Thirty minutes na ang nakakalipas simula nang umalis sila Avery. Kanina pa ako dito nakaupo sa harapan ng kotse ko. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang mga yabag nila Theo.
"Hindi na namin sila nasundan," Bungad ni Jet. Hindi ko magawang maangat ang ulo ko.
"Wala ito sa pinagplanuhan," Dagdag ni Ash. Dahan-dahan akong tumango. Tama siya, wala ito sa plano namin. Ako ang nagkamali dito. Inaamin ko naman iyon, kaso hindi ko alam kung bakit hindi ako nakagalaw.
Nasa mansyon palang kami alam ko ng may sumusunod sa amin. Expected ko naman na iyon dahil sa mga men-in-black ng tatay ni Avery. Alam kong pasusundan niya ako. Hindi nga ako nagkamali, hanggang dito sa mall ay nakasunod sila.
Pagkatapos kong sabihin lahat sa kanila ang mga sikreto, agad nagbigay ng plano sa amin si Theo. Ngunit hindi ko iyon nasunod, I suppose to give signal for them.
"Saan na natin hahanapin si Avery?" Narinig kong tanong ni Frank. Saan nga ba? Hindi ko alam.
Naramdaman ko ang paglapit ni Theo. Tumingala ako upang tingnan siya ngunit agad niya akong kinuwelyuhan na ikinagulat ko. Mabilis na lumapit sa amin ang tatlo. Hindi na rin ako nakapalag kay Theo dahil iyon naman talaga ang magandang gawin ngayon sa'kin.
"Ano bang ginagawa mo Ellis? You let them get Avery. Akala ko ba naku-konsensya ka?" Sa mga salitang iyon ni Theo, hindi ako nakasagot. Kasalanan ko kung bakit hindi nakuha nila si Avery.
"Tama na Theo," Pumagitna sa amin si Ash para pigilan si Theo. Nang bitawan niya ako ay saka lang siya nahimasmasan. Dahan-dahan niya akong binitiwan at saka umatras. Hindi ko naman masisisi si Theo. Bukod sa hindi na nasunod 'yung plano, naging malapit rin sila kay Avery. Lalo na sa mga ikinu-kwento ko sa kanila kani-kanila lang.
"Ano nang gagawin natin?" Bulalas ni Frank.
"Susunod sa kanila," Halatang nagmamalaki pa s'ya.
"Tanga! Hindi na nga natin nasundan kanina, e." Ani Ash.
Agad na nanahimik ang dalawa. Walang nagsalita sa amin. Lahat kami ay nag-iisip ng gagawin. Iniisip ko tuloy kung ano ang iniisip ni Avery sa mga oras na ito. Malamang na sinusumpa na niya ako ngayon sa isipan niya dahil wala akong ginawa kanina.
Kung may lugar man akong alam na kokonekta kina Avery, iyon ay sa Grand hotel. Sa Underground. Baka may mahanap kami du'on na maaaring paraan para mahanap ulit namin si Avery.
"Kailangan na nating kumilos. Ellis, alam mo naman siguro ang daan sa underground." Sabay-sabay kaming napalingon kay Theo. Mabilis akong tumango upang sagutin ang tanong niya.
"Good, let's go."
Mabilis kaming pumasok sa kotse upang pumunta sa Grand Hotel. Wala na rin akong sinayang na pagkakataon at walang alinlangang pinuntahan iyon. Mukhang mahaharap kami sa labanan nito.
Wala pang isang oras ng marating namin ang parking lot ng Grand hotel. May ilang mga kotse rin ang dumarating dito. Pagbaba namin ay agad na kaming pumasok sa loob ng Grand Hotel kasabay ng ilang mga foreigners na may mga suot pang mamahaling alahas.
Pasimple akong ngumiti sa kanila at bahagyang lumapit. Nang makita nila ang pag-ngiti ko ay ganu'n rin ang ginawa nila. Ilang segundo ay lumayo na rin ako sa kanila at lumapit kina Theo dala-dala ang nakuha ko sa mga foreigners.
"Ano 'yan?"
"Hoy Ellis, tiba-tiba ka, ah."Natatawang sabi ni Ash.
"Syempre," Maikli kong sagot.
Inilagay ko na sa bulsa ang relo na nakuha ko sa foreigner na iyon. Pagkatapos ay ipinagpatuloy na namin ang paglalakad.
Hindi ako makapaniwala na babalik ulit ako sa underground na iyon. Naalala ko nanaman ang nakakapagod na pakikipaghabulan sa mga men-in-black na iyon. Paano kapag sila ulit 'yung nandu'n? Makikilala kaya nila ako?
"Saan na 'yun?" Tanong ni Frank. Natigilan ako. Saan nga ba ulit iyon? Nakalimutan ko 'yung floor gag*!
"Nakalimutan ko," Sagot ko. Kitang-kita ko ang pagkagulat nilang lahat.
"Tang*nang 'to,"
"Ang gag* mo Ellis,"
Napakamot na lang ako ng ulo. Nakalimutan ko na 'yun, e. Ang naalala ko lang ay 'yung hagdanan kung saan kami lumabas.
"Let's go," Sambit ni Theo at nauna ng maglakad sa amin. Nagtinginan munakaming apat bago sumunod sa kaniya. Tingnan mo 'tong taong 'to. Ako ang leader dito.
Pagpasok namin ng elevator ay si Theo na ang namili ng floor. Hindi ko nalang siya pinansin. Mukhang alam naman niya ang ginagawa niya. Isa pa ay hahayaan ko munang siya ang maging leader ng grupong ito.
Pagkatapos ng halos isang minuto ay bumukas ang pinto ng elevator. Bumungad sa amin ang pamilyar na hallway na halos kulay ginto ang mga disenyo.
Mabilis na rin kaming lumabas ng elevator. Bumungad sa amin ang walang katao-taong hallway. nagpatuloy ulit kami sa paglalakad habang nakasunod kay Theo.
Hindi ko maiwasang pagmasdan si theo. Parang alam na alam niya ang ginagawa niya. Parang kabisado niya ang lahat ng nandito dahil hindi manlang siya nagdadalawang-isip habang naglalakad sa pupuntahan.
Hinayaan ko nalang si Theo dahil alam kong alam niya ang ginagawa niya. Pinagkakatiwalaan ko siya kaya naman no words na ako sa lahat ng aksyon niya.
Napahinto kami sa paglalakad ng huminto rin si Theo. Magtatanong sana ako kunng bakit nang makita namin ang paparating na mga men-in-black.
Sh*t!
Paano na 'yan? Ibig sabihin ay nandito din si Avery kung may mga men-in-black dito.
"Bilis dito," Sambit ni Theo at saka kami pumasok sa isang pintuan. Bumungad sa amin ang isang hagdan pababa at pataas. Mukhang ito nga ang nadaanan namin. Ang galing naman ni Theo.
"Sa baba tayo," - Jet
"Syempre, underground nga, e." - Ash
Napasapo nalang ako ng noo ko dahil sa katangahan nilang dalawa. Kahit kailan talaga ayaw magpa-awat ng mga ito.
"Tara na nga," Ani Frank na nauna ng maglakad. Nagtinginan muna kaming apat bago sumunod sa kanya.
Patuloy ang pagbaba namin. Sa pagkaka-alala ko, may mga tubo iyon na nakadikit sa pader. Iyon ang magiging palatandaan namin. Iyon ang itsura kung saan kami lumabas nu'n.
Sa pagpapatuloy namin ay narating namin ang dulo ng hagdan na may mga tubo sa gilid. Napatingin sila sa akin na akala mo ay nagtatanong. Nagkibit balikat nalang ako at naglakad papunta sa pintong nandu'n.
"Ito na 'yun?"
"Parang," Sagot ni Ash na sumunod sa akin. Pagbukas ko ng bakal na pinto ay bumungad sa akin ang madilim na hallway. Tama, eto nga 'yun. Dito kami mismong lumabas ni Avery.
"Kung gano'n, sa loob niyan ang sinasabi mong underground?" Tanong ni Theo. Tumango ako sa kaniya.
"Uy, maganda ito," Wika ni Jet. Nagtangka siyang pumasok sa loob ngunit agad siyang hinatak ni Theo. Nagulat ako sa ginawa niyang paghatak. Pati sina Frank ay napatingin rin kay Theo.
"Hindi tayo dapat basta-basta pumasok d'yan. Hindi natin alam ang mga posibilidad na mangyare." May punto s'ya ngunit si Avery ang nakasalalay dito. Alam naman na nila ang sikreto, ibig sabihin ay nadamay na sila dito.
"Anong plano?"
"Titingnan muna natin kung ano ang maaari nating masalubong pagpasok d'yan---"
"Sanay naman tayong makipaglaban, di'ba? Kina Bon pa nga lang, e." Sambit ni Ash na naghahanda na ngayon. Huminga nalang ng malalim si Theo. Alam niyang hindi siya mananalo sa mga ito. I feel you!
"Tara na," Sigaw ni Frank at nauna nang pumasok sa loob. Sumunod na ako sa kaniya.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapahawak sa pader dahil sa sobrang dilim. Sa dulo ay may liwanag at konting ingay. Sa totoo lang, kinakabahan na talaga ako. Hindi ko alam kung sinusundan pa ba ako o may nanonood pa ba sa mga galaw ko. Nakuha na nila si Avery ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Kinakabahan ako ngayon ngunit naku-konsensya ako sa ginawa ko.
"Huy, natatakot ako."
"Duwag,"
"Hindi ako duwag,"
Ang ingay nanaman nilang tatlo. Bakit nga ba sila sumama? Pwede namang hindi sila sumunod sa amin ni Theo.
Habang papalapit kami ng papalapit sa liwanag na iyon ay mas lalo na naming naririnig ang mga ingay sa loob. Mukhang may naglalaban nanaman gaya nu'ng una kong punta rito. May illegal boxing match ding nagaganap no'n, e.
Nasaan na kaya si Avery ngayon? Sana talaga ay makahanap kami ng sagot dito. ito lang ang tangi kong alam na konektado kay Avery. Wala akong idea sa ama niya. Kaya naman ito lang ang tanging daan.
Galit siguro sa akin iyun.
"Woah!" Narinig kong wika ng tatlo. Medyo maraming tao ngayon at may naglalaban nga sa loob ng ring. May natanaw akong mga men-in-black sa bawat sulok kaya naman umayos kami para hindi mahalata ang illegal na pagpasok namin.
"Ito 'yun?"
"Huwag kang magulo,"
"Bakit? Nagtatanong lang, e."
"Bawal tanga dito,"
Gaya nga nnga pare-pareho naming nararamdaman, nagpanggap kaming hindi mga tanga. Umakto kami na mga manonood lamang dito.May ilang magagandang babae ang lumapit sa amin upang bigyan kaming pagkain at maiinom.
"Gandang chicks," bulalas ni Jet. Siniko ko s'ya para matauhan. Tang*nang 'to balak pa atang mambabae dito.
"Paano na natin hahanapin si Avery?" Sumang-ayon ako kay Ash. Paano nga ba? Hindi naman pwedeng lumapit kami sa isa sa mga men-in-black tapos itanong, "Alam n'yo po ba kung nasaan si Avery?"
Katangahan masyado iyon.
"Teka, nasaan si Theo?" Natigilan ako sa paghigop ng juice dahil sa sinabi ni Frank. Mabilis kong nilingon ang likuran ko. Walang Theo ang bumungad sa akin. Ano 'yun? Naligaw s'ya?
"Paano 'yan? Ano nang gagawin natin? S'ya lang ang utak natin."
"Nakakabaliw,"
"Nag-uumpisa nanaman akong maging tanga,"
Napasapo ko ang noo ko dahil sa tatlong ito. Kahit kailan talaga, palagi nalang silang ganyan. Kaya hindi sila nagkaka-girlfriend, e.
"Kailangan nating kumalma,"
"Tama-tama,"
Kumalma? Paano kakalma? Wala si Theo. Nasaan na ba kase iyon? Bakit ba bigla-bigla nalang siyang mawawala. Paano na kami nito? Katapusan na namin.
"Is there something wrong?" Halos mapatalon kami sa nagsalita. Nagtinginan muna kami bago sumulyap sa nagsalita sa likod. Nagulat ako ng makitang isa sa mga men-in-black iyon. Napakamalas naman talaga. Bakit bigla-bigla nalang silang sumusulpot?
"Huy Ellis, pa'no 'yan?" Narinig kong bulong ni Ash. Huminga ako ng malalim at sinubukan mag-isip ng maayos. Ngayong hindi namin makita si Theo, malaking problema ito. Kailangan naming malampasan ito. Paano?
"Nothing," Maikli kong tugon. Medyo iniiwas ko ang eye contact dahil baka makilala niya ako. Mas lalong patay na.
"Okay, may I see your I.D, Sir?" What? I.D?
Napatingin ako sa tatlo. Kitang-kita ko na ang mala-butil nilang pawis. Malamang na nagrarambulan narin ang laman nila sa kaba. Tang*na!
"Oh! I.D?" Sh*t! Ano nang next?
"Yes, your I.D,"
"We don't have any, we are..." Napatingin ako kay Ash ng sabihin niya iyon.
"We are bodyguards," Sapaw naman ni Frank. Akalain mo nga namang may utak ang mga ito.
"Yeah! He is right. We are with..." Kanino nga ba?
"Theo," Sagot ni Jet. Tumango-tango ako na parang bata. Sumabay na rin ang dalawa pa upang sang-ayunan ang sagot ni Jet.
"We are with Theo Garido," Sagot ko. Salit-salit ang tingin sa amin ng men-in-black na iyon. Tila inoobserbahan niya ag bawat pagkatao naming apat. Hindi ko naman maiwasang mapayuko dahil kinakabahan ako. Baka mamaya ay makilala niya ako.
"Where is he?" Seryoso niyang tanong.
"We are also asking the same question," Mabilis na sagot ni Ash. Kahit papaano may utak din siya. Sa aming lima, pangatlo siya sa matalino.
"We can help you with that. Just tell us the specific characteristic of this man." Tang*na naman! Hindi ba titigil ang taong ito?
"He is tall and white." Panimula ni Jet. Habang kinakausap ang men-in-black na iyon ay dahan-dahan akong umatras. Nagsimula akong lumibot-libot sa paligid. Baka sakaling makita ko si Theo. Saan naman kase sususot ang lalaking iyon? Hindi naman niya alam ang lugar na ito, e. Nasaan na kaya 'yun?
Ngayon ko lang napansin na may mga tinted na bintana sa taas na bahagi ng mga upuan sa dulo. Dahil parang arena style ito, matatanaw mo sa taas ang ilang mga upuan na wala namang naka-upo. May ilang pinto duon papunta sa loob ng mga tinted na bintanang iyon. Malakas kase ang kutob ko na mga kwarto iyon. Malamang na may mga tao du'n.
Nu'ng unang punta namin ni Avery dito ay hindi ko iyon nahalata. Posible kayang nandu'n si Avery? Paano kung nandu'n s'ya? Paano ko siya haharapin?
"Titingnan ko kung ano ang magagawa namin upang mahanap ang boss ninyo," Napatingin ako sa nagsalita.
"Tang--- nagtatagalog ka?" - Jet
"Hoy gag*! Pinahirapan mo kami mag-english dito kanina." - Frank
"Tang*nang 'yan! Ang pangit ng ugali amp*ta!" - Ash
Hindi ko mapigilang matawa. Ang hirap nga namang mag-english tapos Filipino rin naman pala kausap mo. Sinong hindi mababanas du'n?
"Pasensya na," Iyon lamang ang nasambit ng men-in-black na iyon at saka na kami tinalikuran. Nakita kong nagpupumiglas pa si Jet habang yakap-yakap ni Frank.
"Bitawan mo ako! Pasapak lang sa mukha."
"Hoy! Manahimik ka na nga, pinagtitingin na tayo." Wika ni Frank habang nagpipigil kay Jet.
"Tingnan mo 'tong mga tangang 'to," Bulalas ni Ash sabay lapit sa akin. Tumango-tango na lamang ako dahil tama naman siya. Tanga talaga sila. "Bakit ka nga pala nakatingala d'yan kanina pa?" Dagdag n'ya.
"Nakatingala?"
"Oo, du'n." Sabay turo sa tinted na bintanang iyon gamit ang nguso.
"Iniisip ko na baka nandu'n si Avery,"
"Gusto mo tingnan natin?" Napatingin ako sa kaniya ng makita ang mapang-akit nitong mata. Ito ang mata ni Ash kapag naghahamon ng bagay na paniguradong may mabigat na consequence.
Tsk!
"Sige ba," Sagot ko sa kaniya.
Napalingon na sa amin ang dalawa ng makita ang mga ngitian namin ni Ash. Paniguradong napansin na rin nila ang tinutukoy namin.
***
Ps: Nasabak na nga sa isang adventure ang grupo ni Ellis. Makikita kaya nila si Avery sa loob ng tinted na bintanang iyon? Read more!