Chapter 28—Stay By Your Side

1201 Words
May 27, 2020 Puerto Princesa International Airport 1:45 AM Makalipas ang ilang minuto, sa wakas ay nakalabas na rin ng eroplano sina Ryan at Claire. Agad-agad naman silang naglakad palabas ng airport para i-meet ang nirentahan nilang van na maghahatid sa kanila nang deretso sa Town Proper ng El Nido, kung saan naroon ang Hotel na tutuluyan nilang dalawa. Si Ryan ay bahagyag nauuna sa paglalakad habang kausap sa cellphone ang driver ng van. Si Claire naman ay nasa likuran lang at sinusundan ang bawat hakbang ng kanyang best friend. Medyo lutang pa siya dulot ng pagsakay nila ng eroplano. Nilingon ni Ryan si Claire. Bahagya siyang natigilan nang mapansin niyang lumalaki na pala ang agwat nilang dalawa sa paglalakad. Agad siyang lumakad palapit sa kanyang best friend. “Bes, are you alright?” Tanong nito. “Y-Yes. Oo naman. Medyo nahihilo lang. Sa sobrang lakas lang siguro ng aircon ng airport.” Mabilis na sagot ni Claire. Ayaw niyang deretsong sabihin na may “Jetlag” siya dahil alam niyang hindi na naman titigil si Ryan sa pang-aasar sa kanya kapag nalaman niya. “Gano’n ba? Naku, kaya mo pa ba bumiyahe? Or, gusto mo magpahinga muna tayo?” Ani Ryan. Mababakas sa tono ng kanyang pananalita ang labis na pag-aalala sa dalaga. “Don’t worry, Bes. I’m okay. Simpleng hilo lang naman ‘to. ‘Tsaka, malayo pa tayo sa Town Proper ng El Nido, right? Ayaw ko naman na ma-delay pa tayo sa pagdating doon dahil lang sa pagkahilo kong ‘to.” Sagot ni Claire habang hinahawi nito ang kanyang buhok na humaharang sa kanyang mukha. “Sigurado ka ba?” Paniniguro ni Ryan. “Of course, Ryan. Ako pa ba? Wala ka talagang bilib sa akin kahit kailan, eh.” Pagyayabang ni Claire. “Hindi naman sa gano’n, Bes. Gusto ko lang talagang masiguro na okay ka. Mahaba-haba pa kasi talaga ang land travel natin for us to get there sa Hotel kung saan tayo mag-i-stay for the whole vacation.” Malumanay na pagpapaliwanag ni Ryan. “It’s five to six hour drive, you know. Mahirap kung sa gitna ng biyahe bigla kang magsuka, o kaya worst case scenario, baka mag-collapse ka pa. Dugtong pa niya. “You don’t have to worry about me, okay? Ayos lang talaga ako. I can manage myself. Sambit ni Claire habang tumatango-tango. “Asan na ba kasi yung van natin? Tara na para makarating na tayo agad sa Hotel.” Pag-aaya niya. Pinilit na ngumiti ni Claire para ipakita kay Ryan na okay lang talaga siya. Ngunit ang totoo, inaatake talaga siya ng “Travel Sickness” nang mga sandaling iyon. Pero ayaw niyang mag-alala pa lalo sa kanya si Ryan at baka mawala pa ang excitement na nararamdaman nito sa kanyang puso. Nangako siya sa kanyang sarili na hinding hindi niya hahayaang malumbay si Ryan habang nasa bakasyon silang dalawa at magkasama. Kaya kahit sobrang nahihirapan siya ay tiniis na lang niya ang bigat ng kanyang ulo at labis na pagkahilo. “Alright. If you say so. I trust you naman, ‘eh. Basta, if in the middle talagang hindi mo na kayanin, magsabi ka agad, ha? Puwede naman tayong huminto sa biyahe ng ilang minutes. Or even an hour. Hindi naman tayo masyadong nagmamadali. Medyo lang.” Paalala at muling pagbanat na biro ni Ryan sa kanya. “Ang corny mo talaga kahit kailan. Mukhang mas magkakasakit ako dahil sa mga banat mo, ‘eh. Ani Claire sabay ismid. Napahalakhak naman si Ryan nang marinig ang mga salitang ito mula kay Claire. “Ayan, nagtataray ka na ulit. Mukhang bumabalik na ‘yung Claire na kilala ko. That’s a good sign!” Masiglang sabi ni Ryan. “Ano ka ba? Okay naman talaga ako. Ikaw lang naman ang nag-iisip kanina pa na hindi ako okay. Kahit na pinagdidiinan ko naman sa’yo na ayos lang naman talaga ako.” Ani Claire. Pagkatapos niyang masabi ang mga katagang iyon ay bahagya siyang natahimik. Blangko ang kanyang mukha na nakatitig lang kay Ryan na tuloy-tuloy lang sa pagtawa. “Oo na, oo na. Never naman akong nanalo sa kahit na anong argument laban sa’yo.” Mapanuksong sambit ni Ryan. “Alam mo mabuti pa nga, bilisan na natin ang pagpunta sa may waiting shade sa labas. Nandoon na raw kanina pa ‘yung van.” Dugtong niya. “O, ‘yun naman pala, ‘eh. Bakit ‘di mo naman sinabi sa akin agad? Kanina ko pa tinatanong, ‘eh.” “Eh ikaw, ‘eh. Alam mo namang hindi ako napapalagay sa tuwing napapansin kong may hindi tama sa ikinikilos mo.” Pagpapaliwanag ni Ryan. Inakbayan niya si Claire at dahan-dahang inakay palabas ng airport. “O siya, oo na. Pasensya ka na kung napag-alala kita. ‘Wag ka nang mag-alala, okay? Unti-unti naman nang bumubuti ang pakiramdam ko.” Mabilis na sagot ni Claire. “Halika na nga. Bilisan na natin at baka mamuti na ‘yung mata ni manong driver dahil sa tagal niyang paghihintay.” Dugtong niya. Binilisan ni Claire ang kanyang paglalakad. Sinabayan naman ni Ryan ang halos patakbong-lakad na ginagawa ni Claire upang hindi maalis ang kanyang braso sa pagkakaakbay niya sa dalaga. Pasimple nilang sinusulyapan ang isa’t isa na parang mga bata. Kapag natiyempuhan ni Claire na sa iba nakatingin si Ryan ay magiliw niya itong pinagmamasdan. Halos tumatagal ng sampung pitong segundo ang bawat pagtitig na nagagawa ni Claire. Pero kapag napansin na niya na palingon nang muli sa kanya si Ryan ay agad niyang binabawi ang pagtitig dito at magkukunwaring lilinga-linga lang sa malayo. Nagpatuloy sila sa paglakad patungong waiting shade sa labas ng airport. Ilang metro na lang ang layo nila sa kinaroroonan ng van na maghahatid sa kanilang dalawa sa El Nido. Hindi naman nagtagal ay tuluyan nang napansin ni Ryan ang panay na pagnanakaw-tingin sa kanya ni Claire. Kaya naman, sa isang kisap-mata ay sinadya niyang biglain ang paglingon niya sa rito. Anupa’t nagulat talaga si Claire. Bahagya ulit itong natigilan sa paglalakad. “Bulaga! Ikaw Bes ha, may pasulyap sulyap ka pang nalalaman. ‘Di mo nalang sabihin sa akin nang harapan na naga-gwapuhan ka sa akin.” Ani Ryan. Hindi niya napigilan ang kanyang pagtawa. “Hoy, ang kapal ng mukha mo, ha?” Ito lang ang nasambit ni Claire habang unti-unti niyang naramdaman ang bahagyang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi. Iniwas niya sandali ang kanyang paningin kay Ryan. Subalit nang marinig niya ang magiliw na pagtawa nito ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili na sulyapan itong muli. Doon ay nakita niya ang matinding ngiti sa mga labi nito. Ngunit nang tingnan niya ang mga mata nito ay iba naman ang ipinapakitang emosyon nito. Bumigat ang loob ni Claire at tila may kung anong tumusok sa kanyanga puso subalit ayaw niyang ipahalata ito kay Ryan. Ayaw na niyang makadagdag pa sa bigat ng nararamdaman ng kanyang pinakamamahal na matalik na kaibigan. “Mukhang kaya kong pangitiin ang mga labi mo, pero hindi ang puso mo. Mas magpapakatatag pa ako para sa’yo. Kung nasasaktan man ako ngayon, alam kong wala pa ‘to sa kalingkingan ng sakit na nararamdaman mo ngayon. Kaya hangga’t kaya ko, magtitiis ako. At dumating man ako sa puntong hindi ko na kaya at sobrang sakit na, ipu-push ko pa rin ang sarili ko para kayanin ko. I will stay by your side. I’ll never leave you, Ryan.” Pagkausap ni Claire sa kanyang sarili. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD