawaksi ay patungo na roon si Lolo Monching. Pilit siyang nagpakatatag. Hindi niya hinayaan na daigin siya ng takot at intimidasyon. Nangako siya sa kanyang sarili na sasabihin niya ang lahat ng kanyang nasa isipan at saloobin. Panahon na upang malaman ng matanda kung ano ang kanyang talagang nadarama. Napapitlag si Sybilla nang bumukas ang pintuan. Pinanood niya ang kanyang lolo na pumasok sa loob. Habang nauupo ang matanda sa upuang nasa likod ng marangyang mahogany desk ay tinipon ni Sybilla ang lahat ng kanyang tapang. “I don’t owe you everything,” panimula ni Sybilla bago pa man siya panghinaan ng loob. “Bago ko pa man po kayo nakilala, kahit na paano ay may napatunayan n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD