Chapter 30— Brace Yourself

1146 Words
“Okay lang po kami, Mang Paul.” Ang mahinahong wika ni Ryan. “Eh ikaw Ma’am Claire, okay ka lang po ba d’yan?” Muling pag-uusisa ni Paul habang tinititigan pa rin sa salamin ang dalaga. Nang mga pagkakataong iyon ay napawi naman na talaga ang kanyang matinding pagkahilo. Subalit nang dahil sa mga tinuran ni Ryan ay hindi pa rin maitago sa kanyang hitsura ang pagkabalisa. Kapansin-pansin ang mga maliliit na pawis na namumuo sa kanyang noo. Ang tensyon niya sa buong katawan ay tila naipon lahat sa kanyang mukha. “O-okay lang po ako, medyo, mainit lang po yata ‘yung buga ng aircon?” Sambit ni Claire. Bahagyang napakunot ang noo ni Ryan dahil halos manginig na nga siya at nakahalukipkip na lang dahil sa tindi ng lamig. Samantala, Inilapit naman ni Paul ang kanyang kanang palad sa aircon ng kanyang sasakyan. Malakas naman ang buga ng hangin nito at nakatodo na rin naman ang level nito. Sigurado siyang umaabot naman ang lamig nito sa likod. “Ma’am, pasensya na po, pero todo na po kasi ‘yung aircon.” Magalang na pagbibigay paumanhin ni Paul. “Mainit pa rin po ba talaga?” Dugtong niya. “Ah gano’n po ba?” Mabilis na sagot ni Claire. Alam niyang iyon ang itutugon sa kanya ni Paul dahil ang totoo’y malamig naman talaga sa loob ng van. Ngunit kailangan niyang makahanap ng ipapalusot nang sa gayon ay malihis ang atensyon sa kanya ni Ryan. “Manong, naiinitan po talaga ako, ‘eh. Okay lang po ba kung patayin na lang po natin ang aircon, tapos buksan na lang po natin lahat ng bintana?” Nagkatinginan sina Ryan at Paul. Hindi nila maintindihan kung ano ang nangyayari sa dalaga. Wala ngang nagawa si Paul kundi sundin ang suhestiyon sa kanya ni Claire. Agad niyang pinatay ang aircon at pinindot ang isang buton na nasa kanyang kaliwa. Agad na nagbukasan ang lahat ng bintana ng van. “Naku, maraming salamat po talaga. Pasensya na po at naabala ko pa kayo sa pagmamaneho niyo.” Magalang na sambit ni Claire habang nakatingin kay Paul. “Naku, wala po ‘yon, Ma’am. Kasama po sa serbisyo ko ang siguraduhin na nasa maayos na kalagayan at komportable ang mga pasahero ko habang nasa biyahe.” Magiliw na sagot ni Mang Paul. “Pero matanong ko lang po, hindi po ba kayo sanay talaga sa mga malayuang biyahe?” Dugtong niya. “S-Sanay naman po, Mang Paul.” Aniya. Magsasalita pa sana si Claire nang biglang sumabat sa usapan si Ryan. “Mang Paul, kung ‘di niyo po naitatanong, mga Travel Vloggers po kami. Natural na lang po sa aming dalawa ang mababad sa mga long trips.” Sambit nito. Nakangiti siya at matatanaw sa mga mata niya ang kanyang kasabikan na magkuwento pa ng maraming detalye kay Paul. “Ah, gano’n ba? ‘Eh kung gayon naman pala ‘eh bakit parang hindi yata maganda ang pakiramdam mo, Ma’am Claire?” Tanong ni Paul. “N-Naku, Mang Paul, huwag niyo nalang po ako intindihin. Minsan po talaga inaatake ako ng Travel Sickness. Kaya mabilis po ako makaramdam ng discomfort. Pagpasensyahan niyo na po.” Malungkot na pag-amin ni Claire. “Ayos lang po ‘yon, Ma’am. Huwag na po kayong mag-alala. Medyo nanibago lang po ako. Kasi ngayon lang po may nainitan sa van po na ito. Pero okay lang po iyon. Wala po kayong dapat ikabahala. ‘Yung iba nga pong nagiging pasahero ko, hindi nga naiinitan, pero sumusuka naman. Hindi po ba mas nakaka-disappoint ‘yung gano’n?” Patawang sambit ni Paul sabay sulyap sa likuran gamit ang salamin. Tumitig si Ryan kay Claire. Nang mapansin ito ng dalaga ay hindi siya nag-atubili na tanungin ito. “Oh, bakit ka naman ganyan kung makatingin sa akin?” Sambit niya. Nakataas ang kanyang kilay habang umiismid-ismid sa binata. Hindi agad sumagot si Ryan. Bagkus, unti-unting niyang pinakawalan ang hindi niya mapigil-pigil na pag ngiti. Hanggang sa ang pigil na ngiti na iyo’y nasundan na ng walang habas na pagtawa. “What’s supposed to be funny?” Naiiritang tanong ni Claire. Tinanong niya ito kahit ang totoo’y may ideya naman talaga siya kung ano ang nasa isip ni Ryan nang mga sandaling iyon. “You know what I remembered, Bes!” Bulalas ni Ryan habang hindi pa rin niya mapigilan ang sarili sa pagtawa. Si Claire naman ay walang imik na nakatitig lang nang malagkit sa kanyang kaibigan. “Ano pong naalala niyo, Sir? Baka p’wede niyo naman pong maikwento sa akin.” Pag-aaya ni Paul. “Naku, Mang Paul, ‘wag niyo nang pagpapansinin yang si Ryan. Wala namang iki-kuwentong maganda ‘yan.” Sambit ni Claire. Kitang-kita sa mukha niya ang kanyang pagkayamot. “Gano’n po ba, Ma’am? ‘Eh bakit parang iba po ang dating sa akin ng ngiti ni Sir Ryan sa inyo? Parang nakakatuwa ‘yung pangyayaring naalala niya?” Patuloy na pang-uusisa ni Paul. “Mang Paul, gusto niyo po bang marinig ang napaka-memorable na pangyayaring naalala ko, kasama si Claire?” Patuyang pag-aanyaya ni Ryan. Lumapit siya nang bahagya at inilagay ang kanyang braso sa balikat ni Claire. “Aba, siyempre naman! Sino bang aayaw sa mga ganyang klaseng kuwento?” “Naku, huwag niyo na pong alamin. Hindi po kayo matutuwa sa malalaman niyo. Baka imbes na ganahan kayo sa paghatid sa amin sa El Nido ‘eh baka magdesisyon nalang kayo bigla na pababain kami sa van na ito.” Pagbibigay-babala ng iritableng si Claire. Napabuntong-hininga siya at napailing na lang. “Naku, ‘wag po kayong mag-alala, Ma’am. Kahit gaano pa po katindi ang ikikuwento niyo sa akin, itaga niyo po sa bato, hinding hindi ko po kayo magagawang paalisin ng van na ‘to. Safe ko po kayong ihahatid sa destinasyon niyo. Ang akin lang naman po ‘eh, gusto ko lang po talagang maging magiliw sa mga nagiging customer ko. Ganito po talaga kaming mga Palaweño.” Aniya. Umaasa siya na sa pagkakataong ito’y mahimok na niya ang dalaga na pumayag na maikuwento sa kanya ni Ryan ang alaalang kanyang nagunita. Hindi lang para maki-tsismis, kundi para na rin mas makilala niya ang dalawa, at kung bakit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay may nakikita siyang kung anong bagay na namamagitan sa dalawa, ngunit hindi malinaw kung ano. Sa pakiwari niya’y hindi lang sila basta magkaibigan. Ngunit hindi rin naman maituturing na magkasintahan. Sa isip-isip niya’y baka matukoy niya kung ano iyon kung masisilayan niya kahit papaano ang nakaraan ng dalawa. Samantala, tuloy lang sa pagngisi si Ryan habang patuloy na tinititigan ang nayayamot niyang best friend. “Brace yourself, Claire. We’ll get back in time.” Nakangiting sambit ni Ryan. Kinurot niya nang marahan ang pisngi ng dalaga. Hindi naman mapakali si Claire at pilit na pinapalayo si Ryan sa kanya. Si Paul naman ay halos mahati na ang atensyon sa pagmamaneho at sa pagsulyap sa dalawa sa likod. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD