“GOD, I’M so tired,” bulong ni Sybilla sa sarili habang palabas ng ospital. He had been up for forty-eight hours. Nagkaroon ng aksidente at ilan sa mga malalang kaso ay sa kanila napunta. Mas matutuwa marahil siya kung nabuhay ang kahit na isa man lang sa mga pasyente. Alam niya na maliit na ang tsansa ng mga pasyente pagpasok pa lamang sa OR, ngunit hindi pa rin maganda ang kanyang pakiramdam.
Bilang doktor, she loved defying death. She especially loved winning. Kapag pumasok siya sa loob ng Operating Room, nais niyang lumabas roon na nakangiti dahil nasisiguro niyang magiging maayos ang kanyang mga pasyente. She just hated when none of her patients survived.
Minasdan niya ang relong-pambisig. Alas-nueve pa lang ng umaga. Kumakalam ang kanyang sikmura ngunit mas nais yata niyang matulog at magpahinga. On call na naman siya mamayang gabi. She also had some report to finish.
“This sucks,” muling bulong ni Sybilla sa sarili. Nasisiguro niyang lilipas din ang sama ng kanyang loob ngunit hindi pa siya handa sa ngayon. Kapag nakatulog na marahil siya ay maaari na niyang i-comfort ang sarili.
Malapit na siya sa kanyang sasakyan nang bigla na lang may yumakap mula sa kanyang likuran. Papalag na sana siya ngunit tumimo sa kanyang isipan ang isang tinig.
“Surprise!” someone squeled.
Nababaghang nilingon ni Sybilla ang “attacker” niya. “Corrine?” kanyang naiusal, hindi gaanong makapaniwala. “W-what are you doing here?” Nagkausap sila ng kapatid sa ama noong isang araw ngunit wala siyang natatandaang binanggit nito na magtutungo ito roon.
Niyakap siya ni Corrine nang napakahigpit. “I missed you!” masaya nitong bulalas.
“What are you doing here?” tanong uli niya habang gumaganti ng yakap sa kapatid. Hindi na gaanong nakakagulat ang biglang pagsulpot ni Corrine doon kung tutuusin. Ugali na talaga ng kapatid na manorpresa. Bigla na lamang sumusulpot nang hindi inaasahan. Ilang kaarawan na ba niya ang sinorpresa nito? Noong pumasa siya sa mga exam na pinagdaanan sa nakaraan, nagtutungo si Corrine doon upang bigyan siya ng kasiyahan.
Kakalas na sana si Sybilla kay Corrine nang bigla siyang matigilan. May nakita siya sa likuran ng kapatid. Isang matangkad na lalaki na may dala-dalang dalawang cup ng kape. Nakatingin ang lalaki sa kanila, tila hinihintay lang matapos ang batian nilang magkapatid. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nahigit ni Sybilla ang hininga. Hindi niya gaanong maipaliwanag ang kanyang nadama nang mga sandaling iyon. Hindi niya malaman ang dahilan ng biglang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Parang may malakas na puwersang sumalpok sa kanyang tiyan. Hindi niya nais lubayan ang mga mata nitong tila tumatagos sa kanya. Hindi nakatulong na hindi rin siya nito malubayan ng tingin.
Napalunok siya, sunod-sunod. Nais niyang mabahala sa kakaibang nadarama na patuloy sa pagsidhi at paglago ngunit hindi niya ganap na magawa dahil ibang damdamin na malayo sa pagkabahala ang binubuhay sa kanya ng lalaki. Tila unti-unting umiinit ang kanyang katawan kahit na mababa ang temperatura sa labas ng ospital. Tila may natutunaw sa kanyang kalooban na hindi niya maipaliwanag. Patuloy siyang nahahalina sa mahihiwaga nitong mga mata at bahagya niyang nakalimutan ang kayakap na kapatid. Nais niyang lumapit. Nakakaramdam siya ng malakas na puwersang humahatak sa kanya palapit sa lalaki.
Biglang napapitlag si Sybilla nang maramdaman ang pagtapik ni Corrine sa kanyang likod bago kumalas sa kanya. “Gusto kong sorpresahin ang kapatid ko kaya narito ako,” ani Corrine na halos hindi niya narinig. Napatanga lang siya sa kapatid at hindi malaman kung ano ang ginagawa nito. Tila bahagya pa siyang nagulat sa presensiya nito. Sinupil ni Sybilla ang kagustuhang mapabunghalit ng tawa nang mabatid kung ano ang nangyayari sa kanya. Sinakop ng isang lalaking hindi niya kilala ang kanyang buong kamalayan.
Napapangiti na napapailing na lamang si Sybilla. Siguro ay epekto iyon ng matinding puyat at pagod. Hindi na niya kailangang maghanap ng ibang dahilan. Iyon ang unang pagkakataon na nangyari iyon sa kanya kaya bahagyang nakakagulat.
Napatingin uli siya sa lalaki at kaagad na napalunok. Bakit tila mas sumisidhi ang hatak ng puwersa sa kanya palapit? Bakit ganoon ang epekto ng puyat at pagod ngayon? Napatingin din si Corrine sa tinitingnan niya. Malakas na napasinghap ang kapatid.
“Oh! I forgot! I’m so sorry, honey! I didn’t mean to forget you’re here.” Kaagad lumapit si Corrine sa lalaki at umabrisete. Bahagya yatang namilog ang mga mata ni Sybilla sa nakitang intimacy sa gesture. Ibang uri rin ng ngiti ang iginawad ni Corrine sa lalaki. Espesyal ang lalaki para sa kanyang kapatid base sa ngiti at malambing nitong pagbigkas ng “honey.”
Pinagmasdan ni Sybilla nang maigi ang mukha ng lalaki. Goatee had never been sexier to a man. She never liked a guy with a goatee. She used to think it looked ridiculous in a man. But this man perfectly pulled the look off. “Ridiculous” was the last thing to describe the man. He was intense and beautiful. He was by far the sexiest and hottest man her eyes ever laid on.
Nang dumako ang kanyang mga mata sa kamay ni Corrine na mapang-angking nakahawak sa braso ng lalaki ay tila bigla siyang natauhan. Kahit na puyat ay matalas pa rin ang kanyang pag-iisip. Nahuhulaan na niya kung sino ang lalaki. Pinilit niya ang sariling ngumiti. Isang aral na gesture na natutunan niya sa mga nakalipas na taon tuwing lalapit siya sa pamilya ng kanyang pasyente upang sabihin na naging matagumpay ang operasyon at sinisikap niyang itago ang labis na kapagalan.
“Corrine, why don’t you introduce me to Mathias?” suhestiyon ni Sybilla sa kapatid na bahagya yatang nawala sa sarili habang nakatitig sa nobyo. Dalawang taon na ang relasyon ng dalawa sa pagkakaalam niya. Isang kaibigan ng pamilya si Mathias Mendoza, isa ring siruhano. Dahil hindi naman talaga kabilang si Sybilla sa pamilya Arqueza, hindi siya nagtutungo sa mga pormal na pagtitipon at hindi niya kilala ang kaibigan ng pamilya. Hindi siya lehitimong anak kaya hindi niya kaibigan ang kaibigan ng pamilya. Sa pagkakaalam niya ay teenager pa lamang si Corrine ay may gusto na ang kapatid kay Mathias Mendoza. Walong taon ang tanda ng lalaki sa kanyang kapatid ngunit hindi iyon alintana ni Corrine. Divorced si Mathias, ayon na rin sa mga kuwento sa kanya ng kapatid. Hindi nagkaanak sa dating asawa si Mathias, at kahit pa nagkataong nagkaroon ay hindi pa rin magiging issue iyon kay Corrine. Bahagya nang nagsawa ang tainga ni Sybilla sa paulit-ulit na pagsasabi sa kanya ng kapatid kung gaano nito iniibig ang nobyo.
Hindi naging interesado si Sybilla sa lalaki noon. Hindi niya gaanong pinakikinggan ang mga kuwento ni Corrine. Ni hindi siya nagkaroon ng interes na silipin ang mga larawan nito sa i********:—idagdag pang wala siyang i********:. Hindi rin niya maalala kung ipinakita na ba sa kanya dati ni Corrine ang larawan ng lalaki sa cell phone nito kapag magkasama sila. Siguro nga ay sinubukan nitong ipakita, hindi lamang siya gaanong naging interesado. Hindi niya gaanong sigurado kung bakit.
Aminado siya na maraming pagkakataon siyang naaalibadbaran tuwing ikinukuwento sa kanya ni Corrine ang masaya at makulay nitong buhay pag-ibig. Sybilla was never one of those girls who firmly believed in once upon a time, meant for each other, and happy ever after. Alam naman niya na may mangilan-ngilang taong nabibiyaan ng magagandang bagay tulad niyon. Corrine was one of the few lucky ones. She was born lucky. She lived a privileged life. And she had a sexy Prince Charming who could easily sweep her off her feet—literally. Mathias was tall and muscular. Kahit na nakasuot ang binata ng jacket sa kasalukuyan, mababakas pa rin kaagad ang ganda ng pangangatawan nito. He stood like he owned the place. That didn’t make him arrogant, it made him sexier.
Siguro ay alam ni Sybilla na hindi siya katulad ni Corrine kaya hindi niya gaanong pinagtutuunan ng pansin ang mga kuwento nito. Siguro ay naiinggit siya dahil ang tanging pinakamalaking naging problema ng kapatid ay kung paano paiibigin si Dr. Mathias Mendoza.
Banayad na napahagikgik si Corrine. “Mat, honey, this is Sybilla. Sis, my boyfriend, Mathias.”
Ibinigay ni Mathias ang hawak na isang cup ng kape kay Corrine bago inilahad ang kamay sa kanya. Bahagyang nanginig ang kamay ni Sybilla. Nang magdaop ang kanilang palad ay nabatid niyang nanlalamig din iyon. Nang banayad na pisilin ng malaki nitong kamay ang kanyang kamay ay naramdaman niya ang pagtulay ng kakaibang kiliting sanhi ng mumunting kuryente mula sa kamay nito. Hindi pa niya iyon naramdaman sa kanyang buong buhay. Hinila na ni Sybilla ang kamay bago pa man mas sumidhi ang mga kakaibang damdamin na nagsisimula nang bumahala sa kanya.
Ibinaling na lang niya ang paningin kay Corrine na ngiting-ngiti. Masyadong nagliliwanag ang mukha ng kapatid, mas maningning ang mga mata. She had always been bright and shiny. “What are you doing here?” Hindi na mabilang ni Sybilla kung nakailang beses na niya iyong naitanong. Tila kasi hindi gumagana nang maayos ang kanyang isipan. Wala siyang ibang maapuhap na sabihin.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Corrine habang muling iniyakap ang braso sa braso ni Mathias. “Bakit ganyan ang tanong mo, Sybilla? Hindi ka ba masaya na narito ako at dinadalaw ka? Hindi mo ba ako na-miss?” May bahid ng hinampo ang tinig ng kapatid.
Napapangiting naitirik ni Sybilla ang mga mata sa langit nang ilang sandali. “Siyempre, gusto kitang makita. I missed you, Corrine” sinsero niyang sabi. Alam niyang alam na nito ang bagay na iyon. Nais lang marinig ni Corrine mula sa kanya ang mga kataga. Kahit na magkaibang-magkaibang silang magkapatid, gusto pa ring makita at makasama ni Sybilla si Corrine. Matagal na niyang nalampasan ang estado kung saan naiinggit siya sa lahat ng mayroon si Corrine. Ipinabatid kasi sa kanya ng kapatid na maaari nitong ibahagi ang anumang maganda sa buhay nito. Hindi maramot si Corrine.
Halos wala sa loob na napatingin siya sa gawi ni Mathias. Nang matagpuang mataman ding nakatingin sa kanya ang lalaki ay kaagad niyang iniba ang direksiyon ng tingin. Disimulado siyang humugot ng hininga upang makalma ang tila riot sa loob ng kanyang dibdib. Dalangin niyang sana ay hindi mapansin ni Corrine ang kaguluhan sa kanyang sistema. Mahusay siyang magtago ng damdamin ngunit sa sandaling pagtatama ng kanilang mga mata ni Mathias ay nakita niya na waring nababasa nito ang kasalukuyan niyang nadarama.
“Sinabi ko na kung bakit ako narito. Gusto kitang sorpresahin. Hindi ka gaanong nakikinig sa akin, Sybilla. Paulit-ulit tayo. Stressed ka yata masyado sa trabaho. You should take a break. You’ve been working so hard.” Mahihimigan kaagad ang pagmamalasakit sa tinig ni Corrine.
Kahit na hindi nakikita ay nararamdaman ni Sybilla ang mga mata ni Mathias na nakatingin sa kanya. Lalo lamang nagkagulo ang kanyang sistema. Halos hindi niya mawawaan ang mga sinasabi ni Corrine.
“I can deal with stress,” wika niya, ayaw aminin na si Mathias ang dahilan ng kanyang stress sa kasalukuyan. Matagal na niyang natutunan kung paano pakikibagayan ang stress. May mga pagkakataon na nahihirapan siya, ngunit kinakaya naman niya palagi.
Sybilla had been working so hard all her life. She had been in that hospital since her internship. Nang pumasa siya sa board exam at naging certified cardiothoracic surgeon, nakatanggap siya ng maraming job offers sa malalaking ospital sa iba’t ibang estado ng bansa. Ngunit mas pinili niyang gugulin ang kanyang surgical fellowship sa ospital na iyon.
“I know, don’t get riled up. We’re just here to help you relieve some stress.”
“Your sister said she can deal with stress,” ani Mathias bago pa man makatugon si Sybilla sa sinabi ni Corrine. “She doesn’t need any help in anything. I, however, need her help.”
Hindi na maiwasang mapatingin si Sybilla sa nobyo ng kanyang kapatid. Her interest piqued. Tama ba ang kanyang pagkakaintindi sa sinabi nito? Kailangan nito ng kanyang tulong? Saan? Sa anong paraan? Bakit?
Bahagyang nalukot ang mukha ni Corrine. “Kailangan na ba talaga nating pag-usapan iyan ngayon? Kaagad? Mukhang hindi pa nakakatulog si Sybilla.”
Kahit na naiilang, matamang pinagmasdan ni Sybilla si Mathias. Nakikita niya sa ekspresyon ng mukha nito na may nais itong sabihin sa kanya. Pormal at halos malamig ang ekspresyon ng mukha ng binata ngunit tila may tinig na nagsasabi sa kanya na hindi lamang siya ang apektado sa paghaharap na iyon. Sybilla mentally shook her head. Bakit man lang niya ini-entertain ang mga ganoong kaisipan? Kailangan niyang paalalahanan ang sarili na nobyo ng kanyang kapatid ang lalaking kasalukuyang kaharap. Hindi siya maaaring humanga o makaramdam ng kahit na anong kakaiba.
“What do you have to tell me?” Kung masasabi na kaagad marahil ni Mathias sa kanya ang nais nito ay baka maaaring matapos na rito ang kanilang pagkakakilala. Alam niyang darating ang araw na magkakaharap pa rin sila ngunit sa ngayon ay hindi niya nagugustuhan ang kanyang mga nadarama. She wanted to get rid of him. ASAP.
“I wanna offer you a job, Doctor Torres,” ani Mathias sa pormal at malamig na tinig.
Hindi malaman ni Sybilla kung matatawa siya o ano. Ilan sa mga job offer na kanyang natanggap sa nakaraan ay kanyang ikinagulat. Several outstanding metropolitan hospitals and research clinics in some major states wanted her. Alam niya na isa siya sa mga maituturing na mahusay ngunit nakakagulat pa rin. Ang job offer na ito ang kanyang hinihintay nang matagal sa totoo lang at hindi na dapat nakakagulat dahil kahit na paano ay inasahan na niya. Alam niya na nagtatrabaho sa Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital ang nobyo ni Corrine. Hindi lamang niya alam na may mataas na katungkulan ang lalaki upang magtungo sa kanya at personal siyang alukin ng trabaho.
She had been waiting for this job offer since her fifth year of residency. Natutuwa siya sa job offers ng malalaking ospital ngunit hinihintay niyang talaga ang partikular na job offer. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nanatili siya sa ospital na pinagtatrabahuhan sa kasalukuyan. Dahil kay Dr. Ramoncito Arqueza, ang kanyang abuelo. Isa sa mga pioneer ng DRMMH si Ramoncito. Isa ang matanda sa nagtatag ng isa sa pinakamahuhusay na pribadong ospital sa Pilipinas. The retired doctor had a seat in the board.
Sybilla had always wanted to work in Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital. She had always wanted to work for her grandfather. Nais niyang maipakita sa matanda ang kanyang kahusayan na pinaniniwalaan niyang namana mula sa abuelo.
Napatitig siya sa mukha ni Mathias. Nadarama pa rin niya ang kakaibang damdamin para sa kaharap. Hindi iyon nagmamaliw, bagkus ay lalo lamang sumisidhi sa paglipas ng bawat sandali. May isang bahagi ng kanyang isipan ang nagsasabing hindi niya maaaring makatrabaho ang lalaking ito. She sensed trouble.
Tinapik ni Corrine ang braso ng nobyo. “Seriously? Here, Mat? May malapit na diner dito. Why don’t we go there and—”
“I’m tired,” putol ni Sybilla sa nais imungkahi ng kapatid. Totoo naman ang bagay na iyon kaya hindi siya nagdadahilan lamang. Alam din niya sa kanyang sarili na nais na niyang lubayan siya ng magnobyo. Ayaw niyang nakikitang nakahawak si Corrine sa braso ni Mathias. Wala siyang karapatan maramdaman iyon, alam niya, ngunit nadarama pa rin niya. “Corrine knows my e-mail and you can send your offer, Doctor Mendoza. I can’t think right now and I badly need some sleep.” Hinagkan niya ang pisngi ni Corrine. “It’s nice of you to surprise me. Thank you. Call me after four—six hours.”
Bago pa man makatugon ang isa kina Corrine at Mathias ay tumalikod na siya at tinungo ang kanyang sasakyan. Nagpasalamat nang hindi na siya tawagin at sinundan ng dalawa. Nakahinga lang siya nang maayos nang makasakay siya sa loob ng kotse. She felt safe.
“Jeez, what was that?” kunot ang noo na tanong ni Sybilla sa sarili habang pinaandar ang makina ng sasakyan.
Pag-uwi ng bahay ay hinubad lamang niya ang cardigan at sapatos bago ibinagsak ang katawan sa kama. Nakatulog siya na laman ng kanyang isipan si Dr. Mathias Mendoza. Kaya hindi na gaanong nakapagtataka na kasama niya hanggang sa panaginip ang makisig na lalaki.