'The Unknown'

2254 Words
"Dito!" Mabilis kaming tumakbo ni Avery pababa ng hagdan. Hindi na kami nag-elevator dahil hassle lang iyon. Maaari kaming ma-corner pagbukas ng pinto.  "Hoy, paano mo nalaman ang tungkol sa mga lalaking iyon?" Tanong ko sa kaniya. Mabilis ang bawat pagbaba namin sa hagdan.  "I just notice," "How?" Hindi na siya sumagot sa akin. Medyo nairita ako dahil pa-misteryoso pa siya ng sagot. Hindi na rin ako nag-abala pang magtanong muli. Malamang na hindi pa nagpa-process sa utak niya ang mga nangyare kaya matipid ang bawat sagot niya. I understand, Avery. Walang hinto ang bawat pagbaba namin sa hagdan. Naririnig ko na mula sa posisyon namin ang yabag ng mga men-in-black na iyon mula sa itaas na hagdan. Mukhang nasundan nila kami dito. "Napakabibilis naman ng mga 'yun," Pagrereklamo ko. Hihinto na sana ako sa pagbaba ng mapatalon ako dahil tunog ng bala natumama sa railings na nasa gilid ng hagdan. Una ay pa-isa-isa ang mga ito, ngunit kalaunan ay nagsunod-sunod na. Napayuko kami pareho ni Avery dahil sa mga ingay na iyon. "Dito may pinto," Sambit ko at saka binuksan iyon. Bumungad sa amin ang magarang hallway. Hindi ko na tuloy alam kung nasa'n na kami. Sa pagkakaalala ko, nasa 12th floor kami. Ngayon ay hindi ko na mabilang kung ilang floor ang ibinaba namin kanina. Agad kaming pumasok sa elevator kasabay ng ilang mga kababaihan na mukhang nagtatrabaho sa bar sa baba. Mga kulay ginto na kumikinang pa ang mga suot nila. Agad kaming nakipagsiksikan sa likod upang matabunan kami ng mga babaeng ito. Pagkasara ng pinto ay saka lamang kami nakahinga ng maluwag. "Paano mo nalaman?" Bulong ko kay Avery. Narinig kong humihingal pa siya dahil sa pagtakbo namin kanina. "I know him. Alam kong sinuhulan iyon ng pera ni Dad. Kaya naman ramdam ko na hindi lang tayo ang nanduon."Tumango-tango ako sa kanya na kunwari ay naiintindihan ko. Ayoko ng magtanong sa kanya. Hindi ko rin naman maiintindihan. Siguro nga kilalang-kilala niya talaga ang lalaking iyon dahil alam niyang makikipagtulungan iyon sa kanyang ama. "Hey, boy." Napasulyap ako sa babaeng nasa kanan ko. Isa siya sa mga babaeng ito na nakasuot ng kulay gintong damit. "Girlfriend mo?" Turo niya kay Avery. Lumingon sa amin si Avery at saka tumingin sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba at excitement sa maririnig ko sa bibig ni Avery. Ano kayang sasabihin niya? Oo? Sa gwapo kong ito? Aba, maswerte na siya. Saan siya makakahanap ng taong katulad?  "Nope," Mabilis na sagot ni Avery.  Para bang bumagsak ang buong mundo ko dahil sa sagot niya. Naningkit ang mata ko dahil duon. Ang babaeng ito, napakasama ng ugali. "Really? Okay, are you free tonight?" "We can give the heaven," Sabay kindat ng isa sa kanila. Dahan-dahan akong tumingin kay Avery para sana asarin siya ngunit hindi siya nakatingin sa amin. Mukha ngang hindi nakikinig, e.  "Sorry Miss, may kailangan pa kase kaming gawin, e. Pero kung mapilit ka, sige na nga." Saka ako ngumiti. Saktong bumukas ang pinto ng elevator. Muling umingay ang paligid. Kitang-kita ang maraming tao sa labas. Magsasalita pa sana ako ng hilahin ni Avery ang tainga ko. Para akong bata na hinihili ng ina palabas sa isang computer shop. Ang sakit! "ARAAAY--- Bakit?" "A, gomen'nasai. Anata wa totemo keihakudesu. (oh, sorry. You're so flirty.)" Ano daw? Bakit ba kailangan niya pang magsalita ng lenggwahe niya? Kahit kailan talaga advantage niya ito. "Ano?" "Wala," Mabilis na siyang naglakad palabas ng gusaling ito na para bang walang nangyare. Hindi mo mahahalata na kani-kanina lang ay nakipaglaban kami sa mga men-in-black na na iyon at muntik pa kaming mamatay. Grabe talaga! "Saan na tayo n'yan?"Tanong ko sa kanya. Hinabol ko pa siya dahil ang bilis niyang maglakad. "Kakain. Hindi ka ba nagugutom?" "Paano ako kakain ng mapayapa kung kanina lang ay muntik pa akong mamatay, aber?" Hindi ko na tuloy mapigilang mapamewang dahil sa sinabi ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay na para bang kilalang-kilala niya ako. *** Hindi nga ako nagkamali, sa isang iglap ay nandito na ako sa karinderyang ito dito malapit sa amin. "Bakit ang dami mong order?" Tanong ko sa kanya. "I'm hungry," "Halata nga,"  Naging busy na rin akong kumain. Ngayon ko lang naramdaman ang labis na gutom. Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa kalangitan. Mukhang ito na ang lunch at dinner namin ni Avery. Ang bilis talaga ng oras.  Matapos kumain ay naisipan na rin naming dumiretso ni Avery pauwi. Wala na ring nagsalita sa aming dalawa. Masyadong nakakatakot ang nangyare sa amin ngayon. Medyo napagod din ako. "Aba't magkasama nanaman kayo, ah." Napahinto kami sa paglalakad ni Avery ng marinig namin ang isang pamilyar na boses. Hindi ako maaaring magkamali, ang babaeng ito ang pinaka-kinaaayawan kong makita. "Konbanwa, (Good evening)" Narinig kong wika ni Avery sa gilid ko. Napa-irap ako dahil sa sinabi niya.  Eto nanaman kami.  Sa pagkakaalala ko ay marunong si Alianna mag-japanese. Paniguradong mag-uusap nanaman ang dalawang ito sa lenggwahe na hindi ko naman maintindihan. "Genki kai? (Hey, how are you?)" See? Out of the place nanaman ako. Paano ba mag-aral ng Japanese? "Watashi wa genkidesuga, erisu no tame ni Tagarogu-go de hanasu hitsuyō ga arimasu. (I'm fine but we need to speak in Tagalog for Ellis.)"  "Yeah, you're right." Pagkasabi nu'n ni Alianna ay sabay pa silang humarap sa akin. Napa-atras ako dahil sa mga tingin nila.  Tang*na, ano nanaman ito? "Saan naman kayo galing dalawa? Bakit ganyan mga itsura ninyo?" Tanong ni Alianna. Tinuro-turo niya pa kaming dalawa ni Avery. Bakit ba para siyang nanay namin?  "Wala ka atang pasok ngayon, sa'n ka galing?" Tinaasan ko pa siya ng kilay upang ipakita sa kanya na ibinabalik ko lang sa kanya ang tanong niya. Hindi naman sa kina-aayawan at kina-iinisan ko siya ng todo, ayoko lang talagang mag-krus ang landas naming dalawa. Hindi naman sa bitter ako dahil kapagalan niya ang ex ko, talaga lang na na-iilang ako sa presensya niya. Siguro ay dahil palagi niya akong hinuhuli. Nakakatampo 'yun syempre. Sinong matutuwa kung palagi kang hinuhuli? "May nilakad lang ako," "Ganu'n din kami," Napa-smirk nalang ako ng taasan ako ng kilay ni Alianna. Pagkatapos ay umayos siya ng pagkakatayo. Ano bang problema nito? Teka nga, pansin ko lang na ang ganda ng suot niyang ngayon. Kitang-kita mo na talaga ang hubog ng kanyang katawan. Bagay na bagay talaga sa kanya ang casual clothes. "Ano nanamang tinitingin-tingin mo Tantoco?" Pagsusungit niya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko at itinutok iyon kay Avery. Hindi nakatingin sa amin si Avery at mukhang may iniisip. Teka, may isip ba siya?  "Umuwi na nga kayong dalawa, may date pa ako." Wika niya sa amin at saka nagsimula ng maglakad. Pinagmasdan nalang namin siya na mawala sa paningin ko. "Let's go?" Tanong ko kay Avery. Imbis na sumagot ay tinanguan niya lang ako at nauna ng maglakad. Ano kayang problema nu'n? May nasabi ba akong mali? Ang mga babae talaga hindi mo maintindihan.  *** "Saan ba kayo nagpupunta? Palagi nalang kayong gabi na umuuwi. Ikaw Ellis, dinadamay mo pa si Avery sa katarantaduhan mo." Luh? Siya nga itong nag-aaya sa akin sa mga kung saan-saan, e.  "Nako, araw-araw nagde-date." Siningkitan ko lang ng mata si Che-che. Susulsol nanaman ang babaeng ito. Kasalukuyan kaming nasa hapag-kainan. Wala pa Papa ngayon dahil nag-overtime sa work. Simple lang naman ang trabaho ni Papa. Ang kinikita niya ay sapat lamang para sa amin. Hindi rin naman kami masyadong maluho sa mga bagay-bagay na hindi naman importante. "Keith, mamaya ay sunduin mo ang iyong ama sa kanto."  "Oo," Eto nanaman tayo sa utos ni Mama.  pagkatapos kumain ay saglit muna akong namahinga sa sofa habang nagpapababa ng kinain. Si Avery naman ay kasalukuyang nasa CR. Tuluyan na ngang inampon nila Mamasi Avery. Tuwang-tuwa naman sila kapag nandito s'ya. "Sunduin ko na si Papa," Sambit ko. Luminga-linga pa ako sa paligid. Alam ko naman nawalang nakikinig sa akin. Si Mama at Che-che ay busy. Para ka talagang tanga, Ellis.  Paglabas ko ng bahay ay bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Hindi lang ito basta hangin lang, hangin ng Maynila ito. Rinig ko rin ang mga tawanan ng mga kalyeng bata na naglalaro pa rin sa labas. May ilang mga tindahan ng isaw sa gilid-gilid at hindi mawawala ang videoke na mukhang may birthday nanaman. Hindi naman masyadong malayo ang kanto dito sa amin. Walking distance lang nama kaya keri lang. Hindi naman masyadong nakakatakot dahil may mga kasabay pa ako at alas-syete palang ng gabi. Ano kayang gagawin namin bukas ni Avery? Siya lang naman ang sinusundan ko, e. Paniguradong may plano siya dahil hindi naman niya iisiping kalabanin ang kanyang ama kung wala.  Sa totoo lang, hindi ko parin talaga maintindihan kung bakit hinahabol ng mga iyon ang babaeng 'yun. Sa pagkakaalala ko, sinabi niyang baka mahuli ang lahat. Hindi ko talaga maintindihan ang parteng 'yun. Ganu'n ba kabigat ang sikretong iyon para kalabanin niya ang kanyang ama? Isang Senador ang kinakalaban niya.  Pero wala na rin naman akong magagawa. Sa tingin ko, may hindi magandang mangyayare kung hindi ko siya tutulungan. May isip naman siguro ang babaeng 'yun. Malamang na alam niya ang ginagawa niya. Tama-tama! Pagdating ko sa kanto ay hindi ko pa nakikita si Papa. Malamang na maya-maya pa iyon ng kaunti. Kapag kase wala si Papa, inaantay ko talaga siya dito. Hindi naman ako nabo-boring dahil minsan ay may mga kausap ako dito. Hindi nga ako nagkamali, lumapit sa akin ang tindera ng fried chicken sa tabi ng waiting shed. Hindi naman sa pagmamayabang pero alam kong may gusto sa akin ag tinderang 'yun. Sino ba naman ang hindi maaakit sa taglay kong kagwapuhan? "Hi Ellis," Bungad nito sa akin. Binigyan ko siya ng magandang ngiti. "Gusto mo manok? O ako?" Woah! I didn't see that coming. "Manok," Maikli kong tugon. Sinimangutan niya lang ako na para bang nakatanggap ng isang libong dismaya. Habang inaantay ang libreng manok na ibibigay niya ay luminga-linga muna ako sa paligid upang tiyakin kung nakababa na ba ng jeep si Papa. Mukhang wala pa naman.  Ngunit... May kung ano ang umagaw ng aking atensyon. Mula sa hindi kalayuan, may nakita akong nakaparadang kotse. Hindi lang siya basta kotse dahil magarang kotse ito na kulay itim. Halatang hindi naman taga-rito ang may-ari nu'n. Wala namang mayaman sa lugar namin. Ang mga ganu'ng sasakyan ay nabibilang sa magagandang kalsada ng Makati o sa mga luxury hotels.  Kanino kaya ang kotseng iyon? Napakaganda, napaka-angas. "Ellis, ito na, oh." Napalingon ako sa gilid ko ng lumapit ang tindera ng fried chicken. Mainit-init pa ang mga manok. Mukhang kapi-prito lang. "Salamat," Pagkatanggap ko ng manok ay inilagay ko iyon sa gilid ko manok upang malamigan. Bago umalis 'yung babae ay tinawag ko ulit siya. "Yow, may tanong lang ako." "Yes?" Medyo may tunog pa ang pagkakasabi niya. Isinawalang bahala ko nalang iyon dahil ang awkward niya.  "Matagal na bang nand'yan 'yan? Kanino 'yan?"  "Kanina lang iyan, mga alas-singko." Tumango-tango ako sa kanya. "Kanino kaya 'yan? Ang ganda." Bulalas ko. Nagkibit-balikat lang ang tindera. Base sa sagot niya, mukhang hindi taga-rito ang may-ari nu'n. Matagal nang nandito ang tinderang ito kaya naman pamilyar na siya sa mga nakatira dito sa labasan. Ang tanong, kanino 'yun?  Hindi ko talaga maiwasang maparanoid kakaisip tungkol sa bagay na ito. Kinakabahan ako na ewan. Nitong mga nakaraang araw ay nararamdaman kong may sumusunod sa amin. Malamang na duon galing ang pakiramdam kong ito.  Hays! Kakaharap ko ito sa mga men-in-black, e. "Oy, salamat." Tawag ko muli sa tindera. Nakita kong medyo kinilig pa siya na ewan. Umiling nalang ako dahil sa lakas ng tama nito sa akin. Bitbit-bitbit ko pa ang plastic na naglalaman ng manok ng maisipan kong maglakad papunta sa nakaparadang kotse na iyon. Medyo na-curious ako at hindi rin matahimik. Hindi talaga mapalagay ang loob ko. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko. Ayokong may mangyareng masama kay Avery at sa pamilya ko. Sa oras na pumayag ako sa gusto ni Avery, alam ko na agad ang panganib na kinahaharap ko. Alam kong pati ako ay nasa panganib na rin. Nagpanggap ako na may bibilhin sa tabing tindahan o kaya naman ay may nakitang kaibigan. Wala rin akong idea kung may tao sa loob nu'n. Medyo malapit na ako sa bintana sa backseat ng bumaba ang salamin nito. Napahinto ako sa gulat. Tang*na! Kasasabi ko lang na wala akong idea sa loob nu'n, e. Tangek ka Ellis! "Kamusta, Mr. Tantoco." Dahan-dahan akong lumingon. Nakita ko sa loob ang isang lalaki na sa tansya ko ay nasa 50s na ito. Hindi ito nakaharap sa akin. Diretso ang tingin nito sa harapan. "Alam kong lalapit ka dito kaya naman hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito," Anong ibig niyang sabihin? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Sino ba 'to? "Sino ka naman?" Tanong ko sa kanya. Medyo pinagtitinginan na kami dahil ngayon lang din ata nakakita ang mga taga-rito ng ganitong uri ng sasakyan.  "Bakit hindi tayo mag-usap sa ibang lugar, Mr. Tantoco?" Wika niya. Sa pagkakataong ito ay humarap na siya sa akin. Gumapang ang kaba ko sa buong katawan ko. Hindi normal ang presensyang nararamdaman ko sa kanya. Sino ba talaga ang taong ito? Anong uri ng tao s'ya? Hindi agad ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Na-curious ako! Pakiramdam ko ay may kaugnayan siya sa mga men-in-black na iyon. Tang*na naman Ellis, anong nangyayare sa iyo?   *** Ps: Sino kaya iyon? Panibagong karakter kaya ito? Pahingi naman ako ng manok, Ellis. Read more!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD