September 12, 2008
Enchanted Kingdom
9:00 AM
Matapos ang ilang oras na biyahe, nakarating na rin sa wakas ang sinasakyang bus nina Claire at Ryan sa kanilang destinasyon: sa Enchanted Kingdom. Hindi maitago ng dalawa, pati na rin ng buong klase ang kasabikan nilang makababa ng bus at tuluyang makapasok sa pamosong Amusement Park na iyon. Init na init na ang kanilang mga habang hinihintay na maka-park nang maayos ang bus na kanilang sinasakyan. Habang naghihintay ang lahat sa hudyat ng kanilang adviser, nagmasid muna ang mga estudyante sa malalaking bintana ng bus upang masulyapan ang labas. Ngunit congested masyado ang labas dahil sa dami na rin ng bus na patuloy na pumapasok sa parking lot ng lugar.
“Finally, Claire! ‘Andito na tayo! Ang tagal namang magpababa! Hindi na ‘ko makapaghintay!” Bulalas ni Ryan.
“Easy ka lang d’yan, Bes. Makakababa rin tayo at makakapasok sa loob.” Mahinahong tugon ni Claire. Nakangiti siya sa kaibigan habang pilit na hinahawakan ang kanyang emosyon. Sa totoo lang ay sabik na sabik na rin siya, ngunit ayaw naman niyang ipakita ito masyado kay Ryan dahil baka lalong hindi na makapaghintay ang kanyang kaibigan at bigla na lang tumakbo sa harapan ng bus kahit nakasara pa ang pinto nito. Kung magkagayon ay sigurado siyang aagaw na naman sila ng atensyon at muli silang mapapahiya sa harapan ng buong klase.
Maya maya pa’y biglang naramdaman ni Ryan ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Tumatawag pala si Nick. Agad niya itong ‘nilabas at sinagot ang tawag.
***
Ryan: Hello, Bro! Good morning!
Nick: Good morning! Ano kamusta? Nakarating na ba ‘yung bus niyo dito sa E.K.?
Ryan: Oo bro, medyo kanina pa. Pero di pa kami pinabababa, ‘eh. Pero pabababain na rin siguro kami in few minutes. Kayo ba ng section niyo ni James?
Nick: Nauna lang pala kayo ng kaunti sa amin. Nandito pa lang kami sa labas ng parking lot,m. Grabe super congested. Ang daming bus! May nakasabay yata tayo na taga ibang campus.
Ryan: Ah, oo nga. Palagay ko nga. O pa’no? Meet na lang tayo mamayang lunch?
Nick: Oo, sige gano’n na lang nga. Teka, ngayon mo ipapakilala sa amin ‘yung best friend mo na kaklase mo ‘di ba? Kasama mo ba siya?
Ryan: Ah, oo. Actually, katabi ko siya ngayon.
Biglang napalingon si Claire kay Ryan nang marinig niya ang binanggit ni Ryan sa kausap. Bahagya itong napakunot-noo, wari’y iniisip kung sino ba ang kausap ni Ryan at ano ang pinag-uusapan nila. Samantala, si Ryan naman ay tuloy-tuloy lang sa pakikipag-usap niya kay Nick na nasa kabilang linya.
Nick: Aba! Ayos ‘yan! Gustong gusto na namin siyang makilala sa personal. Ano nga palang pangalan niya?
Ryan: Naku, mamaya ko na sasabihin. Basta, isasama ko siya mamaya ‘pag nakipagkita na ako sa inyo mamayang lunch.
Nick: Alright! Sige bro. Si Iya naman ang kakamustahin ko.
Ryan: Okay, sige. Let’s enjoy this day!
Nick: ‘Right! Bye Bro!
Ryan: Bye!
***
Pagkababa ng tawag, agad na inusisa ni Claire si Ryan.
“Bes, sino ‘yung kausap mo sa phone?” Aniya.
“Ah, si Nick. Kabarkada ko. Schoolmate natin siya. Fourth year high school na siya ngayon.” Mabilis na sagot ni Ryan.
“Ah, okay. Ano ‘yung pinag-uusapan niyo kanina? Parang may nabanggit ka tungkol sa akin?” Muling pagtatanong niya sa kaibigan.
Ngumiti si Ryan at saka lumingon kay Claire. Tinitigan niya ito nang malagkit sa mata at saka sinagot ang tanong ng kanyang matalik na kaibigan.
“I told them about you. Sinabi ko sa kanila na mayroon akong best friend sa classroom.” Aniya.
Walang imik si Claire. Hindi niya inialis ang kanyang paningin kay Ryan habang hinahayaan niyang patuloy lang na magpaliwanag ang kaibigan niya.
“So, ‘ayun. They got interested kung sino ba ‘yung taong naging malápit sa akin liban sa kanila. Sila kasi ang mga nauna kong naging best friends. Halos pamilya na nga ang turing namib sa isa’t isa. Kaya sabi ko sa kanila, ipapakilala kita sa kanila in due time. And, I think, ito na ‘yung pagkakataon na ‘yon para ma-introduce kita sa kanila.” Patuloy na pagku-kwento ni Ryan.
“O-Okay lang ba ‘yon? Hindi ba nakakahiya sa kanila? Baka kaya gusto nila akong makilala kasi iniisip nila na hindi ka na nila madalas makasama sa campus dahil sa akin. Baka isipin nila inilalayo kita sa kanila.” Wika ni Claire. Mababakas sa kanyang pagsasalita ang labis na pagkabahala.
“Ano ka ba? Mababait ‘yung mga ‘yun. At saka, kaya nga kita ipapakilala rin sa kanila, para puwede na tayo magka-bonding ng sabay-sabay. Naniniwala naman ako na mabilis mo silang makakapalagayan ng loob. At gano’n din sila sa’yo. Kaya ‘wag ka nang magulumihanan dyan, okay? There’s nothing to worry about!” Wika ni Ryan habang inaakbayan ang kaibigan. Pasimple namang sinilip ni Claire ang kamay na pumulupot sa kanyang kaliwang balikat. Pagkatapos ay agad din niyang binawi ang kanyang paningin. Saktong pagbalik niya ng paningin ay nahuli niya si Ryan na nakatitig lang sa kanya habang halos mapunit na ang mga labi sa pangngiti. Sa ‘di maipaliwanag na dahilan ay uminit ang pisngi ni Claire at nakaramdam siya ng bahagyang pagka-ilang sa kanyang kaibigan. Agad niyang binawi ang kanyang paningin at yumuko. Gusto niya sanang ipaalis kay Ryan ang kanyang kamay mula sa pagkakaakbay ngunit hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig dahil sa matinding kabog ng dibdib na kanyang nararamdaman.
“Okay, Class, we’re good to go! Paki-check nang maigi ang mga gamit niyo at baka may makalimutan kayo. ‘Yung mga kalat, please lang pakipulot...” Malakas na sambit ng kanilang class adviser. Hindi na niya natapos ang mga gusto niyang sabihin sa buong klase. Agad na nagsipagtayuan ang lahat ng mga estudyante at halos mag-unahan na lumabas sa kinauupuan nila, anupa’t nagkumpulan sila sa aisle ng bus.
“Naku, ang buong akala ko ‘eh ako lang ang nakakaramdam ng excitement sa pagpunta natin dito. Mas grabe pala ang excitement ng iba nating mga kaklase.” Sambit ni Ryan. “Hayaan na nga natin sila g maunang lumabas. Magpahuli nalang tayong dalawa. Nakakahiya naman kasi sa kanilang lahat.” Dugtong niya.
“Oo nga, ‘eh. Pero, siguro mag-ayos na rin tayo ng mga gamit natin?” Pag-aaya ni Claire.
“Sure, sige!” Pagpayag niya.
Dali-daling inialis ni Ryan ang kanyang nakapulupot na braso kay Claire at iniayos ang kanilang mga gamit. Si Claire naman ay palihim na napabuntong-hininga dahil sa wakas ay naialis na rin ni Ryan ang kanyang kamay sa kanyang balikat. Dahil dito ay unti-unti na ring humupa ang init sa kanyang magkabilang pisngi at naging banayad na rin ang t***k ng kanyang puso. Ngunit kahit na ayos na ang kanyang pakiramdam ay hindi niya maiwasang itanong sa kanyang sarili kung bakit gano’n ang nagiging epekto sa kanya sa tuwing inaakbayan siya ng kanyang best friend. Naalala niya ang mga pagkakataon noon na inaakbayan din siya ni Ryan at nararamdaman din niya ang parehong pakiramdam na kanyang naranasan kani-kanina lang.
“Bakit ba ako affected sa pinapakita niya sa akin?” Tanong niya sa kanyang sarili.
Hindi pala niya napansin na napatulala na pala siya.
“Bes, o-okay ka lang ba? Marami nang nakalabas na mga kaklase natin. Tara na?” Pag-aaya ni Ryan.
Nilinga ni Claire ang kanyang paligid at nakita nga niya na nakalabas na ang mga kaklase nilang sa bandang unahan nakaupo. At halos iilang estudyante na lang rin ang natitira sa loob ng bus.
“Guys, come on, double time!” Muling pag-a-announce ng kanilang class adviser.
Dali-daling tumayo si Ryan. Tumingin siya kay Claire at sinenyasan ito para tumayo na rin. Agad din namang tumayo si Claire at sumunod sa likod ni Ryan.
***