KAAGAD napangiti si Sybilla nang sa wakas ay matagpuan niya si Mathias. Pag-uwi niya galing sa bahay ng kanyang lolo ay hinanap niya ang lalaki sa penthouse ngunit walang tao. Tinawagan niya si Tinay upang alamin kung nasa ospital pa si Mathias. Nalaman niya naroon pa nga ito. Walang operasyon si Mathias, wala ring tambak na paperwork na kailangang paglaan ng panahon. Natagpuan ito ni Sybilla sa rooftop ng gusali. Mag-isang naglalaro ng basketball si Mathias doon. Noon lang siya nakaakyat sa rooftop ng ospital kaya noon din lang niya nalaman ang tungkol sa basketball court na naroon. Napangiti si Mathias nang makita siya. “Hey.” Binitiwan nito ang bola at inabot ang face towel na nakasabit sa isang bench na nasa gilid at pinunasan ang mukha. Paglapit niya ay niyuko siya nito at banayad n

