Chapter 27—The Memorable Trip

1869 Words
May 27, 2020 Puerto Prinsesa International Airport 1:35 AM Ilang minuto lang ang nakalipas ay halos kalahati na ng mga pasahero ng eroplanong sinakyan nila Ryan at Claire ang nakalabas. Kaya naman nagpasya na rin si Ryan na ayain si Claire para maglakad na palabas doon. “O siya, mas maganda siguro kung sa labas ng eroplano mo na ituloy ‘yang pagtataray mo para puwedeng puwede ko na ring pakawalan ‘tong pagtawa ko sa’yo. Kanina ko pa pinipigilan, ‘eh. Sambit ni Ryan habang halos mapunit na ang labi sa kanyang pagngiti. “Eh, pa’no kung ayaw ko lumabas?” Pilyang sagot ni Claire. “Edi wag ka lumabas. Dito ka lang for life!” Patuyang sambit ni Ryan. Inilawit niya nang bahagya ang kanyang dila na para bang ugali ng isang bata at saka ngumiti nang halos umabot na sa kanyang tainga. Hindi kumibo si Claire. Tinitigan lang niya nang malagkit si Ryan hanggang sa makaramdam ang binata ng bahagyang pagkabahala. Kahit na inaasar naman kasi ni Ryan nang halos sagad sa buto ang kanyang matalik na kaibigan, ayaw din naman niyang makita ang kanyang best friend na nasasaktan ang kalooban o ‘di naman kaya’y mapikon nang totoo sa kanyang mga banat. Kaya naman agad na rin niyang sineryoso ang pakikipag-usap dito, bago pa ito tuluyang mainis sa kanya. “Joke lang, Bes! Ikaw naman, masyado kang seryoso. Ang totoo niyan, kailangan na rin talaga nating bumaba dito, bukod sa kakaunti nalang ang tao, ‘eh may naghihintay kasi sa atin na van sa labas ng airport. Nakakahiya naman kung paghihintayin natin yung driver nang sobrang tagal, ‘di ba?” Seryosong paliwanag ni Ryan. Napa-singhal si Claire at ngumiti ng sarcastic. “O ano ka ngayon? E ‘di nasindak ka? Grabe ka mang-asar sa akin pero ang ending, tumitiklop ka naman sa akin pag nagseryoso ako? Takot ka naman kapag tinitigan na kita ng masama? Hay naku, ‘wag ako Bes! Hindi mo ‘ko matatalo sa mga pamimikon mo sa akin!” Confident na sagot ni Claire sa kanya. Bahagyang natawa si Ryan. “Whatever.” Ito na lang ang nasambit ni Ryan habang pasimpleng iniirapan ang dalaga.” O, sige, you won this time. Happy?” Dugtong niya. Pinagmasdan ni Claire ang talunang mukha ni Ryan. Agad siyang napangiti at halos hindi rin mapigilan ang sarili sa pagtawa. “Oo! Happy! Tabi ka nga d’yan!” Walang pag-aalinlangang sagot ni Claire. Agad siyang tumayo at kinuha ang kanyang maleta sa bandang ulunan nila. Pagkakuha ng kanyang gamit, muli niyang ibinalik ang kanyang paningin kay Ryan na sa mga oras na iyon ay naka upo pa rin. “Bes! Tara na! Wag ka na mag-drama d’yan. Sinindak lang naman kita, ‘eh. Nagpasindak ka naman? Natatawang wika ni Claire sabay kindat sa kanyang bestfriend. “Oo na, you won this time.” Mamaya ka lang sa’kin.” Pabirong pagbabanta sa kanya ni Ryan. Agad na rin niyang kinuha ang kanyang bagahe sa bandang itaas nila. Pagkakuha ay pilit na rin itong humabol sa lakad ni Claire. Naglakad si Claire sa Aisle at nakita niya ang masasayang mukha ng mga Cabin Crew na nakaabang sa bungad ng pinto ng eroplano. Sa ‘di inaasahang pagkakataon, tila may naalala siyang isang parte ng kanyang nakaraan, kasama si Ryan. Magkahalong tuwa at hiya ang kanyang naramdaman habang sinasariwa sa kanyang isip ang mga pangyayaring iyon. *** September 12, 2008 Bonifacio High School 6:00 AM Field Trip Day. Araw na pinakahihintay ni Ryan. Maaga siyang nag-prepare at pumunta ng kanilang school. Halos hindi siya nakatulog kinagabihan sa sobrang pagkasabik nito. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na makakapunta siya sa Enchanted Kingdom. At hindi niya maitago ang kanyang saya dahil sa pakiwari niya’y mas magiging memorable ang pagkakataong ito sa kanya dahil makakasama niya ang kanyang best friend. Alam na alam kasi niya kung gaano rin kagusto ni Claire na makapunta sa Amusement Park na iyon. Mabuti nalang talaga at nakumbinse niyang sumama ito. Kung tutuusin ay ayaw talaga sanang sumama ni Claire dahil nahihiya ito kay Ryan. Hindi niya kasi inasahan na mag-e-effort nang gano’n katindi si Ryan para lang makasama siya. Nahihiya man ito ay hindi na rin niya tinanggihan ang pagsama bilang pagpapakita ng appreciation sa ginawa ng kanyang matalik na kaibigan para sa kanya. Pagkarating ni Ryan sa Campus, agad niyang natanaw ang mga nakaparadang mga bus sa gilid ng Main Gate ng eskuwelahan. Dere-deretso siyang pumasok sa loob ng campus at agad na nagtungo sa Campus Gym, kung saan naroon ang iba pang mga estudyante na naghihintay ng kanilang mga kasama. Lubos niya itong ikinatuwa dahil bukod sa kanya ay may iba rin pa lang mga estudyante ang naunang pumunta ng school. “Hindi lang pala ako ang super excited sa pupuntahan namin!” Bulong ni Ryan sa kanyang sarili. Agad niyang nilibot ang kanyang paningin. Sinipat-sipat niya ang mga mukha ng estudyanteng naroroon sa pag-asang may mga makikita na siyang kaklase na naghihintay na rin sa kanilang pag-alis. Lumundag ang kanyang puso nang sa ‘di kalayuan ay makita niyang naroon na pala ang kanilang Class Adviser na nag-uumpisa nang mag-roll call ng kanilang section. Patakbo siyang lumapit sa kinaroroonan ng kanilang teacher. Naroon na rin palang nakapila ang ilan pa sa kanyang mga kaklase. “Good morning, Ma’am!” Masayang pagbati niya sa kanilang Adviser. “Mr. Salcedo, here you are! Kasama mo na rin ba si Ms. Mendoza?” Bungad na tanong nito sa kanya. Nasanay na rin kasi ang kanilang guro na makita silang laging magkasama. Kaya naman tinanong niya agad si Ryan nang makita niyang wala sa kanyang tabi ang dalagita. “Wala pa po ba dito, Ma’am?” Nagtatakang tanong ni Ryan. “Wala pa. Naku, we’ll be leaving here at exactly 6:30. Kung may contact ka sa kanya, better if you reach her right now. Baka maiwanan siya ng bus.” Tugon nito sa kanya. “Ah, okay po Ma’am. Tatawagan ko na po siya ngayon.” Mabilis na tugon ni Ryan. Dali-daling nag-dial si Ryan sa kanyang cellphone para kamustahin si Claire kung nasaan na ba ito. *** (On the phone) Claire: Hello, Ryan? Ryan: Hi, good morning, Bes! Claire: Good morning. Ryan: Oh, nasaan ka na ba? It’s past 6 already. Hinahanap ka na ni Ma’am Perez. Claire: Paalis na ba ‘yung mga bus? Ryan: Hindi pa naman. Pero mag-start yata magpa-pasok sa bus ng around 6:30. Bilisan mo na. Baka mawalan ka ng mauupuan. Claire: Ryan, chillax ka lang. Imposible namang saktong 6:30 AM yan makaalis. At saka sa dami ng bus, I’m sure hindi naman agad makakalayo ‘yung bus natin if ever ma-late talaga ako ng dating. Ryan: Ikaw talaga, nakuha mo pang magbiro. Bilisan mo na kasi! Claire: Oo na. Basta, i-reserve mo ako ng seat, okay? Ryan: Oo. Pero sana naman makarating ka bago pa magpapasok sa bus. Claire: Don’t worry. Malapit na rin naman ako. Medyo mabagal lang kasi magpatakbo itong driver ng Jeep na nasakyan ko. Ryan: Okay, keep me updated. I-text mo nalang ako kung nandito ka na sa vicinity ng school, okay? Claire: Okay, Bye! Ryan: Bye! (Phone call drops) *** Makalipas ang labinlimang minuto, nagsimula na ngang magpapasok ng mga estudyante sa kani-kanilang designated bus per section. Si Claire na lang ang kulang sa section nila Ryan. “Ryan, ‘asan na raw si Claire?” Muling tanong ng kanilang Class Adviser na si Ma’am Perez. Medyo nakataas na ang isang kilay nito. “Ma’am, malapit na po ‘yun. Magpapahuli na lang po ako sa pila. Hintayin ko po siya dito.” Ani Ryan. Kahit damang dama pa ang malamig na hamog sa paligid ay pinagpapawisan si Ryan sa kanyang noo dahil sa tensyon na kanyang nararamdaman. Kinakabahan siya na baka talagang hindi umabot si Claire at tuluyan itong maiwanan ng Bus. “Nasa’n ka na ba, Bes? Bakit ang tagal mo?” Bulong ni Ryan habang nakatanaw sa Main Gate ng School at umaasang ‘di magtatagal ay makikita niya si Claire na pumapasok rito. “Ryan, the time is almost up for her. You need to get inside the bus now for the briefing.” Sambit ng Class Adviser. Animo’y walang narinig si Ryan. Patuloy lang itong nakatanaw sa gate. Para sa kanya ay walang saysay ang kanyang pagsama sa Field Trip kung hindi rin naman niya makakasama ang kanyang best friend dito. “Ryan, come on!” Medyo pagalit nang wika ni Ms. Perez sa kanya. Wala pa rin talagang Claire na nagpakita sa gate. Namanglaw ang mukha ni Ryan. Napabuntong hininga siya at saka tumugon sa kanyang nayayamot na adviser. “Alright, Ma’am. I’m going in right now.” Matamlay na sagot nito. Agad siyang tumalikod at nagsimulang humakbang paakyat ng Bus. Kakadampi pa lang ng kanyang sapatos sa maliit na hagdan ng Bus ay may narinig si Ryan at ang Class Adviser nila na sumisigaw sa ‘di kalayuan. Lumingon ulit si Ryan sa kanyang likuran at doo’y nakita niya si Claire na humahangos at kumakaway pa upang mapansin siya ng kanilang Class Adviser. “Ma’am, Wait! I’m here!” Sigaw ni Claire. “Bes!” Bulalas ni Ryan. Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Ryan nang makita niyang naroon na rin sa wakas si Claire. “Bes! Sorry, super na-delayed ang pagdating ko. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako sa biyahe. Ewan ko kung anong nangyari sa akin. Siguro dahil sa sobrang bagal magpatakbo ng driver. Hinele ata ako, ‘eh.” Paliwanag ni Claire sabay bahagyang napa-ngiwi. “Okay lang ‘yan, Bes! Ang mahalaga nakaabot ka.” Pag-comfort ni Ryan sa kanya. “Ehem! Ehem!” Pasadyang ubo ng kanilang Class adviser na halos nasa tabi lang nila. Naka-pamewang na ito at naglabasan na ang mga wrinkles nito sa paligid ng dalawang mata. “Ay, Ma’am! Nandiyan po pala kayo. S-Sorry po ulit at na-late po ako. Kailangan ko po bang ulitin ‘yung paliwanag ko?” Nahihiyang sambit ni Claire. Medyo pinilit niya ang kanyang pagngiti. Iniisip niyang baka sakaling humupa ang init ng ulo ng kanilang guro kung pabiro niya itong kakausapin. “Di na kailangan. Narinig ko na ang pag-uusap niyong dalawa. Pumasok na kayo bago pa tayo pare-parehong pagsarhan ng pinto ng Bus na ‘to.” Malamig na sagot sa kanila ng kanilang guro. “O-Okay, Ma’am.” Sabay na sagot ng dalawa. Dahan-dahan silang umakyat ng bus. Medyo may halong hiya ang kanilang naramdaman nang makarating sila sa aisle ng at makita nilang nakatingin ang lahat ng kanilang mga kaklase. Ang iba ay nagtaas ng kilay sa kanila, habang ang iba naman ay patagong kinikilig. Dahil kilala na nga sila ng kanilang section na lagi silang magkasama, may kaklase silang nagmagandang loob na nagreserba na ng dalawang magkatabing upuan para sa kanila. Alam kasi nila na hindi naman nila mapaghihiwalay ang dalawa. “Bes, sorry talaga na-late ako. Tayo tuloy ang center of attraction dito.” Bulong ni Claire kay Ryan habang dahan-dahan silang lumalakad palapit sa kanilang uupuan. “Just ignore them. Ang mahalaga, magkasama tayo sa trip na ‘to.” Malambing na sagot sa kanya ni Ryan. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD