'The Abandoned Mansion'

2340 Words
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito na para bang alam niya ang nasa isipan ko. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko ang kakaiba niyang presensya. Naglalaban ang isipan ko kung sasama ba ako sa kanya o makikipagtunggalian pa dito. "Sa lugar kung saan walang makikinig sa atin. Huwag kang mag-alala, ibabalik rin naman kita dito ng ligtas." Nawala na rin ang ngiti niya sa labi. Hindi ko talaga alam kung maniniwala ako sa kanya.  Tang*na naman! "Sige," *** Nakita ko nalang ang sarili ko sa isang magara at kakaibang kwarto. Lahat ng disenyo na nandito ay kakaiba rin. Halos lahat ng nandito ay sa tingin ko ay nagkakahalaga ng milyones. Anong klaseng tao kaya ito? Bakit parang ang lakas ang aura niya? Kanina ko pa nakikita ang mga lalaking naka-itim na suit. Malamang na ito ang mga men-in-black na humahabol sa amin. Ibig sabihin ay may kaugnayan nga ang lalaking ito. Kung sino man ang taong ito, malamang na malakas ang isang ito. Posible ngang makahanap siya ng tungkol sa akin. "Anong pag-uusapan natin?" Bungad ko. Nakaupo siya sa mamahaling upuan na may magagandang disenyo habang umiinom ng sa tingin ko ay imported alcohol din. May mga ginto at mamahaling alahas rin ang nakasuot sa iba't-ibang parte ng katawan niya. "Can you please leave us for a while?" Wika niya. Unti-unti na ring nagsi-alisan ang mga men-in-black. Pinanood ko pa ang mga ito na isa-isang nagsilabas sa kwartong ito. Paglabas ng mga ito ay para bang nakahinga ako ng maluwag. Sinasabi ko na nga ba, death threats talaga ang mga iyon. "How is she?" Huh? She? Sinong tinutukoy niya?  "Ano?" "I just want to know how is she," Sino nga kase? Tang*nang to pa-misteryoso. Kung hindi lang 'to matanda baka nasuntok ko na ito ng di-oras. "Fine," Iyon na lamang ang naisagot ko. Kung sino man ang tinutukoy niya, malamang na ayos lang siya. Nakita kong tumango-tango siya at bahagyang ngumiti. Napakunot ako ng noo. Kahit na nararamdaman ko ang panganib sa kanya, para bang may kaunting kabaitan akong naaaninag sa kanya.  "It's good to know na maayos ang kanyang kalagayan. Maraming salamat, Mr. Tantoco." Nanatili akong nakatitig sa kanya. Sino ba ang tinutukoy ng taong ito? Teka, nagpapasalamat siya sa akin. Wait--- don't tell me si Avery ang tinutukoy niya? Kaano-ano naman siya ng babaeng 'yun? "Na-receive ko ang nangyare sa inyo kanina. I'm here to make sure she is safe." Hindi pa rin ako sumasagot sa kaniya. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Magpapasalamat ba ako? Hihingi ng tawad? Kung hindi to masyadong pormal, baka nagmura na ako sa harap niya. "As you can see, may mga bagay talaga na kailangang pag-usapan para magkaayos. Si Avery ang tipo ng tao na masyadong rebelde, noon pa man." So, tama ako. Si Avery nga ang tinutukoy niya. Kaano-ano ba siya? He sounds like a father to her. "Kung may sinabi man siya sa iyo tungkol sa mga seryosong bagay, huwag mo na lamang intindihin iyon. Gano'n lang talaga si Avery." Dagdag niya pa. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa sinaabi niya. Mukha ngang may attitude ang babaeng iyon pagdating sa pagrerebelde. "So, what are you try to say?" Panis, English. Kahit ganito ako, marunong ako magsalita ng English with an accent. Nag-aaral naman ako ng mabuti kapag nasa school ako, noh! Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Malamang na speechless siya dahil sa English ko.  Ilang segundo siyang huminto upang mag-isip. Wala akong kasiguraduhan kung nag-iisip siya ngunit parang ganon na nga. Malamang na mabigat ang sasabihin nito. Pinag-iisipan, e. "I want you to surrender Avery to me."  Wika niya. What? Mukhang seryosong usapan na nga ito. Bakit naman siya nagsasabi sa akin? Mukha ba akong guardian ng babaeng 'yun? "Sino ka ba?" Pagtataray ko sa kanya. Ibinaba niya ang kanyang wine glass at saka umupo ng maayos.  "I'm Avery's father."  *** "Saan ka galing? Kanina pa nandito ang tatay mo." Bungad sa akin ni Mama. Tahimik akong nakatingin sa kanila. Nasa salas silang lahat ngayon, kasama si Avery. "Mukhang may chicks na nakita si kuya," Siningkitan ko ng mata si Che-che. Susulsol nanaman ang babaeng ito. Tapalan ko ng packing tape bibig nito, e. "Saan ka ba galing?" Malumanay na tanong ni Papa. Napatingin ako kay Avery na ngayon ay mukhang nag-aantay ng sagot. Saglit akong napatitig sa kanya at saka mabilis ring umiwas. "D'yan lang, nakipagkita kay Theo." Sagot ko. Hindi ko na sila pinansin at umakyat na sa kwarto ko. Pagpasok ko ay mabillis ko itong sinara at tumalon sa aking kama. Teka--- tang*na! Hawak-hawak ko parin pala yung plastic na may lamang manok. Wala na akong nagawa kung hindi kainin ito dito sa loob ng kwarto. Ayoko na rin namang lumabas. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Naghahalo ang mga emosyon ko sa katawan. Ayoko munang makita si Avery.  *** "Ang aga mo namang gumising, Ellis." "Mag-eexercise kase ako," Bungad ko kay Mama na kabababa lang ng hagdan.  "Bakit mo naman naisipang mag-exercise? Bali-bali na ba ang buto mo sa katawan?" Siningkitan ko si Mama ng mata. Grabe naman, bali agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang maging healthy?  Iniwas ko nalang ang tingin ko kay Mama. Nakagayak na rin naman ako. Hindi na rin ako nagpaalam kay Mama. Mabilis akong lumabas ng bahay na para bang may iniiwasang makita ngayong araw. Well, hindi talaga parang, meron talaga. Nahihiya kase ako. Hindi ko nga alam kung hiya ang nararamdaman kong ito. Matapos kong kausapin at makaharap ang tatay niya kahapon - yung totoo niyang tatay - hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Mukhang galing nga sa mayamang pamilya ang babaeng 'yun. Mukha rin namang mabait ang tatay niya. Bakit kaya gusto niyang kalabanin? Mukhang tama rin ang tatay niya. Baka nga nasa stage ng pagrerebelde ang anak niya kaya ganu'n. Ano ba naman 'to! Nagsimula akong maglakad papunta sa abandonadong mansyon. Ala-singko nang umaga ngunit madilim pa rin ang paligid. Napakalamig din ng simoy ng hangin. Umurong na rin ang sarili ko sa pag-exercise. Hindi naman talaga ako mag-exercise, e.  Pagdating ko du'n ay naabutan ko agad si Jet na papasok ng gate. Imbis na tawagin ay pumasok sa isipan ko ang mala-demonyong idea. "Holdap 'to," Idiniin ko pa ang pagtutok ko ng napulot kong stick sa tagiliran niya. "T-Teka lang naman, wala akong pera. T-Tang*nang 'to." Hindi ko mapigilang matawa dahil sa pangangatog niya. "Akin na cell phone mo," Naramdaman kong kinukuha naman niya ang cell phone sa kanyang buksan. Tingnan mo 'tong gag*ng 'to. Paano napasok ang grupo ko ng mga duwag?  "Gagawin mo ri--- ARAAAY!" Napasigaw ako ng may naramdaman akong parang may pumalo sa pwetan ko. Tang*na! "Sino 'yon?" "Oh! Si Boss pala 'to, e." Bwisit na mga ito. Naisahan ako du'n, ah. Binitiwan ko na ang pagkakayakap ko mula sa likuran ni Jet. Kitang-kita ko ang mapang-asar nitong ngiti sa akin. Hindi ko alam kung maiinis ba ako ng tuluyan o baka huwag na lang silang pansinin. Gayo'n pa man, medyo nakahinga ako ng maluwag dahil nandito sila. Kailangan ko talaga ang presensya nila. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Theo. Nakita ko ang usual na itsura nanaman ni Theo. Nakatingin ito sa akin na halatang binabasa nanaman ang aking isipan. Baka nga may psychic power talaga ang siraulong 'to. "Wala naman," Maikli kong sagot habang nakatingin sa kanya. Wala naman na akong maitatago sa lalaking 'to. Lahat ata ng sikreto ko alam niya. Gano'n naman talaga s'ya. Alam niya kung mayroon akong problema o wala. "Okay," sagot niya saka naunang maglakad sa amin. Pagpasok namin sa loob ng kwartong tinutuluyan namin ay mabilis na naupo ang tatlong tolonggos sa kani-kanilang upuan. Hindi ko talaga alam kung bakit sila nandito. Hindi ba sila na-boboring? Wala naman silang gagawin rito, e. "Nalibot n'yo na ba ang bahay na ito?" Bulalas ni Frank. Nagtinginan pa kami kahit medyo madilim dahil wala namang ilaw rito. "Why?" Ani Ash.  Oo nga. Hindi pa namin nalilibot ang bahay na ito. Ilang buwan palang naman kami dito, e. Wala nga kaming idea sa mga may-ari nito, e. Basta ang alam lang namin ay limang taon na itong na-abandona. "Tara, libot tayo." - Jet "Nako! Baka mamaya may makasalubong tayong mga hindi nakikitang nilalang." - Frank "Bobo! Paano mo masasalubong? Hindi nga nakikita, e." - Ash Tingnan mo 'tong mga tangang 'to. Umagang-umaga katangahan agad ang dala-dala.  "Ano Ellis? Theo? Sama?" Nagkatinginan kami ni Theo. nakita kong tumayo s'ya. Medyo na-curious rin ako tungkol sa bahay na ito.  "Game," Nagsimula kaming umakyat pataas. Ang abandonadong mansyon na ito ay may ikalawang palapag. Medyo malapad rin ang disenyo nito at mayroong left and right wing. Sa tingin ko ay marami ang kwartong mayroon dito. Pagdating namin sa tuktok ng hagdan ay medyo madilim ang magkabilang hallway. Kitang-kita ko ang panginginig ng tatlo sa harap namin ni Theo.  "Ang creepy," Sila nag-aaya tapos sila matatakot. Mga siraulo talaga ang mga 'to. "Let's go," Narinig kong sabi ni Theo. Mukhang na-curious din talaga siya. Una naming pinasok ang unang kwarto dito sa kanang bahagi ng mansyon. Mabuti na lamang at dala-dala namin ang mga cell phone namin kaya iyon ang naging source of light namin. Bumungad sa amin ang isang empty room. Walang kalaman-laman ang buong kwarto maliban sa mga dumi na nandito. Agad rin naman kami lumabas ng kwartong iyon at lumipat sa katapat na kwarto. Sa kabuuan, may limang kwarto sa kanan at mukhang gano'n din sa kaliwa. Apat na kwarto dito sa kanan ang walang laman, maliban sa huling kwarto. Iyon na lamang ang hindi namin napapasok, ang problema ay nakalock. "Grabe! Saan kaya susi nito?"  "Bakit magsususi pa? Pwede namang sipain." Wika ni Ash saka sinipa ang pinto. Dahil sa karupukan nito ay mabilis itong bumigay dahil sa mga sipa ni Ash. tahimik kami ni Theo habang pinapanood ang ginagawa ng tatlo. Minsan ay sinusulyapan ko siya upang makita ang reaksyon sa mukha niya. Hindi talaga ako makapaniwala na sumama siya dito. "Uy! May mga gamit dito." Hindi ko namalayan na nasa loob na pala ang dalawa. Nagkatinginan muna kami ni Theo bago pumasok sa loob. May mga kahon-kahon ang nandito. May mga picture frames ding nakasabit pa sa dingding. Kung sino man ang makakita dito sa amin, malamang na isusumbong kami sa pulis dahil sa salang trespassing.  "Naks! Mamahalin ang mga ito." Sambit ni Jet. Nabuksan niya ang kahon na mukhang naglalaman ng mamahaling mga vases. "Wala tayong pakiki-alaman dito," Wika ni Theo. Lahat kami ay napatingin sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa mga vase na iyon. Kung sabagay, may punto siya. Hindi naman sa amin ito kaya dapat hindi namin paki-alaman. Nice job, Theo. "Tara na," Sambit ko saka tumayo. Sinulyapan ko muna sa huling pagkakataon ang mga litratong nandito sa loob ng kwarto bago ako lumabas. Hindi pamilyar sa akin ang mga taong nandu'n. Pero sa tingin ko, mga may lahi ang dating nakatira dito. "Sa kabilang wing naman," sambit ni Frank. Patakbo silang pumunta dun sa kabilang bahagi ng mansyon. Samantala, kalmado naman ang bawat hakbang namin ni Theo. Hindi ko rin magawang umimik sa kanya. Ewan ko ba, napa-praning lang siguro ako. "So, anong nangyare?" Napatingin ako kay Theo. Hindi ko inaasahan na magsasalita siya.  "Huh?" "Alam kong may nangyare sa iyo, tell me." Sa hindi inaasahan, napangiti ako. Kahit malas ang bawat umaga ko, napapangiti pa rin ako dahil kay theo. He's really a good friend. "Hindi naman talaga big deal 'yun. Pero kagabi, mukhang napasok ako sa mas malaking problema. Ang sakit sa ulo." Umiiling-iling pa ako. Naramdaman ko ang mga titig niya sa akin. Paniguradong kinakaawaan na niya ako ngayon. "Bakit? Anong problema ba 'yan?" Huminto ako sa paglalakad at saka humarap sa kanya. Kitang-kita ko sa kanya ang pagtataka. "Nakakita ka na ba ng mga Mafia?" Tanong ko. Napakunot ang noo niya. Malamang na pinagtatawanan na ako nito sa isip. "Mafia?" "Oo, Mafia." Natigilan siya saglit. Pagkatapos ay umakto siya na parang nag-iisip. Gusto kong sabihin sa kaniya ang kabuuan ngunit may parte sa akin na natatakot para sa seguridad ni Avery. Lalo na't anak ng isang Mafia si Avery. "Nakakita na ako ng Mafia," Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Weh? 'Di nga?  "Saan?" "Sa TV," Napa-awang ang bibig ko sa sagot niya. Tingnan mo 'tong siraulong 'to. Ang sarap balatan ng buhay. Siningkitan ko siya ng mata at pagkatapos ay iniwan siya duon. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko ngunit hindi ko na siya nilingon. Bahala s'ya d'yan. Kung anu-ano ang  pinagsasabi n'ya. Sa TV daw, siraulo. Mukha ba akong nakikipagbiruan? Mabilis akong naglakad papalapit sa tatlong tolonggos na ngayon ay kalalabas lang sa ikatlong kwarto mula sa kaliwang bahagi ng mansyon. Nang makita nila ako ay saka sila lumapit sa akin. Mukhang nakita na rin nila si Theo sa likod. "Ba't ang tagal n'yo? Ginagawa n'yo?" Tanong ni Ash. "Wala naman," Sambit ko at saka sila nilagpasan. Nauna na ako sa kanila na pumasok sa ikaapat na kwarto. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang lumang piano. Medyo maliwanag na dahil sumisilip na sa bintana ang sinag ng araw. Maalikabok na ang piano. Hindi pa naman sira nu'ng sinubukan kong pumindot ng isang tile sa keyboard. Maayos pa ang tunok nito.  Naramdaman kong pumasok ang apat. Nagsimula nanaman silang mag-ingay at nagkwento ng kung anu-ano tungkol sa mga lumang piano.  "Mga gag*!" Bulalas ni Frank na mukhang takot na sa mga kwento ni Jet. "Tara na nga," Sagot naman ni Ash. Naramdaman ko ang tingin ni Theo bago tuluyang sumama sa tatlo. Naiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto.  Ano na? Anong gagawin ko? Wala akong karapatang itago si Avery. Wala akong karapatan sa kanya. Ngunit pakiramdam ko ay hindi tama kung gagawin ko ang gusto ng kanyang ama. Alam kong may mabigat na rason si Avery kung bakit niya ginagawa ito. Hindi lang siya basta nagrerebelde. Teka nga, akala ko ba si Senator Sulliman ang ama niya?   *** Ps: Sino  ba kase may sabing si Senator Sulliman, Ellis? Read more!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD