"Kanino kaya ang mga ito? Tingnan mo." Narinig kong bulalas ni Jet pagpasok ko sa ikalimang pinto. May mga kahon nanaman dito at ilang mga gamit na mukhang naiwan ng may-ari. Paniguradong naka-lock ito kanina. Ang mga taong 'to talaga.
"May mga photo album dito. Tingnan mo." Agad silang lumapit kay Frank na ngayon ay may hawak ng makapal na photo album.
"Sino kaya ang mga ito?" Turo ni Jet sa mga taong nasa photo album na iyon. Medyo na-curious naman ako dahil mukhang may mga litrato nga duon ng mga dating may-ari nito. Bahagya akong lumapit sa kanila at pasimpleng sumilip duon.
May mga baby picture duon na mukhang lumang-luma na. Iba na kase ang kulay ng mga iyon. Bukod sa mga baby pictures ay mayroon ding mga litrato ng matatanda.
"Bakit naman iniwan nila ang mga gamit nila dito?"
"Baka naman babalikan pa,"
"Five years? Ba't andito parin?" May point nga naman si Ash. Bakit nandito pa rin ang mga gamit nila kung babalikan pa? Posible kayang babalik pa talaga sila? Ano 'to sa tamang panahon?
"Hayaan n'yo na nga 'yan," Narinig naming wika ni Theo. Nagsitayuan na kaming apat. Binitiwan na rin ni Jet ang photo album. Bago ito tuluyang magsara, isang litrato ng batang babae ang pumukaw ng atensyon ko. Bago ko pa makita ng buo iyon ay tuluyan na itong sumara.
"Bumaba na tayo," Sambit niya pa. Tumango nalang ako tutal wala na rin namang kaming gagawin ditto. Napasok na namin ang buong bahay. Puro mamahaling gamit lang ang nandito at kung anu-ano pa.
Pagdating namin sa first floor ay nagulat kami ng makita si Avery na nakatayo lang sa hindi kalayuan. Mukhang s'yang multo sa totoo lang. Para kaseng tanga, e.
"Oy, Avery. Anong ginagawa mo d'yan?" Bati ni Ash at saka lumapit dito. Nakita ko ang pag-ngiti niya ng makita kami. Hindi niya ba kami napansin? Bakit parang nagulat pa siya ng makita kami?
"W-Wala naman," Bumalik na rin ang tahimik at cold-hearted Avery. Malamang na ayaw niyang ipakita sa mga impaktong itoang tunay niyang ugali.
"Ganu'n ba? Tara sama ka sa amin." Sa tono ng pananalita ni Ash, para s'yang manyak na nag-aaya ng kung sinong babae sa damuhan.
"Aalis na rin naman ako," Sagot ni Avery sabay tingin sa akin. Medyo nagulat pa ako du'on. Ano nanamang ginawa ko? Bakit ganyan s'ya makatingin?
"Ngek? Kararating mo lang ata tapos aalis ka na?" Wika ni Frank.
"Oo nga,"
Hindi pa rin inaalis ni Avery ang tingin niya sa akin. Pakiramdam ko ay binabasa niya ang laman ng isip ko ngayon. Ayoko talaga ang mga ganitong tingin ng babae. Parang sinisintensyahan na ako ng kamatayan nito.
"H-Hindi na," Sagot niya. Umiwas na rin ito ng tinginat saka mabilis na tumalikod at naglakad paalis. Naramdaman ko pa ang tinginan ng apat na ito sa akin. Malamang na nararamdaman na nila ang kakaibang enerhiya sa pagitan namin ngayon ni Avery.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Wala naman akong problema kay Avery. Wala naman kaming away nitong nakaraan. Sadyang ako lang ang nakakaramdam ng ganito dahil sa nangyare kagabi.
"I'm Avery's father," Natigilan ako dahil sa sinabi nito. Ano daw s'ya? tatay ni Avery? Akala ko ba si Senator Sulliman ang ama ni Avery? Ano 'yung sa underground? Bakit niya hinahabol si Senator Sulliman?
"I know that you are confused now, but I am her father." Dagdag pa nito. Dahan-dahan akong tumango sa kanya upang ipakita na naiintindihan ko siya kahit hindi naman talaga.
"So Mr. Tantoco, I hope you consider my demand. I want Avery back." Bakit kailangan n'ya pang hingin ang permiso ko? Ama s'ya di'ba? Nape-pressure ako sa nangyayare. Wala namang akong karapatan kay Avery kaya malaya niyang makukuha ito, ngunit natatakot ako kung sakali man na tama ang sinasabi ni Avery. Paano kung may mabigat siyang dahilan kung bakit ginagawa niya ito sa kanyang ama? Paano kung hindi lang siya basta nag-rerebelde sa ama?
"May I ask a question?"
"Yes,"
"Bakit ginagawa ito ni Avery?" Hindi ko alam kung tama ba ang tanong ko ngunit gusto ko lang makasiguro.
Saglit siyang natahimik at nakatitig sa akin. Mukhang totoong ama n'ya nga ito. Parehas na parehas sila ng mata. Mukhang sa ama nagmana si Avery.
"Bakit tinatanong mo ito sa akin? Nagrerebelde siya dahil ganu'n naman talaga ang mga kabataan. Maski ikaw, hindi ba?" Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
"See? Iyon ang dahilan kung bakit ginagawa niya ito. Kaya nagsasabi ako sa iyo Mr. Tantoco, please bring Avery back to us." Sambit ng kanyang ama.
Bakit ako pa? This is troublesome. Mas gugustuhin ko nalang bumalik sa pagnanakay ulit kaysa gawin ang bagay na ito. Nakakainis naman.
"Sabi ko na nga ba at may problema ka," Kahit hindi ko na lingunin iyon, alam kong si Theo 'yun. Hindi ko nat talaga matatago sa kaniya ito. Kailangan ko ng sabihin sa kanya. Minsan, kailangan ko rin ng tulong mula sa mga kaibigan.
"Si Avery kase, e." panimula ko. Nakayuko ako ngayon habang sapo-sapo ang aking noo. Hindi ko alam kung nakatingin ba si Theo sa akin o hindi ngunit ramdam kong nakikinig siya.
"Avery ask me to help him. Sinabi niya na pababagsakin niya raw ang kaniyang ama. I don't know why I accept her help. Babaliw na ako!"
"Sinong ama?"
"Bakit?"
"Paanong pababagsakin?"
Naningkit ang mata ko at nilingon silang tatlo. Nakalimutan kong nandito pa nga pala sila.
"Then?" Napalingon ako kay Theo na ngayon ay naka-crossarm. Wala na akong nagawa kung hindi ipagpatuloy ang sasabihin ko.
"I don't know exactly kung sino ang ama niya. Kagabi ko lang nakaharap 'yung ama niya. Sabi sa akin ay ibalik ko daw si Avery." Huminga ako ng malalim bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Naguguluhan na ako. Ano bang gagawin ko? Sa ni Avery, kapag daw hindi niya napigilan ang kaniyang ama, baka mahuli na raw ang lahat."
"Mahuli saan?"
"Bakit hindi mo nalang ibigay si Avery?
"Sinong ama ba 'yan?"
"Hindi ko alam," Ngayon ay ramdam ko na ang nararamdaman ni Avery tuwing nagtatanong ako sa kaniya. Paano mo nga naman ipapaliwanag sa kanila kung hindi mo alam?
"Then?"
"Hindi ko alam kung bakit ako sumasama kay Avery. Hindi kaya ng konsensya ko kapag may nangyare sa kaniya sa daan. Syempre babae s'ya, e." Huminga ulit ako ng malalim. "Nu'ng araw na pumayag ako sa kaniya, nagpunta kami sa underground na sinasabi ni Avery. Mula iyon sa isang grand hotel..." Tumingin ako kay Theo bago magpatuloy, "Iyon 'yung grand hotel kung saan mo kami nakitang lumabas."
Nakita kong medyo nagulat siya sa mga sinabi ko, ganu'n pa man ay mabilis n'ya rin itong pinalitan kaya naman isinawalang bahala ko na lang iyon.
"Anong underground?" Tanong ni Theo. Luminga-linga pa ako sa paligid upang masiguro na walang nakikinig sa amin. Mahirap na.
"Sabi ni Avery, mga illegal activities daw ang nandun. Protektado daw ito ng malalakas at ma-impluwensyang tao kaya hindi nahuhuli ng mga pulis." Pabulong kong sabi. Kitang-kita ko sa mukha ng tatlong tolonggos ang gulat sa narinig.
"Ano pang sabi ni Avery?" Tanong muli ni Theo. Kitang-kita ko na sa kaniya na interesado na talaga siya.
"Iyun lang ang sinabi niya sa akin, e." Medyo kinamot-kamot ko pa ang ulo ko dahil sa sagot ko. Hindi naman nagbago ang expression ng mukha ni Theo. Kitang-kita ko parin ang pagka-interest niya sa sinabi ko.
"Huwag n'yo ipagsabi sa iba, ah. Lalo na kay Avery." Wika ko. Tumango-tango naman ang tatlo na akala mo ay mga batang masunurin.
Nalipat naman ang tingin ko kay Theo na ang tahimik parin ngayon. Malalim na ang iniisip niya kaya naman hindi ko na siya pinansin. Matalino naman siya, baka hindi niya bigyan ng pansin 'yung sinabi ko. Baka nga pinatatawanan na ako nito sa isip n'ya, e.
"Hala si Avery," Napatayo ako at sabay tingin sa pinto. Wala naman si Avery du'on. Tang*na talaga nito ni Frank!
"Kabado si Ellis HAHAHAHA," Sinong hindi kakabahan? Sikretong malupit 'yun tapos sinasabi ko sa kanila. Syempre nakakakaba 'yun.
"Tang*na mo!" Bulyaw ko sa kaniya.
***
Upang hindi nila ipagkalat ang sikretong sinabi ko sa kanila, isinama ko sila sa mall. Mabuti nalang at uto-uto masyado ang mga ito. Ganu'n pa man, hindi pa rin ako ligtas. Tang*na kase ng mga gag*ng 'to, e. Bakit kailangang kasama pa si Avery?
"Madalas ka ba dito Avery?" Tanong ni Frank. May dala-dala siyang mga chips ngayon. Nasa harapan silang apat habang kami naman ni Theo ay nasa likuran. Tahimik pa rin siya hanggang ngayon habang nakatingin kay Avery.
"Huy!" Tawag ko sa kaniya. Nakita kong lumingon siya sa akin. Tingnan mo 'tong taong 'to. Ang tahimik bigla pagkarinig ng mga kwento ko. Huwag mong sabihing sineryoso n'ya masyado 'yun. Paano pala kung joke lang 'yun? Si Theo talaga.
"What?"
"Ang tahimik mo ngayon," Panimula ko.
"Lagi naman akong tahimik," Kung sabagay, tama siya. Ba't ba ako nagugulat pa? Lagi namang tahimik iyan at may sariling mundo kasama ang mga libro.
"Oo nga pala," Muling natahimik ang pagitan namin. Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng isang arcade. Agad na sinapian ng isip-bata ang tatlong tolonggos at mabilis na pumasok sa loob. Aalis na sana ako ng maalala ko na ako nga pala nag-aya sa kanila. In short, sa akin 'yung pera. Tang*na!
"Ang dami mo atang pera ngayon, Ellis." Narinig kong sambit ni Avery. Tinanguan ko siya at saka tumingin. Kitang-kita ko ang nangniningning niyang mata. Isa lang ang ibig sabihin nito, gusto n'ya rin pumasok du'n.
"Okay," Sambit ko sa kaniya pagkatapos ay saka siya tinanguan. Ngumiti siya sa akin at pasimpleng pumasok sa loob. Huminga ako ng malalim dahil mauubos nanaman ang allowance ko.
"Anong itsura ng tatay ni Avery?" Out-of-nowhere ay nagsalita si Theo. Hindi pa rin ba siya nakaka-move on du'n?
"Hindi ko alam kung anong klaseng tao, e. Mukhang mayaman s'ya. May mga men-in-black na bodyguard." Sambit ko habang nakatingala at umaaktong nag-iisip. "Akala ko nga si Senator Sulliman 'yung tatay n'ya, e." Hindi ko nanaman mapigilang matawa habang inaalala ko ang bagay na iyon. Akala ko talaga yung magnanakaw na Senator ang tatay n'ya. Hinabol n'ya kase 'yun nu'ng nasa underground kami.
"S-Senator Sulliman?" Napakunot ang noo ko at napatingin sa kaniya. Bakit nauutal pa siya? Hindi ko na talaga maintindihan ang taong 'to. Bigla-bigla nalang nagtatanong.
"Oo, nandun din kase siya sa underground nu'ng araw na 'yun," sagot ko. Tumango-tango nalang siya sa akin at mukhang na-satisfy na sa sagot ko. Pakiramdam ko ay nahaharap ako sa matinding interview. Tang*nang Theo 'to.
"Sige sunod ka nalang sa loob," Sambit ko at saka pumasok na sa loob. Naiwan sa labas ng arcade si Theo na mukhang malalim nanaman ang iniisip.
***
"Ang saya," Bulalas ni Avery. Nasaan na ba ang mga gag*ng 'yun? Bakit naman kase bigla nalang nila akong iniiwan dito?
"Mabuti naman at nag-enjoy ka," Nakangiti lang si Avery habang tumatango sa akin. Para s'yang bata. Teka nga, ilang taon na ba s'ya?
"Hoy,"
"Hmm?"
"I-Ilang taon ka na ba?" Grabe Ellis, ang lakas ng loob mo.
"21," What? Bente-uno na s'ya? Hindi halata.
"Weh?" Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Avery.
"Bakit? Anong 'weh?' ka d'yan?"
"Hindi halata na 21 ka na," Mabilis kong sagot. Isip-bata siya kaya naman hindi talaga kapani-paniwala na 21 na s'ya.
"Bakit ikaw? Ilang taon ka na ba?"
"20," Taas noo kong sagot sa kaniya. At least ako kahit 20 na, matured pa rin mag-isip.
"Hindi halata," Natatawa n'ya pang sabi. Anong nakakatawa? Siraulo talaga ang babaeng 'to. "Mukha kang matanda," Dagdag niya pa na ikinainit ng ulo ko. Siningkitan ko nalang siya ng mata kaysa awayin pa. Hindi naman ako mananalo sa kaniya. Kailan ba nanalo ang mga lalaking gaya ko sa mga isip-batang babae?
"Nasa'n na nga pala sila Jet?" Pag-iiba n'ya ng tanong. Nagkibit-balikat nalang ako. Maski ako ay hindi ko alam ang isasagot ko. Bigla nalang silang nawala na parang mga bula.
"Umuwi na tayo," Sambit ko. Narinig ko ang buntong hininga ni Avery kaya naman sinulyapan ko siya. Nasa parking area na kami ngayon dahil dala-dala ko ang ni-rent kong kotse.
Walang katao-tao sa parking lot ngayon. Tanghaling tapat na rin kaya malamang na nasa loob ng mall ang mga tao. Walang nagsalita ni-isa sa amin ni Avery. Hindi ko rin alam kung bakit ang tahimik niya ngayon. Kanina ang ingay-ingay niya, e.
"Kamusta Miss Florence," Sabay kaming napalingon sa gilid ni Avery ng magsalita ang isang naka-men-in-black. Nanlaki ang mata ko sa biglang pagsulpot nila.
Sh*t!
"Kore wa dōiu imidesu ka? (What is the meaning of this?)" Bulyaw ni Avery sa kanila. Agad siyang hinawakan ng dalawang men-in-black. Dahil duon ay mabilis ko siyang hinila, ngunit may kung anong pumigil sa akin.
"Ellis!"
Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi gumagana ang utak ko. Pinapanood ko lang siya habang hinihila ng dalawang men-in-black. Sh*t!
"Tasukete, Ellis. (Help me, Ellis)" Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya, nararamdaman ko kung ano ang ibig niyang iparating.
I'm sorry, Avery. I'm scared.
"Hindi ba't nagtatrabaho ang iyong ama sa Steel Corp.?"
Marinig lang ang mga ganu'ng salita, alam mo na ang ibig sabihin. Hindi ko alam. Gusto ko s'yang tulungan ngayon ngunit hindi ko kaya.
Nang tuluyan ng nawala sa paningin ko si Avery ay saka lang ako napaluhod. Ito ang malaking kasalanan na nagawa ko kay Avery.
***
Ps: What did you do, Ellis? Read more!