3

2927 Words
NAGISING si Sybilla dahil sa tawag ni Corrine. “I’m sorry. Naistorbo ko ang tulog mo,” panimula ng kapatid sa tinig na puno ng pagsisisi. “Okay lang. Kailangan ko na rin naman talagang bumangon. I’m on call tonight.” Napangiti siya nang marinig ang pagkalam ng kanyang tiyan. “God, I’m so hungry,” aniya habang pababa ng kama. “I’m bringing food. `Be there at fifteen.” “Wait, Co—” Naputol na ang koneksiyon bago pa man mapigilan ni Sybilla si Corrine sa pagpunta sa kanyang apartment. Nais niyang makasama ang kapatid, ngunit hindi pa siya handang makaharap muli ang nobyo nito. Kaagad niyang napansin na iba na ang paraan ng pagtibok ng kanyang puso. Bilang doktor, alam niyang hindi kailanman naging magandang sintomas ang biglang pagbilis ng t***k ng puso. Indikasyon iyon na may hindi normal sa katawan ng isang tao. Bilang babae, lalong hindi magandang sintomas ang ganoong uri ng pagbabago. Increased heart rate indicated trouble, not romance. Especially when the person making your heart beat faster was your sister’s boyfriend—or fiancé. “Teka, bakit ba ako nag-aalala? Bakit ganito na lang ako mag-react? Bakit masyado kong binibigyan ng kulay itong nararamdaman ko?” pagkausap ni Sybilla sa sarili habang nakaharap sa salamin sa banyo. “Wala namang gaanong masama, hindi ba? I’m simply admiring. He’s cute.” Kaagad siyang napangiwi sa ginamit niyang salita upang mailarawan si Mathias. Cute doesn’t begin to describe the man. Cute was for boys and pretty men. Mathias was a gorgeous man. Handsome and rugged. Hot and dangerous. Arousing and fiery. “Humahanga lang ako.” Hindi sigurado ni Sybilla kung bakit nahihirapan siyang kumbinsihin maging ang kanyang sarili. Noon lang kasi nadama ang ganoon kasidhing admirasyon sa unang tingin pa lang. Kahit na sa mga lalaking kanyang nakikilala ay kailangan niyang maglaan ng lakas upang makaramdam ng atraksiyon. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na hindi siya patuloy na magpapaapekto. Kahit na magkaharap uli sila ni Mathias ay hindi siya makakaramdam ng kung ano-ano. Hindi niya gaanong papansinin kung gaano kaakit-akit sa mata ang lalaki. Mathias would just be Corrine’s boyfriend. Nothing more. He would not mean more to her. Gayunman, natagpuan pa rin ni Sybilla ang sarili na nagkukumahog sa pag-aayos ng sarili. She thoroughly brushed her teeth. Pagkatapos niyang maghilamos ng mukha ay sinuklay niya ang buhok na dati ay hindi gaanong pinagkakaabalahan. Naglagay pa siya ng lip gloss. Paglabas ng banyo ay iniligpit niya ang mga kalat sa munting sala. Ilang linggo na siyang hindi naglilinis at kahit na tuwing bumibisita si Corrine dati ay hindi siya gaanong nag-aabala. Ang kapatid pa mismo niya ang nag-iimis ng kanyang mga kalat. “Stop this nonsense, Sybilla. Stop right now,” naiiritang utos niya sa sarili. Ngunit hindi niya mapigilan ang sariling kamay sa pagkilos. Kamuntikan pa siyang mapatalon nang tumunog ang buzzer. Her hands flew to her hair to smoothened it out. Humugot siya nang malalim na hininga bago tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang nasa labas. Si Corrine lamang ang nasa labas ng pintuan. Kaagad lumukob ang dismaya sa kanyang buong pagkatao. Nais tuloy niyang kutusan ang sarili. He’s your sister’s boyfriend. He’s your sister’s boyfriend, paulit-ulit na ipinaalala ni Sybilla sa sarili. Sinikap niyang ngitian nang matamis si Corrine na may bitbit na paperbag na nahihinuha niyang naglalaman ng pagkain. “Come on in. Wala kang kasama?” Mariin niyang nakagat ang ibabang labi. Bakit hindi niya mapigilan ang sarili? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Dati namang malakas ang kanyang willpower. Dumeretso na si Corrine sa loob ng kanyang munting kusina pagkatapos siyang hagkan sa pisngi. Sinimulan na ng kapatid ang paghahanda ng pagkain sa hapag. “He’s in the hotel. He had to read some reports and clinical studies.” Nag-angat ito ng ulo at ginawaran siya ng isang napakatamis na ngiti. “Gusto raw niya tayong bigyan ng time to catch up. He’s also preparing his offer to you.” Sandaling pinagmasdan ni Sybilla ang kapatid. She looked so comfortable in the kitchen. She looked domesticated. Corrine was just simply lovely. May mga babae na bagay na bagay ang pagiging domesticated. May mga babaeng magiging ganap na masaya sa pagiging may bahay at ina. Nabibilang si Corrine sa mga babaeng iyon. Bata pa lamang si Sybilla ay alam na niyang hindi siya ang tipo na mananatili lamang sa bahay at mag-aalaga ng anak at asawa. She had always known she would be a career woman. She was the type of woman who thought of conquering the world. She had never daydreamed about finding Mr. Right and walking down the aisle. She daydreamed about changing the face of medicine. “That’s... sweet of him.” Lumapit na siya at naupo sa harap ng hapag. Mga paborito niyang Chinese food ang dinala ni Corrine. Dahil talagang gutom na, inumpisahan na niya ang pagkain. Tinungo naman ni Corrine ang kanyang refrigerator at binuksan. “You don’t have any food in the fridge,” anito matapos ang ilang sandaling pagtingin sa loob ng refrigerator. “Pinagsabihan na kita dati pa. Hindi mo dapat hinahayaang mawalan ka ng pagkain. You should take good care of yourself. Isusumbong kita kay Tita Analiza, akala mo.” “I’m taking good care of myself,” aniya sa pagitan ng pagsubo ng spring roll. “Hindi lang ako nagkaroon ng pagkakataong mamili. Wala rin akong gaanong panahong magluto kaya I’m living on take outs. Halos sa ospital na ako nakatira nitong mga nakaraang araw. The head of the cardio is busy with a critical clinical trial. I’ve been running his service.” “He must get his act together `cause you’re leaving him soon.” Inilabas ni Corrine ang siyang tanging laman ng kanyang refrigerator, tubig. “A-ano’ng sabi mo?” Naglabas muna ng baso ang kapatid mula sa cabinet bago siya sinagot. “You’re coming home. You’re accepting Mathias’s offer.” Siguradong-sigurado ang tinig ni Corrine sa paraan ng pagkakasabi nito. Isinalin nito ang tubig sa bago at iniabot sa kanya. Malugod iyong tinanggap ni Sybilla. Bahagyang tumikwas ang isa niyang kilay habang matamang nakatingin kay Corrine. “You’re deciding for me now?” Napangiti siya pagkatapos niyang uminom. “You’re gonna accept, Sybilla,” anito habang pinanlalakihan siya ng mga mata. Banayad siyang natawa. “I’m not sure.” Hindi pa niya hinahayaan ang sarili na isipin ang job offer ni Mathias—ng Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital. Totoong hinihintay niya ang offer na iyon ngunit sigurado ba siya na ang pagtatrabaho pa rin sa ospital na itinatag ng kanyang lolo ang talagang nais niya? Pagtapak pa lang niya sa Amerika, nasisiguro na niya sa kanyang sarili na hindi siya habang-buhay na mananatili roon. Ngunit nakahanda na ba siyang umuwi ng Pilipinas? Kung hindi si Mathias ang nag-alok sa kanya, kaagad ba niyang tatanggapin ang alok? Ipinilig ni Sybilla ang ulo. Hindi kasama si Mathias sa factors ng magiging desisyon niya. Hindi niya kailanman hinayaan ang isang lalaki na makahadlang sa paglago ng kanyang karera. Hindi noon at lalong hindi niya uumpisahan ngayon. “Panahon na para umuwi ka. Malapit ka nang matapos sa fellowship mo. You’ve done everything you have to do here. It’s time to go home, Sybilla.” “Money here is good,” aniya habang pinagtutuunan uli ng pansin ang pagkain. “It’s just money, Sybilla.” Natawa siya. “Madali para sa `yo na sabihin iyan dahil ipinanganak kang may gintong kutsara sa bibig. Hindi mo naranasan ang hirap. Hindi mo naranasan kung paano magutom.” Walang pait sa kanyang tinig. Aminado siya na nainggit siya noon. Nagalit pa siya sa sitwasyon. But she had moved on. She had grown up. Nabatid niyang wala naman nang magbabago sa kanyang sitwasyon at nakaraan kahit na gaano pa siya mainggit o magalit sa ibang tao. She also realized she liked what she had become. She liked being the woman she was now. Noon ay inisip ni Sybilla kung ano ang kanyang magiging buhay kung sakaling nagkapalit sila ng sitwasyon ni Corrine. Paano kung nalaman ng kanyang ama na buntis ang kanyang ina? Paano kung naging honorable si Damian at pinakasalan si Analiza? Paano kung siya ang naging lehitimong anak at apo? Naging maganda marahil ang kanyang buhay. Hindi niya pagdadaanan ang lahat ng hirap na pinagdaanan nilang mag-ina. Sybilla would be a Corrine. Sweet. Spoiled. Domesticated. Sybilla loved Corrine. She loved her sweet and loving personality, but she realized she didn’t want to be like her. She wanted to be spicy not sweet. She wanted to be a hardcore, a badass. She didn’t want to be a domesticated woman, she wanted to be a successful career woman. She wanted to be one of the admirable women who succeeded in the world of medicine. She didn’t really want Corrine’s life. Sybilla loved herself as it was now. Kaya kahit na paano ay nagpapasalamat siya sa lahat ng hirap ng pinagdaanan. Her past made her strong. Her experiences taught her so much about life. She won’t survive the harsh wild if she had become a legitimate daughter. Bahagyang nalukot ang mukha ni Corrine. “Palagi mong sinasabi iyan. Yeah, yeah, I feel sorry for you. You had a hard life. Pero hindi ka na maituturing na mahirap ngayon. You have plenty now. Na hindi na nakapagtataka dahil masyado kang makunat.” Banayad na natawa si Sybilla. “Hindi ako makunat. Hindi lang ako mahilig sa mga mamahaling bagay na hindi ko naman kailangan.” Hindi niya nakahiligan ang pagbili ng mga signature items katulad ni Corrine. Katulad ng mga tipikal na babae, nagagandahan siya sa mga bag, sapatos at damit, ngunit hindi siya bumibili ng mga mamahalin hanggang sa hindi niya kailangan. May mga mamahalin siyang bag at sapatos ngunit lahat ng iyon ay regalo mula kay Corrine at sa ilan pang mga kaibigan. “It’s a good offer. You should take it.” “Titingnan ko at pag-iisipang maigi.” “Lolo will be so happy to have you in DRMMH.” Pinuno ni Sybilla ng pagkain ang kanyang bibig. Nais niyang itanong kay Corrine kung talagang pinaniniwalaan nito ang sinabi sa kanya. Ayaw muna niyang makaramdam ng hindi magagandang bagay sa ngayon kaya pilit niyang pinalis sa kaisipan si Ramoncito Arqueza, ang kanyang abuelo na hindi niya sigurado kung ano ang talagang nadarama para sa kanya. Inabot ni Corrine ang kanyang kamay at banayad siyang nginitian. “Lolo loves you, you know that, right?” Tumango na lang siya upang matapos na ang usapan. Mabilis niyang tinapos ang pagkain. “Kailangan ko nang maghanda sa pagpasok,” aniya habang patayo. “Dala mo ang susi mo?” Kahit na nagtse-check in sa hotel si Corrine tuwing binibisita siya, madalas pa ring tumambay ang kapatid sa kanyang bahay kaya may sarili na itong susi. Tumango si Corrine. “Ipagliligpit kita. Anong oras ang uwi mo bukas? I’m gonna cook dinner tomorrow night. Saka sana ay magkaroon ka ng panahon na kausapin si Mathias.” “Dito?” tanong ni Sybilla habang papasok na ng silid. Kaagad niyang naramdaman ang pagsunod sa kanya ni Corrine. “Yeah. Saan pa kaya ako puwedeng magluto?” “I don’t have supplies.” “Ako na ang bahala.” Pumasok na siya sa loob ng banyo. “Sige, bahala ka.” May mga pagkakataon sa nakaraan na ang kanyang kapatid ang pumupuno ng refrigerator niya at pantry. Mabilis niyang hinubad ang mga damit at pumasok sa loob ng shower room. Dahil naroon pa si Corrine, hindi niya gaanong isinara ang glass door. Pinagsumikapan niyang magpakakaswal kahit na parang naligalig ang kanyang sistema sa kaalamang makakasalo niya sa hapunan bukas ng gabi si Dr. Mathias Mendoza. Alam niyang hindi siya dapat maligalig at paulit-ulit iyong sinasabi sa sarili, ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang nadarama. Kinakabahan siya. Iyong uri ng kaba na may halong pananabik at pag-asam. “What do you think of him?” Narinig ni Sybilla ang tanong ngunit nagkunwari siyang hindi narinig. Nakatapat siya sa shower kaya hindi naman niya dapat marinig ang sinabi ni Corrine. Ngunit ayaw paawat ng kanyang kapatid. May eagerness na mababakas sa tinig nito nang ulitin ang tanong sa mas malakas na tinig. Inabot niya ang shampoo bottle. “What do I think of Mathias? Okay. Fine. Good-looking,” kaswal niyang sabi. Nagpasalamat siyang hindi nanginig ang kanyang tinig. Ngunit napansin niyang bahagyang nanginig ang kanyang kamay na may hawak ng shampoo. Sa hindi na mabilang na pagkakataon, naitanong niya sa kanyang sarili kung ano ang nangyayari sa kanya. Nakita ni Sybilla ang pagtirik ng mga mata ni Corrine. “I know he’s easy on the eyes. What do you really think of him?” He’s intense. He’s sexy. He’s just too attractive. “He’s perfect,” nakangiti niyang sabi sa pilit na pinakaswal na tinig. “Iyon ba ang gusto mong marinig sa akin? He’s just so... perfect.” Alam ni Sybilla sa sarili na hindi siya gaanong nagsisinungaling. Mathias seemed perfect. “You’re perfect for each other.” Itinapat niyang muli ang ulo sa shower hindi lang upang mabanlawan ang shampoo sa kanyang buhok kundi para na rin maiwasang makita ang mukha ni Corrine. Bahagya rin siyang natakot na baka mahalata nitong nagsisinungaling lamang siya sa kanyang huling pangungusap. Hindi na inabala ni Corrine si Sybilla hanggang sa matapos ang paliligo. “I think he’s going to propose soon. Nararamdaman ko.” Sandali siyang natigilan sa pagpapahid ng body butter sa kanyang katawan sa narinig mula sa kapatid. Sinikap niyang ngumiti. “That’s good. Perfect.” Pilit niyang sinupil ang tila pagtanggi at pagpoprotesta ng kanyang puso. Wala siyang karapatang maramdaman ang ganoon. “Narinig kong tinutukso siya ng pinsan niyang si Astrid tungkol sa pagbili ng singsing. Hindi naman basta-basta bumibili ng singsing ang mga lalaki, hindi ba? Saka we’re talking more about the future now. Gusto niya ng tatlong anak. Two boys and a girl. Am I thinking too ahead, Sybilla? Mali bang mag-presume na makakarinig na ako ng proposal anytime soon?” “You’ve been together for two years. Totoo na hindi basta-basta bumibili ng singsing ang isang lalaki. Kung reregaluhan ka niya ng alahas, dapat kuwintas o bracelet ang binili niya at hindi singsing. Yep, he’s definitely proposing.” Hindi maipaliwanag ni Sybilla ang paglukob ng matinding dismaya sa kanyang buong pagkatao. Itinago niya ang totoong nararamdaman sa isang mapanudyong ngiti. “You guys are talking about kids now? Have you...?” Ayaw sanang isipin ni Sybilla ang mga ganoong bagay. Ayaw niyang ilarawan sa kanyang isipan na magkasama sina Mathias at Corrine. May nagpoprotesta na naman sa kanyang kalooban. Ngunit alam niya na hindi tama ang mga ganoong pakiramdam kaya paaalalahanan niya ang sarili hanggang sa mabura ang lahat ng kanyang kahibangan. Namula ang mga pisngi ni Corrine. “Of course not.” Pinigilan niya ang pag-alpas ng tawa sa kanyang lalamunan. Corrine’s situation was not funny. Itinuon na lang niya ang buong atensiyon sa pagbibihis. “We’ll make love for the first time on the night of our wedding.” Kahit na hindi lingunin ni Sybilla si Corrine, alam niya na namumula ang buong mukha nito. Corrine was a thirty-year-old virgin. Para sa kanya ay hindi dapat ikahiya ang bagay na iyon. Magkaiba man ng paniniwala, hinahangaan niya ang paraan ng pagpapahalaga nito sa sarili. She wanted to wait for the right man. She wanted to be married first. “It’s going to be perfect,” nakangiti niyang sabi habang naupo sa harap ng dresser at sinimulan ang paglalagay ng moisturizer sa mukha. Naitanong niya kung bakit panay “perfect” na lang ang lumalabas sa kanyang bibig. “You think?” Pinagmasdan ni Sybilla ang kapatid mula sa salamin. “I know.” Corrine had been a perfect wife material. Noon pa man ay alam na niya ang bagay na iyon. Palagi niyang naiisip na napakasuwerte ng lalaking mapapangasawa nito. She would be the best mother and wife. Nginitian niya ang kapatid sa salamin. “Hindi magtatagal ay matutupad na ang lahat ng pangarap mo.” Mula nang magdalaga si Corrine ay wala na itong iba pang pinangarap kundi ang maging Mrs. Mendoza. Iisipin marahil ng ibang tao na masyado namang simple ang pangarap ng kanyang kapatid. Hindi ganoon ang kanyang opinyon. Nahirapan ding maghintay si Corrine. When Mathias got married, her world shattered. Inakala nitong hindi na magkakaroon ng katuparan ang mga pangarap nito. Corrine could just dream about being a wife and a mother to her dream man. Kaya naiintindihan din niya ang sentimyento ng mga babaeng katulad niya na hindi sa isang lalaki lang umiikot ang buhay at pangarap. Niyakap siya ni Corrine mula sa likuran. “I’ll be very happy and I want you near me.” “Okay. Pakikinggan ko ang offer niya.” Mataman na rin niyang pag-iisipan ang pag-uwi sa Pilipinas na alam niyang matagal na dapat niyang ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD