May 27, 2020
Puerto Prinsesa International Airport
1:30 AM
Hindi na rin nagtagal ay huminto na rin ang sinasakyang eroplano nina Ryan at Claire sa Dropping point ng Airport. Pinauna muna nila ang ibang mga pasahero na nasa bandang unahan sa paglabas dahil ayaw nilang magitgit nang husto sa makitid na aisle ng eroplanong iyon. Habang hinihintay ang kanilang pagkakataon, panay naman ang pang-aasar ni Ryan kay Claire. Pilit na ibinabik ni Ryan ang mga pangyayaring gusto na sana niyang kalimutan.
“Sus, Bes! Gagalit-galitan ka pa d’yan. Alam ko namang pareho tayo nang naaalala ngayon. Sukahin ka talagang nilalang!” Patuloy na pang-aasar ni Ryan kay Claire.
“Tse! ‘Wag mo ko kausapin! Hindi mo alam kung gaano ko pinagsisihan na sumama ako sa Field Trip na ‘yun!” Mataray na sagot ni Claire habang nakataas pa rin ang isang kilay.
“Well, I feel so honored naman dahil du’n. Alam ko naman na sumama ka dahil in-appreciate mo ‘yung effort ko sa’yo, ‘eh. Aminin mo!” Taas-noong winika ni Ryan.
“Hoy! Mr. Ryan Salcedo. Don’t be so full of yourself!” Ayaw lang naman kitang mapahiya, ‘no? ‘Tsaka, baka kasi kalaunan isumbat mo rin sa akin ‘yun! Kaya might as well, tinanggap ko nalang!” Mabilis na apela ng dalaga.
Hindi sumagot si Ryan sa sinambit ni Claire. Bagkus, unti-unti lang na napangiti ito at halos sumakit ang tiyan kakapigil ng pagbulalas ng kanyang tawa. Kung wala lang sana sila sa loob ng eroplano ay pinakawalan na niya sana ang pinakapipigil-pigil niyang halakhak.
***
September 5, 2008
Bonifacio High School
9:00AM
Tatlong buwan na ang nakararaan mula nang unang magtagpo ang mga landas nina Claire at Ryan sa eskuwelahan na kanilang pinapasukan. Simula nang pangyayaring iyon ay naging malapit ang loob nila sa isa’t isa. ‘Di kalaunan ay naging matalik silang magkaibigan. Halos araw-araw din silang sabay kung pumasok dala na rin ng kanilang pagiging magkaklase.
Dahil naging best friend na ni Ryan si Claire, naisip ng binatilyo na marahil ay panahon na rin upang makilala siya ng iba pa niyang mga malalapit na kaibigan na sina Nick, James at Iya. Humahanap na lang siya ng tiyempo at tamang pagkakataon para mapagtagpo niya ang kanyang mga ka-barkada at si Claire. Sakto naman na sa susunod na linggo ay ang nakatakdang Educational Field Trip ng kanilang School. Tila ito na nga ang pinakaaasam niyang sandali para maisakatuparan ang kanyang binabalak.
“Okay, class, I just want to remind you about our Field Trip next week. I encourage everyone to go. This is gonna be great and very rewarding, of course! Lahat ng mga sasama ay exempted na at automatically makakakuha ng perfect score sa subject ko this grading period.” Masiglang pag-aaya ng Class adviser nila na si Mrs. Sanchez. “Sa mga gusto pang humabol, puwede pa kayong magbayad sa Cashier until Friday.” Dugtong niya.
“Bes, nakapagbayad ka na ba para sa fieldtrip natin?” Pabulong na wika ni Ryan kay Claire na sa mga sandaling iyon ay katabi niya sa upuan. Nakasalong baba ito na nakatitig lang sa nagsasalita nilang teacher sa harapan.
“B-Bes, sa ngayon hindi ko kasi alam kung makakasama ako sa Field Trip. Nagkaroon kasi ng emergency sa bahay. Ibibigay na sana sa akin ng mama ko ‘yung perang pambayad, kaso bigla namang itinakbo sa ospital ‘yung kapatid ko.” Malungkot na tugon ni Claire sa kanya.
Pagkarinig nito ay bahagyang nalumbay si Ryan. Gusto pa naman niya sanang makasama ito dahil wala rin naman siyang gaanong ka-close sa kanilang classroom at sa tingin niya’y hindi niya mae-enjoy ang buong Field Trip na kung hindi niya makakasama ang kanyang best friend.
“Kailangan gawa’n ko ng paraan para makasama si Claire.” Ang bulong nito sa kanyang sarili.” Bulong nito sa kanyang sarili habang patuloy lang na pinagmamasdan ang hitsura ni Claire.
Walang anu-ano’y biglang nagtaas ng kamay si Ryan. Agad naman itong napansin ng kanilang teacher.
“Ma’am, may I go out?” Marahang wika niya.
“Sure. Huwag mong tagalan, ha? Balik ka agad. We still have our discussion.” Masiglang paalala ng kanilang guro.
Agad na tumayo si Ryan at naglakad palabas ng kanilang classroom. Dere-deretso siyang nagtungo sa Ground Floor kung saan naroon ang Cashie ng school. Sakto naman na walang pila dahil oras pa ng klase sa buong campus. Mga ilang hakbang na lang ay makakarating na siya sa window nito. Sandali siyang tumigil sa paglalakad. Natulala siya. Wari’y nagdadalawang isip kung itutuloy ba niya o hindi ang kanyang pinaplano.
Dinukot niya ang kanyang wallet sa bulsa ng kanyang pantalon. Binuklat niya iyon at sinilip ang laman. Naroon ang Dalawang Libong Piso na kanyang allowance sa buong buwan ng September. Hindi pa naman din ugali ng kanyang magulang na bigyan siya ng dagdag na allowance sa mga pagkakataong kinakapos siya o hindi na ba-budget nang maayos ang kanyang pera, maliban na lang kung may mga ibang babayaran sa school. Ngunit hindi naman na siya bibigyan pa ng pambayad sa Field Trip dahil nabigyan naman na siya at nakapagbayad na noong nakaraang linggo. Pero dahil sa kagustuhan niyang matulungan ang kanyang best friend, pikit-mata niyang inilabas ang Isang Libong Piso at dali-daling lumapit sa window ng Cashier Office.
“Ma’am, payment po for Field Trip.” Sambit ni Ryan habang nakadungaw sa maliit na butas ng Glass Window ng Cashier.
Namukhaan siya ng kahera at agad siyang tinanong,
“Mr. Salcedo, right? ‘Di ba nakapagbayad ka na last week para sa Field Trip?” Nagtatakang tanong nito sa kanya.
“Ah, opo. Hindi po para sa akin ang ibabayad ko ngayon.” Mabilis na tugon ni Ryan habang bahagyang nakangiti.
“Naku, para kanino ba ‘yang ibabayad mo? Hindi ba kayo sinabihan ng Adviser niyo tungkol sa policy sa pagbabayad ng kahit anong bayarin dito sa school? Hindi kasi puwede ang pakikisuyo sa ibang estudyante para pumila dito at magbayad. Dapt ‘yung estudyante mismo na ‘yun ang pipila para ma-verify nang maayos. Alam mo na, money matters kasi ‘yan.” Mahabang paliwanag nito.
Napakamot ng ulo si Ryan at wari’y nahihiya sa kausap na kahera.
“Gano’n po ba Ma’am? Naku, paano po kaya ang gagawin ko? Hindi niya po kasi alam na ako na ang magbabayad para sa kanya.”
“Ibig mong sabihin, sa bulsa mo mismo galing ‘yung ipambabayad mo sana ngayon?” Pang-uusisa ng kahera.
“P-Parang gano’n na nga po.” Mabilis na tugon ni Ryan sabay bawi ng kanyang mga mata sa kausap. Ibinaling na lang niya ang kanyang paningin sa ibaba. “Pero, kung hindi po talaga puwede, sige po isip na lang po ako ng ibang paraan. Siguro po iaabot ko na lang po sa kanya itong mismong pera. Pero hindi lang po kasi ako sigurado kung tatanggapin niya ito. Unlike po kapag mismong ticket na po ang iaabot ko sa kanya, ‘di ba?” Malungkot na wika ni Ryan.
Naantig ang damdamin ng kahera sa mga narinig niya mula kay Ryan.
“Girlfriend mo ba siya? Matapang na tanong ng kahera.
Nanlaki ang mga mata ni Ryan at agad na umiling-iling.
“N-Naku, h-hindi po. Best friend ko lang po.” Mariing tanggi niya.
Natawa ang kahera sa nakitang reaksyon ni Ryan.
“Ah, gano’n ba? Okay, if you say so. Pero, hindi mo maikakaila sa akin. Kung sino man ‘yang estudyanteng ‘yan, aba’y talagang mahalaga sa’yo. Kasi willing kang magsakripisyo para sa kanya.” Nakangiti at tila kinikilig na sambit sa kanya ng kahera. Napakamot ulit ng ulo si Ryan at patawa-tawa lang para maikubli ang kahihiyan na kanyang nararamdaman sa kanyang loob.
“Ahm, sige po, Ma’am. Siguro po babalik na lang po ako ng classroom.” Nahihiyang wika ni Ryan. Agad siyang tumalikod at akmang maglalakad pabalik ng kanyang classroom.
“Mr. Sacedo, wait.” Pagpigil sa kanya ng kahera. Agad na ibinalik ni Ryan ang kanyang atensyon sa kahera.
“Akin na.”
“A-Ang alin?”
“Yung bayad.”
Tinitigan ni Ryan mabuti ang mukha ng kahera at kitang kita niya ang ngiti nito sa kanyang mga labi.
“O-Okay lang po ba talaga?” Sambit ni Ryan habang unti-unting inilalapit ang hawak na pera sa nakaabang na kamay ng kahera.
“Isipin mo nalang, pambawi ko ‘to sa libreng chika at pakilig mo sa akin this morning. Naku, mabuti na lang at cute kang bata ka at ang sweet sweet mo pa.” Paliwanag ng kahera sa kanya. Bahagyang namula ang kanyang magkabilang pisngi dahil sa ipinamalas na ugali ng binatilyo. “A-anong name ni Special Someone?” Dugtong nito.
Hindi agad nakasagot si Ryan at napahawak lang ito sa kanyang batok.
“I mean, anong pangalan ang ilalagay ko sa ticket?” Natatawang paglilinaw ng kahera.
“Claire... Claire Mendoza po.” Nahihiyang tugon ni Ryan.
“O-Okay. Si Ms. Claire Mendoza pala...” Patuyang sambit ng kahera habang pasulyap-sulyap kay Ryan. Sinipat nito ang One Thousand Peso Bill na inabot sa kanya ng binatilyo upang tiyakin na totoong pera ito. “I received One Thousand Pesos.” Sambit nito.
Nahihiya man sa nangyari ay naglakas-loob na rin si Ryan upang tanungin at kumpirmahin sa kahera kung okay lang ba talaga ang ginawa niyang pagbabayad.
“Ma’am, sigurado po kayong okay lang ‘to? Hindi po ba kayo mapapagalitan?” Paniniguro nito.
Sinenyasan siya ng kahera na lumapit pa nang bahagya sa butas ng glass window at saka bumulong,
“Just don’t tell anyone. Okay?” Agad na iniabot ng kahera ang ticket para sa Field Trip at ang resibo nito. Hindi maitago ni Ryan ang tuwa nang mahawakan niya sa wakas ang ticket at ang pangalan doon ni Claire.
“Ma’am, thank you po talaga!” Bulalas ni Ryan. Sinagot naman siya ng kahera ng isang matamis na ngiti.
Agad na napatakbo si Ryan paakyat ng kanilang classroom. Hindi niya maikubli ng kanyang mukha ang labis na kagalakan na nararamdaman ng kanyang puso.
Pagkabalik niya sa kanyang puwesto, agad na napansin ni Claire ang masaya nitong mukha.
“Aba, para kang tumama sa Lotto, ah? Lumabas ka lang saglit ng classroom, nag-iba na agad ang mood mo. Anong ginawa mo sa CR, ha?” Naiintrigang tanong ni Claire sa kanya.
“Sino namang nagsabing galing akong CR? ‘Pag nag-‘May I go out’ ba, sa CR agad pupunta?” Mabilis na sagot sa kanya ni Ryan.
“So, saan ka nga nagpunta? ‘Tsaka bakit ka nga ganyan kasaya? Anong mero’n? Patuloy na pang-uusisa ni Claire.
“Later sabihin ko sayo.” Maikling sagot ni Ryan habang patuloy lang sa pagngiti.
“Whatever.” Mataray na sambit nito. Bahagya niyang inirapan si Ryan. Pagkatapos ay nagpasya na lang siya na ibaling na lang ulit ang kanyang atensyon sa discussion ng kanilang teacher.
Makalipas ang tatlong oras, agad na ring nag-dismissed ng klase ang teacher nila. Agad na naglabasan ang mga estudyante para sa kanilang 30-minute Recess Time. Katulad ng nakasanayan, sabay na lumabas si Ryan at Claire papuntang Canteen para mag-lunch.
Habang naglalakad sila, hindi na maitago ni Ryan ang kanyang kasabikan dulot ng kanyang magandang sorpresa para sa matalik niyang kaibigan.
“O, magkuwento ka na. Ano’t kanina pa halos mapunit ‘yang labi mo kaka-ngisi d’yan?” Pang-uusisa sa kanya ni Claire.
Huminto sa paglalakad si Ryan. Agad din namang napatigil si Claire. Tinitigan ni Ryan si Claire ng mata sa mata. Nabigla naman si Claire at halos hindi na makagalaw. Bahagya niyang iniwas ang kanyang paningin sa binatilyo.
“A-Anong klaseng tingin ‘yan, Bes! Para kang sira!” Naiilang na sambit ni Claire.
“Bes, sasamahan mo ako sa Field Trip. Bawal tumanggi.” Nakangiting sambit ni Ryan.
“What?” Patawang napabuntong-hininga si Claire dahil sa pag-aakala niyang pagbibiro sa kanya ng kanyang best friend.
“What do you mean? ‘Di ba sinabi ko naman na sa’yo? Malabo na akong makasama, kasi wala pa akong maipambabayad. Ang mahal mahal pa naman ng Fee para do’n. Paano naman kita masasamahan sa Field Trip. Ano ‘yon magwa-1-2-3 ako? Kahit kailan talaga Ryan, you’re unbelievable!”
“Paano ba kita makukumbinse na samahan ako sa Field Trip?” Sambit ni Ryan habang patuloy pa rin itong nakangiti na tila nang-aasar kay Claire.
“Hay naku, Ryan. Stop it already! Alam mo naman na imposible ‘yang gusto mo. Mapapapayag mo lang ako kapag binigyan mo ‘ko ng ticket para makasama ako! Pero sigurado naman akong hindi posible ‘yon kaya tigilan mo na ‘yang pagbanggit tungkol sa bagay na ‘yan!” Mataray na tugon ni Claire.
Biglang may dinukot na kung ano si Ryan sa kanyang bulsa. Agad niyang kinuha ang kanang kamay ni Claire at iniabot sa kanya ang bagay na iyon.
Napa-ismid si Claire nang makita niya kung ano ang iniabot sa kanya ni Ryan.
“Naku, Ryan. Nabanggit ko lang na maglabas ka ng ticket, nilabas mo naman agad ‘yung ticket mo! As if naman puwede ko ‘tong gamitin, ‘no? Nakataas ang kilay na sambit ni Claire.
“Look closely!” Ani Ryan.
Napatingin ito nang bahagya kay Ryan. Mas nag-init ang kanyang ulo ng makita niyang nakangiti pa rin sa kanya ito na para bang pinagti-trip-an lang siya. Muli niyang tinitigang mabuti ang ticket. Sinipat ang bawat detalyeng nakalagay doon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang matuklasan niya na hindi naman pangalan ni Ryan ang nakalagay, kundi ang kanyang sariling pangalan.
Natulala ito at natagalan bago makapagsalitang muli.
“R-Ryan? B-Bakit pangalan ko ‘yung nakalagay dito?” Tanong niya.
“Because it’s yours.” Malambing na tugon ni Ryan sa kanya sabay kindat. “Though, kailangan mo ‘tong bayaran, of course. And the only valid payment that you can give to me is your acceptance.” Magiliw na dugtong niya.
***