'Operation: Bring Avery Back 2'

2259 Words
Napagkasunduan na namin. Pangahas namin pupuntahan ang loob ng tinted na bintanang iyon. Wala na kaming paki-alam kung hindi namin makita si Theo. Kasalukuyang maingay ang buong stadium dahil sa illegal boxing na nagaganap. Gaya ng huli kong punta dito, puro foreigners din ang lumalaban. May mga mayayaman ding nandito at ang ilang mga sikat na personalidad. May mga kilala ring politiko. Akala ko busy sila sa pangangampanya? "Ellis, sure ka ba dito?" Narinig kong tanong ni Jet. "Oo naman,"  "Kung gusto ninyo, hanapin n'yo si Theo, kami pupunta du'n." Wika ni Ash. Nagtinginan si Frank at Jet. Paakyat na kami ng hagdan patungo sa pinakamataas na parte ng arena. Wala ng gaanong tao dito dahil karamihan ay nasa baba. Medyo madilim na rin sa parteng ito. "Kinakabahan pa rin ako," Hindi ko na pinansin ang dalawa at patuloy lamang kami sa pag-akyat. Hindi ko rin maiwasang luminga-linga sa paligid upang tiyakin na walang mga men-in-black sa paligid. "Paano si Theo?" Mabilis kaming nakarating sa tapat ng pinto. Gawa ito sa bakal na gaya ng pinto du'n sa baba. "Nakakakaba," Nagtinginan kami ni Ash bago iyon buksan. Hagdan nanaman ang bumungad sa amin. Hindi ba sila nagsasawa sa hagdan? Ang dami-rami ng hagdan dito sa lugar na ito. Nakakapagod! "Hoy! Magdasal muna tayo bago pumasok," Sabay-sabay kaming napatingin kay Frank. Sa aming lima, mukhang si Frank 'yung tipo ng taong magdadasal muna bago pumasok sa impyerno. "Gag*! Para kang siraulo," "Dasal amp*ta," Nagtawanan kami dahil duon habang binabagtas ang hagdan pataas. Narinig kong nagmamaktol pa siya habang naglalakad kasunod namin. Naiintindihan ko naman kung bakit sila ganyan. Nasanay kami na puro gang lang ang iniintindi. This thing is beyond our comfort zone.  "Tingin mo dito natin makikita si Avery?" "Siguro," Maikli kong sagot. Nakita kong medyo nagbulungan sila. Natahimik ako saglit. Hindi ko maiwasang titigan sila. If everything bad happens to them, I know it's my fault. I shouldn't bring them here.  "Hoy Ellis, ayos ka lang?"  "Huh," "Boang! Bakit nakatulala ka d'yan? Larga na." Bulyaw sa akin ni Jet. Mabilis akong kumilos ng hindi nagsasalita. Hindi ko na alam kung tama ba ang ginagawa ko. Sobrang bilis ng pangyayare na halos nasama ko na sila sa ganitong bagay. Ngayon ay wala ng kasiguraduhan kung paano ko sila mailalabas dito. "Mukhang nagdadalawang isip na rin si Ellis, tara na." Humarap ako sa kanila ng marinig kong sinabi iyon ni Frank. "Kung gusto n'yo naman, ayos lang." Hindi ko maiwasang kabahan habang sinasabi ang bagay na iyon.  "Anong drama 'yan? Tara na kase," Nagtinginan muna kami bago ipagpatuloy ang paglalakad. Isang mahabang hallway ang bumungad sa amin. Medyo maliwanag dito dahil punong-puno ng ilaw. May ilan ding dumaraan na halos pinagtitinginan kami. Ano kayang meron dito? Ano kayang ginagawa dito? "Duon," Turo ni Ash sa isang pintuan. Sa tingin ko ay viewing point ang mga ito. Para siguro sa mayayaman. Hindi na kami nag-aksayan ng panahon. Mabilis namin pinasok iyon at nagbabakasakaling makita si Avery duon. "Avery---" "Excuse me?" Bumungad sa amin ang tila mga business man na mukhang nasa gitna ng isang meeting. Halos lahat sila ay nakatingin sa amin. "May I help you?" Tanong ng isa sa kanila. Nagkatinginan kaming apat na para bang pantay-pantay ang hiyang nararamdaman. "Sorry," Iyon na lamang ang nasambit namin at mabilis na lumabas. Mukhang maling room ang napasok namin. "Magtanong nalang kaya tayo sa mga naka-suit na iyon?" Turo ni Frank sa paparating na mga men-in-black. Agad naalarma ang buo kong pagkatao kaya mabilis ko silang hinatak. "Dito bilis," Sigaw ko sa kanila. Agad silang sumunod sa akin. "Bakit?" "Hindi natin sila pwedeng makausap. Sila 'yung kumuha kay Avery. Mga men-in-black." Mahina kong bulong. Nagtinginan pa sila na akala mo ay hindi naniniwala. Well, mukhang hindi sila talaga naniniwala. "Masama ba 'yun?" Ani Jet. "Syempre, tanga 'to." Sagot sa kaniya ni Ash. "Kailangan natin malaman kung nasaan si Theo. S'ya lang ang kayang makaisip ng mga escape route natin, e." Tama si Frank. Kailangan namin si Theo ngayon, ngunit nasaan ba siya? "Bumalik na tayo," Sambit ko at nauna ng bumaba. Naramdaman kong sumunod sila sa akin ng walang salita. Dapat nga hindi na kami pumunta dito. nag-aksaya lang kami ng oras. Sa ngayon, hanapin na muna namin si Theo. "Baka wala dito si Avery," Tumango-tango ako. Tama si Jet. baka nga wala dito. Wala na akong ibang alam na lugar na maaaring konektado sa kaniya. Wait--- naalala ko 'yung chinese na kaibigan ni Avery. May alam kaya 'yun kung nasaan s'ya? Teka--- masama nga pala 'yun. Pinahamak niya si Avery nu'ng huling punta ni Avery sa kaniya.  "Thank you very much, Sir. By the way, they're my friends. Thank you." Sabay-sabay kaming napa-angat ng ulo ng marinig namin si Theo. May kausap itong isang men-in-black. Nang makita kami ay agad din akong nagtago sa likod ni Ash. Baka mamaya ay mamukaan ako. "THEOOOO!!!" Sigaw ng tatlong tolonggos. Agad silang tumakbo papalapit kay Theo at saka ito niyakap. Kitang-kita ang gulat sa mukha ni Theo na halos hindi magkanda-ugaga sa paglingon sa amin. "Anong meron?" Hindi maitago ni Theo ang pagtataka sa kaniyang mukha. Umiwaas na lang ako ng tingin dahil paniguradong sinasamaan na niya ako ng tingin ngayon.  Nararamdaman ko. "Theoooooo! Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling?" "Oo nga Theo, saan ka nagpunta?" "Pinapaiyak mo kami Theo," Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga taong dumaraan. Paano ba naman, lahat sila nakayakap kay Theo samantalang si Theo ay halos hindi na maipinta ang mukha. "Ano ba kaseng problema?" Hindi na talaga maitago ni Theo ang pagkabanas. Ilang segundo ay nahimasmasan na rin silang tatlo. Samantalang si Theo ay hindi maalis ang masamang tingin sa akin. Hindi ko na nga alam kung paanong iwas ang gagawin ko dahil kahit saan ako lumingon ay nakikita ko ang masama niyang aura. "I told you. Dapat hindi na tayo nagpunta dito." Wika niya. Kasalukuyan kaming nasa pinakamataas na bahagi ng upuan habang kumakain ng popcorn. Pinapanood namin ngayon ang boxing match na nagaganap sa baba. "Sorry na," Maikli kong tugon. "Eto lang kase alam kong lugar, e." Dagdag ko pa. Narinig ko ang buntong-hininga niya.  "Nandito na rin naman tayo," Napatingin kami sa kaniya. "Tara na at puntahan siya," Dagdag niya. Napatitig ako kay Theo. Siya? Sinong tinutukoy niya? Sino ang pupuntahan namin? Si Avery? Huwag mong sabihing alam na niya kung nasaan si Avery. Saan ba siya nanggaling? "Ngayon na?" Tanong ni Ash. Hindi ko nagawang magsalita. Hindi ko rin maipaliwanag kugbakit may nararamdaman akong kakaiba ngayon kay Theo. Ang weird lang kase.  Pagkatapos naming maubo lahat ng binili naming popcorn ay agad na kaming lumisan. Dumaan kami sa para bang exit ng lugar kung saan may lumalabas ding mga ilang kilalang personalidad. Hindi ko maiwasang yumuko at magtago kina Ash dahil sa mga men-in-black sa tabi-tabi. Mahirap na. "Sino nga ulit pupuntahan natin?" Hay sa wakas, nadali mo Frank. "Sino pa ba, edi 'yung sadya natin dito." Maikli niyang sagot. Napatitig ako kay Theo at kitang-kita ko ang ngiti sa kaniyang labi. Mukhang confident s'ya sa sagot niya. "Si Avery?" "Mismo,"  Sumakay kami ng elevator pa-akyat sa 12th floor. Ito ang pinakamataas na floor sa lahat. Wala akong idea kung bakit duon kami tutungo. Sinusundan lang namin si Theo ngayon dahil s'ya ang pinakamatalino sa amin. Siya ang nakaka-alam sa mga bagay-bagay.  Pagdating namin sa 12th floor ay mabilis kaming lumabas at nakasunod kay Theo. Wala namang alinlangan si Theo habang naglalakad sa hallway. Kung titingnan, para bang kabisado na niya ang lugar na ito dahil alam niya kung saan siya tutungo. Sa dulo ng hallway ay may nakita kaming ilang men-in-black na nakatayo. Papalapit kami ng papalapit sa kanila kaya naman agad nila kaming nakita. Agad gumapang ang kaba sa kalamnan ko.  "Sumimasen, kokode wa kyoka sa rete imasen. (Excuse me, you are not allowed here.)" Bungad ng isang men-in-black. Napatingin kaming apat kay Theo na ngayon ay taas-noo pang nakatingin sa kanila. "Anata ga watashi o ninshiki shite inai yōdesu. (I see you don't recognize me.)" Naalala ko, marunong nga palang mag-japanese ni Theo. Nagka-usap sila ni Avery gamit ang japanese language.   Ano kayang sinasabi nito? Eto nanaman tayo sa panibagong episode kung saan hindi ko nanaman maintindihan ang sinasabi ng mga taong 'to. "Matte, anata wa no musukodesu ka --- (Wait, are you the son of---)"  "Yes," Agad na pinutol ni Theo ang sinasabi ng men-in-black na iyon na para bang nagulat pa. Saglit itong tumingin sa kaniya at saka inilipat ang tingin sa amin. Napayuko kaming apat dahil sa nakakatakot na tingin nito sa amin. "They are my friends," Muling wika ni Theo. "Gomen'nasai (Sorry)" Umatras ito at saka sinenyasan ang dalawa pang men-in-black na nakatayo sa magkabilang gilid ng isang pinto. Ang isa sa kanila ay pinagbuksan pa kami ng pinto. Nagtinginan muna kami bago maglakad patungo duon. Kung ano man ang sinabi ni Theo, malamang na may laman ito.  "Thank you," Sambit ni Theo at saka sumunod sa amin sa loob. Pagsarado ng pinto ay Bumungad sa amin ang tila malungkot na aura ng kwarto. Kahit may ilaw ito, ang lungkot pa rin. May malaking bintana dito na kitang-kita ang buong Maynila. "Wow!" Sabay-sabay na bungad naming apat. Samantalang si Theo ay dumiretso sa isa sa mga kwarto ng hotel na ito. Bakit kaya? Hanggang ngayon ay mangha parin ako sa kakayahan ni Theo. Tignan mo nga naman, bukod sa matalino na, kaya n'ya pang gawin ang mga ito. Mas lalo tyloy akong na-curious sa totoo niyang pagkatao. "Anata wa koko de nani o shite iru no? (What are you doing here?)" Agad kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Mula iyon sa isa sa mga kwarto na pinasukan ni Theo. Mabilis pa sa sinag ng araw na tinungo ko ang kwarto iyon. Hindi ko na maitago ang kakaiba kong pakiramdam. Hindi ako maaaring magkamali. Boses n'ya iyon. "Ellis? Theo? Anong ginagawa n'yo dito?"  Hindi ko maalis ang titig ko kay Avery na ngayon ay halos hindi ko na makilala. Gulo-gulo ang buhok niya na akala mo bagong gising.  "A-Avery?" Si Avery nga. Teka, anong ginagawa n'ya dito? Wait, don't tell me tama ang hula ko na nandito s'ya? "Bakit kayo nandito?" Muling tanong ni Avery. "Para iligtas ka," Sagot ni Ash na nakalagay pa sa magkabilang bulsa ang mga kamay. Sinang-ayunan naman ito nila Jet. Samantalang hindi ko naman magawang makapagsalita dahil nagugulat parin ako sa nangyayare. Literal na mga pangyayare. "Baka may makakita dito sa inyo," Wika muli ni Avery.  "Huwag kang mag-alala, nasa panig natin si Theo." Sambit ni Frank sabay tawa ng malakas. Natahimik ako sa sinabi ni Frank. Tama s'ya. Nasa panig namin si Theo ngunit nakakapagtaka parin. Paano n'ya nagagawa ang mga bagay na ito? I mean, how? "Ba't ang tahimik mo d'yan Ellis? Hindi ka ba masaya na nakita mo si Avery?" Napalingon ako kay Ash dahil sa sinabi niya. Syempre masaya ako, ngunit pakiramdam ko kase ay may hindi tama. I mean kalahati sa akin ay hindi ko maipaliwanag. Tama ba ang ginagawa ko?  "Sorry," Sambit ko. Sa ngayon, kailangan ko munang intindihin kung ano ang nandito. Saka ko na iisipin ang problema kapag nand'yan na. "Para saan?" Tanong ni Avery. Huminga ako ng malalim upang bigyan ng daan ang aking sasabihin. "Dahil wala akong nagawa kanina," Maikli kong sambit sa kaniya. Namayani ang katahimikan sa aming lahat. Malamang na kung anu-ano nanaman ang iniisip ng mga ito sa utak nila. Hindi ko naman sila masisisi, kasalanan ko naman talaga. "It's okay. I know there's a reason." Dahan-dahan akong napalingon kay Avery. Kitang kong nakangiti siya sa akin. Mabilis na kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Alam kong may rason ang lahat ng ito. Ang rason kung bakit ko ginawa iyon.   "Hindi ba't nagtatrabaho ang iyong ama sa Steel Corp.?"   Halos hindi na ako makagalaw ng maayos dahil sa pumasok sa isip ko.  "Okay ka lang?" Naramdaman ko ang pagtapik ni Ash sa balikat ko. Nabalik ako sa reyalidad dahil sa ginawa n'ya. Ngayon ay malinaw na sa akin ang pagpipilian ko. Tama ba na ilabas ko dito si Avery o hindi? "Let's go," Narinig kong wika ni Theo. Nauna na siyang maglakad. Samantalang si Avery ay nanatili pa rin sa pwesto niya at may pagtataka sa mukha niya.  "Ellis..."  "Tara na," Mabilis kong sabi sa kaniya. Saglit siyang natigilan at tila nag-iisip pa. Siningkitan ko nalang siya ng mata saka mabilis na hinatak paalis sa kama. Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Ano nanaman kayang gumugulo sa isipan n'ya? Dapat nga masaya s'ya at maliligtas s'ya mula sa poder ng kanyang ama. "Watashitachiha misuruisu o kanojo no chichioya ni goei suru yō ni wariate rarete imasu. (We are assigned to escort Miss Lewis to her father.)" Narinig kong wika ni Theo mula sa labas ng room na ito.  "Saisho ni kakunin shimasu--- (We are going to check first---)" "No need," Sabat ulit ni Theo sa men-in-black na iyon saka tila may ipinakita dito mula sa kaniyang cell phone. Nagkatinginan kaming lima dahil sa ginawa ni Theo. Pati 'yung ibang men-in-black ay napatingin sa amin. "Is that so?" Wika ng men-in-black na kausap ni Theo. Muli itong tumitig sa amin isa-isa at saka umatras upang bigyan kami ng daan. "You may go," Wika nito. Tila nakahinga kami ng maluwag dahil duon. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig kay Theo. Kakaiba talaga s'ya.  There is something in him.   *** Ps: What is it folks? Lols. Anyways, sa wakas ay makakasama na ulit natin si Avery, ngunit ano naman kayang kapalit? Read more!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD