"Mukhang maagang gumising ang dalaga ko para magpaganda, ah?" pangangantiyaw sa akin ni Daddy kaya napasimangot ako sa kanya. "Dad, dati na akong maganda. 'Di ba, matagal mo nang sinasabi na mana ako sa gandang lalaki mo?" balik-biro ko kanya. Inilagay niya ang kamay niya sa baba niya pagkatapos ay tumingin sa akin na parang pinag-aaralan ako. "Hmm, dati pang-lalaki ang ganda mo. Ngayon, pang-dalaga na." Pabiro kong hinampas ang balikat ni Daddy na ikinatawa niya nang malakas. "Raphael, tigilan mo nga ang baby natin," pagtatanggol sa akin ni Mommy. Ngunit sa kanya naman ako napasimangot nang may idinagdag siya. "Ay, hindi na pala siya baby. She's already a lady." Parang kinikiliti tuloy ang naging pagtawa ni Dad. "Mommy, iba na talaga ang inspired. Iba talaga ang nagiging da

