'Gang Battle'

2174 Words
"Parang may mali,"  Napatigil sa paglalakad sina Theo at napaligon sa akin. Kitang-kita ko ang pagtataka sa kanilang mukha. Maski ako ay hindi mapakali at naguguluhan. Pakiramdam ko ay may mali ngunit hindi ko alam kung ano.  "Anong mali?" tanong ni Jet. Huminga ako ng malalim.  "Hindi ko alam," Sagot ko. "Si Ellis parang tanga. Kanina pa 'yan." Bulyaw ni Frank habang kumakain ng popcorn. Napakamot na lamang ako ng aking batok dahil pati sila ay naguguluhan na rin. Hindi ko naman sinasadyang guluhin ang mga utak nila. Sadyang nakakaramdam lang ako ng kakaiba. "Tara na nga," Sabi ko saka sila nilagpasan. Nilingon ko pa sila ng mapansing hindi sila sumunod sa akin. "Sa tingin ko ay tama si Ellis," Maski ako ay natigilan dahil sa sinabi ni Avery. Hindi ko nagawang kumibo at napatitig lang sa kaniya. "What do you mean?" Tanong sa kaniya ni Theo. Napatitig sa akin si Avery na akala mo ay kinakausap ako sa kaniyang isipan. Napatingin tuloy sa akin sina Theo dahil kay Avery. "What?" Tanong ko. Umiwas na lamang sila ng tingin at natatawa pa ang mga gag*. "Umuwi na nga tayo. Masyadong marami ang nangyare sa atin ngayong araw." Singit ni Ash. Lahat kami ay sumang-ayon sa kaniya. Masyado nga namang maraming ganap sa amin ngayon kaya kailangan na naming magpahinga. "Saan nga pala tutuloy si Avery?" Napatigil kami ng magsalita muli si Ash. Napatitig ako kay Avery na ngayon ay mukhang nagulat sa tanong ni Ash. "Sa'kin," Bulalas ko. Agad ko na ring iniwas ang tingin ko kay Avery. Nararamdaman ko ng umiinit ang aking mukha.  "Okay! Ayos lang ba iyon Avery?" Tanong ni Jet kay Avery. Sinamaan ko sila ng tingin. Anong klaseng tanong 'yun? Ayos lang ba iyon Avery? Tang*na! Anong tingin nila sa akin, masamang tao? Itong mga 'to mga siraulo! "A-Ayos lang," Sagot ni Avery. Palihim na ngumiti ako. Hindi ko alam kung bakit. Ang weird noh!  *** "Nandito na po kami---" Agad akong napayuko ng mamataan ang isang lumilipad na tsinelas. Mabuti nalang talaga at alerto ang aking katawan. Mabilis kong naiwasan iyon kaya hindi ako natamaan. Mukhang alerto rin si Avery kaya naka-iwas siya. "BAKIT NGAYON KA LANG, KEITH ELLIS TANTOCO?" Sigaw ang unang ibinungad sa akin ni Mama. Hindi ko naman siya masisisi. Magaalas-dose na kase ng gabi kaya malamang na ganito ang ibubungad niya sa akin.  "Shh! Huwag kang maingay Ma, magigising 'yung mga kapit-bahay." "Paanong hindi magigising? Uwi ba 'yan ng matinong tao?" Napasimangot ako dahil inaasahan ko na ang ganitong mga linyahan ni Mama. Wala namang bago. Ganun pa man, hindi ako naririndi. Masaya ako kapag nasisigawan ako ng ganito ni Mama. "Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? Buang!" Dagdag n'ya pa. Magsasalita na sana ako ng mapatingin siya sa likuran ko. "Oh! Avery, nand'yan ka pala. Tara pasok ka."  "Ayos lang po ako, 'wag n'yo na po akong intindihin." Wika niya na mukhang natatawa pa. Pinagtatawanan n'ya ba ako? "Nako! Pagpasenyahan mo na itong si Keith, palaging gan'yan 'yan. Sana pagtyagaan mo." Pagtyagaan n'ya? Bakit? Mukha bang may namamagitan sa amin? "Sige po," Sagot niya.  Tulog na ngayon si Che-che. May pasok pa kase iyon kaya naman kailangan n'yang matulog ng maaga, pero sa tingin ko ay hindi naman talaga natuutlog 'yon ng maaga. palagi nalang malaki ang eyebag nu'n kaya hindi nakapagtataka. Si Papa naman ay wala pa ngayon. Sabi ni Mama ay nag-overtime daw sa work n'ya. Agad akong natigilan ng maalala ko si Papa. Napasulyap tuloy ako kay Avery. Bakit kaya alam ng Papa n'ya kung saan nagtatrabaho si Papa? "Nani? (What?)" Eto nanaman s'ya sa kaka-japanese n'ya. "Hoy! Turuan mo nga ako n'yan." Wika ko sa kaniya. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya dahil sa sinabi ko. "Ang alin?" "Iyang lengwahe mo," "Bakit naman?" Medyo natatawa pa s'ya dahil sa sinabi ko. "Para maintindihan ko ang sinasabi mo," Mahina kong sabi. Natahimik siya saglit ngunit hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. "Bakit gusto mong maintindihan ako?" "Para..." Natigilan ako saglit. Bakit nga ba? Ang gusto ko lang naman ay matutunan ang lengwahe n'ya, para na rin matutunan ko kung ano ang mga pinagsasasabi n'ya.  "Para?" "Wala," Maikli kong sagot. Nakita kong nagbago ang emosyon sa mukha n'ya ng marinig ang sinabi ko. Hindi ko na siya pinansin at iniwas na lamang ang aking tingin sa kaniya. Hindi na rin siya nagsalita pa. Ano kaya iniisip ni Avery ngayon?  "Avery hija, gising pa pala si Che-che, duon ka na lang daw sa kwarto n'ya." Singit ni Mama. Nagkatinginan pa kami ni Avery bago siya tumayo.  "Good night," Sambit niya at tuluyan nang umakyat sa taas. Hindi manlang ako nakasagot sa 'good night' n'ya. *** "Nakatulog ka ba ng maayos, Avery?" - Jet "Hindi ka ba inaway ni Ellis?" - Frank "Wala ba s'yang ginawa sa'yong kakaiba? C'mon, magsabi ka lang." - Ash Kanina ko pa sila naririnig at kanina pa ako naririndi. Paulit-ulit na 'yung tanong nila kay Avery na wala namang katuturan. Anong tingin nila sa akin, manyak?  "Shinpaishinaide, (Don't worry)"  "Ay! Alam ko 'yan. Teka, nasulat ko 'yan, e." Napatingin ako kay Jet habang nagbubuklat ng kanyang maliit na notebook. So, talagang nag-aaral nga sila ng lengwahe ni Avery. Hindi kaya sila nahihirapan? Para kaseng ang hirap intindihin, e. "Ano ibig sabihin? Hoy! 'Wag mo munang sabihin sa amin Avery ang tagalog, ahh." Wika ni Frank na ngayon ay nakadikit na halos kay Jet. Nakita ko namang natatawa lang sa kanila si Avery at mukhang masayang-masaya pa habang pinapanood ang katangahan nila. Huminga ako ng malalim at muling tumingin sa malayo. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng abandonadong mansyon na ito. Wala namang masama kung tumambay kami dito, di'ba? Hindi naman siguro darating agad 'yung may-ari ng bahay na ito. "Ano nang plano mo ngayon, Ellis?" Napalingon ako kay Theo. May hawak-hawak siya ngayong libro na hindi ko naman maintindihan.  "Anong plano?" Tiningnan n'ya lang ako ng may pagtataka. "Imposibleng wala kang plano. Ngayong alam mo na ang mundong kinabibilangan ni Avery, siguro naman may idea ka sa kung ano ang posibleng kapalit nito." Natigilan ako sa sinabi n'ya. Tama s'ya. Hindi normal ang mundong mayroon si Avery. Base sa mga napapanood ko, binabalikan ng mga kalaban ang bidang lalaki. "You should aware of what you have done," Dagdag pa ni Theo. "Anong gagawin ko?" Mahina kong sabi. Ayokong marinig nila Avery ang pinag-uusapan namin. "Tell me, anong gumugulo sa isipan mo ngayon?" napakunot ako ng noo. Gumugulo? Wala naman. "Wala," "Liar," Tiningnan ko si Theo ng may pagtataka. Anong gagawin ko? Wala naman talaga--- "Isipin mo mabuti, wala bang bumabagabag sa iyo ngayon? Maski kahapon?" Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi n'ya.  Kahapon ay may bumabagabag sa akin. Tungkol iyon sa pag-alis namin kay Avery duon sa grand hotel. Patuloy na umiikot sa isipan ko ang sinabi ng tatay ni Avery tungkol kay papa.   "Hindi ba't nagtatrabaho ang iyong ama sa Steel Corp.?"   Natatakot ako na hindi ko maintindihan. Labis na bumabagabag sa akin ang sinabi ng tatay ni Avery. Dahil muling pinaalala nanaman ni Theo, ngayon ay labis na bumabagabag sa akin ngayon. Theo, you dumbass! "What?" Tanong niya ng makita niyang nakatitig ako sa kaniya. Umiling na lamang ako at piniling huwag ng sagutin ang tanong niya. Ayokong pati siya ay madamay. Tama na 'yung nasangkot sila kahapon.  "Anyways, nakasalubong ko nga pala si Bon." Muli akong napatingin dahil sa sinabi niya. Kita ko ang ngiti sa mukha niya habang nakatingin sa malayo. Ngayon ay naiintindihan ko na kung saan niya nakuha ang mga galos niya sa mukha. "Ano nangyare? Panalo ka?" "Syempre," Napangiti ako. Bukod sa akin, magaling din siya pagdating sa combat. Mukhang pantay lang talaga kami, hindi sa pagmamayabang. "Bakit kaya nandito nanaman si Bon?" Bulalas kong tanong. Humarap sa akin si Theo at kitang-kita ko ang excitement sa kaniyang mukha. "Baka gusto ng part 2," Part 2? Teka, may part 1 ba? May hindi ba ako nalalaman? "Sakto nandito rin si Avery. Pwede s'yang magpraktis sa mga 'yun." Dagdag muli niya habang nakatingin kay Avery. Napanganga na lang ako dahil sa sinabi ni Theo. Bihira ko lang makita si Theo na ganito ka-excited kaya naman hindi ko na palalampasin. *** "Saan naman tayo pupunta?"  "Hoy! Saan n'yo kami dadalhin?" "Magsusumbong kami sa pulis,"  Tingnan mo ang mga siraulong 'to. Akala mo kini-kidnap ang mga gag*.  "Exciting 'to, guys!"Sambit ni Theo. Nagtinginan sina Ash na akala mo ay hindi naniniwala sa mga nangyayare. Samantalang si Avery naman ay nakangiti sa lang sa tatlong tolonggos. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Nakangiti siya ngayon at mukhang maganda ang mood. Ano bang meron sa araw na ito? "Uy! Si Bon," Turo ni Jet sa isang lalaki na nasa tapat ng isang tindahan. Kasama nanaman niya ang kaniyang mga alipores. "OY BOOON!" Sigaw ni Ash na akala mo ay close sila. Dahil sa ginawa ni Ash, napalingon tuloy sa amin ang grupo ni Bon. "Sila Ellis nand'yan," Naririnig kong sambit ng ilan sa kanila. Nakalapit na rin kami sa tindahan kung nasaan sila. Paglingon ni Bon ay kitang-kita ko kaagad ang pagkunot ng noo n'ya. "Bakit ka nandito?" tanong ni Bon. Napakunot din ang noo ko dahil sa tanong n'ya. "Bibili," sagot ko. Obvious naman. Ganon pa man, hindi talaga kami bibili. Nakakaramdam lang na ito ang tamang oras para makapag0practice. Sinulyapan ko saglit si Avery upang tingnan  ang ngiti sa mukha--- sh*t! Ano ba naman 'to?!  Mabilis akong umiling-iling. Mamaya mapansin n'ya pa ang pagtingin ko, tapos na ang laban pagka-ganun. "Pilosopo ka ba?" Medyo tumataas na rin ang boses ni Bon. Napatingin ako kay Theo na nakangiti rin. Nang mapansin siya ni Bon ay agad napa-atras ito. Malamang na umiikot a rin sa ala-ala niya ang nangyare sa kanila kanina. Napansin ko rin ang iba sa kanila na mukhang hindi pa nakakarecover sa pagtatagpo nila ni Theo. "Ano ba kaseng kailangan n'yo?" May malumanay na pagkakasabi ni Bon.  "Gusto lang namin ng round 2," wika ni Theo. Agad na nagsi-ingayan ang grupo ni Bon na tila nakarinig ng, 'we have a quiz for today'.  "Kami ayaw namin," Napa-iwas si Bon dahil bakas parin sa mukha niya ang pasa na bigay ni Theo. "Sayang naman. Gusto pa naman namin isanay ang bago naming salta." Wika ni Jet sabay turo kay Avery. Isang ngiti  ang ibinigay ni Avery sa grupo nila Bon. Muli nanaman silang nagbulungan dahil sa sinabi ni Jet.  "Di'ba s'ya 'yung babae noon?" "Oo nga," "Sanayin amp*ta,"  Kanya-kanyang reaksyon ang ibinigay nila na naririnig naman namin. Mukhang pare-pareho rin silang natrauma sa ginawa ni Avery noon. Hindi ko naman sila masisisi. Mukhang maalam rin sa combat si Avery. Malamang na sanay s'ya mag-karate.  "Ano? Game?" Naguunat-unat pa si Ash. Mukha tuloy kaming mga delinquent kids na naghahamon ng away. "T-Teka, hindi pa nga kami sumasang-ayon---" Hindi ko na agad pinatapos si Bon. Agad ko siyang sinuntok dahilan para mapatumba s'ya. Dahil du'n, agad na kumilos ang kaniyang mga kasama na nasa 20.  Para bang nabuhayan ulit ang dugo ko. Dahil sa mga nangyare sa amin nitong nakaraang araw, hindi na namin ito nagagawa, lalo na ako. Simula nang masabit ako kay Avery, hindi ko na ito nagawa. Hindi ko naman sinisisi si Avery. Siguro nga ay destiny na ang nangyare sa aming dalawa.  Kan'ya-kaniya kaming kilos. Bawat isa sa amin ay may halos tatlo-tatlong kinakalaban. Sina Jet, Ash, at Frank ay halatang nagugustuhan ang pangyayare. Samantala, hindi naman magkanda-mayaw 'yung tindera ng tindahan kung saan kami ngayon nagsusuntukan. May ilan na ring mga chismoso't chismosa ang nanonood sa amin. "Tang*na ka talaga, Ellis." Bulyaw ni Bon na ngayon ay dumudugo na ang gilid ng kaniyang labi. "Masaya naman, di'ba?" pabiro kong wika sa kaniya. Nakita kong mas namula si Bon sa sobrang inis kaya naman agad siyang sumugod sa akin.  "Wala ka talagang magawa sa buhay mo kaya kami pinagdidiskitahan mo." Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Nanatili akong tahimik. Hindi naman sa totoo ang sinabi n'ya, ayoko lang magsalita. Pakiramdam ko, alam ko na kung saan mauuwi ang usapang ito. Ayoko lang ungkatin. "MAY BARANGGAY TANOD!" Sabay-sabay kaming napahinto ng makarinig kami nng sigaw. Paglingon ko sa likuran ko, bumungad sa amin ag isang paparating na tricycle sakay ang ilang baranggay tanod. Agad na nagsipag-takbo ang ilang mga kasama ni Bon.  "Gaganti kami, Ellis Tantoco." Wika niya habang tumatakbo palayo sa akin. "Bwisit," Dugtong n'ya pa habang hawak ang kaniyang labi. May iilan ding napatumba si Avery na mukhang malaki talaga ang tama. Mukhang sanay na sanay na talaga sa pakikipaglaban si Avery. "Congrats Avery, pasok ka na sa aming grupo." Wika ni Ash habang pumapalakpak pa. Sumabay na rin sa pagpalakpak sina Jet na ikinangiti ni Avery. Hindi ko rin maiwasang mapangiti. Kahit na sa ganoong kaikling oras, nakalimutan ko ang pinobroblema ko. kahit papaaano, pumayapa ang utak ko. "Pasok na rin kayo sa baranggay, mga hijo." Napahinto kami sa pagpalakpak at dahan-dahang lumingon sa aming likuran. Nakangiting kagawad ang bumungad sa amin.    *** Ps. Ops! Another trouble nanaman ba ulit ito Ellis? Napakapasaway mo talaga. Read More!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD